Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 15

Pa

g-
a
Hi ari
nd ng
iI
pi Pam
na
gb ah
ib ala
ili a
n

Modyul para sa
Sariling Pagkatuto
Araling Panlipunan– Unang Baitang
Unang Markahan – Modyul 9: Pagkilala sa Sarili: Mahahalagang Pangyayari sa
Buhay ng Isang Mag-aaral (kasalukuyan)
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda
ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Dibisyon ng Pasig


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Komite sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Jesuzette D. Dela Vega


Editors: Ma. Cecilia L. Atuan,
Ana Marie B. Bucad
Tagasuri: Liza A. Alvarez, EPS - Science/STEM/SSP
• Nilalaman: Ma. Cecilia L. Atuan, Teresita P. Tagulao, EdD, EPS
Ana Marie B. Bucad Mathematics, ABM
• Wika: Leonardo G. Diez Jr., Joselito E. Calios, EPS - English/SPFL/GAS
Reann A. Virtudazo Ma. Teresita E. Herrera, EdD, EPS
• Teknikal: Godofredo D. Garcia Jr. Filipino/GAS/Piling Larang
Tagaguhit: Edison P. Clet Bernard R. Balitao, EPS - AP/HUMSS
Ernesto D. Tabios Norlyn D. Conde, EdD, EPS
Tagalapat: Godofredo D. Garcia Jr. MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports
Perlita M. Ignacio, PhD, EPS - EsP
Management Team: Librada L. Agon, EdD, EPS
EPP/TLE/TVL/TVE
Ma. Evalou Concepcion A. Agustin Dulce O. Santos, PhD, EPS
OIC-Schools Division Superintendent Kindergarten/MTB-MLE
Carolina T. Rivera, CESE Susan L. Cobarrubias, EdD, PSDS - Special
Assistant Schools Division Superintendent Education Program
Manuel A. Laguerta, EdD Wilma Q. Del Rosario, EPS - LRMS/ADM
Chief, Curriculum Implementation Division
Victor M. Javeña, EdD
Chief, School Governance and Operations Division

Inilimbag sa Pilipinas ng Dibisyon ng Pasig City

Department of Education – National Capital Region

Office Address: Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City


Telefax: 641-88-85, 628-28-19
E-mail Address: division.pasig2016@gmail.com
Araling
Panlipunan 1
Unang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto
Pagkilala sa Sarili:Mahahalagang
Pangyayari sa Buhay ng
Isang Mag-aaral (kasalukuyan)
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan Baitang 1 ng Modyul


9 para sa araling Pagkilala sa Sarili: Mahahalagang Pangyayari sa Buhay ng Isang
Mag-aaral (kasalukuyan)
Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan Baitang 1 Modyul 9 ukol sa


Pagkilala sa Sarili: Mahahalagang Pangyayari sa Buhay ng Isang Mag-aaral
(kasalukuyan)
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibinuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Ang modyul na ito ay nakalaan para sa mag-aaral


ng unang baitang. Mahalagang pag-aralan mo ito dahil
makakatulong ito sa iyo upang malaman at maintindihan
ang mahahalagang pangyayari sa buhay ng isang mag-
aaral sa kasalukuyan.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga larawan ng gawain


ng isang mag-aaral bago pumasok sa paaralan.
Isulat ang bilang 1-5 sa patlang.

______ A. _______ D.

______ B. _______ E.

______ C.

1
SDO_Pasig_Q1_AP_1_Modyul_9
BALIK-ARAL

Panuto: Ayusin ang mga larawan ni Althea mula noong


siya ay sanggol pa lamang sa pamamagitan ng
pagsusulat ng bilang 1.2.3.4.5. at 6.

2
SDO_Pasig_Q1_AP_1_Modyul_9
ARALIN

Panuto: Basahin ang isa nanamang kwento tungkol sa


isang magaaral na nasa Unang baitang at mga
mahahalagang pagbabago sa kanyang buhay.

Ang Mga Pagbabago sa Buhay ni Althea

Sumapit ang ika-6 na kaarawan ni


Althea. Napakarami niyang bisita.
Naroroon ang kanyang mga bagong
kaibigan sa paaralan. Nasa Unang
Baitang na kasi siya sa elementarya.
Kaya niyang maligo mag-isa. Siya na rin
ang nagsesepilyo ng kaniyang ngipin.

Napakaganda na niyang
magsulat at gumuhit. Higit sa
lahat napakahusay na rin
niyang magbilang at magbasa.
Sabik na sabik siyang pumasok
at matuto.
Araw-araw ay maaga
siyang natutulog para maaga
rin siyang magising. Pagkagising sa umaga ay
magdadasal muna siya, Pagkatapos ay ililigpit niya ang
kanyang higaan saka siya bababa upang kumain ng
masaganang almusal. Pagkatapos kumain ay didiretso na
siya sa banyo upang maligo at magsepilyo.
3
SDO_Pasig_Q1_AP_1_Modyul_9
Pagkagaling sa banyo ay
nakahanda na ang kanyang
uniporme sa loob ng kuwarto.
Pagkabihis ay narinig na niya ang
busina ng kanyang sundo.
Masayang nagpaalam si Althea sa
kanyang mga magulang at sumakay
na sa sasakyan.

Pagpapaliwanag:
Sa bawat araw na lilipas ay magpapatuloy ang
pagbabago. Mas dumarami ang kaalaman at
nadaragdagan ang mga kakayahan . Lalo na kapag
nagsimula nang pumasok sa paaralan.

Ang mga pagbabagong ito ay maaari pa ring


ipakita sa pamamagitan ng Timeline.

Ipinakikita sa atin ng timeline sa ibaba ang mga


simpleng gawain ng isang batang mag-aaral s ana sa
Unang baitang.

1.Gigising 2. Kakain ng 3. maliligo


sa umaga almusal
4
SDO_Pasig_Q1_AP_1_Modyul_9
4. magbibihis 5. papasok
na

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1:
Panuto: Pagsud-sunurin ang mga panyayari.
Isulat ang bilang 1-5.
_______1. masayang nagpaalam si Althea sa kanyang ina
_______2. kumain ng masaganang almusal si Althea
_______3. magliligpit ng higaan
_______4. sumakay na sa kanyang sundong sasakyan
_______5. maligo at magsepilyo

Pagsasanay 2
Panuto: Isulat ang tsek kung ginagawa ng bata ayon
sa edad at ekis x naman kung hindi.

_______1. Nakatatayo nang mag-isa ang isang taong


gulang na bata
_______2. Dumedede pa sa bote ang mag-aaral na nasa
unang baitang.
5
SDO_Pasig_Q1_AP_1_Modyul_9
_______3. Marunong nang magbasa ang mag-aaral sa
unang baitang.
_______4. Mabilis nang magbilang ang anim na taong
gulang.
_______5. Marunong nang umawit at tumula ang
dalawang taong gulang.

Pagsasanay 3
Panuto: Gumuhit ng masayang mukha _____kung
ginagawa ng bata ayon sa edad at malungkot

na mukha _____ naman kung hindi.

_______ 1. Kumakain na ng kanin ang isang sanggol.

_______ 2. Nakakapagsusuklay na ang isang


Kindergarten.

_______ 3. Marunong nang maligo ang nasa unang


Baitang na mag-aaral.

_______ 4. Ang anim na taong gulang na bata ay


marunong na magsepilyo mag-isa

_______ 5. Hindi pa marunong magsara ng toothpaste ang


nasa unang baitang.

6
SDO_Pasig_Q1_AP_1_Modyul_9
PAGLALAHAT

Punan ng iyong sagot ang patlang.

Natutuhan ko na ang timeline ay_______________________


________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
_______________________________________________________.

PAGPAPAHALAGA

Balikan natin ang kuwento ni Althea sa pamamagitan ng


pagsagot sa mga katanungang ito.

1. Ano ang natutuhan mo sa kuwento ni Althea?


A. Maging mapagbigay sa kapwa.
B. Mag-aral ng mabuti at maging mabait na bata.
C. Maging masayahing bata at huwag masyadong
magseryoso sa pag-aaral.

2. Magbigay ng isang magandang katangian na nakita


mo kay Althea.
A. mahiyain
B. matalino
C. matapang

7
SDO_Pasig_Q1_AP_1_Modyul_9
3. Nais mo bang tularan ang mabuting ugali na ito ni
Althea? Bakit?
A. Hindi po, mas gusto ko pong maglaro
B. Siguro po, para sikat po ako sa paaralan.
C. Opo, para po tumaas ang mga marka ko at
matuwa ang nanay at tatay ko.

4. Magsulat ng dalawang paraan kung paano


mapatataas ang marka.
________________________
________________________

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang KAYA nang gawin ng


isang anim na taong gulang?
A. kumain ng mag-isa
B. magluto ng pagkain
C. maglaba ng damit

2. Alin sa sumusunod ang HINDI NA ginagawa ng isang


anim na taong gulang?
A. nagbabasa
B. nagsusulat
C. dumedede

8
SDO_Pasig_Q1_AP_1_Modyul_9
3. Lahat sila ay kayang maglakad maliban sa isa. Sino ito?
A. 0 taon
B. 3 taon
C. 6 taon

4. Kung ikaw ay anim na taong gulang na, nasa anong


baitang ka na?
A. Kinder
B. Grade 1
C. Grade 2

5. Alin sa mga sumusunod ang kayang laruin ng isang


anim na toong gulang?
A. Chess
B. Volleyball
C. Swing at Slide

9
SDO_Pasig_Q1_AP_1_Modyul_9
SDO_Pasig_Q1_AP_1_Modyul_9
10
deped.gov.ph.image bank
Curriculum Guide AP1NAT-Id8 p.19
LAMP-BOW
Sanggunian
Paunang Pagsubok Paglalahat
a. 2
b. 4 kailan naganap ang mga pangyayari
c. 5 at kung ano-ano ang mga bagay na
nagbago
d. 3
e. 1
Pagpapahalaga
Balik-aral 1. A
4 5 6 3 1 2 2. B
3. A
Pagsasanay 1 Pagsasanay 2 4. mag-aral ng mabuti
1. 5 1. 5. huwag liliban sa klase
2. 2 2. X
3. 1 3.
Panapos na Pagsusulit
4. 4 4.
1. A
5. 3 5. X
2. A
3. A
Pagsasanay 3
4. B
1. 5. C
2.
3.
4.
5.
SUSI SA PAGWAWASTO

You might also like