Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

University of Bohol
Graduate School and Professional Studies
Ma. Clara St. Tagbilaran City, Bohol

FIL. 208
WRITTEN AND PERFORMANCE TASK

PANGALAN: RHEA T. SALDIVAR

BAGONG GABAY SA ORTOGRAPIYANG FILIPINO


Ang 2009 Bagong Gabay sa Ortograpiyang Filipino ay binubuo ng mga kalakaran kung paanong sumulat ang mga Pilipino sa
kanilang wikang pambansa. Inilalahad sa ortograpiyang ito ang estandardisadong mga grapema (o pagsulat ng mga simbolo) at mga
tuntunin sa paggamit at pagbigkas ng mga simbolong ito. Ayon sa 2009:
Ang mga grapema sa praktikal na ortograpiya ng wikang Filipino ay binubuo ng serye ng mga letrang tinatawag na
Alpabetong Filipino na may dalawampu’t walong (28) letra at binibigkas sa tawag-Ingles sa ñ (enye) na tawag sa Kastila.

Aa Bb Cc Dd Ee Ff Gg
“ey” “bi” “si” “di” “I” “ef” “ji”
Hh Ii Jj Kk Ll Mm Nn
“eych” “ay “jey” “key” “el “em” “en”
Ňñ NGng Oo Pp Qq Rr Ss
“enye” “enji” “o” “pi” “kyu” “ar” “es”

Tt Uu Vv Ww Xx Yy Zz
“ti” “yu” “vi” “dobol yu” “eks “way” “zi”

Samantalang ang hindi letra ay maaaring buuin ng mga paiwa (‘) at pakupya (^) na sumisimbolo sa impit na tunog (Ɂ), tuldik
na pahilis (ˋ) na sumisimbolo sa diin/ o haba at mga bantas, gaya ng tuldok (.), patanong (?), padamdam (!), kuwit (,), tuldok-kuwit (;),
kudlit (‘) at gitling (-).

ANG MGA TUNTUNING PANLAHAT NA PATNUBAY


AYON SA 2009 GABAY SA ORTOGRAPIYANG FILIPINO
TUNTUNIN SA PAGBABAYBAY
Ito ay nahati sa dalawa ang pasalita at pasulat na pagbabaybay:
1. Sa Pasalitang Pagbabaybay, paletra ang salitang pagbaybay sa Filipino. Kung kaya’t isa-isa ang pagbigkas sa mga letrang
bumubuo sa isang salita, pantig, daglat, akronim, inisyal, simbolong pang-agham, atb.
Pagsalita Pagbigkas
Salita bata /bi-ey-ti-ey/
nanay /en-ey-en-ey-way/
Remo /capital ar-i-em-o/
Viaje /vi-ay-ey-jey-i/
Sadik /es-ey-di-ay-key/
Pantig pa /pi-ey/
Kla /key-el-ey/
Trans /ti-ar-ey-en-es/
Tsart /ti-es-ey-ar-ti/
Akronim
PMA (Philippine Military Academy) /pi-em-ey/
NPC (National Power Corporation) /en-pi-si/
CCP (Cultural Center of the Philippines) /si-si-pi/
NBI (National Bureau of Investigation) /en-bi-ay/
Daglat
Bb (binibini) /kapital bi-bi/
G. (Ginoo) /Kapital ji/
Gng. (Ginang) /kapital ji-en-ji/
Kgg. (Kagalang-galang) /kapital key-ji-ji/
Dr. (Doktor) /kapital di-ar/
Atty. (Attorney) /kapital ey-ti-ti-way/
Inisyal ng Tao
JLS (Jose Laderas Santos) /jey-el-es/
CJC (Carlo J. Caparas) /si-jey-si/
VLT (Vilma L. Tacbad) /vi-el-ti/
Inisyal ng Samahan/Institusyon
KWF (Komisyon sa Wikang Filipino) /key-dobolyu-ef/
PSAWF (Pambansang Samahan sa Abogasya ng Wikang Filipino) /pi-es-ey-dobolyu-ef/
KBP (Kapisanan ng mga Broadcasting sa Pilipinas) /key-bi-pi/
UP (Unibersidad ng Pilipinas) /yu-pi/
MSU (Mindanao State University) /em-es-yu/
NGO (Non-Governmental Organization) /en-ji-o/
Simbolong Pang-agham/Pangmatematika
Fe (Iron) / ef-i/
H2O (water) /eych-tu-o/
NaCl (sodium en-ey-si-el/
Ib (pound) /el-bi/
Kg. (kilogram) key-ji/

SA PASULAT NA PAGBAYBAY NAMAN, ITINATAGUBILIN SA 2009 GABAY SA ORTOGRAPIYANG FILIPINO NA SUNDIN ANG
MGA SUMUSUNOD:
1. Panatilihin ang orihinal na anyo ng mga salitang mula sa ibang katutubong wika sa Pilipinas.
a. Vakul (Ivatan). Panakip sa ulo na yari sa palmera ng ginagamit bilang pananggalang sa ulan at init ng araw.
b. Payyo/payew (Ifugao). Pangkalahatang tawag sa palayan ng mga Ifugao.
c. Bananu (Hudhud). Sa halip na hagdan-hagdang palayan (rise terraces).
d. Tsanak o t’nalak (T’boli). Halimbawa yari sa abaka ng mga T’boli.
e. Butanding (Bikol). Sa halip na “whale shark”
f. Cabalen (Pampango). Kabayan
g. Hadji. Lalaking Muslim na nagsagawa ng banal na paglalakbay sa Mecca.
2. Sa pagbabaybay ng mga hiram na salita mula sa mga banyagang wika, panatilihin ang orihinal nitong anyo.
Rendevouz samura reservoiri
Habeas corpus sphagetti jogging
Depot Salvage
3. Sa pagbabaybay ng mga salitang mula sa Español, baybayin ito ayon sa ABAKADA
vintana = bintana familia = pamilya
cigarillo = sigarilyo mantiquilla = mantikilya
lavacara = labakara zapatos = sapatos
4. Sa pag-uulit ng salitang-ugat na nagtatapos sa patinig na e hindi ito pinapalitan ng letrang i. Kinakabitan ng pang-ugnay/linker
(-ng) at ginagamitan ng gitling sa pagitan ng salitang-ugat.
Pobre = pobreng-pobre nuebe = nuebeng-nuebe
Grabe = grabeng-grabe suwerte = suwerteng-suwerte
Swabe = swabeng-swabe
5. Sa pag-uulit ng salitang-ugat na nagtatapos sa patinig na o hindi ito pinapalitan ng letrang u. Ginagamitan ng gitling sa
pagitan ng salitang-ugat.
Ano = ano-ano Sino = sino-sino
Pito = pito-pito Tayo = tayo-tayo
Halo = halo-halo (magkakasama-sama ang iba’t ibang anyo)
Buto = buto-buto Piso = piso-piso
Solo = solo-solo

May mga salitang nabubuo sa pag-uulit ng salitang-ugat na hindi ginagamitan ng gitling. Ang hindi paggamit ng gitling ay
nagpapahiwatig na hindi na taglay ng salitang-ugat ang kahulugan nito, at sa halip, nagkakaroon nan g bagong kahulugan ang
nabuong salita tulad ng:
Halohalo (pagkain)
Salosalo (piging/handaan)
Batobato (isang uri ng ibon)
Hindi kasama ang paruparo at gamugamo dahil walang salitang-ugat na paro at gamo o paru at gamu ay hindi makatayong
mag-isa.
6. Ang mga salitang may o sa huling pantig inuulit man o inuunlapian, nanatili ang letrang o.
Ginagamitan ng gitling sa pagitan ng mga salitang-ugat.
Buklod = buklod-buklod Kahon = kahon-kahon
Dugtong = dugtong-dugtong Milyon = milyon-milyon
Subod = sunod-sunod Taon = taon-taon
Gulo = magkagulo-gulo Labo = magkalabo-labo
Salo = magsalo-salo
7. Kapag hinuhulapian ang huling pantig ng salitang-ugat na nagtatapos sa e, ito ay nagiging i at ang o ay u.
Kape = kapihan
Korte = kortihan
Salbahe = salbahihan
Balot = balutin
Bago = baguhin
Handog = handugan
Hinto = hintuhan
Laro = laruan
Sinusunod din ang mga tuntuning ito sa mga salitang-ugat na may panlaping kabilaan (unlapi at hulapi).
Bukod - pagbukod-bukurin Dugtong - pagdugtong-dugtungin
Sunod - pagsunod-sunurin Lingcod - paglingkuran
*Gayon man may mga salitang nananatili ang e kahit hinuhulapian.
Sine - sinehan Bote - botehan
Onse - onsehan Base - basehan
8. Makabuluhan ang tunog ng e at o kapag inihahambing ang mga hiram na salita sa mga katutubo o hiram na salita.
Bente - binti Pesa - pisa Mesa - misa

Uso - oso Tela - tila


9. Gayonman hindi pwedeng palitan ng i ang e at o sa u. Dapat paring gamitin ang baybay na matagal na o lagi nang ginagamit.
Babae - hindi babai buhos - hindi buhus
sampu - hindi sampo
*Tandaang sa mga salitang hiram naman na karaniwa’y sa Ingles ang inulit ay ang tunog ng unang KP ng orihinal na ispleling.
Bike magba-bike Design magde-design
Poter magpo-poster Travel mgtra-travel
*Kapag ang salitang hiram ay may digrapo o kambal katinig na may-iisang tunog, inu-ulit ang digrapo at ang unang patinig o tunog sa
Filipino ng unang pantig.
Show magsho-show Ship magshi-ship
Tsololate matso-tsokolate Tsinelas magtsi-tsinelas
*Ang iba pang salitang hiram na may kambal katinig kapag-iniulit o nilalapian ay binabaybay sa pamamagitan nang pag-uulit ng tunog
ng unang katinig at patinig ng unang pantig ng salitang-ugat.
Icha-chat magpe-present magus-subscribe
MGA TUNTUNIN SA PANGHIHIRAM
Ayon pa sa 2009 Gabay sa Ortograpiyang Filipino ang tuntunin sa panghihiram ng mga salita ay ang mga sumusunod:
1. Tumbasan ng kasalukuyang leksikon sa Filipino ang mga salitang hiram o banyaga.
Appetite = pampagana Arts = sining
Debate = pagtatalo Socio = lipunan
Banquet = ssalusalo Concept = konsepto
Descriptive = palarawan Budget = laang-gugulin
2. Gamitin ang mga katutubong mga salita mula sa mga katutubong wika sa Pilipinas at panatilihin ang orihinal na baybay.
Baba - (Hilihaynon at Sugbuanong Bisaya) tawag sa asawang lalaki
butanding - (Bikol) whale shark
imam - (Tausog) Muslim priest
cañao - (Igorot) panseremonyang sayaw
banhaw - (Visaya) muling pagkabuhay
chidwaa - (Ivatan) biloy (dimple)
gahum - (Cebuano, Hiligaynon, Waray) kapangyarihan
3. Mga salitang salitang hiram sa Español.
a. Baybayin ang salita ayon sa ABAKADA.
Vocabulario = bokabularyo Musico = musiko
Celebracion = selebrasyon Maquinilla = makinilya
Maquina = makina Psicologia = sikolohiya
b. Sa mga salitang hiram sa Español na may e, panatilihin ang e.
Estudyante = hindi istudyante Estilo = hindi istilo
Espirito = hindi ispirito Estruktura = hindi istruktura
Desgrasya = hindi disgrasya Espesyal = hindi ispesyal
Maestro = hindi maistro
c. Sa mga salitang hiram sa Español na may o, panatilihin ang o.
Politika = hindi pulitika Opisina = hindi upisina
Tradisyonal = hindi tradisyunal Koryente = hindi kuryente
Tornilyo = hindi turnilyo
d. Sa mga salitang hiram sa Español na may o at sinusundan ng n nagbabago ang kasunod na katinig, ang o ay nagiging u
at ang n ay nagiging m.
Kastila Filipino
Conferencia = kumperensiya
Confesar = kumpesar
Conflanza = kumpiyansa
Confidencial = kumpidensyal

4. Mga salitang hiram sa Español at Ingles: Kung hindi tiyak ang pagtutumbas, hiramin ang orihinal na Español at Ingles.
Hindi ipinapayong panumbas ang sumusunod:
Imeyds - imahe (para sa image)
Dayalog - dayalogo (para sa dialogue)
Prayority- prayoridad (para sa priority)
5. Panghihiram sa wikang Ingles: kung wikang Ingles at iba pang wikang dayuhan ang pinaghiraman, panatilihin ang orihinal na
ispeling kung makalilito ang pagsasa-Filipino ng baybay.
Habeas corpus Bouquet Depot salvage toupee
spaghetti reservoir
6. Panatilihin ang orihinal na baybay ng mga salitang pantangi, panteknikal, pang-agham at mga simbolong pang-agham at
matematika.
Manuel Quezon Biñan Laguna tape recorder cell phone
Albaza Bldg. Jose Reyes Hospital videotape loudspeaker
John wax compact disk Fe (iron) C (carbon)
Chemotheraphy ZnO (Zinc oxide)

Sanggunian:
Komnikasyon sa Akademikong Filipino nina Edwin Mabilin et.al.

You might also like