Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 17

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon

Modyul para sa
Sariling Pagkatuto
Araling Panlipunan – Unang Baitang
Unang Markahan – Modyul 14: Paghahambing ng Sariling Kwento o Karanasan
sa Karanasan ng mga Kapatid o Magulang
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Dibisyon ng Pasig


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Komite sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Jazelyn R. Bato


Editors: Ma. Cecilia L. Atuan,
Ana Marie B. Bucad
Tagasuri: Liza A. Alvarez, EPS - Science/STEM/SSP
• Nilalaman: Ma. Cecilia L. Atuan, Teresita P. Tagulao, EdD, EPS Mathematics,
Ana Marie B. Bucad ABM
• Wika: Leonardo G. Diez Jr., Joselito E. Calios, EPS - English/SPFL/GAS
Reann A. Virtudazo Ma. Teresita E. Herrera, EdD, EPS
• Teknikal: Godofredo D. Garcia Jr. Filipino/GAS/Piling Larang
Tagaguhit: Edison P. Clet Bernard R. Balitao, EPS - AP/HUMSS
Ernesto D. Tabios Norlyn D. Conde, EdD, EPS
Tagalapat: Godofredo D. Garcia Jr. MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports
Perlita M. Ignacio, PhD, EPS - EsP
Management Team: Librada L. Agon, EdD, EPS
EPP/TLE/TVL/TVE
Ma. Evalou Concepcion A. Agustin Dulce O. Santos, PhD, EPS
OIC-Schools Division Superintendent Kindergarten/MTB-MLE
Carolina T. Rivera, CESE Susan L. Cobarrubias, EdD, PSDS - Special
Assistant Schools Division Superintendent Education Program
Manuel A. Laguerta, EdD Wilma Q. Del Rosario, EPS - LRMS/ADM
Chief, Curriculum Implementation Division
Victor M. Javeña, EdD
Chief, School Governance and Operations Division

Inilimbag sa Pilipinas ng Dibisyon ng Pasig City

Department of Education – National Capital Region

Office Address: Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City


Telefax: 641-88-85, 628-28-19
E-mail Address: division.pasig2016@gmail.com
Araling
Panlipunan
1
Unang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 14
Paghahambing ng Sariling Kwento o Karanasan sa
Karanasan ng mga Kapatid o Magulang
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 1 ng Modyul 14
para sa araling Paghahambing ng sariling karansan sa karanasan ng mga kapatid
o magulang.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Pnlipunan 1 Modyul 14 ukol sa


Paghahambing ng Sariling Karansan sa Karanasan ng mga Kapatid o Magulang!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, magbibigay ang guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Ang modyul na ito ay nakalaan para sa mag-aaral ng


unang baiting. Mahalagang pag-aralan mo ito dahil
makakatulong ito sa iyo sa pag-aaral tungkol sa
paghahambing ng sariling karansan sa karanasan ng
mga kapatid o magulang. May mga pagsasanay kang
sasagutin upang masukat mo ang iyong kaalaman sa
modyul na ito.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Bilugan ang letra ng tamang sagot.


1. Ang mga sumusunod ay mga bagay na nagamit
ninyo ng iyong mga kapatid noong kayo ay
sanggol pa lamang maliban sa isa. Ito ay _____.

A. B. C.

2. Bakit lumiliit ang mga damit natin habang tayo


ay lumalaki?
A. Dahil ibinibili tayo ng bagong damit.
B. Dahil kumakain tayo ng prutas at gulay.
C. Dahil nagbabago ang pisikal na katawan
natin.

1
SDO_Pasig_Q1_AP_1_Modyul_14
3. Kung ibinigay sa iyo ang pinagliitang sapatos ng
iyong kapatid, ano ang gagawin mo?
A. Isusuot ko ito.
B. Itatapon ko ito.
C. Ipamimigay ko to.

4. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang


nagsasaad ng tama?
A. Lahat tayo ay nakakapaglakad sa edad na
1 taong gulang.
B. Ang pagbabagong pisikal ay nagaganap
nang sabay- sabay sa lahat ng tao.
C. Ang mga pagbabagong naranasan ng
aking kapatid ay mararanasan ko rin.

5. Hindi ko dapat ikainggit ang mga kakayahang


nagagawa ng aking kapatid dahil magkaiba
kami ng mga kayang gawin.
A. Tama
B. Mali
C. Marahil

BALIK-ARAL
Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Isulat ang
T sa patlang kung tama ang sinasabi ng
pangungusap at M kung mali.

___________1. Lahat tayo ay nakararanas ng iba’t ibang


pagbabago sa ating pisikal na katawan.

2
SDO_Pasig_Q1_AP_1_Modyul_14
___________2. Nangyayari ang mga pagbabago sa ating
sarili sa magkakaparehong edad gaya mo
at ng iyong kaklase.

___________3. Ang mga kakayahan na iyong natututunan


ay kaiba sa iyong kamag-aral.

___________4. Dapat mong ikalungkot kung ikaw ay hindi


pa marunong magtali ng sintas ng iyong
sapatos nang mag-isa at ang kaklase mo ay
marunong na.

___________5. May mga bagay na kaya mo nang gawin


sa edad mo ngayon na hindi pa kayang
gawin ng iba mong kamag-aral.

ARALIN
Basahin ang maikling kwento at sagutin ang mga
katanungan.
Si Meli at si Moli

Si Meli at Moli ay magkapatid.


Sila ay mga anak nina Mang Aloy at Aling
Lina. Si Meli ay 7 taong gulang at si Moli
ay 5 taong gulang.

3
SDO_Pasig_Q1_AP_1_Modyul_14
Habang naglilinis ang
pamilya ng kanilang bahay,
nakita ni Aling Lina ang kahon
na naglalaman ng mga
bagay na pinaglumaan
ng kanyang mga anak.

Nakita din ito ni Meli at


kanyang tiningnan. “Kanino po ang
mga ito inay?” nagtatakang
tanong ni Meli. “Sa inyo ni Moli ang mga iyan noong bata
pa kayo. Itinabi ko para maipakita sa inyo kapag kayo ay
malalaki na.” nakangiting sagot ni Aling Lina.
Kinuha ni Moli ang maliit na
puting medyas at tinanong kung
kanino ito. “Kay Ate Meli mo
ang medyas na iyan noong siya
ay sanggol pa lamang.” ani ni
nanay.

“Bakit po hindi na nya ginagamit ito ngayon?”


nagtatakang tanong ni Moli. “Dahil lumaki na si Ate Meli
mo at nagbago na ang sukat ng kanyang paa.” Sagot ni
Mang Aloy.
“Ibig sabihin po kapag lumalaki tayo
nagbabago ang sukat ng pangangatawan natin?
napapaisip na sagot ni Meli. “Kaya po pala itong damit
ko noong ika-apat na taong kaarawan ko ay hindi na
kasya sa akin.” dagdag ni Meli.

4
SDO_Pasig_Q1_AP_1_Modyul_14
“Tama ka anak. Kami din ng inyong tatay ay may
ganyang mga karanasan noong bata pa kami. May mga
damit din kaming hindi kasya sa amin dahil lumalaki din
aming katawan.” paliwanag ni Aling Lina.
Nakita ni Moli ang larawan ng kanyang Ate
Meli na kumakanta noong halos na magkasinglaki sila.
“Bakit po si Ate Meli ay marunong na kumanta
samantalang ako ay hindi ko pa kaya? nalulungkot na
tanong ni Moli.
“Huwag kang malungkot anak, matututunan
mo din ang pagkanta habang ikaw ay lumalaki.
Magkaiba kayo ng iyong Ate Meli ng mga bagay na
kayang gawin habang kayo ay lumalaki.” paliwanag ni
Aling Lina.

Tanong:
1. Sino ang dalawang magkapatid sa kwento?

2. Ano ang ginagawa ng pamilya sa araw na iyon?

3. Ano ang nakita nila Aling Lina at Meli habang


naglilinis ng bahay?

4. Bakit hindi na kasya ang medyas ni Meli na ginamit


nya noong sanggol pa sya?

5. Katulad din ba ng kina Meli at Moli ang naranasan


ng kanilang nanay at tatay?

5
SDO_Pasig_Q1_AP_1_Modyul_14
May mga kakayahan tayong natututunan
habang tayo ay lumalaki at hindi tayo dapat
malungkot kung may mga bagay tayong hindi pa
kayang gawin sa ngayon. Darating ang tamang
panahon na matututunan natin ang mga ito.

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1
Panuto: Sagutan ang tseklist na ito na nagpapakita
ng pagkakatulad ng iyong karanasan sa
karanasan ng iyong kapatid o magulang.
Lagyan ng tsek (√) ang bawat kahon.
Mga Karanasan Katulad
1. Natutong maglakad sa edad na 10
buwan
2. Mahilig manood ng T.V.
3. Natutong magsalita sa edad na 1 taon

4. Paborito ang ice cream


5. Natutong maligo mag-isa sa edad na 5
taon

Tanong:
1. Alin sa mga karanasan ang katulad ng sa iyong
kapatid o magulang?
_________________________________________________
_________________________________________________
________________________________________________.

6
SDO_Pasig_Q1_AP_1_Modyul_14
2. Alin sa mga karanasan ang kaiba sa iyong mga
kapatid o magulang?
_________________________________________________
_________________________________________________
_____________________________________________.

Pagsasanay 2
Panuto: Kulayan ang mga larawan ng iyong
karanasan. Tanungin ang iyong kapatid o
magulang kung katulad din ba sa kanila ang
mga karanasang ipinapakita sa larawan.

matulog sa maisulat ang natutong


loob ng crib pangalan sa maglakad sa
edad na 5 edad na 1

paborito uminom ng
ang saging gatas sa
tsupon o sa
nanay

7
SDO_Pasig_Q1_AP_1_Modyul_14
Pagsasanay 3
Panuto: Isulat ang tsek (√) ang patlang kung sang-
ayon ka sa sinasabi ng pangungusap at ekis (X) kung
hindi ka sumasang-ayon.
_____1. Bawat magkakapatid ay nagbabago
sa pisikal na kaanyuan at mga kayang gawin.
_____2. Kaming magkakapatid ay sabay- sabay
natutong kumain nang mag- isa sa edad na 3
taon.
_____3. Magkaiba man kami ni kuya at ate ng
kayang gawin magkasundo pa rin kami sa
maraming bagay.
_____4. Tinutulungan ako ni kuya kung hindi ko
kayang magbihis nang mag- isa.
_____5. Nagagalit ako kay nanay kapag binibigay sa
akin ang damit na pinagliitan ng aking
nakakatandang kapatid.

PAGLALAHAT
Ano-ano ang mga karanasan na kapareho sa iyong
kapatid o magulang?
______________________________________________
__________________________________________________

Ano-ano naman ang pagkakaiba ng karanasan ng


iyong kapatid habang lumalaki kayo?
______________________________________________
__________________________________________________

8
SDO_Pasig_Q1_AP_1_Modyul_14
Panuto: Basahin ang tula at kulayan ang larawan.

Kami man ay magkapatid,


Magkaiba pa din ng hilig.
Sa ibang bagay ay magkatulad,
Ngunit kami’y magkasundong tunay.

PAGPAPAHALAGA
Panuto: Basahin at unawain ang talata.
Ang nakatatanda mong kapatid ay may damit
na pinagliitan. Ibinigay ito sa iyo ng iyong nanay.
Tatanggapin mo ba ito o hindi? Kulayan ang mukha ng
iyong sagot.

Oo HIndi

9
SDO_Pasig_Q1_AP_1_Modyul_14
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot sa


bawat bilang.
_____1. Sino sa mga sumusunod ang naunang natutong
maglakad?
A. ate B. bunso C. nanay

_____2. Lahat ba ng magkakapatid ay natututong


magsalita sa edad na unang taon?
A. opo B. hindi po C. siguro po

_____3. Alin sa mga sumusunod na gamit ang pare-


pareho ninyong ginamit ng iyong mga kapatid noong
kayo ay sanggol pa lamang?

A. lampin

B. tasa

C. lapis

10
SDO_Pasig_Q1_AP_1_Modyul_14
_____4. Kung si kuya ay marunong nang maghugas ng
pinggan noong siya ay 5 taong gulang at ikaw ay hindi
pa, anong damdamin ang dapat mong ipamalas?
A. galit B. lungkot C. masaya

_____5. Magkakaiba man kami ng mga kayang gawin,


kaming magkakapatid ay __________ pa rin.
A. nag- aaway
B. nag-iiyakan
C. nagtutulungan

11
SDO_Pasig_Q1_AP_1_Modyul_14
SDO_Pasig_Q1_AP_1_Modyul_14
12
Education, Department of. n.d. Bank Images Pictures. Department of Education.
Sanggunian
PAUNANG BALIK- ARAL GAWAIN 3
PAGSUBOK 1. √
1. TAMA
1. C 2. MALI
2. X
2. C 3. TAMA
3. A 4. MALI 3. √
4. C 5. TAMA
Sanggunian 4.√
5. A
5.X
PANAPOS NA
PAGSUSULIT
1. C
2. B
3. A
4. C
5. C
SUSI SA PAGWAWASTO

You might also like