Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Yapak Tungo sa Balanseng Mundo

ni: Laong Laan

“Lumipas ang panahon, kabiyak ng ating gunita, ang mga puno’t halaman, bakit
kailangang lumisan? Panapanahon ng pagkakataon, maibabalik ba ang kahapon?”

Isang popular na bahagi ng awiting pinoy na kung saan nabuo ang katanungang
maibabalik pa ba ang nakaraan? Ito ang nakaraan na nasilayan ang buong kagandahan
ni Inang Kalikasan.

Isa sa napakahalagang pinag-uugatan ng buhay ng bawat nilalang ay ang


kasaganaan at kayamanang ipinagkaloob ng Maykapal sa pamamagitan ng pagkakabuo
Niya kay Inang Kalikasan. Ang kalikasang ito ang gumaganap bilang isang himpilang
nagtataglay ng pinakamahalagang bagay dito sa ating mundong ginagalawan. Hangin,
tubig, at lupa – mga elementong nagdurugtong sa buhay ng lahat ng nilalang.

Ilang dekada na ang dumaan at dahil dito ay natagpuan ng mga tao ang mundo
na kung saan pumapailanlang ang modernisasyon – ang pagpasok ng teknolohiya. Ang
teknolohiyang batid ng lahat na may napakaraming ginhawang naihahatid. Subalit,
mulat din ang bawat isa na ang balanse ng kalikasan ay unti-unting nawawasak
sapagkat higit na nauukol ang pansin ng bawat indibidwal sa pagpapaunlad sa tulong
ng teknolohiya.

Hindi na nga ba maibabalik pang muli ang nasilayang ganda ng kalikasan noong
nakaraan/ hindi pa huli ang lahat para sa bawat isa. Tumatakbo nang mabilis ang oras
subalit ito’y maituturing na pag-asa at liwanag upang itama ang lahat ng pagkakamali.
Hindi pa huli ang lahat upang maibalik ang balanseng kalagayan ng Inang Kalikasan.
Sa katunayan, maraming tao na ang nagsisimulang ipakita ang kanilang pagmamahal
sa kalikasan at ito’y ginagawa nila sa mismong tahanan.

Karamihan sa atin ay gumagawa na ng mga hakbang upang makatulong na


maibalik ang ganda ng kalikasan sa pamamagitan ng pangangalaga nito at
panghihikayat sa kapwa tao upang magkaisang buuing muli ang mga nawasak na
bahagi ng Inang Kalikasan.

Sumasalamin ang bawat katotohanang ito na possible pang mabalanse ang


kalagayan ng kalikasan kung mayroong pagtutulungan ang bawat isa.

PAG-UULIT MALING BASA


PAGKAKALTAS MALING PAGHAHATI NG PARIRALA
PAGPAPALIT HINDI PAGPANSIN SA BANTAS
PAGWAWASTO PAGTANGGI
PAGDARAGDAG
SINABI NG GURO
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Bilugan ang titik ng tamang
sagot.

1. Ano ang mga elementong nagdurugtong ng buhay ng bawat nilalang?


a. Tubig at lupa
b. Hangin at lupa
c. Hangin at tubig
d. Hangin, tubig, at lupa
2. Alin ang maituturing na pinakamahalagang pinag-uugatan ng buhay ng bawat
nilalang?
a. Ang pagkakaloob ng kasaganaan at kayamanan ng Maykapal
b. Ang pagkakaloob ng mga biyaya sa bawat nilalang
c. Ang pagkakaloob ng kayaman
d. Ang pagkakaloob ng kasaganaan
3. Batay sa sanaysay, ano ang epekto ng teknolohiya?
a. Maraming kaginhawaang dulot ang teknolohiya
b. May mabuti at masamang dulot ang teknolohiya
c. Nakapagpapaunlad ng bansa ang teknolohiya
d. Nakawawasak ng kalikasan ang teknolohiya
4. Paano maibabalik ang ganda ng kalikasan?
a. Sa pamamagitan ng pangangalaga dito
b. Sa pamamagitan ng pagbuo sa nawasak na bahagi ng kalikasan
c. Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng bawat mamamayan ng bansa
d. Sa pamamagitan ng pangangalaga, pagbuo ng nawasak na bahagi ng
kalikasan at pagtutulungan ng bawat isa.
5. Alin ang ipinahihiwatig ng salitang yapak sa pamagat ng akda?
a. Kinakailangang simple lamang ang takbo ng buhay sa mundo
b. Kinakailangang wasto ang takbo ng buhay ng bawat tao
c. Kimnakailangang wasto ang pangangalaga sa kalikasan
d. Kinakailangang tuwid ang yapak ng tao sa mundo

You might also like