Flaviano Yengko Untold Love Story

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Flaviano Yengko Untold Love Story

Itatampok natin ang istorya ng pagmamahalan ni Heneral Flaviano Yengko


(Disyembre 22, 1874 – Marso 3, 1897) at ng kanyang minamahal. 

Si Flaviano Yengko y Abad, ang tinaguriang Bayani ng Salitran, ay isa sa mga


pinakabatang heneral ng rebolusyon (sumunod si Heneral Gregorio del Pilar at si
Heneral Manuel Tinio). Nag-aral siya sa Escuela Normal at nagtapos ng may
kwalipikasyong maestro de ascenso. Sumunod niyang kinuha ang kanyang bachiller
en artes sa Letran. Kumuha siya ng abogasya sa UST pero tumigil noong Agosto
1896 dahil kailangan niyang “lumaban para sa Amangbayan”.
Kung tutuusin, ayaw niya sana lumaban sa rebolusyon dahil magtatapos na nga siya
sa abogasya at hindi rin ito alam ng kaniyang mga magulang. Ang problema kasi ay
hindi boto ang ama ng kaniyang iniirog. Sabi pa ng ama ng kaniyang napupusuan…

“Anong aasahan mo sa isang lalaking walang alam kundi bihisan ang kaniyang sarili
na parang babae, hindi kumuha ng baril at lumabang parang isang lalaki alinsunod
sa ating layunin?”

Palibhasa’y may karibal pa siya at isa din siyang maporma tulad ni Heneral Gregorio
del Pilar. Nakarating kay Yengko ang sinabi ng ama ng kanyang sinisinta at
palibhasa’y “man of honor“, gusto niyang ipakita sa ama ng sinisinta na mali ang
tingin niya kay Yengko.

Noong Nobyembre 8, 1896, nakarating siya sa Imus at inutusan siya ni Presidente


Aguinaldo na dalhin ang pulbura mula Maynila patungong Kabite. Pagkatapos, saksi
siya sa pinakamagandang panalo ng mga Pilipino noong rebolusyon, ang Labanan
sa Binakayan, kung saan itinaas ang ranggo niya at naging kapitan. Nang matapos
ang taong iyon ay isa na siyang koronel. Partida, nakaporma pa si Yengko!
Pinapamalas niya ang katapangan at tinatalbugan ang kaniyang karibal.

Sumunod ang labanan noong Pebrero 1897 kung saan nakalaban nila ang puwersa
ni Heneral Cornelio de Polavieja. Sa labanang ito, ginawa heneral si Yengko sa
edad na dalawampu’t tatlo. Kaso sadyang mapait ang tadhana. Kahit na
napatunayan na ni Yengko ang kanyang katapangan, sapat na ba iyon?

Sa labanan sa Salitran (o Labanan sa Pasong Santol) noong unang araw ng Marso,


nasugatan si Yengko sa kaniyang abdomen. Ayon sa mga nakakita, kahit dinadala
na siya papuntang pagamutan ay hindi nanghihina ang loob ni Yengko at sumisigaw
pa ng,

“Lumaban tayo! Walang aatras”.

Nang nakarating sila sa pagamutan, inabangan siya kaniyang sinisinta at inalagaan


siya. Sa kasawiang palad, namatay siya matapos ang dalawang araw sa piling ng
kaniyang sinisinta, Marso 3, 1897.

You might also like