Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

ALITUNTUNIN SA PORMAL NA DEBATE:

- Ang debate na ito ay isininagawa upang maipamalas ng bawat pangkat ang kani-kanilang
opinyon sa nakatalagang paksa o isyu na pangangatwiranan.
- Ang bawat isang pangkat ay kailangang depensahan ang kanilang panig anoman ang kanilang
personal na opinion hinggil dito.
- Kung kaya’t hindi maaaring mag-away, magsigawan at magsabihan ng masasamang salita ang
magkabilang pangkat. Kung mayroon man na ganitong senaryo ay ititigil na ng mga guro ang
palatuntunan.
- Ang bawat pangkat ay inaasahang maayos ang suot “corporate attire o semi-formal” na
kasuotan.
- Ang lahat ay pinahihintulutang magdala ng kanya-kanyang notes na babasahin, ngunit hindi
maaaring maghiraman ng notes o magdiktahan ang magkakagrupo ng kung ano ang sasabihin.
- Maaaring gumamit ng Ingles at Filipinong wika sa isasagawang debate.
- Maaaring tumayo sa oras na kayo ay magsasalita, ngunit hindi ko pwedeng lapitan ang iyong
katunggali at duruin.

PROSESO SA ISASAGAWANG DEBATE:

1ST ROUND:

- Ang bawat isa ay bibigyan ng tig- 1-2 minuto kada miyembro upang magsalita at idepensa ang
kanilang panig. Samakatuwid, halinhinan ang pagsasalita. 1,1,2,2,3,3,4,4,5,5

2nd ROUND:

- Hihikayating magbigay ng katanungan ang bawat isang pangkat.


- Sasagutin ng isang miyembro ang naturang katanungan.

3rd ROUND: SAGUTAN

- Bibigyang pahintulot ng tagapamagitang guro ang bawat isa na magkaroon ng sagutan at


magbatuhan ng opinion hinggil sa isyung pinagtatalunan sa loob ng 10 minuto.

PAMANTAYAN SA PORMAL NA DEBATE


PAKSA O KAISIPAN /NILALAMAN – 30 %

PARAAN NG PAGSASALITA – 40%

PAGTULIGSA – 20%

TIWALA SA SARILI – 10%

You might also like