Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Bakit may Pulang Palong ang mga

Tandang?
Nakapagtataka kung bakit may pulang palong ang mga tandang. Kapansin-
pansin din na kapag pulang-pula ang palong ng tandang ay magilas na magilas
ito. Para bang binata na nagpapaibig sa mga dalaga.

Ayon sa kuwento, may mag-ama raw napadpad ng bagyo sa isang baryo sa pulo
ng Masbate. Ang ama ay nakilala ng mga tao sa nayon dahil sa kawili-wiling mga
palabas nito na mga salamangka o mahika. Tinawag nilang Iskong Salamangkero
ang kanilang bagong kanayon.

Bukod sa pagiging magalang, masipag, mapagkumbaba ay mabuting makisama


sa mga taga nayon si Iskong Salamangkero. Madali siyang nakapaghanap ng
masasakang lupa na siyang pinagmulan ng kanilang ikinabubuhay na mag-ama.

Kung anong buti ng ama ay siya namang kabaliktaran ng anak nitong si


Pedrito. Siya ay tamad at palabihis.

Ibig ni Pedrito na matawag pansin ang atensyon ng mga dalagita. Lagi na lamang
siyang nasa harap ng salamin at nag-aayos ng katawan.

Ang paglilinis ng bahay at pagluluto ng pagkain na siya lamang takdang gawain


ni Pedrito ay higit pa rin niya pinagkakaabalahan ang pag-aayos ng sarili.

Kapag siya ay pinagsasabihan at pinangangaralan ng ama ay nagagalit siya at


sinagot-sagot niya ito.

Isang tanghali, dumating sa bahay si Iskong Salamangkero mula sa sinasakang


bukid na pagod na pagod at gutom na gutom. Dinatnan niya na wala pang
sinaing at lutong ulam si Pedrito.

Tinawag niya ang anak ngunit walang sumasagot kaya pinuntahan niya ito sa
silid. Nakita niya sa harap ng salamin ang anak na hawak ang pulang-pulang
suklay at nagsusuklay ng buhok.
“Pedrito, magsaing ka na nga at magluto ng ulam. Gutom na gutom na ako,
anak”, wika ni Iskong Salamangkero.

Padabog na hinarap ni Pedrito ang ama at kanyang sinagot ito.

“Kung kayo ay nagugutom, kayo na lamang ang magluto. Ako ay hindi pa


nagugutom.” At nagpatuloy ng pagsusuklay si Pedrito ng kanyang buhok.

Nagsiklab ang galit na si Iskong Salamangkero sa anak. Sinugod niya si Pedrito at


kinuha ang pulang suklay. Inihampas niya ito sa ulo ng anak at malakas niyang
sinabi:

“Mabuti pang wala na akong anak kung tulad mong tamad at lapastangan.
Sapagkat lagi la na lamang nagsusuklay ang pulang suklay na ito ay mananatili
sana iyan sa tuktok ng iyong ulo.” At idiniin ni Isakong Salamangkero ang pulang
suklay sa ulo ni Pedrito.

Dahil sa kapangyarihang taglay ni Isko bilang magaling na salamangkero, biglang


naging tandang ang anak na tamad at lapastangan. At ang suklay sa ulo ni
Pedrito ay naging pulang palong. Hanggang sa ngayon ay makikita pa natin ang
mapupulang palong sa ulo ng mga tandang.

Aral:

 Huwag maging tamad. Ang pagtulong sa magulang sa magulang sa mga


gawaing bahay ay nararapat lamang na gawin ng mga anak.
 Laging makinig at sumunod sa ipinag-uutos ng magulang upang hindi
maparysahan.
 Maraming nalulugod sa batang magalang. Huwag kalimutang gumamit ng
“po” at “opo” sa nakatatandang kausap.
Si Maymay, Kaibigang Karamay LARO, LAHOK, LIGTAS, AT LAGO: Mga Kwentong Pambata ukol sa
Pagpapaunlad ng Pamayanan Kwento ni Willie Awitan Guhit ni Koren Awitan
Si Maymay, Kaibigang Karamay
Sa ilalim ng isang mayabong na puno, makikita ang umpukan ng isang grupo ng
mga bata. Isang tipikal na umpukan at kwentuhan kung saan ang mga bata ay
nagbibidahan at nagpapadaloy ng samu’t- saring istorya. Hanggang dumako ang
kwentuhan sa kanilang “Karapatan”

Sa kanilang umpukan ay napagkwentuhan ang kanilang mga karapatan. “Turo sa


amin sa paaralan ay mayroon akong karapatan na dapat alam ko,” ang wika ni
Pepe. “Karapatan? Ano’ng karapatan?” ang nagtatakang tanong ni Minda. “Ito
yung pwede tayong makapag-aral, o kaya’y maprotektahan, at lalo na iyong
pwede tayong sumali sa mga makabatang gawa,” ang tugon ni Pepe. “Ah, ganyan
pala ang karapatan?” ang namamanghang dugtong ni Bisay”

Ngunit sa gitna ng kwentuhan ay ‘di maiwasan na mabanggit ang mga ilang


problema tungkol sa mga bata. Wika ni Bisay, “Paano kaya ang karapatan kung
may naaabusong bata na tulad natin lalo ngayon? Dugtong naman ni Minda, “ang
kaklase ko nga pinatigil na pumasok eh kasi walang birth certificate. Naisip ko nga,
paano kaya maprotektahan ang mga bata?”

Lalong nagtanong ang mga bata. “Bakit kaya may pang-aabuso sa kapwa nating
bata lalo ngayon? Ang hirap!” Ang malalim na tanong ni Pepe. “Nakakabahala ‘di
ba kung paanong kulang sa proteksyon ang batang tulad natin,” ang nalilitong
tugon ni Minda.

“Natatakot na tuloy ako kung ligtas pa ba tayo? Saan kaya tayo tatakbo?”
Malungkot na nagsalita si Bisay.

Dagdag pa ni Pepe, “Wala na yatang pagkilala sa karapatan ng bata?


Nakakalungkot na Minda at Bisay.”

Sa gitna ng kwentuhan ay biglang dumating ang bibong batang si Maymay. Si


Maymay ay nakapagsanay bilang tagapagtaguyod ng karapatang pambata.
“Magandang umaga, pwede bang sumali sa kwentuhan?” bati niya. Napalingon
ang mga bata at kumaway kay Maymay. “Halika sama ka sa kwentuhan,” ang
masiglang tugon ng mga bata.
“Ako nga pala si Maymay at nais ko kayong maging kaibigan”. “Masaya kami na
maging kaibigan ka. Halika’t magkwentuhan tayo,” ang wika ni Bisay.

“Masaya ako na makipagkwentuhan sa inyo.” “Maraming salamat,” ang tugon ni


Pepe. Nabigla naman si Maymay sa sinabi ni Minda, “Kanina pa nga kami
natatakot kasi parang walang nagpuprotekta sa mga batang tulad natin lalo
ngayong narito tayo sa evacuation site dahil sa pagsabog ng bulkan.” Dugtong
naman ni Bisay, “Oo nga, nakakabahala kasi ano’ng gagawin ng isang bata kapag
nawalan na siya ng karapatan?” “San kaya tayo tatakbo, gayong may sakuna pa
naman?” wika ni Pepe.

“Alam niyo ba na tayo bilang bata ay may magagawa?” ang tugon ni Maymay.
“May kakayahan tayo na suportahan ang bawat isa, kaya huwag tayong matakot.”
“Ngunit paano? Bata lang tayo,” manghang tanong ni Minda. “Oo nga bata lang
tayo,” nagtatakang salita nila Pepe at Bisay.

Paliwanag ni Maymay, “Mas madaling mag-usap ang bata sa kapwa bata lalo sa
usaping tungkol sa bata. Bata tayo! Hindi bata lang tayo, mas epektibo kapag ang
mga bata ay nag-uusap. Sama-sama tayo at nagkakaintindihan.” Dagdag pa niya,
“ako at ikaw, pwedeng makinig at magbigay ng munting payo bilang bata sa
kapwa bata”.

“Ngunit paano ‘yan gagawin? Mahirap yata ‘yan?” ang litong pagtatanong ni
Pepe.

“Mas madali kasing magkaintindihan ang bata sa kapwa bata tulad nang
magkwento ng problema at masasayang karanasan natin. Pwede kasi tayong
makapagsanay sa pakikinig at pagbibigay ng mumunting payo para sa mga kalaro
nating bata. Kaya naman maganda na tayo rin ay handang makinig at bukas sa
pakikipagkwentuhan. Lahat ng ito ay para sa kapwa nating bata! Gets n’yo ba?”
isang masayang paliwanag ni Maymay.

14 “Tutularan ka namin, Maymay! Ang tumulong sa munting kakayahan sa kapwa


bata. Maganda pala na maramdaman ng kapwa natin bata na sila ay may
karamay”. Natuwa ang mga bata at nalaman nila na sa gitna ng takot ay may isang
karamay tulad ni Maymay. “Posible pala ang ganoon!” patotoo ni Bisay. “Kaya din
pala ng bata ang tumulong sa kapwa bata. Ang galing!” ang masayang tugon ni
Minda.

You might also like