Fil 2 - Finals

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

St. Ferdinand College Through the STEPS We Take, We Grow!


Panghuling Pagsusulit sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II (Panitikan ng Pilipinas) – FIL 2
SY 2020-2021

Pangalan___________________________________________________ Taon at Seksyon


_______________________

I. MARAMIHANG PAGPIPILI
PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang tittik ng tamang sagot. Itala ang sagot
bago ang bilang.

_____1. Si G. Taguba ay may layuning, “nabibigyang-halaga ang pagtuturo ng panitikan na nakasubaybay sa


ating pang-araw-araw na buhay.” Sa layuning ito pumapasok ang pagpapahalagang pangkatauhan.

a. Domeyn Kognitib
b. Domeyn Pandamdamin
c. Domeyn Saykomotor
d. Lahat

_____2. Si Gng. Rosales ay nagtuturo ng Filipino 2 na may paksang-aralin na Pang-abay. Sa kanyang pagtuturo
ay nagbigay muna ng halimbawa bago ang mga tuntunin. Anong uri ng metodo ang kanyang ginamit?

a. Pabuod
b. Pasaklaw
c. Paisa-isa
d. Pabalak

_____3. Si Bb. Malenab ay guro sa asignaturang Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan. Sa kanyang


pagtuturo ay malimit nagsisimula siya sa pagbibigay-tuntunin hanggang sa dumako sa halimbawa. Si Bb.
Malenab ay gumagamit ng metodong?

a. Pabuod
b. Paisa-isa
c. Pasaklaw
d. Patuklas

_____4. Sa ating pagtuturo, tayong mga guro ang siyang tagasubaybay lamang samantalang ang mga mag-aaral
ay nagiging aktbong manlalahok. Anong metodo ang isinasaalang-alang ng guro?

a. Paisa-isa
b. Patuklas
c. Pabalak
d. Pasaklaw

_____5. Si Raquel ay magpapakitang-guro sa Filipino. Sa kanyang pakitang-turo ay inilalahad muna niya ang
mga teorya bago ang manipulasyon. Ang kanyang domeyn sa kanyang layunin ay?

a. Domeyn Pandamdamin
b. Domeyn Saykomotor
c. Domeyn Kognitib
d. Wala sa nabanggit

_____6. Pang-ilang antas ng kognitib domeyn ang “PAGLILINAW”?

a. Apat (4)
b. Tatlo (3)

c. Lima (5)
d. Anim (6)
_____7. Anong domeyn ang layuning ito, “Nasasagot nang may pang-unawa ang mga tanong hinggil sa
kuwento”.

a. Kognitib
b. Saykomotor
c. Pandamdamin
d. Lahat

_____8. Si G. Malenab ang magtuturo ng Filipino dahil lumiban si Bb. Asunsion. Dahil sa hindi bihasa si G.
Malenab sa Filipino madalas na halimbawa muna ang kanyang ibinibigay bago ang tuntunin? Anong
pamamaraan ang kanyang binibigyang-tuon?

a. Pabalak
b. Pabuod
c. Pasaklaw
d. Patuklas

_____9. Si Gng. Lorraine Lacerna ay guro sa Asignaturang Ingles. Madalas na kanyang itinuturo ay
panitikan/literature. Sa kanyang pagtuturo malimit niyang bigkasin ang mga sumusunod na pahayag;
nakapagtatalakay, nasasagot, nakikilala, at marami pang iba. Ang mga sumusunod na pahayag ay nasa domeyn
___________________?

a. Kognitib
b. Saykomotor
c. Pandamdamin
d. Lahat

_____10. Si Bb. Santos ay nagtuturo ng isang alamat na may pamagat ng “Alamat ng Pinya” sa kanyang mga
mag-aaral na nasa ikatlong antas. Sa kanyang pagtuturo nais niya na bigyang-tuon ang pagbibigay kabatiran
para sa mga mag-aaral. Ano ang naangkop na layunin para sa mga mag-aaral?

a. Natatalakay nang may pang-unawa ang isang alamat.


b. Nasasagot nang may husay ang mga tanong sa alamat.
c. Nakikilala ang mga di-pamilyar na salita na makikita sa isang kuwento.
d. Lahat ng pagpipilian

II. PAGBIBIGAY-KATWIRAN
PANUTO: Basahin at intindihing mabuti ang isinasaad ng bawat pahayag/sitwasyon. Maglatag ng
sariling halimbawa sa bawat pahayag/sitwayon

1. Sa tingin mo ba bilang guro sa hinaharap, may pinakamaganda o pinakatamang pamamaraan ang


ginagamit sa pagtuturo? Oo o Hindi? Pangatwiranan ang sagot.

2. Ano ang iyong pilosopiya sa pagtuturo. Bakit ito ang iyong pilosopiya?

III. BANGHAY-ARALIN (30 puntos)


PANUTO: Buhat sa mga naging talakayan at sa pakitang-turo na naisagawa, punan nang may buong puso
ang balangkas ng banghay-aralin.

Pabatid: Pamagat: “Alamat ng Saging”


Maaaring gumamit ng isa o dalawang pirasong papel para sa inyong sagot.
Inihanda ni: Iniwasto ni:

REXSON D. TAGUBA, LPT MARK ANTHONY B. AQUINO, LPT

Guro sa Filipino Koordineytor

Inaprubahan ni:

CESAR B. MALENAB, Ph.D.


Dekano ng Kolehiyo

You might also like