Filipino Sa Negosyo at Industriya

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

FILIPINO SA NEGOSYO

AT INDUSTRIYA
- RAMON BERMEJO
MGA LAYUNIN:
I. Maipaliwanag ang pagkakaiba ng negosyo at industriya.
(Mailalarawan ang koneksyon
ng wikang Filipino kasabay ng
pag unlad ng negosyo at industriya)

II. Maipaliwanag ang kahalagahan ng wikang Filipino sa


negosyo at industriya dito sa Pilipinas.
ANO NGA BA ANG NEGOSYO
AT INDUSTRIYA?
Negosyo – anumang trabaho o gawain na isinasagawa at

pinatatakbo/pagmamay-ari ng isang business owner

upang makalikom ng kita na may kapaki-pakinabang na

epekto sa pamamagitan ng mga aktibidad sa

produksiyon, komersyalisasyon , pagkakaloob ng serbisyo

at iba pa. (https://tl.encyclopedia-titanica.com)


Industriya - larangan ng paggawa sa ekonomiya na

nagpoproseso ng mga hilaw na materyales upang

makagawa ng bagong produkto sa tulong teknolohiya o

mga makinarya. (https://tl.encyclopedia-titanica.com)

- Dahil sa globalisasyon, patuloy ang


paglawak ng ekonomiya ng ating
bansa na siyang dahilan rin ng
paglago at pag-usbong ng iba’t-ibang

negosyo dito saatin hanggang sa


kasalukuyan. Karamihan sa mga
negosyong ito ay pagmamay-ari ng
mga banyagang namuhunan at
nagtayo ng negosyo dito.
-At dahil nga tayo ay nasa makabagong siglo na,
halos lahat tayo ay parte na ng cyberworld. Nasa
paligid natin at kaniig ang mga web site, internet,
e-mail, fax machine, at iba pang kagamitan tungo

sa mabilis na daluyan ng komunikasyon. Ingles


ang lengguwahe sa pandaigdigang ugnayan sa
negosyo at industriya. Ito rin ang lengguwahe sa
cyberspace.
KAHALAGAHAN NG WIKANG FILIPINO
SA NEGOSYO AT INDUSTRIYA:
-Pagdating sa negosyo at industriya, mahalaga ang wikang Filipino dahil ito ang tulay sa

mabisang pakikipagkomunikasyon ng bawat mamamayan. At sa pagdagsa ng mga itinatayong

negosyo/industriya sa ating bansa, kukuha’t kukuha pa rin ng mga manggagawang Pilipino.

Napulsuhan rin ng Technology and Livelihood Center o TLRC na dapat bigyan ng pagkakataong

umunlad ang maraming kababayan nating nangangailangan ng tulong pang-kabuhayan sa

wikang maiintindihan nila. Nararapat din talaga na wikang Filipino ang wikang gagamitin sa mga

pagawaan at business establishments upang mas mapayaman pa ito at para rin mas maging

komportable ang mga manggagawa/trabahante sa pagpapahayag o pagsasalita.


KAHALAGAHAN NG WIKANG FILIPINO
SA NEGOSYO AT INDUSTRIYA:

Ang pagkakaroon ng parehong kasanayan ng mga tao sa isang wikang gamit ay

nakatutulong sa pagbuo ng tiwala sa bawat isa na siyang pinakamahalaga sa

pagitan ng mga negosyanteng may kasosyo at sa kanilang mga trabahante rin

mismo. At ang pagkakaroon ng magandang kasanayan sa pakikipag-usap ay

nakatutulong sa mga negosyante sa pagpapalago ng negosyo.


MARAMING
SALAMAT!

You might also like