Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Aralin2.

1 Dahilan at Layunin ng Kolonyalismo

Bilang ng Araw : 1 Araw


I. Layunin:
1. Naiisa –isa ang dahilan at layunin ng kolonyalismo

II. Paksan Aralin:

Paksa:Mga Dahilan at Layunin ng Kolonyalismo

Sanggunian : AP5PKE- IIa-2.1 Pilipinas Isang Suyap at Pagyakap pp.71-73

Kagamitan: larawan ng puno ng niyog.batayang aklat,discussion web

Pagpapahalaga:Mapanuri sa mga nagyayari sa daigdig .

III.Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1.Balitaan

Pagtunghay sa mga balita sa mga pangunahing dyaryo. Talakayin ang isa

sa may kinalaman sa paksa.

2.Balik-Aral

Ipasagot sa mga mag-aaral ang tanong. Ipalagay sa puno ng niyog ang

sagot.

Tanong: Ano ang kahulugan ng kolonyalismo?

3.Pagganyak

Gawain 1-Word Hunt

20
1. Hanapin at bilugan sa puzzle box ang terminong maykaugnayan sa salitang

Kolonyalalismo.

2. Gamitin ang una at huling titik ng salita bilang gabay sa paghahanap ng bawat

salita.

E K S P L O R A S Y O N

B C P A O D E F G H L A

I J A G K R L M N O A L

P Q I T R S T U V W P L

X Y N U Z A B U C D U E

A H U K A M E F G E L G

H C O L U M B U S S A A

P A N A N A K O P Q P M

R S T S W X Y A Z A U B

B. Panlinang na Gawain

1.Gawain 1-Discussion Web

a. Pagkatapos basahin ang teksto,bumuo ng apat na pangkat na may

parehong bilang.

b. Talakayin ang tanong sa pangkat at bumuo ng ebidensya at suporta sa

panig ng oo at hindi.

21
c. Suriin ang tanong at itala ang impormasyon at pahayag ng bawat

miyembro.

d. Magtulungan ang bawat pangkat sa konklusyon.

e. Sa huli ,Pumili ng tagapagsalita para maibahagi ang iyong pananaw sa

paksa.

Tanong: Ano ang mga layunin/dahilan ng pananakop ng Espanyol sa

Pilipinas?

Layunin ng Spain Pananakop

Sa ilalim ng pamamahala ni Haring Charles V o Carlos v (1500-1558)

Nagsimula ang pananakop ng Spain sa Pilipinas. Isinagawa ni Ferdinand

Magellan ang unang ekspedisyon .Bagama’t di nagtagal si Magellan sa

Pilipinas dahil tinalo ito ng pangkat ni Lapu-Lapu,hindi ito naging dahilan

upang hindi ituloy ng Spain ang pagnanasang sakupin ang bansa.Ang anak

ni Haring Carlos na si Haring Philip II ( 1527-1598) ang nagpatuloy at

nagpadala ng mga ekspedisyon sa bansa.Nagtagumpay ang ekspedisyon ni

Miguel Lopez de Legaspi noon 1565 at ganap na nasakop ng Spain ang

Pilipinas.

Ang sumusunod ang mga layunin ng Spain sa pagsakop sa lupain

Pampolitikang Hangarin

Ang Spain ay naging pinakamalakas na kaharian sa buong daigdig noong

1600 dahil sa paghahangad nito na maging tanyag at makapangyarihan.

Matagumpay nitong nasakop ang malaking bahagi ng South

America,nakapagtatag ng kolonya sa Africa at naging kolonya ang

Pilipinas sa Asya.

Tumagal ang panankop ng Espanyol sa Pilipinas ng 333 na taon.

22
Pagpapalaganap ng Kristiyanismo

Ang mga ekspedisyon ng Spain ay nagsimula sa panahon ng paghahari

ng mag-asawang Haring Ferdinand II ng Aragon (1452-1516) at Reyna

Isabella (1451-1504). Nang suportahan nila ang paglalakbay ni

Christopher Columbus at Ferdinand Magellan,ipinakita nila ang

pagpapalaganap ng Kristiyanismo ay isa sa mga layunin ng

paglalakbay.Nagtagumpay sila sa pagpapaalis sa mga Moors – ang mga

Muslim sa Granada,habang ang Hudyong Espanyol ay malupiy rin nilang

pinalayas.Noong 1504 ,sa testament ni Reyna Isabella I ,inihabilin niya sa

lahat ng mga hari o reyna ng Spain ang pagpapalaganap ng Kristyanismo.

Ang hangaring ipalaganap ang Kristiyanismo ay anipunla sa isipan at

damdamin ng mga Espanyol.

Ang Spain ay nakipagkasundo rin sa Simbahang Katoliko na

ipalalaganap,pananatilihin at ipagtatanggol ang relihiyong Romano

Katoliko sa lahat ng kolonya ng Spain kapalit ang malayang pagpapatakbo

ng Spain sa mga kolonyang simbahan na Malaya sa pakikialam ng

Vatican.

Ang tawag sa kasunduang ito ay Patronato Real de las Indias.

Pangkabuhayang Layunin

Dahil sa mahahalagang produkto at mga pampalasa ng pagkain sa

Silangan,napaunlad at napalawak ng Spain angkabuhayan dulot ng

masilang kalakalan.Sa pamamagitan ng patakarang merkantilismo ay

nagkaroon din ng kolonya ang Spain kung saan ang lakas at kapangyarihan

ng isang bansa ay nasusukat sa dami ng nalikom na kayamanan sa anyo ng

mamahalig metal tulad ng ginto at pilak.

23
Ang pingkukunan ng mga hilaw na sangkap at pamiihan ng mga

produktong yari na ang kolonya tulad ng Pilipinas.ang paglikom ng

kayamanan ng mga bansang mananakop ay ginamit ng Spain upang

makamit ang yamang pangkabuhayan na hinahangad nito. Bukod sa Spain

ang mga bansang tulad ng Portugal ,Britain ,France at Holland

(Netherlands) ay nagpalaganap rn ng patakarang kapitalismo (ang

pagbabahagi at paggawa ng kalakal o produkto na pagmamay-ari ng

kapitalista o pribadong mamumuhunan) sa anyong merkantilismo sa

pagpapaunlad ng kabuhayan.

B.Gawain 2. Pagbasa sa aklat/powerpoint presentation

Mga Dahilan at Layunin ng Kolonyalismo

1.Ang mga Eksplorasyon na pinangungunahan ng mga Espanyol at Portuges

ang nagbigay daan sa malawakang pagkakatuklas ng lupaing hindi pa

nagagalugad at mga sibilisasyong hindi pa natutuklasan.ito ang nagpalakas ng

ugnayan ng Silangan at Kanluran.

2,Nakapukaw din ng interes sa mga bagong pamamaraan at teknolohiya sa

heograpiya at paglalakbay ang mga Eksplorasyon

3. Sumigla ang paglaganap ng sibilisasyong kanluranin sa silangan dahil sa

kolonisasyon

4. Nagdudulot ng mga suliranin ang kolonisasyon sa mga bansang sakop

tulad ng pagkawala ng kasarinlan ,paninikil,ng mananakop at

pagsasamantala sa likas na yaman ng bansang ito.

24
5. Nagkaroonng pagbabago sa ecosystem sa daigdig resulta ng pagpapalitan

ng hayop,halaman at sakit sa pagitan ng old World at New World.

2. Pagsusuri

 Anong dahilan ng kolonyalismong Espanyol? /layunin

 Ano ang mabuti / di mabuting epekto nito sa bansang nasakop?

 Kung ikaw ay isa sa mga tao na nabuhay noong panahon ng Espanyol ano ang

iyong mararamdaman/ gagawin matapos sakupin ng mga dayuhan?Bakit?

 Ipaglalaban mo ba ang iyong karapatan/paniniwala ? Bakit?

3. Paghahalaw

 Anong naging dahilan /sanhi upang maisakatuparan ang kolonyalismong

Espanyol?

 Anu-ano ang motibo para sa kolonyalisismong dulot ng Eksplorasyon?

Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng konseptong natutunan

Ang layunin/dahilan ng Spain sa pagsakop sa Pilipinas ay ang


sumusunod:
1. Politikang hangarin
2.Pagpapalaganap ng Kristiyanismo
3.Pangkabuhayang layunin

4. Aplikasyon

Pangkat 1-Paggawa ng Rap Jingle

25
Pangkat 2 Paggawa ng Poster

Pangkat 3- Pagdudula-dulaan

Pangkat 4-Paggawa ng tula

IV. Pagtataya

Pasagutan sa mag-aaral ang pagsusulit.

Panuto : Lagyan ng tsek(√) ang bilang ng pangungusap na nagsasabi ng

dahilan/layunin ng kolonyalismong Espanyol at ekis (×) kung hindi.

____1.Dahil sa paghahanad ng Espanyol na maging pinakamalakas na

kaharian sa mundo.

____2 .Dahil sa nais ng mag-asawang Ferdinand II at Reyna Isabella na

mapalaganap ang Kristiyanismo.

____3.Dahil sa nais ng mga Espanyol na malikom ang kayamanan ng

Pilipinas.

___4. Dahil sa nais ng mga Espanyol na panatilihin at ipagtanggol ang

relihiyong Protestante.

___5.Dahil sa paghahangad na mapigilan ang pagpapalaganap ng patakarang

kapitalismo.

V. Takdang Aralin

Pagguhit ng comic strip. Ipakita ang dahilan at layunin ng mga Espanyol sa

pananakop sa Pilipinas.

Inihanda ni:

GNG. GINA SD. FERRERA


Guro, Baras ES

26

You might also like