Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

FILIPINO

I. Piliin ang tamang sagot.

1. Ito ang tawag sa salitang ipinapalit o inihahalili sa pangngalan.


a. Pandiwa
b. Pang-uri
c. Panghalip

2. Ito ang tawag sa salitang ipinapalit o inihahalili sa ngalan ng tao.


a. Panghalip Panao
b. Panghalip Paari
c. Panghalip Pamatlig

3. Ito ang tawag sa salitang ipinapalit o inihahalili sa ngalan ng taon nagpapakita ng pagmamay-ari
a. Panghalip Panao
b. Panghalip Paari
c. Panghalip Pamatlig

4. Ito’y panauhan ng panghalip na tumutukoy sa taong nagsasalita.


a. Unang Panauhan
b. Ikalawang Panauhan
c. Ikatlong Panauhan

5. Ito’y panauhan ng panghalip na tumutukoy sa taong pinag-uusapan.


a. Unang Panauhan
b. Ikalawang Panauhan
c. Ikatlong Panauhan

6. Ito ay panghalip na ginagamit sa pagtukoy sa isang tao, bagay, hayop, lugar, pangyayari at iba
pang pangngalan na itinuturo.
a. Panghalip Panao
b. Panghalip Paari
c. Panghalip Pamatlig

7. Ito ay mga salitang ipinapalit o inihahalili sa itinuturong lugar.


a. iyo, inyo, atin
b. dito, diyan, doon
c. akin, ko, amin

8. Ito ay mga salitang ipinapalit o inihahalili sa itinuturong bagay.


a. iyo, inyo, atin
b. dito, diyan, doon
c. ito, iyan, iyon
9. Ginagamit ang salitang ito kung ang lugar na itinuturo ay malapit sa nagsasalita.
a. dito
b. diyan
c. doon

10. Ginagamit ang salitang ito kung ang lugar na itinuturo ay malayo sa nag-uusap.
a. dito
b. diyan
c. doon

11. Ginagamit ang salitang ito kung ang lugar na itinuturo ay malapit sa kausap.
a. dito
b. diyan
c. doon

12. Ginagamit ang salitang ito kung ang bagay na itinuturo ay malayo sa dalawang nag-uusap.
a. ito
b. iyan
c. iyon

13. Ito ang panghalip na ipinapalit o inihahalili sa mga pangalan sa paraang pananong.
a. Panghalip Paari
b. Panghalip Pamatlig
c. Panghalip Pananong

14. Ang Panghalip Pananong na _____ ay ginagamit sa pagtatanong ng lugar.


a. Ano
b. Sino
c. Saan

15. Ang panghalip pananong na ____ ay ginagamit sa pagtatanong ng bilang o dami.


a. Kanino
b. Ilan
c. Ano

16. Ang panghalip pananong na _____ ay ginagamit sa pagtatanong ng taong nagmamay-ari


a. Magkano
b. Saan
c. Kanino

17. Ang panghalip pananong na ____ ay ginagamit sa pagtatanong ng tao.


a. Sino
b. Ilan
c. Ano
II. Guhitan ang panghalip panao/paari na ginamit sa pangungusap.

1. Ako ay kumakain muna bago umalis ng bahay.

2. Dadalo pa rin sila sa paligsahan na gaganapin bukas.

3. Nakita namin ang magandang tanawin sa Bicol

4. Pupunta tayo sa parke mamayang hapon

5. Sa atin ang hiniram na bola ni Carlo.

III. Guhitan ang panghalip pamatlig sa pangungusap.

1. Akin ang itim na sapataos. Ito ang gagamitin ko sa biyahe.

2. Ang damit na asul naman na iyon ang susuotin ko mamaya pag-alis.

3. Ang bag ba na iyan ang gagamitin mo papuntang Batangas?

4. Sa akin ang magandang bestida na ito.

5. Nakita ko dito sa parke ang nawawala kong bisikleta.

IV. Guhitang na panghalip pananong sa pangungusap.


1. Sino ang gumuhit ng larawang ito?
2. Kanino ang pulang payong na ito?
3. Magka-magkano ang mga prutas sa palengke?
4. Saan ka nakatira?
5. Ano ang almusal mo kanina?

V. Bilugan ang letra ng tamang panauhan ng sumusunod na panghalip.

1. Kami
a. Unang panauhan
b. Ikalawang panauhan
c. Ikatlong panauhan

2. Kita
a. Unang panauhan
b. Ikalawang panauhan
c. Ikatlong panauhan
3. Inyo
a. Unang panauhan
b. Ikalawang panauhan
c. Ikatlong panauhan

4. Kanya
a. Unang panauhan
b. Ikalawang panauhan
c. Ikatlong panauhan

5. Mo
a. Unang panauhan
b. Ikalawang panauhan
c. Ikatlong panauhan

VI. Piliin ang wastong kailanan ng mga sumusunod na panghalip.

1. Iyo 4. Nila
a. Isahan a. Isahan
b. Dalawahan b. Dalawahan
c. Maramihan c. Maramihan

2. Ikaw 5. Ko
a. Isahan a. Isahan
b. Dalawahan b. Dalawahan
c. Maramihan c. Maramihan

3. Kita
a. Isahan
b. Dalawahan
c. Maramihan

VII. Tukuyin ang tamang salita na Panghalip Pamatlig upang mabuo ang pangungusap.

1. May putting sasakyan na dumating. ______ ba ang sasakyan natin?


a. iyon
b. akin
c. mo

2. Kuhanan natin ng litrato ang lumang simbahan. Kamera mo ba iyan?


a. ko
b. siya
c. iyan

3. _____ tayo tumayo para maganda ang litratong makuha mo sa atin.


a. ito
b. doon
c. iyon
4. _____ ko binili ang mga pasalubong para sa pamilya ko.
a. ang
b. dito
c. natin

5. May naiwan na bag sa loob ng sasakyan. Sa iyo ba ____?


a. iyon
b. mo
c. ko

VIII. Tukuyin ang angkop na Panghalip Pananong upang mabuo ang pangungusap.

1. _____ ang iyong guro sa Filipino?


a. Sino
b. Ano
c. Kanino

2. ______ ang nais mong matanggap na regalo sa iyong kaarawan?


a. Saan
b. Ano
c. Sino

3. ______tayo mamamasyal sa bakasyon?


a. Sino
b. Magkano
c. Saan

4. _______ ang napitas mong manga sa puno?


a. Ilan
b. Ano
c. Sino

5. _____ ang kasama natin pagpunta sa Laguna?


a. Sino-sino
b. Magkano
c. Anu-anu

You might also like