Document 5 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

(1st scene)

Paro parong bukid

(2nd scene)

(Inanunsiyo ni Angelo ang kasunduang pag Kasal nila Rico At Rosa)

Angelo: maraming salamat sa pagdalo sa Kapistahang ito! ako'y nagagalak na mabigyan ng oportunidad upang
ibahagi sainyo ang malapit na pag iisang dibdib nang ating minamahal na donya

(Clapping of hands every where)

Angelo: Ngayon ay aking ipinapakilala ang maswerteng binata na mapapakasalan ng ating donya. galing sa
Malayong Lugar ang Panganay ni Don. Amir ng nueva ecija Don. Rico Moncada

(Lalabas yung Pogi kasama yung mga goons)

Rico : maraming salamat sa (warm welcome(?)) mainit na pagtanggap sa akin. Di na ako makapaghintay makita
ang aking pakakasalan.

(Clapping of hands)

Angelo: maraming salamat don rico. At heto naman ang ating pinaka mamahal at kaisa isang anak ng ating
gobernador, donya Rosa Alvarez

(Lalabas si Rosa at iikot sa gitna , katapos niyang makaikot sa gitna lalakad Sya paharap tapos bigla niyang
makakabangaan si David na parang nag mamadali at may hinahanap)

(sasaluhin ni david si rosa )

David: rosa! Paumanhin, nasaktan ba kita?

Rosa: david... nandito ka pala

David: oo naman, nandito ako para suportahan kita bilang matalik mong kaibigan

(mag ngingitian ang dalawa at magbibitawan)

Mira: Paumanhin Donya, ngunit kailangan na nating mag patuloy sa plaza

Rosa: ahh… oo..

(titignan ni rosa si david at bibigyan ng malungkot na ngiti)

Rosa: david

(ngingitian pabalik ni david si rosa at mag papatuloy na ang dalawa sa kanya kanyang pupuntahan)

(3rd scene)

(papasok si rico habang may mga nagkwekwentuhan sa likod)

(papasok si rosa katapos)

Rico : Donya Rosa (hahawakan ang kamay ni rosa)

Rosa : Don Rico


Rico : nasisiyahan ako na sa wakas tayo ay nagkakilala, at gagawin ko ang lahat para maging isang mabuting
asawa sayo

Rosa : at ako rin sayo.... don rico

(tutugtog ang magsayawan)

(yayayain ni rico si rosa na sumayaw)

(4th scene)

Magsayaw scene

(katapos ng sayaw ay makikita ni rosa si david at pupuntahan niya ito)

Rosa: david!

David: rosa

(maghoholding hands sila <selos ka na yan>)

Rosa: nagagalak akong makita ka muli

David: at ako rin. kamusta naman? Anong masasabi mo sa don na mapapangasawa mo?

Rosa: si don rico?.. Siya ay magalang naman at mabait

David: at?

Rosa: at ano pa ba?

David: sa tingin mo ba ay gwapo sya? Magaling sumayaw?

Rosa: walang tatalo sayo sa pagsasayaw david

David: at sa kagwapuhan?

(papaluin ni rosa si david ng pabiro at magkakatuwaan sila)

Rosa: anong bang pinagsasabi m.....

(mag fafade ang pag uusap ng dalawa at patuloy pa rin ang pag uusap nila habang may nag peperform)

(5th scene)

Katakataka

(mag didisperse ang crowd at maiiwan sina rosa at david)

David: rosa.. Masaya ka ba? (hahawakan ang kamay ni rosa) aminin mo sa akin ang tunay mong nararamdaman.
Huwag mong ipilit ang hindi naman magpapasaya sayo.

Rosa: david.. Sa totoo lang ay ikaw-

(mapuputol ang sasabihin ni rosa ng tumawag si mira)

Mira: Donya Rosa!

Rosa: Mira?
(pupuntahan ni mira si rosa at may ibubulong)

(titignan ni rosa si david)

Rosa: salamat mira, sige at mauna ka na

(aalis si mira at makakasalubong si rico)

Rico: donya rosa, nandito ako para sunduin ka sa ating sayawan

(titignan ni rico si david)

Rico: sino ang gi-

Rosa: paumanhin don rico, biglaan man ito ngunit hindi ko na kayang magpanggap pa. Hindi kita kayang
pakasalan

David: Rosa?

Rosa: meron na akong minamahal bago pa tayo pinagkasunduang ipapakasal, at iyon ay ang lalaki sa tabi ko..
(titignan ni rosa si david) david, ikaw ang minamahal ko

David: rosa..

Rico: Naiintindihan ko

(titignan ni rosa at david si rico)

Rico: nasisiyahan ako at nasabi mo rin ang totoo mong nararamdaman, kaya huwag kang matakot sabihin ito sa
lahat. Kaya naman ay kayo na ang magpatuloy sa sayawan

Rosa: don rico..

David: maraming salamat

(tatango si rico at magpapaalam na)

(magtitigan ang dalawa at aalis ng magkahawak kamay)

(6th scene)

Tiklos.... (pang bayanihan naman tong tiklos na to ayaw niyo bang palitan? Haha Lulay maganda)

(first part ng sayaw ay sila muna tapos nakapaligid ang mga tao at nagbubulungan, katapos ay sasali rin sila)

David: iba ang ganda ng iyong ngiti ngayong gabi

Rosa: ganon ba? Haha

David: mahal din kita rosa, mag simula nang tayo’y bata pa, at mamahalin kita hanggang sa pagtanda natin

(mag huhug sila ng mahigpit, alang maarti)

(7th scene)

Kahit maputi na ang buhok ko

Notes:
1. Sa mga dialogues mag lagay kayo ng bg music para hindi masyadong dry
2. Pwede niyo isakto sa mga next songs pero kung hindi pwede kagaya nung sa bago mag tiklos maglagay
nlng kayo ng piano instrumentals pwede naman siguro, dapat walang mga pauses na awkward
3. Kung may papaiba pa kayo or ayaw sa script magpadala lang kayo ng sulat (gusto ko handwritten)

Yun lang. Tumatanggap po ako ng gcash salamat

You might also like