Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Scene 1 (HOUSE)

Boy : " Hindi pa kapa mamamatay, lakasan mo lang ang loob mo."

Tatay : "oh, magagamit mo iyan sa iyong kagipitan at mailigitas ka sa kahit anong kapahamakan. (Iniabot
ang papel na nakatupi)"

Boy : " Itay ?"

Bunso : "Itay???????? (umiiyak)"

********

Tatay : "Hoy! Makaiyak naman! Parang ililibing nako ah?"

(nabigla at napakamot ng ulo si boy at ang bunso niyang kapatid.)

Tatay : "Magpapahinga lang yung tao e.. "

Bunso : " Hays O. A mo kasi kuya.. "

Boy : " Aba malay ko baaa... "

Scene 2 (Transition) KITCHEN

Boy : " Bunso ano nga ulit ingles ng -Kumain kana ba?- "

Bunso : " Jusko naman kuya yun lang dimo alam? " (natatawang sambit ni Bunso)

Boy : " Magdadate kasi kami ni Girly e, laking states panaman yon. Baka maubosan ako ng englis nito."

Bunso : "Alam mo kuya, hindi naman basehan yung pagsasalita ng Englis o kahit anong wika payan para
lang masabi na matalino ang isang tao. "
Boy : "Ey ano, tsaka para hindi naman nakakahiya kay girly nu. "

Bunso : " Kong mahal ka niya kahit common English lang alam mo tatanggapin ka parin niya nu. "

Boy : " Sa tingin mo? "

Bunso : " Oo naman! Pero tuturoan parin kita para naman mag mukha kang mabango at matalino "
(Nagpipigil tawa na sambit ni bunso)

Boy : (Tumingin ng masama) "Baliw! Anuba talaga? Parang sinabi mong mabaho ako ah? "

Bunso : " Halaa kuya ikaw may sabi niyan, di akoo hahaha. "

Boy : (Binato ng basahan)

Scene 3 (Transition) BANYO

Boy : (Whistle.. La la la...)

Bunso : "Ganadong ganado maligo ah?"

Boy : " Syempre magkikita na kami ni Girly mamaya e."

Bunso : " Kaya naman, may mga baon kana bang English jan? "

Boy : " Ofcourse! "

Bunso : " Yabang ah? Sige nga... Try natin yabang mo. "

Boy : " What did you say? "

Bunso : " HAHAHAHA parang tanga e. "

(Lumabas ng Banyo, habang nagpupunas ng tuwalya sa ulo niya.)

Boy : " Oh ano pogi naba kuya mo? "


Bunso : " What did you say? " (tumatawa)

Boy : " I said, do I look handsome now? "

Bunso : " Hahaha parang wala naman pinagbago e. "

Boy : " Watch and learn.. Dipa to final. "

Bunso : " Ah may isasagad payan? " (tumatawa)

Boy : " Parang sinabi mong panget lahi natin ah ? "

Bunso : "Ikaw lang kuya wag muko isama HAHAHA "

Boy : " Bwesit pasaway ka talagang bata ka! "

Bunso : " Bleehhh " (sabay takbo)

Transition......

(Pumasok na si Boy sa kwarto niya para, magbihis. )

Boy : " Grabi I look so handsome " (Habang nakatingin sa salamin)

Boy : " Uhmmm hey girly how are you? Are you okay? What do you want to eat? Do I look handsome
tonight? " (Nagppraktis ng sasabihin habang kinakausap ang sarili sa salamin. )

Boy : "Nasan kaya yung Polo ko, pinamana pa sakin ni Itay yon. Hmm Bunso nakita mo ba yung Polo ni
itay? "

Bunso : " Aba malay ko sayo kuya."

Boy : "Andito lang yun e. "

(Nahanap na yung Polo.)

Boy : " See? Look at me now, ampogi pogi ko. "

Bunso : " Ngee? "


Boy : " Don't underestimate this Polo bunso, dimo ba alam na ito yung suot ni itay nung sinagot daw siya
ni inay? "

Itay : " Abaaayyy oo anak naalala ko nung kabataan ko yan din suot ko noon. "

Boy : "Ngeeee.... Halaaa anjan ka pala tay? " (Nabigla)

Itay : " Abay ano akala mo ha??? Papahinga lang ako Boy! " (Pautal utal na sambit ng itay niya habang
nakahiga)

Itay : " OH basta Boy yung sinabi ko ha, gamitin mo yung binigay ko sayo nung nakaraan. Magagamit
muyon sa oras ng kagipitan. " (Pautal utal habang umuubo.)

(Naalala ni Boy ang binigay ng kanyang itay.)

Boy : " Ano kaya iyon. Bagay na magagamit sa oras ng kagipitan uhmmm...?? "

(Pumunta na si Boy sa tagpuan nila at excited na nag aantay sa pagdating ni Girly)

Scene 4 (Transition) PARK

Girly : " Boy? Is that you? "

(napalingon si Boy... Slowmo)

Boy : " Girly? " (Nakabuka bibig)

Girly : " Hey boy are you okay? "

Boy : " ......." (tulala)

Girly : " Boy!! "


Boy : " Ay anak ng kalabaw! " (nabalikwas si Boy "

Girly : " Anak ng kalabaw? What is that? "

Boy : " ahmm Nothing, it means beautiful. Means your mother is beautiful "

Girly : " Ohh is that so? Thank you Boy, your so sweet . I will tell my mom about this."

Boy : " Ahehe, wag -- "

Girly : " Huh? "

Boy : " I said yes hehe.. "

Girly : " Cmon, let's eat? "

Boy : " Okay let's go, saan tayo kakain? "

Girly : " Hmm? "

Boy : " I mean , let's eat. Do you eat kwek kwek? "

Girly : " What is that? What kind of food is that? "

Boy : " It is a boild egg, covered by orange flour.. Basta kwek kwek. It's delicious, you should try it. "

Girly : " Ok ok.. Your treat? "

Boy : " Ofcourse my treat kahit tig lima pa tayo. May 200 naman ako dito, kwek kwek with softdrink
nato. Ehehe"

Transition (UPOAN SA MAY PARKE)

Girly : "Thank you Boy "

Boy : " Saan sa kwek kwek? "

Girly : " yes haha, but aside from that I want to thank you personally for making me feel this way "

Boy : " ahhh eee wala iyon hehe "

Girly : " thank you for trying to speak in English, pa--ra lang mag ka--intin--dihan tayo. "

Boy : " nagtatagalog kana? "

Girly : " A little bit, like you nag ttry din ako matu--to.. "
Boy : " Ay hehe that's good"

Girly : " Btw can you come to our house? "

Boy : " Ahh e Im shy, diba nakakahiya? "

Girly : " why na-- man..? "

Boy : " Look at me? I'm not handsome . I'm just an ordinary boy.. "

Girly : " (Umirap.. Shhh you look so handsome kaya. Importante naman you have a good heart. "

Boy : " Aneebbeee "

Girly : " let's go? "

(Naglakad na sila pauwi... Habang naglalakad...)

Boy : "Hmm... Girly may sasabihin sana ako sayo."

Girly : "uhmm what did you say?"

Boy : " I said... May sasabihin ako sayo!"

(sigaw ni boy)

Girly : " (Tinaggal ang headset) makasigaw ?"

Boy : "Ansabi ko kong nag enjoy kaba? "

Girly : "yeah super"

Boy : " Uhmm...

Girly : " dimo ba -- ko ihahatid? "

Boy : " yun nga gusto ko sana sabihin.. Okay lang ba? Baka pagalitan naman ako ng mga magulang mo.."

Girly : " are you afraid? " (natatawa)

Boy : " Hindi kaya... no.. No.. " (pagkukunwari ni Boy pero Sa loob loob niya takot na takot na siya "

Girly : " Dad texted me awhile ago, his waiting for me.. "
Boy : " talaga? "

Girly : " Yeah I already told him na.. Ihahatid muko hehe "

Boy : " Shessss talaga? "

Girly : " parang namumutla ka ata? Are you okay? "

Boy : " Yes I'm okay o--kk--aay "

Girly : " Cmon. "

Scene 5 (HARAP NG BAHAY NI GIRLY)

Girly: " Were here! "

Boy : " wow bahay niyo to? "

Girly : "Uhmm yeah. "

Boy : " Jusko dipa nag 1/8 bakuran namin Sa bahay niyo ah.. "

Girly : " Uhmm?? "

Boy : " Sabi ko anlaki, oh pano alis nako? "

Girly : " Umm wait boy, my daddy is waiting inside.. "

Boy : " pero --- ma masakit tiyan ko.. Next time nalang.. "

Girly : " May Cr naman sa loob e? Cmon "

Boy : " I'm going.... "

Daddy : " Anak! "

Girly : " Hey dad! "

Daddy : " Kanina pa naglakad lang kayo? "


Girly : " Yes dad, it's near naman e.. "

Daddy : " Oh iho bat dika makaharap? "

Girly : " Hey boy! " (kinalabit si boy)

Boy : " ahh ehh hello po daddy ehehe "

Daddy : " tito! "

Boy : " hehe tito! "

Girly : " Dad naman tinatakot mo si Boy "

Daddy : " Let's go inside.. Your mom is waiting.. "

Girly : " That's right, I have something to tell Mom. I'm sure Mom will like you if I say what you told me
earlier.. "

Boy : " May sinabi bako? "

Girly : " Yeah that anak ako ng K--alabaw "

Dad : " what did you say? "

Boy : " wala wala, sbi ng anak niyo, madami daw kalabaw hehe . Kanina ksi nakakita kami madami. "

Dad : " Okay get inside. "

....(transition.. house) .....

Mom : " Oh Darling is that your alalay? "

Girly : " Mom stop, his my suitor "

Mom : " Really?? "

(ngumiti si Boy...)
Boy : " Hello mommy "

Mom : "Tita! "

Girly : " BTW mom, Boy is really sweet kaya.. "

(Ngiting ngiti sow Boy..)

Boy : " yes tita I'm sweet hehe "

Girly : " Boy told me that I'm an Anak ng kalabaw this means that you are looking like a Kalabaw Mom."

Mom : " Susmayusep...... "

Boy : (Natatakot...)

Mom : " Who told that? "

Girly : " Si Boy, uh diba mom his so sweet hehe"

Dad : " Ahhh anak ng kalabaw pala ahhh..... "

Mom : " OH my God! I can't take this, Bastos na bata! "

Boy : " halaaa mali po tita . . Ah ehhh.. "

(nagwalk out si Mom, sinundan nmn agad ni Girly)

Girly : " Mom! Mom! "...

(Sila boy at Dad nalang ang naiwan..)

Daddy : " Ano ulit sabi mo sa asawa ko ?"

Boy : " Ahh ee iba po pakakaintindi at---"


Daddy : " Hep hep hep! -----"

(Naalala ni Boy ang binigay at sinabi ng kanyang itay)

Boy : " Yung papel..

Daddy :" may sinasbi ka? Tapang mo rin ha! "

Boy : " (Hinanap sa bulsa ang papel na binigay ng kanyang itay...) Ito na yun oras ng kagipitan ... "

(Binuksan ni Boy ang papel, at unti unting binasa..)

Boy : " ANAK TUMAKBO KANA... "

(sabay kuripas ng takbo ni Boy palabas ng Gate nila Girly)

Daddy : " Hoy !!!!!!!!"

Boy : " Mauna nakoo daddyyy.. "

Daddy : " Lintik nayun! Itatanong ko lang naman sana kong ilang taon na siya.. Hahaha "

Scene 6 (HOUSE NI BOY)

bunso : " Oh kuya kamusta date? "

Boy : " (Hinihingal) "

Bunso : " hey what's the ganap ba? "


Boy : " Pam--- bihira muntikan nako kanina "

Bunso : " What happened ? "

Boy : " (Hinihingal) "

Bunso : " Hey brother what happened? Have you run out of English words?"

Boy : " Tumigil ka nga parang ewan naman to e! "

----

Itay : " Oh anak? Kamusta?"

Boy : " Pambihira tay yung pamana mo! "

Itay : " Nagamit mo ba? "

Boy : " Akala ko kong ano na... (hinihingal)

Itay : " Pero nagamit mo ba? "

Boy : " Sobra tay, grabi laking tulong.. "

Itay : " OH diba, sabi ko sayo .. Oh kamusta yung nililigawan mo? Sinagot kana ba? "

Boy : " Hindi pa tay paunti unti lang.. "

Bunso : " Kuya, itay tara na kakain na "

Boy : " Sige ,oh tara tay at nangmakakain na. "

Itay : " sige.. Halika na. "

Scene 7 (Transition) HAPAG KAINAN

Itay : " E--- ano ba niluto mo bunso.? "


Bunso : " Anupaba itay edi ang special at paborito nating pagkain! "

Boy : " Tuyoooo????? "

Bunso : " Anupaba kuya? "

Itay : " Abay nung kabataan niyo e paboritong paborito nating magpamilya iyan, lalong lalo na ng inay
niyo. "

Boy : " Ey tay yun lang naman kasi yung ulam natin noon araw araw e " (napakamot ulo)

Itay : " Importante ay mayroon, swerte na natin noon dahil nakakain tayo ng tatlong beses sa isang araw
nu. "

Bunso : " Kaya nga kuya, masarap naman ang tuyo ahh.. Arte nito! Nanligaw ka lang nang mayaman e! "
(Panunukso ni bunso.)

Boy : " Hindi naman ahh, tska masarap naman talga ang tuyo e. Special dish to ni Nanay noong
nabubuhay pa siya. " (Nakangiti)

Itay : " Oh halina kayo magdasal na tayo at ng makapagpasalat sa blessing na nasa harap natin. "

(At masaya silang nagdasal at pinagsalosalohan na ang pagkain na nakahapag sa mesa. "

You might also like