Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

QUIRINO STATE UNIVERSITY

MADDELA CAMPUS
Maddela, 3404 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Modyul VIII: PAGSUSURI


COLLEGE NG MGAEDUCATION
OF TEACHER AKDANG PAMPANITIKAN

KAKAYAHAN

 Nakapagsusuri ng mga akdang pampanitikan na tumatalakay sa mga ilang suliranin sa


lipunan.

PAGTALAKAY
PANUNURING PAMPANITIKAN

Isang malalim na paghimay sa mga akdang pampanitikan sa pamamagitan ng


paglalapat ng iba’t ibang dulog ng kritisismo para sa mabisang pag-unawa sa mga
malikhaing manunulat at katha. Isang pag-aral, pagtalakay, pagsusuri at
pagpapaliwanag ng panitikan.

Sa pagsusuri, kinakailangan ang lubos na kaalaman sa kathang sinusuri tulad ng buong


nilalaman ng akda, paraan ng pagkakabuo nito at ang ginamit ng awtor na pamamaraan o
istilo. Kinakailangan ding ang manunuri ay may opinyong bunga ng obhektibong pananaw
laban man o katig sa katha, kaya mahalagang siya ay maging matapat.

Mga Simulain sa Panunuring Pampanitikan

1. Ang pagsusuri sa akda ay dapat may uri at katangian ng katalinuhan, seryoso at marubdob
na damdamin at ng tapat na mithi sa kalayaan.
2. Sa pagsusuri ng anumang akda ay kailangang mahusay ang organisasyon o balangkas ng
lahok. Bahagi ito ng disiplina ng pagsusuri.
3. Sa pagsusuri ng anumang akda ay dapat maging maganda ang paksa, may kalinisan ang
wika at organisado ang paglalahad.
4. Sa pagsusuri ay mahalagang mahagap ng may-akda ang kanyang piniling paksa, mahusay
ang pagtatalakay at organisasyon ng material, malinaw ang balangkas na kinapapalooban
ng malinaw na tesis o argumento na sinundan ng buong sanaysay, may naidagdag sa
kasalukuyang kaalaman tungkol sa panitikan at mahusay at makinis ang pagkakasulat.
5. Sa pagsusuri ng tula, ang pananarili sa pananagisag sa tula ay hindi dapat panaigin. Ang
katangian ng makasining na tula ay ang sikad na damdamin at lawak ng pangitain nito.
6. Ang pamimili ng paksang tutulain ay hindi siyang mabisang sukatan ng kakayahan ng ng
makata. Sa halip, ang higit na kailangang pahalagahan at sukatin upang makagawa ng
makatarungang pagahatol ay kung papaano ang pagkatula.
7. Ang susuriing akda ay kailangang napapanahon, may matibay na kaisahan,
makapangyarihan ang paggamit ng wika at may malalim na kaalaman sa teoryang
pampanitikan
8. Ang susuriing akda ay kailangang nagpapamalas ng masinop na pag-uugnay ng mga
sangkap ng pagsulat

Mga Bahagi ng Panunuring Pampanitikan:


(Maikling Kwento, Nobela, Dula)

I. PANIMULA
A. Akdang Susuriin
B. Pagkilala sa May-akda- Sino ang sumulat ng akda? Itala ang mga impormasyon
tungkol sa kanyang buhay.
C. Uri ng Kuwento - alamin kung anong uri ng maikling kwento ito napapabilang.

II. NILALAMAN
A. Buod - Ito ay ang paglalahadng anumang kaisipan at natutunang
impormasyongnakuha mula sa tekstong binasa na nasa yamangpagkakasunud-sunod
ng mga pangyayari

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence Develop competent and morally upright professionals and generate
and prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino
Province and Southern Cagayan Valley. Province and Southern Cagayan Valley.
“Molding Minds, SHAping Future” Page | 1
QUIRINO STATE UNIVERSITY
MADDELA CAMPUS
Maddela, 3404 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


B. Mga Elemento
1. Paksa - ito angOF
COLLEGE pinaka-kaluluwa ng maiklling kwento.
TEACHER EDUCATION
2. Tagpuan - lugar at panahon ng mga pinayarihan
3. Tauhan - nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa kwento
4. Banghay - pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento
a. Panimula- Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito
rin kadalasang pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kwento.
b. Saglit na kasiglahan- naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga
tauhang masasangkot sa suliranin.
c. Papataas na aksyon- pagkakaroon ng saglit na kasiglahan sa mga
pangyayari sa kwento.
d. kasukdulan- pinakamahalagang bahagi ng kwento. Ang pinakahihintay
ng mga mambabasa dito nagaganap ang pinakamatinding problema

e.Pababang Aksyon/Kakalasan - bahaging magwawakas ang kwento


f.Wakas - bahaging nag-iiwan ng kakintalan o impresyon sa isipan ng
mambabasa.
g. Tunggalian- tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan,
tao laban sa kapaligiran o kalikasan
5. Suliraning Panlipunan - problemang kinakaharap ng tauhan sa kwento.
6. Paningin- Ito ang pananaw na pinagdaraanan ng mga pangyayari. Matutukoy
ng isang mambabasa ang iba’t ibang sangkap ng akda sa
pamamagitan ng paningin. Sa pamamagitan ng paningin,
makikilala ng mambabasa ang inilalahad na lugar, panahon at ang
relasyon ngn mga tauhan.

III. DULOG/TEORYANG PAMPANITIKAN


 Ito ay isang sistema ng mga kaisipan at kahalagahan ng mga pag-aaral na
naglalarawan sa tungkulin ng panitikan, kabilang ang layunin ng may-akda sa
pasulat at layunin ng tekstong panitikan na ating binabasa.

IV. BISA
1. Bisang Pangkaisipan - tungkol ito sa naging epekto o pagbabagong naganap sa
iyong damdamin matapos mabasa ang akda.
2. Bisang Pandamdamin - tumutukoy ito sa naging epekto o pagbabagong
naganap sa iyong damdamin matapos mabasa ang akda.
3. Bisang Pangkaasalan - may kaugnayan naman ito sa pagkakaroon ng
pagbabago sa iyong pananaw sa mga kaisipang nakapaloob sa akda matapos
itong mabasa.
V. REAKSYON

(Tula)

I. PANIMULA
A. Akdang Susuriin
B. Pagkilala sa May-akda- Sino ang sumulat ng akda? Itala ang mga impormasyon
tungkol sa kanyang buhay.

II. NILALAMAN
A. Kaanyuan - anyo ng tula (Tradisyunal, Blangko berso o Malayang taludturan)
B. Estruktura – Sukat, Saknong, at Taludtod
C. Talinghaga - ito’y mga salita na di tiyakang tumutukoy sa bagay na
binabanggit, mga salita na nakatago ang kahulugan.
D. Imahen o Larawang Diwa
E. Simbolo - ito ang salitang kapag binabanggit sa tula ay nag-iiwan ng kahulugan
sa isipan ng mambabasa.
F. Tono - Tumutukoy sa saloobin ng may akda ukol sa paksa ng tula

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence Develop competent and morally upright professionals and generate
and prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino
Province and Southern Cagayan Valley. Province and Southern Cagayan Valley.
“Molding Minds, SHAping Future” Page | 2
QUIRINO STATE UNIVERSITY
MADDELA CAMPUS
Maddela, 3404 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

G. Persona - Tumutukoy
COLLEGE sa nagsasalita
OF TEACHER sa tula. Una, Ikalwa at Ikatlong panauhan.
EDUCATION
H. Suliraning Panlipunan -

III. DULOG O TEORYANG PAMPANITIKAN


IV. BISA
1. Bisang Pangkaisipan - tungkol ito sa naging epekto o pagbabagong naganap sa iyong
damdamin matapos mabasa ang akda.
2. Bisang Pandamdamin - tumutukoy ito sa naging epekto o pagbabagong naganap sa
iyong damdamin matapos mabasa ang akda.
3. Bisang Pangkaasalan - may kaugnayan naman ito sa pagkakaroon ng pagbabago sa
iyong pananaw sa mga kaisipang nakapaloob sa akda matapos itong mabasa.

V. KOMENTO O REAKSYON

HALIMBAWA NG PAGSUSURI
SANDAANG DAMIT
ni Fanny A. Garcia
I. PANIMULA

A. Akdang Susuriin
Ang panitikang susuriin ay maikling kwento. Ang maikling kwento ay isang maiksing
salaysay na tungkol sa isang mahalagang pangyayaring kinasangkutan ng isa o ilang tauhan
at may iisang kakintalan at problema lamang. Ang maikling kwento ay may limang uri, ito ay
ang trahedya, komedya, satira, romansa at realismo.

B. May-akda – Si Fanny A. Garcia ay isinilang sa kasalukuyang Malabon City noong Pebrero


26, 1949, siya ay isang guro, manunulat (fictionist, essayist, scriptwriter), editor, mananaliksik,
at tagapagsalin. Nagtapos siya sa University of the Philippines-Diliman ng PHD sa Malikhaing
pagsusulat. Nakapaglathala na siya ng anim na libro: Sandaang Damit at Iba Pang Maikling
Kuwento (1994); Apartment 3-A Mariposa St. (1994); Pitong Teleplay (1995), co-editor; Apat na
Screenplay (1997), co-editor; Erik Slumbook: Paglalakbay Kasama Ang Anak Kong
Austistic (2004), Family Album (2005). Kasama rin siya sa mga manunulat na nasa CCP
Encyclopedia of Philippine Art, VolumeIX, Literature. Paulit-ulit na nailathala sa mga librong
panghayskul at kolehiyo ang mga maikling kuwento't sanaysay niya. Nagkamit siya ng National
book award, Cordero Research Award, at Outstanding Book/monograph award in Filipino sa
librong Erick Slumbook: Paglalakbay kasama ang Anak Kong Autistic.

C. Uri ng Kuwento
Ang akda ay isang kuwento ng tauhan sapagkat tinalakay at inilarawan ang buhay at
pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan, mga paraan kung paano niya nalamapasan ang
mga suliraning dumating sa kanyang buhay.

II. NILALAMAN

A. Buod
May isang batang mahirap na tahimik lang palagi sa kanyang klase. Ang kanyang damit
ay luma na at tinapay lamang ang kanyang baon palagi. At ang mga bagay na ito ang dahilan
kung bagit siya inaasar ng kanyang mga kaklase. At naiintindihan niya ang sitwasyon ng
kanilang pamilya. At isang araw biglang nagkatinig ang bata, nagmamalaking sinabi na
mayroon siyang isandaang damit. Ikinuwento niya sa kanila ang bawat detalye ng kanyang
damit. At simula noon ay naging malapit na siya sa kanyang mga kaklase.

Ngunit nang magsimulang lumiban sa klase ang bata, nagtaka ang kanyang mga guro
at ka-eskwela kaya napagdesisyunan nilang puntahan ang bata sa kanilang tahanan. At nakita
nila ang sira-sirang bahay ng bata, ngunit hindi siya ang kaagad nilang hinanap kundi ang
sandaang damit ng bata, at nakita nila itong nakadikit sa dinding, isandaang damit na pawing
mga drowing lamang

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence Develop competent and morally upright professionals and generate
and prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino
Province and Southern Cagayan Valley. Province and Southern Cagayan Valley.
“Molding Minds, SHAping Future” Page | 3
QUIRINO STATE UNIVERSITY
MADDELA CAMPUS
Maddela, 3404 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

B. Mga Elemento COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

1. Paksa- tungkol ito sa pakikipagkapwa ng isang batang babae sa kanyang mga kaklase
gamit ang pagsisinungaling
2. Tagpuan- sa eskwelahan at bahay ng batang babae
3. Tauhan
 Batang Bababe - protagonist sa kwento, nagsinungaling
 Ina ng batang babae - katulong na tauhan sa kwento.
 Mga Kaklase ng batang babae - mga tauhan sa kwento na nanghusga ngunit
nagmahal sa panunahing tauhan.

4. Banghay

a. Panimula
May isang batang mahirap. Nag-aaral siya. Sa paaralan ay kapansin-pansin ang kanyang
pagiging walang-imik. Malimit siyang nag-iisa. Laging nasa isang sulok.

b. Saglit na Kasiglahan
Kapag nakaupo na’y tila ipinagkit. Laging nakayuko, mailap ang mga mata, sasagot
lamang kapag tinatawag ng guro. Halos paanas pa kung magsalita. Naging mahiyain siya
sapagkat maaga niyang natuklasang kaiba ang kanyang kalagayan sa mga kaklase. Ipinakita
at ipinabatid nila iyon sa kanya. Mayayaman sila. Magaganda at iba-iba ang kanilang damit na
pamasok sa paaralan. Malimit nila siyang tuksuhin sapagkat ang kanyang damit, kahit nga
malinis, ay halatang luma na, palibhasa’y kupasin at punung-puno ng sulsi.

Kapag oras na ng kainan at labasan na ng kani-kanilang pagkain, halos ayaw niyang


ilitaw ang kanyang baon. Itatago niya sa kandungan ang kanyang pagkain, pipiraso ng pakonti-
konti, tuloy subo sa bibig, mabilis upang hindi malaman ng mga kaklase ang kanyang dalang
pagkain. Sa sulok ng kanyang mata ay masusulyapan niya ang mga pagkaing nakadispley sa
ibabaw ng pupitre ng mga kaklase: mansanas, sandwiches, kending may iba-ibang hugis at
kulay na pambalot na palara.

c. Papataas na Aksyon
Ang panunukso ng mga kaklase ay hindi nagwawakas sa kanyang mga damit.
Tatangkain nilang silipin kung ano ang kanyang pagkain at sila’y magtatawanan kapag nakita
nilang ang kanyang baon ay isa lamang pirasong tinapay na karaniwa’y walang palaman. Kaya
lumayo siya sa kanila. Naging walang kibo. Mapag-isa. Ang nangyayaring ito’y hindi naman
lingid sa kanyang ina. Sa bahay ay di minsan o makalawa siyang umuuwing umiiyak dahil sa
panunukso ng mga kaklase, at siya’y magsusumbong. Mapapakagat-labi ang kanyang ina,
matagal itong hindi makakakibo, at sabay haplos nito sa kanyang buhok at paalong sasabihin
sa kanya, hayaan mo sila anak, huwag mo silang pansinin, hamo, kapag nakakuha ng
maraming pera ang iyong ama, makakapagbaon ka na rin ng masasarap na pagkain, mabibili
na rin kita ng maraming damit.

d. Kasukdulan
At lumipas pa ang maraming araw. Ngunit ang ama’y hindi pa rin nakapag-uwi ng
maraming pera kaya ganoon pa rin ang kanilang buhay. Ngunit ang bata’y unti-unting
nakaunawa sa kanilang kalagayan. Natutuhan niyang makibahagi sa malaking suliranin ng
kanilang pamilya. Natutuhan niyang sarilinin ang pagdaramdam sa panunukso ng mga
kaklase. Hindi na siya umuuwing umiiyak. Hindi na siya nagsusumbong sa kanyang ina. Sa
kanyang pagiging tahimik ay ipinalalagay ng kanyang mga kaklase na siya’y kanilang talun-
talunan kaya lalong sumidhi ang kanilang pambubuska. Lumang damit. Di masarap na
pagkain. Mahirap. Isinalaksak nila sa kanyang isip. Hanggang isang araw ay natuto siyang
lumaban. Sa buong pagtataka nila’y bigla na lamang nagkatinig ang mahirap na batang
babaeng laging kupasin, puno ng sulsi, at luma ang damit, ang batang laging kakaunti ang
baong pagkain. Yao’y isa na naman sanang pagkakataong walanng magawa ang kanyang mga
kaklase at siya na naman ang kanilang tinutukso.

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence Develop competent and morally upright professionals and generate
and prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino
Province and Southern Cagayan Valley. Province and Southern Cagayan Valley.
“Molding Minds, SHAping Future” Page | 4
QUIRINO STATE UNIVERSITY
MADDELA CAMPUS
Maddela, 3404 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

At nagsimula na nga OF
COLLEGE siyang malarawa
TEACHER ng kanyang mga damit. Ayon sa kanya’y may
EDUCATION
damit siya para sa iba-ibang okasyon. May damit siyang pambahay, pantulog, pampaaralan,
pansimbahan, at iba pa. Naging mahaba ang kanyang pagkukuwento. Paano’y inilarawan niya
hanggang kaliit-liitang detalye ang bawat isa sa kanyang sandaang damit. Tulad halimbawa ng
isang damit na pandalo niya sa pagtitipon. Makintab na rosas ang tela nito na sinabugan ng
pinaggupit-gupit na mumunting bulaklak at makikislap na rosas at puting abaloryo. Bolga ang
manggas. May tig-isang malaking laso sa magkabilang balikat. Hanggang sakong ang haba ng
damit. O kaya’y ang kanyang dilaw na pantulog na may prutas sa kuwelyo, manggas, at
laylayan. O ang kanyang putting pansimba na may malapad na sinturon at malalaking bulsa.

e. PababangAksyon/Kakalasan
Mula noo’y naging kaibigan niya ang mga kaklase. Ngayo’y siya ang naging tagapagsalita
at sila naman ang kanyang tagapakinig. Lahat sila’y natutuwa sa kanyang kuwento tungkol sa
sandaang damit. Nawala ang kanyang pagkamahiyain. Naging masayahin siya bagaman
patuloy pa rin ang kanyang pamamayat kahit ngayo’y nabibigyan nila siya ng kapiraso ng
kanilang baong mansanas o sandwich, isa o dalawang kendi.

f. Wakas
Ngunit isang araw ay hindi pumasok sa klase ang mahirap na batang babaeng may
sandaang damit. Saka ng sumunod na araw. At nang sumunod pa. At pagkaraan ng isang
linggong hindi niya pagpasok ay nabahala ang kanyang mga kaklase at guro.

Isang araw ay nagpasya silang dalawin ang batang matagal na lumiban sa klase. Ang
natagpuan nilang bahay ay sira-sira at nakagiray na sa kalumaan. Sumungaw ang isang
babaeng payat, iyon ang ina ng batang mahirap. Pinatuloy sila at nakita nila ang maliit na
kabuuan ng kabahayan na salat na salat sa anumang marangyang kasangkapan. At sa isang
sulok ay isang lumang teheras at doon naratay ang batang babaeng may sakit pala. Ngunit sa
mga dumalaw ay di agad ang maysakit ang napagtuunang-pansin kundi ang mga papel na
maayos na maayos na nakahanay at nakadikit sa dingding na kinasasandigan ng teheras.
Lumapit sila sa sulok na yaon at nakita nilang ang mga papel na nakadikit sa dingding ay ang
drowing ng bawat isa sa kanyang sandaang damit. Magaganda, makukulay. Naroong lahat ang
kanyang naikuwento. Totoo’t naroon ang sinasabi niyang rosas na damit na pandalo
sa pagtitipon. Naroon din ang drowing ng kanyang pantulog, ang kanyang pansimba, ang
sinasabi niyang pamasok sa paaralan na kailanma’y hindi nasilayan ng mga kaklase dahil ayon
sa kanya’y nakatago’t iniingatan niya sa bahay. Sandaang damit na pawang iginuhit lamang.
g. Tunggalian
Ang tunggalian sa kwento ay tao laban sa lipunan dahil sa panghuhusga ng mga kaklase
ng batang babae sa kanya.

5. Suliraning Panlipunan
a. Kahirapan - inilarawan sa akda ang kalagayan ng pangunahing tauhan, patunay
ang bahay nilang sira-sira at gigiray giray na. Patunay na ang kahirapan ang isa sa suliraning
nagiging dahilan ng iba pang krimen na maaaring magawa ng isang taong sangkot dito.
b. bullying/pangungutya – ipinakita sa akda ang panghuhusga o pangungutya sa
pangunahing tauhan dahil sa kanyang kalagayan mula sa pananamit, pagkain hanggang sa
kanyang gawi.

6. Paningin- ang paningin sa kwento ay nasa ikatlong panauhan.

III.DULOG/TEORYANGPAMPANITIKAN

A. Ang aking gagamitin na teoryang pampanitikan sa pagsusuri ay ang Teoryang


Markismo. Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumaagisag sa tao ay may
sariling kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekonomiyang kahirapan
at suliraning panlipunan at pampulitika.

B. At gaya ng sa kwento, gumawa ng paraan ang batang babae ng paraan upang maiwasan
ang panunukso sa kanya ng kanyang mga kaklase. Siya ay nagsinungaling upang hindi na siya

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence Develop competent and morally upright professionals and generate
and prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino
Province and Southern Cagayan Valley. Province and Southern Cagayan Valley.
“Molding Minds, SHAping Future” Page | 5
QUIRINO STATE UNIVERSITY
MADDELA CAMPUS
Maddela, 3404 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


tuksuhin ng mga ito. Kahit na masama ang kanyang pamamaraan, nagtagumpay
naman siyang makuha ang respeto
COLLEGE at tiwala ng
OF TEACHER kanyang mga ka-eskwela.
EDUCATION
IV. BISA

A. Bisang Pangkaisipan
Ang pangunahing tauhan ay naging matalino sa pag-iisip ng paraan upang matakasan
ang pambubully ng kanyang mga kamag-aral. Ipinapakita lamang ng akda na sa lahat ng
pagkakataon ay kailangang maging handa at makapag-isip ng paraan upang malusutan ang
mga bagay-bagay na nagiging balakid sa daloy ng buhay, ngunit nararapat lamang din isaalang-
alang ang kapakanan ng mga tao na sangkot dito nang hindi makapanakit ng iba.

B. Bisang Pandamdamin
Kaawa-awa ang sitwasyon ng isang batang tinutukso o binubully ng kanyang mga
kamag-aral. Sa kabila ng kawalan ng materyal na bagay, pinansyal at pagmamahal mula sa
mga taong nakapaligid sa kanya ay naging matayog ang kanyang pangarap at naging masigasig
sa pag-aaral.

C. Bisang Pangkaasalan
Bagamat naging matalino ang pangaunahing tauhan sa pagkakaisip ng paraan upang
takasan o malampasan ang pang-aapi sa kanya ay hindi makatarungan ang paglubid ng
kuwento o kasinungalingan para sa pansaariling kapakanan. Kahit gaano kahirap ang
sitwasyong kasasangkutan ay lagi sanang mamayani ang katapatan.

V. REAKSYON
Kakaiba ang maikling kwentong ito dahil bata ang nagsinungaling. Di tulad sa ibang
kwento na karaniwan ay matatanda ang palaging naghihiganti at gumagawa ng mga bagay na
masama. Simple lamang ang kwento pero naisalaysay naman ito ng maayos at mahusay, madali
itong makakuha ng pansin ng mga mambabasa.

TULA
I. PANIMULA

A. Pagkilala sa May Akda:


Ang tulang pinamagatang “Ang Babae sa Pagdaralita” ay isinulat ng makata na si Joi
Barrios. Si Maria Josephine Barios ay ipinanganak noong Hunyo 26, 1962 sa lungsod ng
Quezon. Nakamit niya ang kanyang doktorado sa Filipino sa Unibersidad ng Pilipinas noong
1998. Kilala rn si barrios bilang isang makata, aktiista, tagasulat ng senaryo, artista, translator
t guro.

B. Akdang Susuriin
Ang akdang susuriin ay isang Tulang Malaya, na tumatalakay sa papel ng mga
kababaihan sa lipunan. Ang mithiing wakasan ang kahirapan at angkinin ang nararapat sa
bayan ay nasa kamay ng mga kababaihan kaya’t nararapat kumilos at lumaban.

Ang Babae sa Pagdaralita

Joi Barrios

Babae akong sinasakmal ng kahirapan. na mga mata ng sawa,


Kahirapan na mistulang Nanlilisik,
ahas sa damuhan, pagkat batid na walang palya
maliksi ang galaw, sa paghatid ng lason
nagbabadya ang nakasangang dila, ang pangil ng pagdaralita.
makamandag ang kagat. Anong gagawin ng babae
Pumupulupot ang ulupong,
itong paghihikahos, sa kanyang karukhaan?
Likhaan Tumawag kaya kay Darna?
sa aking katawan, Lipad, Darna, Lipad?
at tumatakas ang lakas. Kristala, Kristala, kami ay iligtas!
Nakatitig ang walang talukap Zsazsa Zaturnnah,

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence Develop competent and morally upright professionals and generate
and prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino
Province and Southern Cagayan Valley. Province and Southern Cagayan Valley.
“Molding Minds, SHAping Future” Page | 6
QUIRINO STATE UNIVERSITY
MADDELA CAMPUS
Maddela, 3404 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Palayain kami, Mama! Matibay ang dibdib pagkat mapagkalinga
Huwag, huwag. OF TEACHER EDUCATION
COLLEGE ang ating pag-ibig.
Ang paglaya sa hirap, Sulong at makibaka!
ay wala sa bayani ng pantasya. Tagpasin ang ulo ng sawa!
Nasa ating mga babae ang pakikibaka! Ang kahirapan ay maiigpawan
Kung paanong sa gabi at sa araw Kung ipaglalaban, na ang pagbawi,
ay wala tayong humpay sa paggawa, ang pag-angking muli,
sa yaman ng bayan.
Kung paanong magkasabay na lumalaban ay ating karapatan.
at nag-aaruga, Sulong, makibaka, lumaban

II. NILALAMAN

A. Kaanyuan
Ang akda ay Tulang Pandamdamin o Liriko sapagkat nagpapahayag ng damdaming
matapat, ang persona sa tula ay nagpapahayag ng kanyang masidhing damdamin.

B. Estruktura (Sukat, Saknong at Taludtod)


Ang tulang “Ang Babae sa Pagdaralita” ay nasa malayang taludturan na kung saan ay
walang sinusunod na sukat at hindi isinasaalang-alang ang tugma sa bawat taludtod.

C. Talinghaga
Ang tulang ito ay masasabi napakalaman at makahulugan na kung saan ang mga
salitang ginamit ay nagpapakita ng katangian ng pagigng matatag ng isang babaeng Pilipina na
handing ipaglaban ang kanyang karapatan.

D. Imahen o Larawang Diwa


Naipakita ng tulang ito ang tunay na katangian ng isang Pilipinang matatag at positibo
ang pagiisip sa kabila ng paghihirap na natamasa at naranasan sa buhay.

E. Simbolo
ulo ng sawa – sumisimbolo ito sa dahilan ng kahirapan na kinakailangang tagpasin o
patigilin nang mawala na ito.
ahas – inihalintulad ang kahirapan sa ahas na nakakalat lang sa damuhan,
namumulupot sa kahit sinuman, ang mga nanlilisik na mata na walang pinapalampas, sa
kamandag nito kahit sino ay tatamaan.

F. Tono
Ang tulang ito ay may tono ng pagkadismaya sa pagtrato sa kababaihan at
pagkapursigido na matamo ang tinatamasang karapatan na daan sa pagunlad ng buhay.

G. Persona
Ang persona ng tula ay isang babaeng naghihikahos sa mga karanasang sinasapit sa
mundong gnagalawan na kung saan ay hindi isinasaalang alang ang kanyang kahalagahan
gayong siya ay may katangiang tinataglay din naman na isa sa daan para maibsan ang
kahirapan. Siya ay lalaban para sa kanyang sarili at higit sa lahat para sa lahat.

H. Suliraning Panlipunan
Ang persona sa tula ay isang babaeng sakmal ng kahirapan. Naririndi sa kahirapang
namamasid sa lipunan kaya’t hangarin niyang mapalaya ang bayan sa pamamagitan ng
pagkilos. Nang dahil sa kahirapan napapakilos nito kahit sino, maging kababaihan man.

III. DULOG O TEORYANG PAMPANITIKAN


Ang tulang “Ang Babae sa Pagdaralita” ay may teoryang Feminismo sapagkat babae o
sagisag babae ang pangunahing tauhan. At layunin ng tula na ipakilala ang kalakasan,
kakayahang pambabae at iangat ag pagtinin ng lipunan sa mga kababaihan.
Nasa teoryang Marxismo din ang tulang “Ang Babae sa Pagdaralita” dahil ipinakita ditto
na ang tauhan ay may sariling kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-
ekonomiyang kahirapan at suliraning panlipunan at pampulitika.

IV. BISA

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence Develop competent and morally upright professionals and generate
and prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino
Province and Southern Cagayan Valley. Province and Southern Cagayan Valley.
“Molding Minds, SHAping Future” Page | 7
QUIRINO STATE UNIVERSITY
MADDELA CAMPUS
Maddela, 3404 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


A. BISANG PANGKAISIPAN
Ang tula ay tungkol sa mga
COLLEGE kababaihang
OF TEACHER walang karapatang maging isang produktibong
EDUCATION
mamamayan. Babaeng itinalaga na mamalagi na lamang sa tirahan para mag-alaga ng mga
anak at maging isang ilaw ng tahanan. Na isa naman sa hindi katanggap tanggap dahil sa
pagwawalang bahala sa katangiang tinataglay nating mga kababaihan. Kaya bilang isang babae
huwag hayaang mapasailalim na lamang parati, pantay-pantay kaya huwag tayong malumbay
dahil sa ating sarili nakasalalay ang ikauunlad ng ating buhay.

B. BISANG PANDAMDAMIN
Bilang isang babaeng may puso at ilaw ng tahanan ay maraming maaaring magawa
upang tumulong sa lipunan. Ang maalab niyang paglalahad ng kanyang damdamin sa
kagustuhang makaalpas sa kahirapang tinatamasa ng ating bayan. Ang kagustuhan niyang
maging susi upang makatulong sa lipunan dahil isa siyang babae. Kung bahay nga ay kayang
ilawan, maano pa kayang, kaya nitong pailawin ang lipunang ginagalawan. Ang kailangan
lamang ay marubdob na pusong handang umunawa umangkin ng pagkakaisa upang
maisakatuparan ang anumang mithiin.

C. BISANG PANGKAASALAN
Ang babaeng matapang, malayang ipinahayag ang kanyang damdamin at kaisipan.
Pagiging matapang na pagharap at paghanap ng paraan upang makatulong sa pglutas ng mga
suliraning kinakaharap ng bayan. Ipinapakitang bilang isang babae’y kinakailanagang tumayo
at ipaglabaan ang karapatan hindi lamang para sa sarili kundi’y para rin sa bayan.

V. Reaksyon/Komento

Ang tulang “Ang Babae sa Pagdaralita” ay isang tula kakukuhanan ng aral ng isang
babaeng kikilos para sa hinaharap. Isa pa sa ikinaganda ng tula ay napapagalaw ang
imahinasyon ng mambabasa pagdating sa mga salitang ginamit sa tula. Ipinapakita ng tula na
maraming kayang gawin ng isang babae, hindi lamang para sa tahanan kundi’y kayang tumayo
para sa bayan.
Kung ibabase natin ang kalagayan ng babae sa kasalukuyan ay mapapatunayang hindi
lamang sila pantahanan kundi’y kaya pa nilang mamuno at huwaran pagdating sa
pakikipaglaban para sa bayan. Marami ng babae ang mga namumuno sa ating bayan, patunay
ang mga ilang babaeng naging pangulo ng ating bansa.

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence Develop competent and morally upright professionals and generate
and prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino
Province and Southern Cagayan Valley. Province and Southern Cagayan Valley.
“Molding Minds, SHAping Future” Page | 8

You might also like