Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Minsan ako’y napapaisip, ano nga bang halaga ko?

Ano nga bang layunin bakit ako naririto,


anong dakilang pakay ng aking buhay? Ako nga ba ay gurong mahalaga? O tayo’y bahagi lamang
ng lipunan? O di kaya ay sadyang sa panahong magdaraan tayo’y makakalimutan at tatalikuran?
“Ang tunay na sukatan ng dakilang guro, ay di sa dami ng katibayan o sa taas ng degree na
natamo,
Kundi sa bilang ng mag-aaral na natuto at sa pagbibigay inspirasyong mula sa kanyang puso.”
Umiinog sa buhay ng guro ang paaralan, guro na kung saan bayani ng lipunan, huwaran ng
mamamayan at tagahubog sa kamalayan. Alay nya’y dangal, puhanan ay pagmamahal.
Iba’t ibang gawain, papel na nakahain, at panibagong aralin. Pagkatuto at pagbabahagi aming
sisikapin.
Buhay ng guro ay hindi biro, Sila’y sa ating bubuo Liwanag sa pagkatao mo.
Buhay ng guro ay hindi biro, sila’y maituturing mong superhero.
Mga pangkaraniwang guro sa loob ng paaralan, makukulay na buhay, kahit minsan ay may
pinagdadaanan, patuloy pa ring lumalaban.
sa pamamagitan nila’y mamumulat tayo sa kung ano ang hiwaga ng buhay, buhay ng pakikibaka
at buhay ng pagtatagumpay.
mga gurong matutunghayan ang dakilang pagmamahal na kailanman ay hindi matutumbasan ng
kahit ano mang salapi.
gurong nagpunla ng ating bukas, tayo ay may ngayon dahil sa mga guro.
Gurong nagtanim ng ating karunungang di maigagapos ninuman.
Gurong nagturo sa atin kung paano tuklasin ang bagay-bagay
Guro na minsan ay ating binalewala ngunit sa paglaon ng panahon ay sadya mababaliktanawang
sila ang nagpanday ng ating kaisipan.
Gurong maituturing sa apat na taludtod,
Bayani ng bayan
Dakila ng bayan
Humuhubog sa mga kinabukasan ng ating bayan.
Instrumentong mula sa Panginoon tungo sa bansa at bayan.
Bayani ka ng bayan, ikaw ang gurong sumibol noon pa man, buhay ang inialay, sakripisyo’y
nakabatay, dunong at husay sa iyo nakasalalay.
Dakila ka ng bayan! Hindi matutumbasan ang inyong hirap at pagod, hindi matatawaran ang oras
na iyong ginugugol! Hindi maitatatwang isa kang huwarang dapat pasalamatan!
Humuhubog ka ng kinabukasan ng bayan, ikaw ang makabagong Rizal na dumidibuho sa buhay at
pangarap ng mag-aaral.
Instrumento kang mula sa Panginoon tungo sa bansa at bayan.
Ikaw ay marunong na pinunong magniningning na gaya ng liwanag sa langit at ikaw ay gurong
umaakay sa marami sa pagiging matuwid at sisikat kang parang bituin magpakailanman.

You might also like