Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

See discussions, stats, and author profiles for this publication at: https://www.researchgate.

net/publication/356960898

Mga Pamamaraan bilang Epektibong Pagbibigay-kaalaman ng mga Guro ng


Filipino

Article · December 2021

CITATIONS READS

0 3,556

1 author:

Aldrine Gloria
La Consolacion University Philippines
2 PUBLICATIONS   0 CITATIONS   

SEE PROFILE

All content following this page was uploaded by Aldrine Gloria on 11 December 2021.

The user has requested enhancement of the downloaded file.


Paksa: Pagtuturo ng Wika at Panitikang Pilipino sa Panahon ng Pandemya

Mga Pamamaraan bilang Epektibong Pagbibigay-kaalaman


ng mga Guro ng Filipino
Aldrine Ritada Gloria
aldrine.gloria@email.lcup.edu.ph
Disyembre 2021

Abstrak: Nakatuon ang pag-aaral na ito sa pagpapayabong na magagamit na mga pamamaraan sa

pagtuturo at pagkatuto sa wikang Filipino sa panahon ng pandemya. Sa patuloy na pakikibaka sa

distance learning, maraming umusbong na pagbabago, hindi lamang sa paraang ng pagkatuto ng

mga mag-aaral gayundin sa paraan ng pagtuturo ng mga guro. Dahil dito, ang paggamit ng iba’t

ibang pamamaraan sa pagtuturo ang susi sa pagtamo ng mas mataas na antas ng kaalaman at

masasabing may malaking kapakinabangan sa mga tagpagbigay-kaalaman at maging sa pag-aaral

ng mga mag-aaral. Nilayon ng mananaliksik na maging matagumpay ang makabuluhang pag-aaral

sa tulong ng mga detalyadong datos batay sa ibinigay na paksa: (1) Ako bilang guro sa

asignaturang filipino, (2) ang pagtuturo ng wika [at gramatika], (3) ang pagtuturo ng panitikan, at

(4) Ang pagtataya ng pagkatuto sa asignaturang filipino. Ang paglalakbay ang naging daan upang

maisakatuparan ang pag-aaral na ito, na inangkop sa mahuhusay sa pagbigay na mga naangkop at

sinuring impoormasyon nakuha sa pinag-aralan ng mga mananaliksik. Matapos maisagawa ang

pag-aaral, kinakitaan na ang pagkakaroon ng kalidad sa pagtuturo, ay kung mapagyayaman ang

mga pamamaraan na makatutulong sa lahat ng aspekto; face-to-face class o sa paraan paggamit ng

teknolohiya --- ang makabagong klasrum, upang makamit ang layunin bilang isang epektibo at

mahusay na guro.

Mga Susing Salita: guro at mag-aaral, wika, panitikan, wikang Filipino, kalidad na edukasyon,

teknolohiya.

1
1. Ako Bilang Guro ng Asignaturang Filipino

Isa sa mga tinitingala sa lahat ng propesyon--- ang guro; kaakibat nito ang pagiging

mahusay na modelo, paghubog sa mga kahinaan, pagpapayabong sa mga kakayahan sa mga mag-

aaral, may-puso, sa sinumpaang trabaho. Ilan pa lamang sa pangkalahatang katangiang tinataglay

ng pagiging guro. Ang isang mabuti at mahusay na guro ay laging may panahon na humanap o

gumawa ng inobasyon para sa pag-unlad ng performans ng isang bata (Silva, 2018). Pagiging

handa sa lahat ng kakailanganin upang makamit ang kalidad ng edukasyon para sa mga mag-aaral.

Dagdag pa rito, ang kagustuhang matuto ng mga mag-aaral dahil sa angking sining at pagiging

malikhain sa pagtuturo ng guro sa pamamagitan ng iba’t ibang kasanayang pampagkatuto.

Samantala, isang malaking hamon sa guro ng asignaturang Filipino ang pagkakaroon ng

ispesipikong kaugalian, kahalagahan at katangian nito.

Kung ang pagiging guro pa lamang ay isa nang napakadakilang propesyon, ano pa kaya

ang pagiging guro sa Filipino lalo pa’t ito ang asignaturang nakatuon sa ating sariling wika at

kasasalaminan ng tradisyon, kultura, at higit sa lahat, ang pagkakakilanlan bilang mamamayang

bumubuo sa isang bansang hinubog ng makulay, masalimuot, at hindi matatawarang kasaysayan.

Nararapat lamang na mabatid ng bawat Pilipino ang kahalagahan ng pagiging guro sa Filipino

bilang isang napakarangal na gawain para sa bansa. (Alejo, et.al., 2015)

Ang pagiging guro ng asignaturang Filipino ay maituturing na isang bayaning

nagpapatunay para sa mga Pilipino na siyang magpapaningning ng kultura at magbabatid sa mga

henerasyon ang repleksyon ng Wikang Filipino bilang mga Pilipino. Kaalinsabay ng mga

makabagong pamamaraan sa pagtuturo ang makabagong guro ng asignaturang Filipino ay

nagiging progresibo upang sabayan ang makabagong Pilipino. Ang pagiging guro partikular sa

2
asignaturang Filipino ay nararapat lamang bigyang tuon lalo’t higit ang sariling wika at sariling

pagkakilanlan ang siyang tatak bilang isang lahing Pilipino (Silva, 2018).

Sa panahon na sinusubok ang katatagan ng lahat, marahil ay nawawalan ng pokus ang

karamihan sa bagay na makapagpapadebelop ng kaniyang kakayahan dahil sa takot na tamaan nito,

ngunit ang mga guro, kahit ano pa mang pangambang nakaamba, gagawa ng paraan upang

maihatid at maibigay ang kakailanganing karunugan ng mga mag-aaral lalo’t higit may katibayan

ng loob dahil may sinumpaang tungkulin sa bayan.

Ang pagiging masaya sa serbisyo bilang guro at ang pagiging masaya sa klase ay

magbubunga ng ibayong kahusayan sa pagtuturo (Cabigao, 2021).

Anuman ang husay ng mga pamamaraan at kagamitan ng guro sa pagtuturo, huwag pa rin

nating kalilimutan ang malaking ambag ng mga magulang at ng tahanan sa lubos na pagkatuto ng

mga mag-aaral. Habang tayo ay nagpapakahusay sa pagdukal ng karunungan sa larangan ng

pagtuturo, alalahanin natin na ang pakikipag-ugnayan ng guro sa tahanan ng mga mag-aaral ay

isang mahalagang estratehiya upang patuloy na mahikayat ang mga mag-aaral na makatugon sa

mga pangangailangan ng kanilang mga asignatura sa paaralan. Ang pakikilahok ng mga magulang

sa pag-aaral ng kanilang mga anak ay lubhang mahalaga (Cabigao, 2014).

2. Ang Pagtuturo ng Wika [at Gramatika]

Sa panahong sinusubok ang katatagan sa lahat ng aspekto ng buhay partikular na sa pag-aaral,

doble-kayod ang isinasagawa ng mga guro upang maihatid sa mga mag-aaral ang kalidad ng

edukasyon. Sa pamamagitan ng modyul; pagtuturo sa makabagong silid-aralan, tunay na mahirap

maikintal sa bawat mag-aaral ang mga araling dapat nilang matutuhan, ngunit bilang may

sinumpaang tungkulin, marapat lamang na gumawa ng makabagong pamamaraan sa pagtuturo ---

3
makuha ang interes ng mga mag-aaral upang matuto lalo na sa wika at gramatika. Ayon sa pag-

aaral na ginawa ni Kim (n.d.) ang wika ay nakaugat sa ating karanasan. Ang mag-aaral na may

sapat na kabatiran sa mga nagaganap sa kanyang kapaligiran ay inaasahang magiging matatas sa

paglalahad ng kanyang mga ideya o kaisipan tungkol sa kapaligirang ito. Kung kaya’t sa bawat

nilalaman nito, gamit ang makabagong pamamaraan, imulat ang mga mag-aaral iba’t ibang

makatotohanang gawain upang mahasa ang kasanayan sa paggamit ng wika at gramatika.

Upang magkaroon ng magandang pundasyon, makabuluhang karunungan ang mga mag-aaral

sa pag-aaral ng wika at gramatika, mapagpapatuloy ang kalidad na inaasam-asam ng mga mag-

aaral sa pamamagitan ng mga pamamaraang mababanggit sa pag-aaral nina Maaño at Marino

(2021):

a.) Paglilipat-Baybay (Grammar Translation)

Ang pamamaraang ito ay maituturing na kadugtong ng mga pamamaraang ginagagamit

noong klasikal na panahon hanggang sa kasalukuyang panahon ng pagtuturo ng wika. Ito ay

nakatuon sa pagkakabuo ng mga salita, pangungusap, etc. Ang pagtuturo nito ay ibinibigay gamit

ang sinusong wika ng mga mag-aaral. Kakaunti lamang ang pangangailangan sa pag-gamit ng

wikang ninanais matutunan. Ang tuon ng pamamaraang ito ay ang pagtuturo ng balarila, baybay,

at pagkakabuo ng isang mensahe. Maagang pinapabasa ang mga mag-aaral ng mahihirap na

babasahing nasusulat sa nais matutunang wika. Ang kadalasang pagsukat ng kakayahan ng mga

mag-aaral ay base sa paglilipat ng wika mula sasinusong wika papunta sa wikang nais matutunan.

Ang kahinaan ng pamamaraang ito ay ang kawalang kakayahan ng mga mag-aaral nagamitin ang

wikang ninanais matutunan sa pasalita sa kadahilanang ang kasanayan ng mga mag-aaral ay sa

pasulat na pamamaraan.

4
b.) Direktang Pamamaraan (Direct Approach)

Ang pamamaraang ito ay reaksyon mula sa pag-gamit ng paglilipat-baybay (grammar-

translation) at sa kawalang kakayahan nitongmakapagturo sa mga mag-aaral na gamitin ang target

na wika sa pasalitang komunikasyon. Sa pamamaraang ito, hindi pinapayaganang pag-gamit ng

sinusong wika. Ang mga aralin ay kadalasang nagsisimula sa mga dayalogo o kasabihan na

gagamitin upangmagkaroon ng ugnayang-komunikasyon o pag-uusap. Ang pagkumpas, pag-

gamit ng katawan, at mga larawan ay ginagamit upang lubos na maunawaan ang nais iparating ng

komunikasyon. Ang pagtuturo ng balarila ay hindi direkta at kung kinakailangan

lamang. Ang mga gawang pampanitikan ay pinapabasa sa mga mag-aaral upang maglibang

lamang at hindi upang analisahin ang nilalaman nito. Ang kultura ng wikang ninananais matutuhan

ay hindi dindirektang itinuturo sa mga mag-aaral. Ang guro ay dapat may lubos na kakayahan sa

pagtuturo ng target na wika ng mga mag-aaral.

c.) Pabasang Pamamaraan (Reading Approach)

Ang pamamamaraang ito ay isang reaksyon sa mga problemang lumutang sa paggamit ng

direktang pamamaran ng pagtuturo ngwika. Ito ay nababatay sa paniniwalang ang kakayahan sa

pagbasa ay ang mas magagamit na kakayahan sa pag-aaral ng ibang wika lalo na sa

paglalakbay. Ito rin ay nabuo sa dahilang kakulangan ng mgaguro sa kakayahan na gamitin ang

direktang pamamaraan. Ang mgaaralin sa balarila na kinakailangan lamang sa pagbabasa ang

tanging itinuturo sa mga mag-aaral. Ang mga aralin sa pagpapalagum ng mga salita ay dahan-

dahang ibinabahagi sa mga mag-aaral. Ang pagsasaling wika ay muling ginagamit bilang isang

kapakipakinabang na paraan. Ang pagkaunawa sa mga binabasa ang tanging tuon ng pagsasanay

sa mga mag-aaral. Hindi kinakailangan ng guro ang lubos na kasanayan sa pagtuturo ng wika.

5
d.) Audiolingualism
Ang pamamaraang ito ay isang reaksyon mula sa problema at kakulangang nakita sa

reading approach. Mula sa kabiguan ng reading approach na makapagsanay ng mga mag-aaral na

nakakapagsalita at nakakapakinig sa komunikatibong antas. Ito ay nagmula sa reporma ng

direktang pamamaraan ngunit dinagdaganlamang ng saklaw ng structural linguistics. Ang mga

aralin ay sinisimulan sa paglalatag ng mga dayalogo. Ang pagmememorya at panggagaya ng mga

salita ay ginagamit bilang isang mabisang teknikdahil sa paniniwala na ang wika ay natutunan

mula sa pagkasanay nagamitin ito. Ang pagsasanay sa pagbaybay ng mga salita ay ang tuonmula

sa simula ng pagaaral. Masidhi ang pagpigil sa pagkakamali ngmga mag-aaral sa pag-gamit ng

wika. Ang wika ay itinuturo sa pamamagitan ng pagmamanipula ng guro at hindi tinutuunan ng

pansin ang pakahulugan ng mensahe. Ang guro ay dapat may lubos nakakayahan sa pagtuturo ng

balarila at pagbibigkas (ponolohiya).

e.) Oral-Sitwasyonal

Ang pamamaraang ito ay isang reaksyon mula sa paggamit ngpabasang pamamaraan ng

pagtuturo ng wika dahil sa kakulangan nito na bigyang-diin ang kakayahan ng mag-aaral sa

pagsasalita at pakikinig. Ito ay sumikat sa Britanya noong 1940 hanggang 1960. Sa pmamaraang

ito, ang sinasalitang wika ay ang pundasyon. Ang wikang nais matutunan ay ipinipresenta sa mga

mag-aaral sa pasalitang paraan bago sa pasulat. Tanging ang wikang nais matutunan ang ginagamit

sa loob ng silid aralan. Ang pagtuturo ngbalarila ay mula sa simple hanggang sa komplikadon.

Bagong mga salita ang itinuturo sa mga mag-aaral base sa bawat sitwasyon.

6
f.) Kognitiv

Sa pamamaraang ito, ang pag-aaral ng wika ay pinaniniwalaang nangyayari sa pagkatuto

ng mga batas at alintunin ng balarila athindi sa pamamagitan ng pagsasanay na gamitin ito. Ang

pagtuturo aykadalasang isahan kung saan ang mga mag-aaral ang pangunahing dahilan ng kanilang

sariling pagkatuto. Ang balarila ay itinuturo sa mga mag-aaral. Ang pagtuturo ng baybay ay

itinuturo din sa mag-aaral ngunit hindi nakatuon sa pagpapalinis ng pagbigkas. Ang pagbasa at

pagsulat ay mga pinakamahalagang paraan ng pagkatutokapantay ng pagkatuto sa pakikinig at

pagsasarita. Ang pagtuturo ngmga salita ay kinikilala ding mahalaga. Ang kamalian ng mag-aaral

sapag-gamit ng wika ay kinikilala ding hindi maiiwasan ngunit malilimitahan. Ang guro ay

inaasahang magaling sa pag-gamit ngwikang nais matutunan ng mga mag-aaral.

g.) Afectiv-Humanistik

Ang pamamaraang ito ay isang reaksyon sa pangkalahatang kakulangan ng ibang mga

pamamaraan sa pandamdaming aspekto ngpagtuturo ng wika. Sa pamamaraang ito kinikilala ang

mga mag-aaral bilang isang indibidwal na may damdamin at kakayahan. Angpagtuturo ng

komunikasyon ay base sa kakayahan ng mag-aaral. Itoay ginagawa sa pamamagitan ng dalawahan

o pangkatang pagsasanay. Ang klima ng emosyon sa loob ng silid-aralan ay kinikilalang mas

mahalagang kagamitan sa pagtuturo ng wika kaysasa anumang material. Ang suporta ng kaibigan

at kamag-aaral ay kinikilalang mabisang pantulong sa pagkatuto.

h.) Comprehension-Based

Sa pamamaraang ito, ang pakikinig ay kinikilalangpinakamahalagang kakayahan upang

matutong magsalita, bumasa atmagsulat ng maayos ang mga mag-aaral. Ang mga mag-aaral ay

nagsisimula sa pakikinig ng mga makabuluhang salita at nagbibigay ng fidbak sa makabuluhang

paraan ng komunikasyon. Ang mga mag-aaral ay hindi nakakapagsalita hanggang hindi sila handa.

7
Ang pagkatuto ng mga mag-aaral ay nagmumula sa mga makabuluhang karanasan na kanilang

ikinokonekta sa pag-aaral ng wika. Ang pagwawasto ng istruktura ng pagkaunawa ng mag-aaral

ay kinikilalang hindi mahalaga. Ideya ang kinikilalang mahalaga sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

i.) Komunikatibo (Communicative)

Sa pamamaraang ito, kinikilala na ang layunin ng pag-aaral ng wikaay ang pagsali sa

gawaing kumunikasyon. Pinaniniwalaan sa pamamaraang ito na ang pagbuo ng kahulugan at ang

kaugnayan nitosa balarila ay mas mabisang paraan ng pagkatuto ng buo sa wikang ninanais

matutunan. Ang mag-aaral ay madalas na nag-aaral ng wika sa pangkatang paraan. Ang mga

gawain at pagsasanay ng pagkatuto ay kadalasang otentik. Ang mga gawain ay dapat repleksyon

ng tunay na buhay at pangyayai upang maikonekta ng mga mag-aaral sa kanilang karanasan. Ang

guro ay isa lamang tagasubaybay sa pagkatuto.

Sa kabuuan, maaaring ang lahat ng nabanggit sa itaas na pamamaraan ay magagamit sa

pagtuturo ng wika [at gramatika] ngunit, kinakailangang isaalang-alang ng guro ang kakanyahan

ng mag-aaral, ang sitwasyon, ganoon din ang layunin nito upang magkaroon ng magandang

kinalabasan ang pagtuturo at pagkatuto ng bawat mag-aaral. Ayon kay Gannaban (2020) ang

desisyong ng guro hinggil sa pamamaraang pipiliin sa pagtuturo ay ginagabayan ng kaniyang

paniniwala tungkol sa wika at gramatika at pagkatuto ng wika at gramatika; teorya ang tawag sa

set ng mga paniniwalang ito. Maraming teorya o pananaw ang isinusulong kaugnay ng pagtuturo

ng wika at gramatika. Malaki ang naging ambag ng mga ito bilang batayan sa pagsubok ng iba’t

ibang pamamaraan sa pagtuturo.

8
3. Ang Pagtuturo ng Panitikan

Sa kalagayan ng pag-aaral ngayon na nasa gitna ng pandemya, mahirap kung tutuusin ang

hindi nakikita, makita man, sa screen lamang; tila ba’y nangangapa sa dilim kung tunay na

makabuluhan ang pagkatuto ng mga mag-aaral. Kung kaya’t bilang tagapagtaguyod ng Filipino

partikular sa panitikan, hahanap ng paraan upang mapanatili at maaaring umusbong pa ang

pagbibigay-kaalaman sa mga mag-aaral. Sa pag-aaral ni Fernandez (2021), bagamat tayo ay nasa

panahon ng pandemya ay hindi hadlang ito upang magkaroon ng kasiningan sa pagtuturo ang mga

guro. Maaaring ang paglalatag ng mga makabagong teknolohiya at estratehiya na magagamit sa

mga modyul ay makakatulong ito sa isang makabuluhan at maayos na pagkatuto. Hindi ba’t tunay

ang kasabihan na ang mga mag-aaral ay silang gitna ng anumang uri ng proseso ng pagtuturo kung

wala sila walang pagtuturo at pagkatutong magaganap. Gaya nga ng sinabi ng mga

contructivist “nagkakaroon ang mga mag-aaral ng bagong pagkatuto gamit ang mga tanong ng

mga guro at malikhaing pamamaaraan.” Kahit sa ano pa mang sakuna lalo na ang pandemya,

gagawa ng paraan upang maihatid ang kalidad sa pagtuturo tungo sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

Tunay na hindi maikakaila ang kahalagahan ng pag-aaral ng Panitikan sa buhay ng tao. Sa

pamamagitan nito, natutuklasan ng isang mag-aaral ang natatanging yaman at kultura ng isang

lahi, gayundin ang kahusayan at kasiningan ng mga piniling salita na ginamit sa pagbuo ng isang

obra-maestra (Lucas, 2008). Ang mga karunungang nakapaloob sa panitikan nagsisilibing gabay

sa pang-araw-araw na pamumuhay dahil ayon kay Reyes (1985), maaaring ipakitang impluwensya

ng pangkalahatang layunin ng mga manunulat --- ang magbigay ng aral sa buhay.

Tunay na kapaki-pakinabang ito upang ipagpatuloy ang laban sa buhay ng mga tao, at ang mga

guro na gumagabay sa paglalakbay ng mga mag-aaral kahit na nasa panahon ng pandemya.

9
Sa pagbabasa ng akdang pampanitikan ng mga mag-aaral ay nalilinang ang kanilang

bokabularyo, ang pagiging malikhain, ang imahinasyon, at ang kanilang pang-unawa sa

panunuring pampanitikan. Ayon kay Pinon (2014) sa pag-aaral ni Balansag (2019), ang

panunuring pampanitikan ay maaaring magbubukas sa maluwag na malayang talakayan sa klase

na magmumulat sa mag-aaral o estudyante ng tunay na mensahe at tunguhin ng akdang binasa.

Higit sa lahat hihikayat ito ng partisipasyon at pagbabahaginan ng mga kaisipang magbibigay daan

sa pagtuklas at paglinang sa iba’t ibang katalinuhan ng mga mag-aaral.

Ang pag-aaral ng panitikan ay may layuning makagising ng damdamin ng mga mambabasa

batay sa kanilang paniniwala at pananaw sa buhay at pati rin para mapalawak ang kanilang

kaalaman tungkol sa ibang tao at tuloy maragdagan pa ang pagkaunawa at kawilihan sa pagbasa

at pagsuri nito (Peret, 2021).

Sa teorya ni Highet (1950) na transfer theory, sa isinagawang pag-aaral ni Llagas (2021),

binibigyang diin sa teoryang ito na ang kaalaman ay naipapasa mula sa guro patungo sa mga mag-

aaral sa pamamagitan ng mga epektibong mga elemento sa pagtuturo tulad ng mga estratehiya,

kaalaman at teknik. Ang mga mahuhusay na elemento sa pagtuturo ang magiging daan sa mga

mag-aral upang matamo ang karunungan saa mga araling pinag-aralan. Nangangahulugan na ang

isang guro ay dapat magkaroon ng malawak na kaisipan hinggil sa epektibong elemento sa

pagtuturo nang sa gayon ay makatulong sa mga mag-aaral upang mapalawak ang kaalaman sa

bawat aralin. Ang teoryang ito ay nakasandig sa kakayahan ng isang guro sa pagtuturo.

Ayon kina Carada at Fabul (2021), mainam rin na isaalang-alang ang karanasan,

kinawiwilihan at interes ng mga mag-aaral sa pagpili ng estratehiya o ng metodo na gagamitin sa

pagtuturo sapagkat mas nagiging aktibo, nagiging interesado, nagiging epektibo at

ginaganahan sila sa klase. Ayon pa kay Manallo (2016), batay sa mga pag-aaral na isinagawa na

10
nagkakaroon ng mga pagsasanay ang mga guro upang malaman kung alin sa mga estratehiyang

ito ang pinakamabisa sa lahat. Subalit kahit ano pa man ang estratehiya ang gamitin mahalaga pa

rin na malaman na ito ay dapat akma sa istilo ng pagkatuto ng mga mag-aaral. At mahalaga rin na

marunong ang mga guro na maisakatuparan ang kanyang layunin sa paraang hindi maisasantabi

ang kakayahan, interes at lebel ng kahandaan ng mag-aaral.

Magiging madilim ang paglalakbay bilang guro ng isang guro kung walang gabay ang

kaniyang pagtuturo; pagkakaroon ng interesandong motibasyon, ang pamamaraan, at

pagmamaster sa (mga) aralin kung kaya’t, marapat na isaisip at paghandaan ang bawat tatalakayin

upang magkaroon ng liwanag hindi lamang sa pagtuturo, pati na rin sa pagkatuto ng mga mag-

aaral --- maispatan ng liwanag sa kanilang pagtatapos, kahit na nasa new normal setup ng pag-

aaral.

4. Ang Pagtataya ng Pagkatuto sa Asignaturang Filipino

Malaking hamon sa panahon ng pandemyang ito ang pagtataya ng pagkatuto ng mga mag-

aaral. Sa isang modelo ng pagtataya ng pagkatuto na binuo ni Cabigao (2021) ngayong COVID-

19 pandemic, binigyang-diin niya ang tatluhang-ugnayan ng mga salik na nakaaapekto sa

pagtataya. Binanggit niya na upang maging epektibo sa pagtataya, mahalaga ang ugnayan ng (a)

pagsunod sa minimum [required] health standards, (b) alternative learning delivery modalities, at

(c) learning resources. Nakaaapekto rin sa mabisang pagtataya ang ugnayang DepEd Vision-

Mission-Core Values, gayundin ang ugnayang Paaralan-Tahanan-Pamayanan, at ang ugnayan ng

tatlong anyo ng pagtataya, ang Assessment For-As-Of Learning. Kung maayos ang ugnayan ng

mga naturang salik, nakatitiyak na ang mga mag-aaral, bilang sentro sa proseso ng pagtuturo at

pagkatuto, ay lubos na matututo at makikinabang nang husto.

11
Sa makabagong panahon, ang guro at mga estudyante ay nahaharap sa mukha ng

pagbabago, sa pagtuturo at pagkatuto. Hindi maipagkakait na malaki ang naging epekto ng

impluwensya ng midya at makabagong teknolohiya sa komunidad. Maraming mga impormasyon

ang mabilis kumalat at ang antas ng pagkatuto ng mga estudyante at patuloy ding tumataas. Ang

malaking palaisipan dito ay kung paano epektibong masusukat ng guro ang kaalaman at ang

natutunan sa loob ng klasrum (Ardiza, Bontilao et, al., 2011). Sa pamamagitan nito --- ang

pagkakaroon ng teknolohiya. Maraming bentahe sa paggamit nito, higit lalo sa panahon ng

pandemya dahil ito ang paraan upang maipagpatuloy ang mapagkukuhanan ng kaalaman,

pakikipagkomunikasyon sa isa’t isa.

Ayon kay Silva (2008) sa pag-aaral ni Zamora (2016), kailangang makita o masalamin sa

isang kagamitang pampagtuturo ang isang mahusay na kurikulum at pagtuturo. Sa pagpaplano ng

aralin dapat paunlarin ang kasanayan na ang bawat gawain na gagamitin sa pagtuturo ay napipili

ng maayos at naayon sa mag-aaral nang sa gayon matagumpay na maisasaskatuparan ang nais

mangyari sa klase. Sa pamamagitan nito malalaman ng guro kung magiging epektibo ang aralin

gamit ang iba pang kasangkapang pampagtuturo (Demirel, 2007) sa pag-aaral ni Clayton (2021).

Maituturing na dekalidad ang ganitong gawain ng guro upang mapagyaman hindi lamang

sa proseso ng kaniyang pagtuturo, pati na rin sa mga mag-aaral na nakatuon sa kagustuhang matuto

na magreresulta na nakamit ang minimithing layunin sa pagitan ng guro at mag-aaral kahit na nasa

makabagong silid-aralan --- ang teknolohiya.

Isa sa layunin ng paksang ito partikular na sa pagbibigay ng pagtataya sa pagkatuto ng mga

mag-aaral sa Filipino, ay matukoy at matiyak kung mayroong kaangkupan ang ibibigay na

pagpapayaman ng kaisipan ng bawat mag-aaral sapagkat, isa ito sa paraan upang masukat ang

12
kaalaman ng mga mag-aaral. Ito rin ang magsisilbing pamantayan kung tunay na nagiging epektibo

ang pagbibigay-kaalaman ng guro sa mga mag-aaral kahit ang kaharap ay papel at screen.

13
5. Sanggunian

Alejo, et.al. (2015). Pagiging guro sa Filipino. https://pagiginggurosafilipino.weebly.com/

Ardiza, A. L., Vontilao, V. A. et., al. (2011). Impluwensya ng alternatibong pagtataya sa pagkatuto
ng mgaestudyante sa filipino 2.
https://www.academia.edu/31235680/IMPLUWENSYA_NG_ALTERNATIBONG_PAG
TATAYA_SA_PAGKATUTO_NG_MGA_ESTUDYANTE_SA_FILIPINO_2_ABSTR
ACT_PAMAGAT_IMLUWENSYA_NG_ALTERNATIBONG_PAGTATAYA_SA_PA
GKATUTO_NG_FILIPINO_2

Balansag, N. (2019). Gamit ng panitikan sa pagtuturo.


https://www.slideshare.net/MoniqueBalansag/gamit-ng-panitikan-sa-
pagtuturo?fbclid=IwAR21Jx_nmOubeNewMymQQP5HAb6l7gIuXO7B1aIkcy0Y_IcSx-
UIrcRPJbI

Cabigao, J. R. (2014). Improving Pupils' Academic Performance Through Strengthened School-


Home Partnership.
https://www.researchgate.net/publication/337111225_Improving_Pupils'_Academic_Perf
ormance_Through_Strengthened_School-Home_Partnership

Cabigao, J. R. (2021). Class Observation Post Conference Framework for Teachers. IJAMR
Volume 5. 256-258.
https://www.researchgate.net/publication/349692651_Class_Observation_Post_Conferen
ce_Framework_for_Teachers

Cabigao, J. R. (2021). School-Based Assessment Framework Version 2.0 (The New Normal).
International Journal of Multidisciplinary Research Review. Volume 5. 106-108.
https://www.researchgate.net/publication/349463546_School-
Based_Assessment_Framework_Version_20_The_New_Normal

Carada, I. G., & Fabul, J. A. (2021). Pagkukuwento sa pagtuturo ng panitikan at kasanayan sa


malikhaing pagsulat.
https://www.academia.edu/51402835/PAGKUKUWENTO_SA_PAGTUTURO_NG_PA
NITIKAN_AT_KASANAYAN_SA_MALIKHAING_PAGSULAT

Clayton, R. F. (2021). Paglinang ng pagkatuto ng mga mag-aaral gamitang pagsasagawang


pagtataya sa asignaturang Filipino. https://pdfcoffee.com/action-research-in-filipino-pdf-
free.html

Fernandez, A. G. 92021). Ang distance learning at ang sining ng pagtuturo at pagkatuto ng mga
mag-aaral sa panahon ng pandemya. http://depedbalangacity.com/ang-distance-learning-
at-ang-sining-ng-pagtuturo-at-pagkatuto-ng-mga-mag-aaral-sa-panahon-ng-pandemya/

Gannaban, M. F. (2020). Mga teorya sa gramatika at wika, salalayan sa pagtuturo ng Filipino.


https://ejournals.ph/article.php?id=16040

14
Kim, J. Y. (n.d.). Ang pagtuturo at pagkatuto ng wika. https://pdfcoffee.com/ang-pagtuturo-at-
pagkatuto-ng-wika-pdf-free.html

Llagas, R. D. 92021). Pananaliksik hinggil sa pagtuturo ng panitikang Pilipino.


https://www.scribd.com/doc/212543338/Pananaliksik-hinggil-sa-Pagtuturo-ng-
Panitikang-Pilipino

Lucas, R. D. (2008). Mga mabisang istratehiya sa pagtuturo ng panitikan sa mga mag-aaral sa


kolehiyo. https://www.hau.edu.ph/abstracts-
pdf/Mga%20Mabisang%20Istratehiya%20sa%20Pagtuturo%20ng%20Panitikan%20sa%
20mga%20Mag-aaral%20sa%20Kolehiyo.pdf?fbclid=IwAR2LSlBWA-
6JUJTyABBASECOXbR6S_PFc__k1CcpzkYWpSTKb3H_pOSrfvg

Maaño, A. D. & Marino, R. V. (2021). Pagtuturo ng wika sa maraming pamamaraan.


https://www.academia.edu/10749838/Pagtuturo_ng_Wika_sa_Maraming_Pamamaraan

Manallo, A. D. (2016). (Differentiated instruction sa pagtuturo ng panitikan.


https://pdfcoffee.com/differentiated-instruction-sa-pagtuturo-ng-panitikandocx-pdf-
free.html

Peret, N. T. 92021). Tesis sa Filipino. https://www.scribd.com/doc/135935758/tesis-sa-Filipino

Reyes, S. S. (1985). Ilang problema sa pagtuturo ng panitikan sa Pilipino.


https://ejournals.ph/article.php?id=10189&fbclid=IwAR3D7_l21gJbXa6axefOn9HGLgp
bEGT_DCOTvfBaDZXjNY1EZzPLTv-zq2o

Silva, M. (2018). Gurong Filipino sa makabagong Pilipino.


https://www.academia.edu/31918083/Gurong_Filipino_sa_Makabagong_Pilipino_Guro_Isang_
Misyon

Zamora, N. C. (2006). Pagtataya sa modularisasyon ng K-12 sa asignaturang filipino: Tungo sa


pagbuo ng modelo ng ebalwasyon para kagamitang panturo na tutugon sa Ika-21 siglong
kasanayan. https://www.scribd.com/document/333716045/Pagtataya-sa-Modularisasyon-
ng-K-12-sa-Asignaturang-Filipino-Tungo-sa-Pagbuo-ng-Modelo-ng-Ebalwasyon-para-
Kagamitang-Panturo-na-Tutugon-sa-Ika-21-Sig

15

View publication stats

You might also like