Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

To: MARJORIE M.

ESTRADA
DRIVER

From: Management (GOLDEN TOWER STEEL TRADING CORP.)


Date: November 18, 2022
Subject: NOTICE TO EXPLAIN WITH PREVENTIVE SUSPENSION

MR: MARJORIE

Ito ay may kinalaman sa ulat na natanggap ng kompanya tungkol sa diumano hindi


pag baba ng mga bakal na binili ng isang kustomer na nagngangalang WILMER
DELA CRUZ mula sa ating kompanya kahapon, Nobyembre 16, 2022, sa bayan ng
Alicia, Isabela.
Napag-alaman na noong Nobyembre 16, 2022, kayo ay nag hatid ng mga bakal na
inorder ng nasabing kustomer sa atin sa bayan ng Alicia, ngunit noong
magimbentaryo ng mga bakal, napag-alamang maraming kulang sa mga ito.
Dagdag pa rito, kayo ay umamin na ibinenta sa ibang mga tao ang kulang na bakal
na dapat ay naibigay sa nasabing naghahabla at sumulat ng kasunduan kasama
ang naghahabla na si Mr. DELA CRUZ kung paano mababayaran ang hindi
naibigay na mga bakal.
Dahil sa nangyari, ikaw ay mag sumite ng nakasulat sa paliwanag hinggil sa
nangyari sa loob ng limang (5) araw (calendar days) mula nang matanggap ang
Notice To Explain na ito. Ipaliwanag mo kung bakit ikaw ay hindi isailalim sa
disciplinary policy ng kompanya na maaaring maging dahilan ng pagkatanggal sa
trabaho kung mapatunayan.
Habang nag-iimbestiga, ikaw ay isasa-ilalim sa preventive suspension sa loob ng
dalawampong (20) araw simula bukas, araw ng sabado, Nobyembre 19, 2022 dahil
sa ang nasabing pangyayari ay makakapagdulot ng seryoso at klarong panganib
sa mga pag-aari ng kompanya.
Kung ikaw ay hindi makapgsumite ng iyong paliwanag ito ay ituturing na pagtalikod
sa iyong karapatan sa nasabing imbestigasyon.
Para sa iyong mahigpit na pagsunod.

STELLA O. SY
Manager

You might also like