Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Kuwarter 3, Linggo 1

Learning Activity Sheets (LAS) Blg.2

Pangalan ng Mag-aaral: ____________________________________


Grado at Seksiyon: ____________________________________
Petsa: ____________________________________

GAWAING PAMPAGKATUTO SA FILIPINO 9


PAGPAPATUNAY NA ANG MGA PANGYAYARI SA BINASANG PARABULA AY
MAAARING MAGANAP SA TUNAY NA BUHAY SA KASALUKUYAN

I. KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA


 Napatutunayang ang mga pangyayari sa binasang parabula ay maaaring
maganap sa tunay na buhay sa kasalukuyan. (F9PB-IIIa-50)

II. PANIMULA

Ang Parabula ay nagmula sa salitang Griyego na parabolē, na ang ibig sabihin ay


paghahambing. Ito ay isang makalupang pagsulat na may nakatagong makalangit na
kahulugan, ang Parabula ay isang salita ng Diyos na pumupuna sa hindi kanais-nais na
katangian ng isang tao. Ito rin ay isang uri ng maikling kwento na may-aral kadalasan
ito ay galing sa kwento ng Bibliya na matatagpuan natin sa tatlong synoptic na
ebanghelyo, ito ay Ginagamit para makapagturo ng magandang asal at ispiritwal.
Ang parabula ay iba sa pabula na may mga karakter na hayop at halaman, kadalasan
ito ang gabay sa mga tao tungo sa matuwid na pamumuhay.

PARABULA NG BANGA

“Huwag mong kalilimutang ikaw ay isang bangang gawa sa lupa,” ang tagubilin ng
Inang Banga sa kaniyang anak. “Tandaan mo ito sa buong buhay mo.”
“Bakit madalas mong inuulit ang mga salitang ito, Ina?” ang tanong ng anak na banga
na may pagtataka. “Sapagkat ayokong kalimutan mo ito. At ikaw ay nararapat na
makisalamuha lamang sa ating mga kauring banga.”

Kaya’t sa buong panahon ng kaniyang kabataan, itinatak niya sa kanyang isipan


na siya ay isang banga na gawa sa lupa. Hanggang sa makakita siya ng ibang uri ng
banga. Nakita niya ang eleganteng bangang porselana, ang isang makintab na
bangang metal, at maging ang iba pang babasaging banga. Tinanggap niya na sila ay
magkakaiba. Ngunit hindi niya lubos na maunawaan kung bakit hindi siya maaaring
makisalamuha sa ibang banga. Marahil, gawa sila mula sa iba’t ibang materyal at iba-
iba rin ang kanilang kulay. May puti, may itim, may kulay tsokolate at may dilaw.Sila ay
may kaniya-kaniyang kahalagahan. Hinulma sila nang pantay-pantay. Lahat sila ay
ginawa upang maging sisidlan o dekorasyon.
Isang araw, isang napakakisig na porselanang banga ang nag-imbita sa kaniya na
maligo sa lawa. Noong una, siya’y tumanggi. Nang lumaon, nanaig sa kanya ang
paniniwalang ang lahat ng banga ay pantay-pantay. Naakit siya sa makisig na
porselanang banga. Napapalamutian ito ng magagandang disenyo at matitingkad ang
kulay ng pintura. May palamuting gintong dahonang gilid nito. Kakaiba ang kaniyang
hugis at mukhang kagalang-galang sa kaniyang tindig.

“Bakit wala namang masama sa paliligo sa lawa kasama ng ibang uri ng banga.
Wala naman kaming gagawing hindi tama,” bulong niya sa sarili. At sumunod siya sa
porselanang banga at sinabing, "Oo, maliligo ako sa lawa kasama mo. Ngunit saglit
lamang, nais ko lang na mapreskuhan. ‘’Tayo na,” sigaw ng porselanang banga na
tuwang-tuwa. Sabay silang lumundag sa lawa at nasarapan sa malamig na tubig.
Nakadama sila ng kaginhawahan sa mainit na panahon nang araw na iyon.

Nang sila’y lumundag sa tubig, lumikha ito ng mga alon. Ang porselanang banga
ay tinangay papalapit sa kaniya. Kahit hindi nila gusto, bigla silang nagbanggaan
nang malakas. Isang malaking alon ang humampas mula sa gilid ng lawa. Lumikha ito
ng napakalakas na tunog. Ang porselanang banga ay nanatiling buo na parang walang
nangyari. Ngunit ang bangang gawa sa lupa ay nagkalamat dahil sa malakas na
banggaan nila. Habang siya’y nabibitak at unti-unting lumulubog sa ilalalim ng tubig,
naalaala ng bangang lupa ang kaniyang ina

III. MGA SANGGUNIAN

A. Aklat
Peralta, Romulo N. et al (2014) Panitikang Asyano 9, Modyul ng Mag-aaral
sa Filipino 9, Unang Edisyon, Vibal Group, Inc.
Peña, Estrella L. et al (2016) Kanlungan 9, Batayan at Sanayang Aklat sa
Pag-aaral ng Wika at Panitikang Filipino batay sa Bagong K-12
Kurikulum, Ikalawang Edisyon, ELP Campus Journal Printing

IV. GAWAIN

Panuto: Basahin muli ang halimbawang parabula sa itaas. Pagkatapos sagutin ang
kasunod na tanong sa pamamagitan ng pagpili ng letra ng tamang sagot.

1. Sino sa mga tauhan ang laging pinapayuhan ng kanyang ina?


a. Bangang Lupa b. Bangang Porsenalana
c. Bangang Metal d. Bangang kahoy

2. Ano ang laging tagubilin ng inang banga sa kanyang anak?


a. Huwag maglakwatsa
b. Huwag kalimutan na ikaw ay isang banga na gawa sa lupa
c. Huwag pumunta kung saan saan na hindi nagpapaalam
d. Huwag sumama sa hindi kakilala

3. Bakit napilitang sumamang maligo sa lawa ang bangang gawa sa lupa?


a. Dahil naiinggit siya
b. Dahil naniniwala siya na lahat ng banga ay pantay-pantay
c. Dahil nakaramdam siya ng sobrang init
d. Dahil hindi pa niya naranasang maligo sa lawa

4. Nagtagumpay ba ang pangunahing tauhan sa kanyang layunin?


a. Oo b. Hindi sigurado c. Hindi d. Walang katiyakan

5. Anong aral o mensahe tungkol sa realidad ng buhay ang nais ipabatid ng parabula?
a. Pagiging masipag c. Paggawa ng kabutihan sa kapwa
b. Pagsunod sa payo ng mga magulang d. Pagpapahalaga sa sarili

 Tandaan:
Ang parabula ay isang uri ng panitikan na hinango mula sa Bibliya na
kapupulutan ng aral bilang gabay sa mga tao tungo sa matuwid at marangal na
pamumuhay.

V. REPLEKSIYON
Bilang mag-aaral, bumuo ng sariling kaisipan kung paano maisasabuhay ang mga
aral o mahalagang kaisipang nakapaloob sa parabola ngayong pandemya?
__________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

VI. SUSI SA PAGWAWASTO


1. a
2. b
3. b
4. c
5. b

You might also like