Professional Documents
Culture Documents
Filipino PDF
Filipino PDF
Filipino PDF
Filipino G9
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na
hindi maaaring magkaroon ng karapatang-ari sa anumang akda
ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayumpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitahan. Kabilang sa
mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,
ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas
sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang
gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang bahagi ng materyales na ito ang
maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang
pahintulot ng Kagawaran.
Filipino
Ikasiyam na Baitang
Para sa Tagapagpadaloy
Ang modyul na ito ay inihanda upang makatulong sa ating mga
mag-aaral na madaling matutuhan ang mga aralin sa asignaturang
Filipino. Ang mga bahaging nakapaloob dito ay sinegurong naaayon sa
mga ibinigay na layunin.
Hinihiling ang iyong paggabay sa ating mga mag-aaral para sa
paggamit nito. Malaki ang iyong maitutulong sa pag-unlad nila sa
pagpapakita ng kakayahang magtiwala sa sarili na kanilang magiging
gabay sa sumusunod na mga aralin.
Salamat sa iyo!
Para sa Mag-aaral
Ang modyul na ito ay ginawa bilang sagot sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong mabigyan ka
ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul
na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anumang marka o sulat ang anumang bahagi nito. Gumamit ng
hiwalay na papel sa pagsagot sa mga gawain sa pagkatuto.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat gawain.
3. Maging tapat sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng
mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
5. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagpadaloy kung
tapos nang sagutin ang lahat ng pagsasanay.
Halimbawa
Katangi-tangi
Ikaw at ikaw lámang,
aliw ng puso,
iingatan ka lagi,
hindi ka na luluha
Ang haiku ay mas maikli kaysa sa tanka. May labimpitong (17) pantig
lamang at may hati ng taludtod na 5-7-5. Pero puwede ring magkapalit-palit ang
kabuoang pantig basta labimpito (17) pa rin ang kabuoan.
Gaya ng tanka, puno rin ng emosyon ang haiku. Karaniwang paksa ng
haiku ang kalikasan at pag-ibig.
Sa haiku, nakikiusap o inuutusan ng persona (ang nagsasalita sa tula) ang
ulan na pawiin ang lungkot na kaniyang nadarama. Sa halip na kalungkutang
nararanasan ng mga oras na iyon, “puso kong lumbay” ang ginamit. Pansinin na
nasa unang katauhan o first person ang nagsasalita sa haiku.
Halimbawa
Buhos pa, ulan
I kaw ang magpatighaw
puso kong lumbay
PIVOT 4A CALABARZON Filipino G9 6
Pagsulat ng Tanka at Haiku
2. Kagaya ng ating mga bugtong at salawikain, kipil o siksik ang pinakaanyo ng isang
tanka o haiku. Ipinapaloob sa lima o tatlong taludtod ang mga salitang aabot lamang
ang kabuoang pantig sa tatlumpu’t isa ( 31) o labimpitong (17) pantig.
Malamang, pinag-isipang mabuti ng nagsulat kung paano niya
pagkakasyahin ang diwang gustong ipaabot sa iisang saknong o stanza lamang.
Maraming mga rebisyon ang kailangang gawin para mas makasunod sa sukat ng bawat
taludtod. Madalas, pagpapalit ito ng parirala, pagpapaikli ng pahayag o
pag-iisip ng ihahalili na mas siksik pero lapat ang bilang ng pantig.
D
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Pag-aralan ang tanka at haiku. Punan ng
wastong sagot ang mga kahon sa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
Tanka Haiku
Katangi-tangi Buhos pa, ulan
ikaw at ikaw lamang, ikaw ang magpatighaw
aliw ng puso, puso kong lumbay.
iingatan ka lagi,
hindi ka na luluha
Bilang ng pantig
Bilang ng taludtod
Sukat ng bawat taludtod
Tema o paksa
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Suriin ang tula at punan ang talahanayan batay
sa katangiang hinihingi. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
(Tanka) (Haiku)
Giliw Ulan
Katangi-tangi
ikaw at ikaw lamang, Buhos pa, ulan
aliw ng puso, ikaw ang magpatighaw
iingatan ka lagi, puso kong lumbay.
hindi ka na luluha
1. Pagsubok (Tanka)
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
2. Tagumpay (Haiku)
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
A
Punan ang patlang. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
Maraming tao ang naaaliw sa hayop. Para sa kanila, mas makatao pa ang
mga hayop kaysa sa mga tao. Siguro, kaalinsabay ni Aesop, may mga kuwentong-
bayan din na lumaganap sa ating kapuluan. Kinupkop na lamang natin ang
salitang pabula na batay sa forte ng mga kuwento ni Aesop na pawang mga hayop
pero may mga gawi at kaasalang tao. Pero patuloy ang mga kuwentista sa buong
mundo sa mga babasahin man o sa pelikula’t telebisyon sa paglikha ng mga
tauhang hayop. Ito’y patunay na kinagigiliwan pa rin ang
pabula dahil sa nakapaghahatid ng aral at nailalarawan ang kultura ng isang
lugar.
Sa araling ito, ikaw ay inaasahang: ( a) makapagbibigay-puna sa
kabisaan ng paggamit ng hayop bilang mga tauhan na parang taong nagsasalita
at kumikilos (b) makasusulat muli ng isang pabula sa paraang babaguhin ang
karakter ng isa sa mga tauhan nito; (c) makahihinuha ng damdamin ng mga
tauhan batay sa diyalogong napakinggan.
Inang Palaka: Ano na ang mangyayari sa kaniya kapag ako’y nawala na?
Matanda na ako at ano mang oras ay maaari akong
mamatay?
Berdeng Palaka: Ipinangangako ko ina, gagawin ko ang bilin mo.
E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Basahin at suriing mabuti ang karakter ni
Paniki sa pabulang “Ibon Man o Hayop.” Pagkatapos, muling isulat ang pabula
na may pagbabago sa katangian, papel o aksiyon ni Paniki.
A
Punan ang patlang. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
Sa pagsulat ko ng pabula, isang bagay ang titiyakin
ko: kailangang mag-iiwan ito ng ______________ sa mambabasa.
D
https://nasyonalistikpinoy.wordpress.com/2013/05/09/epekto-ng-social-media-sa-mga-kabataan
Mas maganda
Sa MDL pa rin
ang ODL. Mas
ako. Mahina
dama kong
talaga ang net
connectivity sa may mga
bahay. Saka, mas kaklase ako.
nahahasa ang Nakikita ko rin
aking pagbasa at ang mga guro
pag-unawa. May ko. Interesado
bonding moments rin ako sa mga
din kami ni Ate, apps.
minsan
tinuturuan din
ako ni Nanay.
Argumento
Proposisyon Oo/ Hindi/
Sang-ayon ako Salungat ako
Ang Enhanced Community Quarantine ay
nakatutulong upang mabawasan ang kaso ng
Covid-19
Ang diskriminasyon na nararanasan ng mga front
-liners ay nakaaapekto sa kanilang trabaho.
Mas epektibo sa pagkatuto ng mag-aaral ang
online learning kaysa sa modular learning.
Ang pagpapatupad ng anti-terror law ay
makatutulong para mabawasan ang
kriminalidad sa bansa.
Ang pagtanggap ng bisitang dayuhan ay isa sa
mga sanhi ng paglaganap ng Covid-19 disease.
Ang pagpapasara sa ABS CBN ay pagwasak sa
kalayaan sa pagpapahayag.
Kawawa ang Pilipinas kung maghahabol sa mga
inaangking isla ng Tsina sa West Philippine
Sea.
A
Punan ang patlang. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
Ano ang dagkatha? Ang dagkatha (dagling katha o flash fiction) ay limang beses
o higit pa na mas maigsi kaysa maikling kuwento.
19 PIVOT 4A CALABARZON Filipino G9
Basahin at unawain ang dagkatha.
Form 137
Arn Ordonez Estareja
Walang nadaramang saya at kasabikan si Meynard hanggang makapasok sa paaralan.
“Bakit pa kasi ako ipatatawag ni Mam,” maktol niya, “at kung kelan pa naman
bertdey ko.”
Tanggap na niyang hindi siya makapagtatapos sa Ikaanim na Baitang. Mula
nang tumuntong siya sa Ikatlong Baitang hanggang noong natapos niya ang
Ikalimang Baitang, hindi siya pinaaakyat ng entablado para kunin ang medalya
na Academic Excellence with High Honors. Hindi rin nakalagay sa programa ng
Araw ng Pagkilala ang kaniyang pangalan.
Baka masampahan ng kaso ng dati niyang iskul ang kasalukuyan niyang paaralan.
Mahirap na. Buti nga raw at tinanggap ako, at di pinapatigil sa pagpasok.
Di pa rin nababayaran ng kaniyang magulang ang dalawampung libong
pisong pagkakautang nila sa dating pribadong eskuwelahan. Kaya hanggang
ngayon, hindi pa nito inire-release ang kaniyang Form 137, ang kaniyang
official transcripts of record.
Talaga namang maglilimang taon nang hirap na hirap ang pamilya nila sa pera.
Malabo talaga siyang makagradweyt.
“Bakit pa kasi…,” patuloy ang kaniyang maktol hanggang sa nasa pintuan na
siya ng kanilang homeroom.
Pagpasok niya, halos magkasabay ang pag-akbay sa kaniya ng kaniyang
tagapayo at ang masayang pagkanta ng “Hapi bertdey, Meynard…”
“Hindi naman ako happy. At paano kaya magiging happy,” nasabi niya sa
sarili. Nanatili siyang walang kibo.
Sinundan ang pag-awit ng masigabong “Sabay-sabay tayong gagradweyt
bukas, Meynard!” kasabay nito ang paglaladlad nila ng tarpapel na may halos
ganoon ding mensahe.
“Tapos na ang problema mo.” Ipinaliwanag ni Mam na gumawa ng paraan ang
aking mga kamag-aral, ang SSG, ang PTA, ang Principal at maraming guro para
makalikom ng perang kailangan. Pati ang mga organisasyon sa
barangay gayundin ang kapitan at mga kagawad ay malaki ang naitulong.
Hindi pa rin siya umiimik. Nanlalambot siya na parang nahihilaman lalo na nang
yakapin ng mga kaklase. Ewan niya bakit may sipon siyang napapahid.
Sa halohalong emosyong nadarama ni Meynard, nagsimulang lumutang ang galak.
D
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Isulat sa iyong sagutang papel ang sagot sa mga
sumusunod na tanong.
1. Paano nagsimula ang kuwento?
2. Nagustuhan mo ba ang simula nito?
3. Paano nagwakas ang kuwento?
4. Nagustuhan mo ba ang pagwawakas ng kuwento? Bakit?
5. Nagustuhan mo ba ang daloy ng pangyayari sa kuwento? Bakit?
E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Basahin at unawain ang mga sumusunod na
pagsisimula ng iba’t ibang kuwento. Tukuyin ang estilo ng pagsisimula nito.
Piliin ang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
5. Pagsisimula: Naku! Wala pa si Kuya. Baka mahuli ako sa klase ni Binibining Afloro.
Ayaw na ayaw pa naman niyang nahuhuli ako sa kaniyang klase. Kaninang alas-dose
pa natapos ang klase ni Kuya, ba’t kaya wala pa siya? Baka may dinaanan siyang
mga kaklase. Tinanaw ko ang malawak na kabukiran.
A
Punan ang patlang. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
Simbolo
mga salita na nag-iiwan ng iba’t ibang pagpapakahulugan sa mambabasa
pero hindi nalalayo sa interpretasyong nais ipaabot ng may-akda
bagay na kumakatawan, tumatayo o nagpapahiwatig ng isang ideya,
larawan, paniniwala o aksiyon
Halimbawa: sinasagisag o ipinapahiwatig ng imahe ng puti o kaputian ang
kalinisan o kadalisayan; katapangan naman ang ipinahihiwatig ng pula
Basahin at unawain ang maikling kuwento mula sa bansang Tsina. Alamin ang
mga imahe at simbolo na nakatago sa akda.
Naalala niya ang mga sandaling kasama pa niya ang kanyang ina. Naisip
niya na kung buhay ang kanyang ina ay panahon iyon ng pagbabalot ng
dumpling. Gustong–gusto niya iyon. Sa unang Bagong taon niya sa kampo ay ay
pitumput anim ang nakain niya sa isang upuan, hanggang sa mabusog siya
nang sobra’t hindi na siya halos makaupo, at ginugol niya ang buong hapon sa
paglalakad sa palaruan. Gayunman, kahit ang mga alaalang ito ay hindi
nakapagpasaya sa kaniya.
A
Punan ang patlang ng tamang sagot. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
Ang kahulugan ng imahe sa kuwento ay representasyon ng isang bagay,
tao o ideya. Ang simbolo naman ay salita na nag-iiwan ng iba’t ibang
pagpapakahulugan sa mambabasa pero hindi nalalayo sa representasyon ng
may-akda. Kung ako ay gagawa ng isang kuwento, patatandaan ko na dapat
mag-iwan ang simbolo ng ________________ sa mambabasa.
1. Yugto. Ito ay kung paano hinahati ang dula. Katumbas nito ang kabanata
sa isang nobela. Puwedeng isang buong yugto ang isang dula (kaya
tinatawag na iisahing yugtong dula), puwedeng dalawa (dadalawahing
yugtong dula) o tatlo (tatatluhing yugtong dula).
2. Tagpo. Bahagi ito na nagpapakita ng panahon at lugar na pinagganapan ng
mga pangyayari sa dula.
3. Eksena. Ito ang paglabas-masok ng mga tauhang gumaganap sa tanghalan.
Mga Elemento:
1. Iskrip - pinaka-kaluluwa ng isang dula; walang dula kapag walang iskrip.
2. Gumaganap o Aktor - nagsasabuhay sa mga tauhang nasa iskrip.
3. Tanghalan - pook na pinagdarausan ng isang dula; entablado.
4. Direktor - namamahala at nagpapakahulugan sa isang iskrip ng dula.
5. Manonood - sumasaksi sa pagtatanghal ng dula.
Mga Sangkap:
Munting Pagsinta
Mula sa film na Mongol: The Rise of Genghis Khan ni Sergei Bordrov
Hinalaw ni Mary Grace A. Tabora
Mga Tauhan:
Temüjin - anak ni Yesügei na mula sa Tribong Borjigin
Yesügei - ama ni Temüjin
Borte - isang dalaginding na taga - ibang tribo
D
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Batay sa binasang dula, sagutin ang mga
sumusunod. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Bakit kaya pinili ni Temujin si Borte kaysa sa isang babae mula sa tribong Merit?
2. Anong damdamin ang nangibabaw sa iyo pagkatapos basahin ang akda?
Ipaliwanag.
3. Makatotohanan ba ang pagganap ng mga tauhan batay sa diyalogo?
Patunayan.
4. Akma ba ang tanghalan/tagpuan sa mga pangyayari sa akda? Ipaliwanag.
5. Mahusay ba ang iskrip lalo na ang banghay at diyalogo ng dula? Bakit?
1. Diyalogo 1:
Lino: Rina, talagang mahalaga ang paghahati-hati ng yugto ng dula sa ating
pagtatanghal sa Filipino 9.
Rina: Totoo iyon Lino, nalalaman ko ang kahalagahan nito sa tuwing
kailangan ng baguhin ang mga kagamitan sa tanghalan.
Lino: Tama ka, naalala mo pa ba noong kailangan na nating magdamit ng
bago para sa susunod na eksena, nagamit ko ang kaunting oras.
3. Diyalogo 3:
Kinakabahang naghihintay si Mika sa likod ng tanghalan, siya ang gaganap
bilang si Julieta samantalang ang kaniyang kabiyak na si Romeo ay nasa
tanghalan na. Siya na ang lalabas upang makita ng mga tagapanood!
Romeo: Nasaan ka aking sinta? Ang puso ko’y nangungulila sa iyong ganda.
Julieta: Narito ako aking mahal. Ibig kong yakapin ka nang mahigpit at
masilayan kang matagal.
Romeo: Salamat naman at ayos ka lamang (yayakapin ang mahal)
Julieta: Huwag mo kong alalahanin, hindi ako kayang saktan ng aking mga
magulang.
Romeo: Wala akong ibang hangad kundi ang makapiling ka nang matagal.
Julieta: Ganoon din ang nais ko, Romeo.
4. Diyalogo 4:
Katatapos lamang manood ng magkaibigan sa isang dulang pantanghalan at
nagbibigay sila ng kanilang reaksiyon patungkol sa kanilang napanood.
Mico: Tunay ngang nakamamangha ang aliw na ibigay sa atin ng dulang iyon.
Leni: Tama ka riyan, napaluha rin ako nito at namulat ang aking isipan sa
reyalidad ng buhay.
Mico: Kamangha-mangha hindi ba? Sapagkat habang kumikilos sila ay
mararamdaman mo ang damdamin sa bawat salita na ibinibigkas
nila, mahusay lamang ang makagagawa ng ganoon.
Suliranin/Tunggalian
Kasukdulan
Kakalasan
A
Punan ang patlang. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel .
May isang bagay na natandaan ko sa pagsulat o paggawa ng dula. Dapat
itong nagbibigay libang, nagbibigay ____________, pumupukaw ng ___________at
humihingi ng pagbabago.
Matalinhagang Pagpapahayag
Madalas, gumagamit ang manunulat ng matalinhagang pahayag sa
pamamagitan ng mga idiyomatikong pahayag o makukulay na pananalita.
Kapag hindi nahahango ang kahulugan sa mga pariralang ginamit,
maituturing itong pahayag idiyomatiko.
Mga halimbawa: sakit ng ulo - problema
magsunog ng kilay - mag-aral nang mabuti
balitang kutsero - hindi totoo
Natatawa
Natutuwa
Nasisiyahan ako sa iyo.
Nagagalak
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Iantas ang mga salitang may salungguhit batay
sa tindi ng emosyon o damdaming ipinahahayag. Gamitin ang numero 1 para sa
hindi gaanong matindi ang damdaming ipinapahayag, numero 2 para sa mas
matinding damdamin at numero 3 para sa pinakamatinding damdamin. Isulat
ang sagot sa iyong sagutang papel.
1.
( ) Hindi pinansin ng batang kalabaw ang ginawa ng kaniyang ina.
( ) Hindi nagustuhan ng batang kalabaw ang pag-uutos ng kaniyang ina.
( ) Ayaw na ayaw ng batang kalabaw na sinasabihan siya ng ina.
2.
( ) Sumama ang loob ng ina dahil matigas ang ulo ng kaniyang anak.
( ) Ang pagiging suwail ng batang kalabaw ang dahilan ng pagkamatay ng ina.
( ) Napansin ng ina na hindi sumusunod ang kaniyang anak.
3.
( ) Nagpahirap sa kalooban ng ina ang paulit-ulit na pagiging suwail ng
anak.
( ) Nagpasama sa loob ng ina ang madalas na pagbibingi-bingihan ng anak.
( ) Nagdulot ng pagtatampo ng ina ang minsang hindi pagsunod ng anak sa
kaniya.
4.
( ) Labis ang hinagpis ng anak ng yumao ang kaniyang mga magulang.
( ) Dama ng batang kalabaw ang pagkalungkot ng umalis ang kaniyang
kaibigan.
( ) Nakadama ng pagsama ng loob ang ina sa pagiging suwail ng anak.
5.
( ) Humihikbi ang batang kalabaw ng pagsabihan siya ng kaniyang ina.
( ) Nagpalahaw ang batang kalabaw nang mamatay ang ina dahil sa kaniya.
( ) Lumuluha ang batang kalabaw tuwing naalala niya ang yumaong ina.
E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Iayos ang mga salita sa bawat set ayon sa tindi
o antas ng kahulugan. Gamitin sa makabuluhang pangungusap ang may
pinakamababa at pinakamataas na antas. Ilagay sa sagutang papel ang iyong
sagot.
1. payapa 2. pang-aapi 3. nalulong
payapang-payapa pagduhagi nasuong
totoong payapa pag-alipusta nasubo
ubod ng payapa pagkutya di-mapigil
walang kasimpayapa pag-alimura mahirap urungan
paghamak adik
4. matalino 5. maalis 6. nakagugulat
matali-talino mabakbak nakasisindak
totoong matalino mapigtas nakapangingilabot
matalinong-matalino matuklap nakahihilakbot
lubhang matalino nakagigitla
malapnos
likas na matalino nakatatakot
pinakamatalino matanggal
walang kasintalino mapaknit
A
Isulat ang sagot sa patlang sa iyong sagutang papel .
https://tinyurl.com/Concerns-on-PIVOT4A-SLMs