Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

MODYUL 6: Layunin, Paraan, Sirkumstansiya, at Kahihinatnan ng Makataong

Kilos

“Kilos ay suriin, mabuti lagi ang piliin”. Ang pagsunod sa mga salitang ito ay
nangangailangan ng kilos-loob upang patuloy na maakit at lumayo sa masama.

Ang makataong kilos ay bunga ng ating isip at kagustuhan na nagsasabi ng ating


katangian. Kung ano tayo at kung ano ang kalabasan ng ating kilos ay batay sa ating
pagpapasiya. Ang papel ng isip ay humusga at mag-utos. Ang papel ng kilos-loob ay
tumutungo sa layunin o intensiyon ng isip.

Ang panloob na kilos ay nagmumula sa isip at kilos-loob, habang ang panlabas na kilos
ay ang pamamaraan na ginagamit upang isakatuparan ang panloob na kilos.

KILALA MO BA SI ROBIN HOOD?


Siya ay kilala bilang matulungin sa mahihirap, subalit siya ay nagnanakaw upang makabili
ng mga pangangailangan ng mga kapos sa buhay. Tama man ang kaniyang panloob na
kilos, nagkakaproblema naman siya sa kaniyang panlabas na kilos.

BATAYAN SA PAGHUHUSGA KUNG ANG KILOS AY MORAL O HINDI


1. Layunin. Ito ay ang panloob na kilos kung saan nakatuon ang kilos-loob at sa
taong gumagawa ng kilos (doer). Personal itong gawaing hindi nalalaman ng
ibang tao.
2. Paraan. Ito ay panlabas na kilos na kasangkapan o paraan upang makamit ang
layunin. Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, may nararapat na obheto ang kilos.
Halimbawa, kung nais mong tumulong sa mahihirap, nararapat kang magpunyagi
at magsumikap upang makamit ang iyong layunin sa mabuting paraan. Subalit,
kung ikaw ay magnanakaw upang makatulong sa kanila, tama man ang iyong
layunin, subalit mali ang iyong paraan.

BETTER SIGURO IF MAG IINSERT NG VIDEO DITO MAY NANGONGOPYA? PWEDE


NATIN SIYA IFILM SAGLIT, HINDI NEED SUPER EDITED, NANGONGOPYA LANG.
PHONE KO NALANG GAMITIN SAYANG NAMAN KUNG PURO KAPOGIAN KO
LANG NANDOON!

PANGONGOPYA
Layunin: Makasagot sa pagsusulit.
Nararapat na obheto: ang pagsulat ng nalalaman mo, hindi ang nalalaman ng iba.

PWEDE MAG INSERT NG QUESTION DITO NA “IKAW, NAKAPANGOPYA KA NA


BA? ANO ANG NAGING EPEKTO NITO? MASAYA KA BA SA IYONG NAGING
KILOS?”.

3. Sirkumstansiya. Ito ay ang kondisyon o kalagayan ng kilos na nakababawas o


nakadaragdag sa kabutihan o kasamaan ng kilos. Ito ang iba’t ibang
sirkumstansiya:
3.1. Sino. Ito ay tumutukoy sa tao na nagsasagawa ng kilos at sa taong
maaaring maapektuhan nito.
WAG NA SIGURO ILAGAY TO PERO SA PALIWANAG OO: Halimbawa,
si Arnold ay nangongopya sa pagsusulit, habang siya naman ay
pinakokopya ni Samantha. Sila ay bahagi ng sirkumstansiyang nakapaloob
sa “Sino”.

3.2. Ano. Ito ay tumutukoy sa mismong kilos, gaano man ito kalaki o kabigat.
SAME AS SINO: Ang pangognopya ni Arnold, maaaring sa kadahilanang
hindi siya nakapag-aral kagabi dahil siya ay naglaro ng Mobile Legends, ay
sia ring sirkumstansiya.

3.3. Saan. Ito ay tumutukoy sa lugar kung saan ginagawa ang kilos.
SAME AS ANO: ginagawa nila Arnold ang pangongopya sa paaralan.

3.4. Paano. Ito ay tumutukoy sa kung paano isinagawa ang kilos. Halimbawa,
tinignan ni Arnold ang papel ni Samantha, habang kusa naman itong inilapit
ni Samantha sa kaniya upang lalo niya itong maaninag.

3.5. Kailan. Ito ay tumutukoy sa kung kailan ginawa ang kilos. Maaaring ginawa
ni Arnold ang pangongopya sa panahong alam niyang babagsak siya sa
asignatura kung hindi siya makakukuha ng mataas na grado sa pagsusulit,
subalit hindi pa rin niya pinagbuti ang pag-aaral.

4. Kahihinatnan. Ito ay ang epekto ng mga gawain ng taong may dahilan, batayan,
at kaakibat na pananagutan.

Ang mabuting kilos ay nararapat na magng mabuti rin sa motibo at sirkumstansiya.

You might also like