Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

FILIPINO 6

I.LAYUNIN: Pagkatapos ng aralin ang mga mag aaral sa Ika-anim na baitang ay


inaasahang mabibigyang kahulugan ang salitang hiram ng 75% na kwastuhan.

F6V-llb-4.2

II. PAKSANG ARALIN:


A.Aralin: Hiram na salita
B. Sanggunian: Alab Filipino Book
C. Kagamitan: Activity sheets, Tarpapel, Laptop

III. PAMAMARAAN:
A.Panimulang Gawain:
1. Balik Aralin
Tungkol saan ang ating tinalakay kahapon?
2. Pagsasanay:
Pagbaybay ng iba’t ibang hiram na salita
1. Magasin
2. Kompyuter
3. Interbyu
4. Pulis
5. Ketsap

B.Panlinang na Gawain:
1. Pagganyak
1. Ano ang inyong nakikita?
2. Mayron ba din kayo nito sa inyong tahanan?
2. Paglalahad
Magpakita ng ibat- ibang hiram na salita at ipabasa ito sa mga mag-aaral ng sabay-
sabay.
Edukasyon Produkto Siyensiya Kapitan

3. Pagtatalakay
Ngayong araw ay matututuhan nating bigyang kahulugan ang hiram na salita.
Ano ang hiram na salita?

-ay hindi likas na mga kataga sa wikang Filipino pero ginagamit sila sa


pakikipag-usap.
Halimbawa:
Ketsup – Ketchup
Pulis – Police
4. Mga Gawain
Gawain 1
Panuto: Piliin ang Hiram na salita sa mga nabanggit na pangugusap.
1. Ang iskrin ng telebisyon naming ay malapad
2. Nahuli na si Nilo ng mga pulis.
3. Ang keyk na kanyang binili ay masarap.
4. Nagalit ang isang kostomer dahil sa mali ang ibinigay na pagkain sa kaniya.
5. Sumakay ako kanina ng Dyip

Gawain 2:
Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung ang salita sa bawat bilang ay
maituturing na salitang hiram at ekis (x) kung hindi.
____1. Teknolohiya ____6. Papaya
____2. Musika ____7. Buwayak
____3. Mahal ____8. Pista
____4. Prinsipal ____9. Bilib
____5. Ina ____10. Kanin
Gawain 3:
Pangkatan: Ipangkat sa tatlong grupo ang klase.
Panuto: Magtala ng Limang hiram na salita at ibigay ang kahulugan nito.

5. Paglalahat
Ano ang hiram na salita?

-ay hindi likas na mga kataga sa wikang Filipino pero ginagamit sila sa


pakikipag-usap.
Halimbawa:
Ketsup – Ketchup
Pulis – Police
6. Paglalapat
Panuto: Piliin mula sa kahon ang salitang hiram na bubuo sa bawat pangungusap
sa ibaba.
Populasyon Basktebol Misis
Musika Taksi

1. Ang _______ sa aming lugar ay maliit lamang.


2. Naglaro kami ng tatay ko ng ________.
3. Ang _______ ko ay nakakatakot.
4. Ang buhay ng isang tao ay parang _______ dapat sumusunod ka lang sa tunog.
5. Ang lamig sa loob ng _____ na aming nasakyan.

IV. PAGTATAYA/EBALWASYON
Panuto: Piliin ang hiram na salita. Bilugan ang titik ng tamang sagot at ibigay ang
kahulugan nito.
1. Ano ang pagbaybay ng salitang sport sa Filipino?
a. isport b. sport c. esport
Kahulugan: __________________________________________
2. Baybayin ang salitang scout sa filipino
Kahulugan: __________________________________________
3. Ano ang katumbas ng salitang cemetery sa Filipino?
a. semeteryo b. sementeryo c. cemetery
Kahulugan:__________________________________________
4. Alin ang salitang hiram sa pangungusap na ito.
Yakap ni anna ang stuffed toys niya.
a. Anna b. stuffed toys c. yakap
Kahulugan:___________________________________________
5. Alin ang hiram na salita sa pangunugsap na ito.
Nakakita ako ng unggoy sa zoo.
a. ako b. unggoy c. zoo
Kahulugan:___________________________________________
V. TAKDANG ARALIN

Magtala ng sampung Hiram sa salita sa inyong kwaderno. Ilagay ang hiram na salita
at ang kahulugan nito.

You might also like