Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Irish Rowence A.

Oarga
12-Discipline

Talumpati ng pagtatapos:

Mga kapwa ko mag-aaral, mga guro, at mga magulang na naririto upang


masaksihan ang kanilang mga anak na magtapos, magandang umaga po sa inyo lahat.
Ako nga pala si Irish Argete Oarga sa umaga at si flash naman sa gabi pag deadline na
bukas. Narito ako sa inyong harapan hindi para magyabang kundi ibahagi ang ilan sa
aking mga tagubilin sa mga studyanteng patuloy pa din nagsusumikap na abutin ang
kani-kanilang mga pangarap. Ngunit hayaan ninyo muna akong magbigay pasasalamat
sa mga taong walang sawang sumuporta at hindi napagod na umagapay sa akin sa
tuwing ako’y nawawalan ng gana at inspirasyon. Unang una sa lahat nagpapasalamat
ako sa Panginoon na siyang dahilan kung bakit narito ako sa inyong harapan, patuloy
na nagbigay lakas at tumulong sa mga pagsubok na hindi ko kaya ng mag-isa. Nais ko
ding bigyang pagkilala ang aking mga guro na silang tumayo bilang pangalwang ina sa
loob ng paaralan at nagbigay ng sobra sobrang kaalaman na dadalhin ko sa susunod
na destinasyong aking tatahakin. Sa aking mga kaibigan na walang sawang nagbibigay
ng ligaya sa aking buhay, mahal ko kayo mabuhay kayo hanggang gusto nyo. At sa
aking mga magulang nais kong ibigay ang parangal na ito sa inyo, sapagkat kayo ang
dahilan kung bakit ko ito nakamit. Nagpapasalamat ako sa walang kupas na
pagmamahal, walang sawang pag-intindi, at walang sawang pagsuporta.
Madrama man sa inyong paningin, walang salita ang tutumbas sa
pagpapasalamat na aking binabanggit. Sa mga kapwa ko mag-aaral na nangangarap
ding maging summa cum laude tandaang walang imposible sa taong madiskarte. Tunay
na hindi naging madali ang daang aking tinahak upang makamit ang parangal na ito,
ngunit isa lamang ang aking paalala, sa lahat ng iyong nais makamit huwag kalimutan
ang sarili. “Never stop dreaming, just stay asleep”, matulog ka hanggat may
pagkakataon. Sa college puyat ka na pagod ka pa, kaya palaging bigyan ng oras ang
sariling magpahinga. Walang sinuman ang makapagbibigay sa iyo ng pisikal na
kalakasan kundi ang sarili mo lamang. “Whenever you go, go with all your heart”. Sa
lahat ng iyong gagawin palaging ibigay ang iyong buong puso. Ibigay ang lahat sa lahat
ng bagay at makikita mo ang tagumpay. Live like there’s no tomorrow. “Your time is
limited, so don’t waste it living someone else’s life.” Isa sa mga naging problema ko ay
ang pagtingin sa iba. Pagkukumpara ng sarili sa iba. Napagtanto kong hindi ka uunlad
kung patuloy kang maiinggit at patuloy kang gagaya sa anumang meron ang iba.
Matutong maging mapagpasalamat sa mga bagay na meron ka. Isa sa mga problema
natin ay nakapokus tayo sa mga bagay na wala tayo at hindi natin napapansin na
andaming bagay na meron tayo na wala ang iba. Lahat tayo may sari-sariling abilidad at
ito ay kinakailangan lamang nating yakapin at pagyamanin.
“Smile like you never cried, fight like you’ve never lost, love like you’ve never
been hurt, and live like there’s no tomorrow”. Dream, Believe, Survive, starstruck. At
muli ako si Irish Rowence Oarga, nagrereklamo man bago gumawa, summa cum laude
naman ay makukuha. Maraming salamat po.

You might also like