Pagsusuri Sa Nobela

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Bernadeth B.

Tenorio

Maganda pa ang Daigdig

Ni Lazaro Francisco

Pagpapakilala sa May-akda at sa Akda

Si Lazaro Francisco o Saro ay isang bantog na nobelista. Pinarangalan siya ng Republic


Cultural Heritage Award for Literature noong 1970 at hinirang na Pambansang Alagad ng Sining
sa Panitikan noong 2009. Noong 1958, itinatag niya ang Kapatiran ng mga Alagad ng Wikang
Pilipino (KAWIKA), isang samahang naglalayon ng pagpapaunlad ng wikang pambansa.
Nakasulat siya ng 12 nobela, pitong maikling kwento at isang sanaysay na nalathala sa mga
popular na babasahing gaya ng Liwayway.

Ang nobelang Maganda Pa ang Daigdig ay isinulat niya noong 1955 at lumabas sa
Liwayway bilang isang serye. Ito ay nalimbag bilang libro noong 1982. Usapin sa repormang
agraryo at panunulisan ang nobelang ito, at tumatanaw sapag-asa sa kabila ng kabulukan ng
paligid.. Tungkol ito sa problema at mga isyung mula sa agrikultura sa ating bansa at epekto sa
buhay ng isang tao na si Lino Rivera.

Mga Tauhan:

Lino Rivera- isang magsasaka at biktima ng kalupitan

Loreto Sanchez (Luring)- Punongguro sa Pinyahan at kumupkop kay Ernesto

Ernesto- nag-iisang anak ni Lino

Pari Amando- tiyo ni Luring

Aling Basilia- ina ni Luring

Carlos Roda- manliligaw ni Luring, isang kapitan heneral

Kumander Hantik- kasapi ng mga huk

Ernestina- inaanak ni Luring


Marcelo Ligon- isang abogado

Teoryang Pampanitikan:

Teoryang Realismo- Ang teoryang ito ay tumatalakay sa katotohanan sa lipunan.


Karaniwan nitong pinapaksa ang kalagayan na nangyayari sa lipunan tulad ng kurapsyon,
katiwalian,kahirapan at diskriminasyon. Madalas din itong nakapokus sa lipunan at gobyerno.

Mauuri ang akdang Maganda Pa ang Daigdig sa Teoryang Realismo dahil ito ay
nangyayari sa lipunan sa reyalidad at patungkol sa katiwalian.

Uri ng Lipunan:

Masasalamin sa nobelang ito ang lipunan sa ilalim ng pamumuno ng mga Amerikano at


Hapon—lalo’t higit ang katiwalian at diskriminasyon.

Paksa ng Nobela

Pinapaksa ng nobelang ito ang papel ng mga pulitiko sa lipunan—hindi ka maaaring


magkaroon ng pwesto sa isang trabaho kung hindi ka nila naging alagad . Tinangka ring ipakita
sa nobela ang usapin ng paggawa. Biktima si Lino ng pagmamalupit dahil sa ninanais na
karampatang sweldo na nagbunsod upang siya ay masakdal sa salang robbery with homicide.

LAYUNIN NG AKDA

Layunin ng nobelang ito na ipakita ang kagandahan ng daigdig sa kabila ng karahasan na


nararanasan ng lipunan at pag-ibayuhin ang pananalig ng madla na may pag-asa sa kabila ng
hirap. Sa akdang ito, ginamit ng may-akda ang mga hindi kilalang tao ng pangunahing tauhan
upang ipakita ang walang hanggan na pagmamalasakit —ito ang kahulugan ng Maganda Pa ang
Daigdig.

PAGLALAGOM

“Mabuti pa sa tao ang mamalaging mangmang kaysa matuto ng ‘di nya dapat
matutuhan”. – Lino Rivera
Isang magandang ehemplo ang tauhang si Lino dahil sa angkin nyang paninindigan at
katalinuhan kahit salat sa kaalaman. Itinuturing niyang paaralan ang buhay na siyang nagsasanay
at nagbibigay-aral sa kanya. Hahangaan din siya sa kanyang mga matalinong paniniwala at
katwiran ukol sa lipunan. Siya ang naging daan upang mabuksan ang isip ni Pari Amando
tungkol sa umiiral na tenancy system sa Pinyahan. Hindi lang isang beses nakulong si Lino dahil
sa samu’t saring bintang sa kanya. Nakulong siya dahil sa hangad niyang tumulong ngunit
naging malupit ang hustisya sa kanya. Sa ikalawang beses na pagkakakulong niya dahil sa
bintang na pinatay si Cayetano Tarantela, nagawa niyang tumakas dahil na rin sa hindi niya
pantay na pagtingin sa batas. Isa siyang tulisan ngunit maituturing ding bayani noong siya ay
nakatakas sa bilangguan. Hindi niya nakalimutan tumulong dahil nagawa niya at ng kanyang
mga kasama na mabawasan ang krimen sa kanilang lugar. Naging maugong ang balita ng
pagtulong nina Lino subalit bigla rin itong napalitan. Siya at ang kanyang mga kasama ang
pinagbintangan na naman ng mga sunod na krimen na nangyari sa Pinyahan. Ito ang kalupitang
dinanas ni Lino mula sa lipunang kanyang knabibilangan.

Pulos pagsubok man at paghihirap ang buhay ni Lino, hindi pa rin siya pinabayaan ng
mga taong walang sawang tumulong sa kanya tulad ni Ms. Sanchez at Pari Amando na naging
pamilya’t sandigan niya sa buhay.

“Ibig kong suhayan ang isang pag-asang nagugupo. Ibig kong mabigyan ng sandalan
ang isang pananalig na nawawalan ng sandigan. Ibig kong maitaas ang nasa ibaba, nang ‘di
ibaba ang nasa itaas. Ibig kong makita ng lahat na maganda pa ang buhay, maganda pa ang
daigdig at karapat-dapat pa ito sa ating pag-ibig at pagpapakasakit pagkat may mga nilikha
pang marunong mabuhay nang ‘di dahil sa kanilang sarili.”- Ms. Sanchez

Patunay ang pahayag na ito sa kagandahang loob na taglay ni Ms. Sanchez. Wala siyang
hangad kundi ang magbigay pag-asa sa mga taong katulad ni Lino na may busilak na kalooban.

“Gumawa ka nang mabuti, hindi sapagkat may langit kundi sapagkat mabuti ang mabuti.
Huwag kang gagawa ng masama, hindi sapagkat may impyerno, kundi sapagkat masama ang
masama.”- Lino Rivera

Ang pahayag na ito ay sinambit niya kay Ernesto bago siya arestuhin sa isang salang
hindi niya ginawa. Nagpapatunay lamang ito nang kalaliman ng pag-iisip ni Lino at kung gaano
siya kabuting tao. Kaya naman nararapat lang na may makuha siyang gantimpala sa kabutihang
taglay niya, at ang gantimpala ngang ito ay ang mga taong hindi nagkamaling tulungan at
pagkatiwalaan siya. Simbolo si Lino ng katapangan at kabutihang-loob na kailangan taglayin ng
isang ama at isang Pilipino.

Mahihinuha ko mula sa nobelang ito na hindi lahat ng tao kahit napakabuti mo na ay


magugustuhan ka. Lumilitaw dito ang diskriminasyong mayroon sa isang lipunan. Gumawa ka
man nang mabuti ngunit kung wala kang impluwensya ng mga pulitiko o salat ka sa kayamanan,
hindi ito mapapansin ng nakararami bagkus gagawan ka pa ng masama at ididiin ka sa kasong
minsa’y hindi mo naman ginawa. Nagdurusa ka ng wala kang kasalanan, natitikman ang pait ng
karahasan kahit hindi naman nararapat at napipiit kahit walang kasalanan. Isa ito sa kaganapan sa
lipunan na hanggang sa kasalukuyan ay hindi nawawala. Lalong nadidiin sa isang kasalanan at
palaging talo ang walang kakayahan at lakas sa lipunan lalo na kung maimpluwensyang tao ang
iyong katunggali.

Mga Kaugnay na Akda

1. DALUYONG

Huling akda ni Lazaro Francisco na isinulat noong 1962 ; nagpapakita ng pagpapatuloy


ng buhay at pakikipagsapalaran ni Lino Rivera. Nakapokus ang nobelang ito sa usaping agraryo
na pinagmulan ng mga alitan.

MGA KARAGDAGANG TAUHAN (MULA SA MAGANDA PA ANG DAIGDIG)

Bidong-matalik na kaibigan ni Lino

Huli- tinatangi ni Bidong;

Didang- pinagbalingan ni Lino ng pag-ibig; representasyon ng mga kababaihang


inaabuso

Benigno- anak ni Don Tiito ; tumatakbo bilang gobernador

Don Tito- may bakahan sa Pinyahan at nagmamay-ari ng malaking bahagi ng lupa sa


Maruhat
PAGLALAGOM

Mula sa pagkakawalang sala ni Lino sa bintang sa kanya, nagkaroon na naman ng


panibagong banta sa buhay niya. Dahil sa labis na pagmamalasakit at pagtitiwala ni Pari Amando
kay Lino, ipinagkatiwala niya ang kanyang lupa sa Maruhat. Kung saan karatig ang malawak na
lupa ni Don Tito. Ipinaalam ni Pari Amando kay Don Tito ang plano nitong pagbuwag sa
tenancy system ngunit ito ay tinutulan ng marami at isa na nga ang Don.

Nagpakita si Don Tito at ang kanyang anak na si Benigno ng kalupitan sa usaping lupa
tulad ng pagpapaalis sa pamilya ni Huli mula sa kanilang tinitirahan na sakop ng lupa ng mag-
ama.

2. PINAGLAHUAN

Ang unang nailimbag na nobela ni Faustino S. Aguilar noong 1907 at naging


pinakatampok at hantungan ng madlang papuri. Ang nobelang ito ay tumalakay sa kalagayang
kolonyal sa panahon ng Amerikano at ipinakita ng tunggalian ng puhunan at paggawa.
Pinagalaw ang nobela sa pag-iibigan nina Danding at Luis Gat-Buhay na hinadlangan dahil sa
kasalatan ni Luis.

MGA TAUHAN

Luis Gat-Buhay- isang mahirap at bik

Danding- kasintahan ni Luis

Victorino Rojalde- mayaman at may gusto kay Danding

Don Nicanor at Ñora Titay Gutierrez- mga magulang ni Danding

Mr. Kilsberg- may-ari ng bahay-kalakal na pinapasukan ni Luis

PAGLALAGOM

Pinagalaw ang nobela ng pag-iibigan nina Luis at Danding, dito nagsimula ang suliranin
ng nobela. Ipinapakita rin ng nobela ang diskriminasyon sa pagitan ng mahirap at mayaman..
Ipinagbayad-utang si Danding ng kanyang mga magulang kay Rojalde. Masunuring anak si
Danding dahil itinuturing niyang ang kanyang mga magulang ang kanyang Diyos sa lupa, kaya’t
nakipaghiwalay siya kay Luis. Ito ang nagbunsod kay Luis upang magalit sa sarili dahil
katayuan niya sa buhay. Kailanma’y hindi ipinaramdam ni Danding kay Rojalde ang pag-ibig na
nais nito at ang kanyang ginawang paraan ay pahirapan si Luis dahil sa paniniwala niyang
mmahalin siya ni Danding kung mawala na si Luis. Siniraan ni Rojalde si Luis sa kanyang
trabaho at iminungkahing iminungkahing tanggalin si Luis dahil sa pagmumulat nito sa mga
manggagawa ng tungkol sa ‘di makatarungang palakad ng Amerikano sa sariling kumpanya.

Ito ang pasimula ng tunggalian ng puhunan at paggawa. Hindi pinahihintulutan ni Mr. Kilsberg
ang mga manggagawa na humiling ng mataas na sahod dahil para sa kanya ito ay labis-labis na.
Nagtagumpay si Rojalde ngunit hindi siya nagtagumpay sa puso ni Danding. Naikasal sila at
pitong buwan pa lang na naikakasal nang magsilang ito ng sanggol. Bagay na ipinagtaka ni
Rojalde hanggang sa napatunayang hindi nga kanya ang batang isinilang ni Danding. Dahil sa
poot na nararamdaman kay Luis, kinasabwat niya si Pedro at palabasing ninakawan siya ni Luis.
Nagtagumpay muli si Rojalde at nakulong nga si Luis hanggang sa ito ay mamatay dahil sa isang
sunog.

Mula sa akda, litaw na litaw ang kaparehong pangyayari sa tauhang si Lino Rivera sa
Maganda Pa ang Daigdig at sa tauhang si Luis Gat-Buhay na biktima ng pang-aalipusta sa
lipunan. Lumitaw rin sa akda ang pag-uuri ng tao sa lipunan na ibinatay sa taglay na salapi at ari-
arian ng tao.

3. PANATA SA KALAYAAN

Isang tulang isinulat ni Amado V. Hernandez noong 1970. Kilala siya bilang “Manunulat
ng mga Manggagawa” dahil isa siyang pinuno ng mga Pilipinong manggagawa at sa kanyang
mga pagpuna at pagsusuri sa mga kawalan ng katarungang naganap sa Pilipinas.

(Bahagi ng Panata sa Kalayaan )

Ako ba’y suminsay sa batas kung kaya pinagdausang tikis?

Nandaya? Pumatay? Naugaga? Nanggahis?

Nagpayaman baga sa pamumulubi ng bayan kong amis?


Gising ang Bathala’t kanyang nababatid na kung tunay akong nagkasala’y dapat purihin nang
higit;

Kasalanan kayang magdilat ng mata’t magbuka ng bibig?

Kasalanan kayang magtanggol- itindig ng katotohana’t katarungang lupig?

Ang libong nasadlak sa mga piitan na kawangis ko ring pinapagkasala’y walang kasalanan

Ang laksang inusig at pinarusahan kahit walang sakdal

Ni hatol ng ating may puring hukuman

Ang hindi mabilang

Na pinaglupitan

Sa bukid at nayon, sa lungsod at bayan.

PAGPAPALIWANAG

Ang tulang ito ay isinulat ni Amado matapos syang makalaya sa piitan. Makikita na
inilahad niya ang kanyang mapait na karanasan . Hayagan ang pagsasalaysay ng manunulat, at
madaling makuha ang nais nyang iparating sa tula. Biktima siya ng pagmamalupit dahil lang sa
karapatan nyang ipinaglalaban.

PANGKALAHATANG LAGOM

Ginamit ko ang mga akdang ito bilang kaugnay ng Maganda Pa ang Daigdig dahil sa
iisang konteksto—ang patungkol sa lipunan at diskriminasyon. Tanda ang mga akdang ito ng
kalupitan sa mga malilit na tao, pinagbibintangan, nakukulong sa mga salang hindi naman
ginagawa, dinidikdik ng mga malalakas ang mahihina dahil sa pagtaliwas sa pamamalakad, at
dala ng inggit. Hindi naman maitatangging nangyayari pa rin ang mga kaganapan sa nobela sa
kasalukuyang panahon.

You might also like