Pinatigil Ni Je-WPS Office

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Pinatigil ni Jesus ang Bagyo sa Lawa

Ang kwento sa Bibliya na “Pinatigil ni Jesus ang Bagyo sa Lawa” ay hango sa Bibliya na matatagpuan sa
aklat ng Mateo kabanata 8 talata 23 hanggang 27 (Mateo 8:23-27).

Nang minsangs sumakay si Jesus sa bangka kasama ang kanyang mga alagad ay bumugso sa lawa ang
isang malakas na bagyo.

Sa lakas ng bagyo ay halos matabunan na ng alon ang bangkang sinasakyan nila.

Nagkataon namang natutulog noon si Jesus kaya ang mga alagad ay nilapitan at ginising siya.

“Panginoon, tulungan ninyo kami! Mamamatay kami! Lulubog tayo!”

Nang magising si Jesus ay sinabi niya sa mga alagad, “Ano’t kayo’y natatakot? Napakaliit naman ng
pananalig ninyo!”

Nang oras ding yaon ay bumangon ni Jesus, pinatigil ang hangin at ang mga alon, at bumuti ang
panahon.

Ang lahat ng nakasakay sa bangka ay namangha at sinabing, “Ano kayang uri ng tao ito? Maging ang
hangin at ang lawa ay sumusunod sa kanya!”

Aral:

Ang lahat ng bagay ay magagawa ng Diyos kung marunong lamang tayong magtiwala sa Kanya.

Huwag tayong matakot kung tayo man ay dumaranas ng mga pagsubok o kabiguan sa buhay. Lagi nating
tandaan na kasama natin ang Diyos at maari natin siyang tawagan anumang oras.

You might also like