Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

SPOKEN POETRY

BY ANGELA PADUHILAO

Spoken Poetry
ANGELA | JOY VALERAS | PADUHILAO | LEARNING SHEET
SPOKEN POETRY: TAGALOG TRANSLATED
TO ENGLISH

COMING SOON NOV 30, 2022


PAULINE ELLAINE ANJO
CAHIWAT RIVERA LEYNES

Spoken Poetry

Tagalog

Category
Poetry by Angela

KAILAN ANG “TIGNAN MO ANG NAKAMIT NG BAYAN.” O WHEN IS THE “LOOK AT


WHAT OUR PEOPLE ACHIEVED.”

SPOKEN POETRY
Tagalog
POETRY BY A.P

KAILAN KAYA ANG


“TIGNAN MO ANG
NAKAMIT NG BAYAN.”

Kailan kaya ang“Tignan mo ang nakamit ng bayan.”



Tumingin ka sa malayo, tignan mo. Pagmasdan mo kung gaano na
tayo kalayo,
Kalayo sa mga possibilidad, at mga “paano kung.”
Malayo sa pag-asang minsan nating inakalang magbabalik saatin
sa tama.

Nasa’n ang pagbabago? Kailan kaya tayo hindi na


magmamakaawang makuha ito?
Kailan kaya ako muling titingin sa malayo hindi dahil sa sakit ng
kahapon, ngunit upang magbigay ng pahimakas sa minsang bigong
bayan ko?

Nakadungaw sa binta ng jeep, pinagmamasdan ang mga taong


nag lalakad.
Maaring patungo sa destinasyong tinatawag nilang “pahinga,”
O sa lugar kung saan hindi sila masaya—ngunit wala silang
magagawa kundi pumunta,
Pinag-mamasdan. Pinagmamasdan ang mga taong tila problemado,
Sa patuloy na paghihirap at paghingi ng pagbabago.
Tagalog
POETRY BY A.P

KAILAN KAYA ANG


“TIGNAN MO ANG
NAKAMIT NG BAYAN.”

Kailan kaya ang“Tignan mo ang nakamit ng bayan.”



Nakamasid, sa bawat galaw ng aleng katabi ko kalong kalong ang
kanyang anak,
Na tila pagod at problemado na, sa bawat pag iyak ng bata, at pag
abot pa ng barya sakanyang bulsa.

Bawat tingin ko sa paligid, nakikita ko ang paghihirap na tila


kinalimutan ng marami,
Mga estudyanteng nakikipagsiksikan sa kapwa estudyante—para
lamang makasakay patungo sa kanilang eskwelahan o bahay,
Mga gurong dala dala ang kanilang mga gamit habang nakikipagsiksikan
—para sa kabutihan ng kanilang mga mahal na estudyante,
At para sa kinabukasan ng bansang tila sila’y tinalikuran…
Nahihirapan. Nahihirapan ang bawat isa, hindi lamang dahil sa
problema sa pera o eskwela—ngunit pati narin sa pahirapang
pagsakay at pila.

Bawat pagmamasid ko, kalakip ay pagkabigo na meron tayo ngayon,


Bawat tingin ko, lahat ay nalulugmok dahil sa oras na nasasayang—sa
bawat pag hihintay ng sasakayan at pagbabago sa bayan.
Bawat paglingon ko, napapatanong nalang ako, “Sulit ba ang
pahirapang pagsakay, kung hindi naman ito patungo sa magandang
buhay?”
Tagalog
POETRY BY A.P

KAILAN KAYA ANG


“TIGNAN MO ANG
NAKAMIT NG BAYAN.”

Kailan kaya ang“Tignan mo ang nakamit ng bayan.”



Kailan kaya? Kailan kaya natin makikita ang pagbabagong inaasam-
asam nating makuha?
May pag-asa pa kaya? Pag-asang mabago ang ating tadhana, at ang
paghihirap ng madla?

Pagmamakaawa sa solusyun sa problemang transportasyon,


Hindi napipikinggan dahil tila hindi naman daw ito totoo?
Paano nating masasabing hindi totoo ito totoo?
Kung hindi natin mismo nararanasan ang paghihirap,
Ng bawat paggising sa umaga, para makipagsiksikan upang makarating
sa ating paroroonan?

Masyado nating tinalikuran ang kapwa natin mamamayan,


Masyado nating kinalimutan ang kanilang kapakanan.
Sana, dumating ang panahon na ang mga pagmasid ko sa malayo ay
hindi na dahil sa sakit ng pagkabigo,
Sana dumating ang panahon na ang kwento ng aking pagmamasid ay
hindi na dahil sa kalungkutan ng ating sitwasyon,
Ngunit pagmamasid dahil sa pag-asang nakamit ng bayan.

You might also like