Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Gitara ni Ama

Hiniram nya ang aking gitara


Hinawakan at pinakinggan ang timpla
May tono ngang di kahali-halina
Ngunit may pinihit upang kanyang itama.
Aking nagunita sa kanyang pagtipa
Musika ng mga alaala;
Kung paanong sinulat nya ang liriko ng aking pakatao
At kung paanong ang aking buhay ay kanyang tinono.
Darating ang panahon na maaaring mapigtas ang kwardas nito
At di na niya kayang itono ang aking gitara.
Ngunit pakatandaan mo aking ama,
bubuuin ko ito at iparirinig ko sayo ang musika
mula sa aking puso na ako mismo ang nagtono dahil sa mga itinuro mo.

You might also like