Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

Claret School of Zamboanga City

LEVEL II PAASCU-ACCREDITED
Ruste Drive, San Jose Cawa Cawa, Zamboanga City
GRADE SCHOOL UNIT

Magandang araw sa lahat! Nais kong ihanda niyo ang inyong mga sarili para sa isa na
namang araw na puno ng kaalaman at pagkatuto. Handa ka na ba? Ngunit bago ang
lahat, nais kong sagutin niyo muna ang panimulang pagtataya upang alamin kung ano na
ang inyong nalalaman at dapat pang malaman.

Panimulang Pagtataya
Panuto: Isulat sa kahon ang mga kagamitan o sinong sinaunang tao ang nahanap sa mga
lugar na nakapaloob sa bilog.

Learning Activity Sheet in ARPAN 5


Bilang ng 4 Trimester: 1
Aralin
Paksa Mga Teoryang tungkol sa pinagmulan ng unang pangkat ng ato sa Linggo: 3
Pilipinas

Mga/ Layunin:

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang


1. Natatalakay ang Pinagmulan ng unang pangkat ng tao sa Pilipinas
1.1 Napapahalagahan mo ang mga teoryang naglalahad ng pagkabuo ng
kapuluan ng Pilipinas at pinagmulan ng mga unang tao sa bansa
1.2 nakabubuo ng sariling pananaw ukol sa pinakapanipaniwalang teorya ng
pinagmulan ng Pilipinas at sinaunang kabihasnan

Pagpapahalaga: Ang lahat ng bagay ay may patutunguhan (Awareness)

Disclaimer: All materials in this Learning Unit such as statements, images, PDF attachments, quizzes, video clips are intended for
educational purposes. For CSZC use only.
Simulan Natin!

Bago tayo magsimula, nais kong ihanda ninyo ang inyong sarili at ilaan ang iyong
atensiyon sa ating paksa ngayong araw.

Pagganyak (synchronous)
Marahil ay nabasa o narinig mo na ang
alamat ni Malakas at Maganda. Ayon sa
alamat, sila ay lumabas galing sa isang
mataas na kawayan at naging unang tao
sa mundo.

Naniniwala ka ba sa kwentong ito? Ipaliwanag


ang iyong dahilan,

Ngunit sa labas ng mga alamat at kwento, sino ba talaga ang unang


mga tao sa Pilipinas? Tulad ng pagkabuo ng kapuluan ng Pilipinas
mayroon ding iba’t ibang teorya ang nagpapaliwanag sa pinagmulan
ng mga tao sa bansa. Bawat teorya ay batay sa pag-aaral at masusing
pananaliksik ng mga arkeologo sa mga nahukay na artifact sa iba’t
ibang bahagi ng bansa. Ngayong araw, ay aalamin natin ang mga ito.

Alamin Natin!

Paksa

Teoryang Austronesyano
Ang teoryang ito ay iminungkahi nina
Peter Bellwood at Eusebio Dizon, mga
tanyag na archaeologist, sa kanilang
papel na ‘The Batanes Archaeological
Project and the "Out of Taiwan Hypothesis
for Austronesian Dispersal.”
Ayon dito, ang mga Austronesyano ay
mga tao na pinaniniwalaang nanggaling
sa timog na bahagi ng Tsina. Mula sa
Formosa (kasalukuyang Taiwan), sila ay
naglayag patungo sa Timog-Silangang Asya at
Karagatang Pasipiko. Pinaniniwalaang narating nila ang isla ng Batanes
noong tinatayang 3,500 BC.
Pinaniniwalaang ang mga Pilipino sa kasalukuyan ay mga apo na ng mga sinaunang
taong piniling manirahan sa Pilipinas nang ang ibang miyembro ng tribo ay lumipat
patimog, pakanluran, at pasilangan.

Disclaimer: All materials in this Learning Unit such as statements, images, PDF attachments, quizzes, video clips are intended for
educational purposes. For CSZC use only.
Patunay ng Teoryang Austronesyano

 Iba’t ibang artifacts ang natagpuan sa


isla ng Batanes tulad ng Taiwan nephrite
at slate, mga palayok na may mahabang
patayong hawakan, spindle whorls, at
binotched stone fishing sinkers.
 May pagkakahawig ang wika ng mga
Malayo-Polynesian sa mga Pilipino.

Teorya ng *Core Population*

 Pinalawig na teoryang ipinanukala


ni F. Landa Jocano.
 Sinasabing ang mga Pilipino ngayon
ay produkto ng mahabang proseso
ng ebolusyon.
 Mula sa iba't ibang pag-aaral,
napatunayan na may
pagkakaparehas ang DNA ng mga
Pilipino, Tsino, Koreano, at
Vietnamese. Pinakamalapit ang
DNA ng mga Pilipino sa mga
kabilang sa tribo ng Ami mula sa
Taiwan.

Disclaimer: All materials in this Learning Unit such as statements, images, PDF attachments, quizzes, video clips are intended for
educational purposes. For CSZC use only.
Gawain sa Pagkatuto

Panuto: Base sa talakayan, punan ang patlang ng tamang sagot.

Disclaimer: All materials in this Learning Unit such as statements, images, PDF attachments, quizzes, video clips are intended for
educational purposes. For CSZC use only.
Magagawa Natin!

Pangkatang Gawain “Brainstorming”


Panuto: Pumunta sa nakaatas na grupo at pag-usapang maigi ang mga teorya. Bawat
grupo ay dapat na maghanda ng tanong patungkol sa mga teorya na ibabato sa kabilang
grupo hanggang sa lahat na ng grupo ay makasagot.

Mga Gabay na Tanong

1. Ano ano ang mga teoryang nabanggit?

2. Anong teorya ang pinakatumatak sayo at bakit?

Pagkatapos mong gawin ang gawain, alin sa mga emoticon na ito ang nagpapakita
ng iyong naging damdamin? Bilugan ito.

Kaya Ko ‘to!

Pagsasabuhay
Sa iyong palagay, alin ang mas kapani-paniwalang teorya at Bakit ito ang iyong napili?
_______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________.

Paglalagom sa Konsepto

Disclaimer: All materials in this Learning Unit such as statements, images, PDF attachments, quizzes, video clips are intended for
educational purposes. For CSZC use only.
Sa araling ito, ang natutuhan ko ay ____________________________________
Mahalaga ito sapagkat ________________________________________________.

Pangwakas na Pagtataya

Panuto: Base sa talakayan, punan ang patlang ng tamang sagot.

Natapos mo ang ating aralin, mahusay! 

Talasanggunian:

Quipper Arpan 5 learning units. Copyright ©2018 Quipper Limited

Disclaimer: All materials in this Learning Unit such as statements, images, PDF attachments, quizzes, video clips are intended for
educational purposes. For CSZC use only.

You might also like