Professional Documents
Culture Documents
ESP - Supplementary materials-Q4-Mod1
ESP - Supplementary materials-Q4-Mod1
ESP - Supplementary materials-Q4-Mod1
Department of Education
REGION XI-DAVAO
SCHOOLS DIVISION OF COMPOSTELA VALLEY
NEW BATAAN NATIONAL HIGH SCHOOL
CABINUANGAN, NEW BATAAN, COMPOSTELA VALLEY
School ID: 304206
Part II – Nilalaman
Kung ang tao ay nakagawa ng masama o di mabuting desisyon sa buhay, ano ang maaaring
mangyayari sa kaniya? Ano naman ang maaaring mangyayari kung ang pasiya niya ay tama o mabuti?
Sa nakaraang aralin natin sa Ikalawang Markahan, nalalaman natin na ang tao ay biniyayaan ng
Diyos ng isip at kilos-loob kaya tayo ay natatanging nilalang Niya. Tayo ang tanging nilalang na
nakapagpapasiya.
Ang ating mga pagpapasiya ngayon ay may malaking kaugnayan sa uri ng ating buhay sa
hinaharap. Nasasaisip mo ba ito? Kaya dapat lamang na matutunan natin ang mga paraan tungo sa
mabuting pagpapasiya.
Lahat ng kilos ng tao ay kaniyang pinagpapasiyahan, gaano man ito kaliit o kasimple. Katulad ng
kung ikaw ba ay magsulat o hindi, makinig o hindi, at marami pang iba. Sa mga usaping moral ang
bawat pasiya ay nangangailangan ng matinding pag-iingat dahil buhay natin ang nakalaan dito.
Sa larong chess ginagamit ang patakarang touch move. Alam mo ba ang kahulugan nito?
Napapansin mo ba na ang mga naglalaro ng chess ay dumadaan sa malalim na pag-iisip o pag-aaral
para makapili ng tamang piyesang isusulong? Ito ay dahil sa kung hindi niya ito gagawin , matatalo siya.
Hindi man tayo naglalaro ng chess, maihahalintulad natin dito ang mga dapat nating gawin sa
ating mga pagpapasiya. Kung sa ating ginagawa tayo ay nasasaktan pati na rin ang iba, tama kaya ang
isinakatuparan nating pasiya? Kung ang layunin mo ay para sa lamang sa iyong sariling kaginhawahan
sa kabila ng paghihirap ng iba, tama ba ang iyong ginawa?
Ang mga pangyayari sa buhay natin ay mula sa ating pagpapasiya. Tama rin si Roy Disney na ang
mga desisyon natin ay naayon sa ating pagpapahalaga, sa ating layunin sa buhay, sa mga gusto nating
mangyari sa darating na panahon.
Part III – Gawain:
Ayon kay Mahatma Ghandi “The future depends on what we do in the present”. Bawat kilos natin ay
pasiyang isinakatuparan natin ngayon at may epekto hanggang sa hinaharap.
Ayon naman kay Roy Disney “It’s not hard to make decisions when you know what your values are”.
Magbuo ng iyong Layunin sa Buhay o Personal Mission Statement na magiging gabay mo sa iyong mga
pagpapasiya. Maaaring ito’y isang motto, tula, kasabihan o maikling sanaysay.
Panuto: Maaaring gumawa ng iyong sariling istilo. Gawin ito sa isang malinis na papel o anumang uri ng papel na
iyong gagamitin.
B. Marami ng sitwasyon sa buhay natin na kinakailangan nating gumawa ng agarang pagpapasiya. Subukin mo
ang iyong sarili na magpasiya sa mga sitwasiyon sa ibaba. Sundin ang pormat at gawin ito sa iyong saguting
papel.
C. Paano mo maipaliwanag ang dayagram na ito? Magbuo ng mahalagang konsepto o pag-unawang iyong
natutunan sa araling ito. Isulat ang iyong paliwanag sa sagutang papel.
Hindi tayo perpektong tao. Marahil may ilang beses ka na ring nakagawa ng maling desisyon
o pasiya. Gayunpaman, hindi pa huli ang lahat para matututo mula sa ating mga karanasan.
Mali man o tama ang naging desisyon natin sa isang sitwasiyon, nawa’y nakapag-iwan ito sa
atin ng mahalagang aral.