Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

9 Republic of the Philippines

Department of Education
Division of Pagadian City

FILIPINO
Unang Markahan - Modyul 2
Sariling Paghatol o Pagmamatuwid
sa mga Ideyang Nakapaloob sa Akda

Learning Activity Sheets


(Extracted/Modified from CO/RO10 SLMs)

Name:
Year Level:
Grade & Section:

DO_Q1_FILIPINO9_ Module 4
Filipino 9
Unang Markahan - Modyul 2
Sariling Paghatol o Pagmamatuwid
sa mga Ideyang Nakapaloob sa Akda
Nilalaman ng Modyul
Ang modyul na ito ay may isang aralin:
Aralin 1 – Ang Ama
Maikling Kuwentong Makabanghay–Singapore
Isinalin sa Filipino ni Mauro R. Avena

Alamin
Ano ang Inaasahan Mo?
Inaasahang pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay:

Nabubuo ang sariling paghatol o pagmamatuwid sa mga ideyang


nakapaloob sa akda. (F9PB-Ia-b-39)

Subukin
Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat aytem. Isulat
lamang ang titik o letra ng mapipiling sagot sa iyong sagutang papel.
Para sa bilang 1-2
Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kaniyang mga luha at saka
tumayo. Mayroon siyang naisip. Mula ngayon, magiging mabuti na siyang
ama. Dinukot niya sa bulsa ang perang ibinigay ng kaniyang amo para sa
asawa at kiming iniabot naman ito agad, tulad ng nararapat.
______1. Mahihinuhang ang ama ay magiging ______________.
a. matatag b. matapang c. mabuti d. masayahin

______2. Ipinahihiwatig ng teksto na ang ama ay ______________.


a. maawain b. matulungin c. mapagmahal d. maalalahanin

______3. Alin ang HINDI angkop na naglalarawan sa isang mabuting ama?


a. Ginagampanan ang responsibilidad sa kanyang asawa at anak.
b. Sinasaktan ang kanyang asawa at mga anak.
c. Naghahanapbuhay para may makain sa pang-araw-araw ang pamilya.
d. Tumutulong sa gawaing-bahay kapag may oras.

1
______4. Bigyan ng sariling paghatol o pagmamatuwid ang ideya sa loob ng kahon.
“Inggit na inggit siya sa mga kasabayang doktor na nasa kanila na ang
lahat ng luho at oras na makahanap ng babaing makakasama habambuhay.”
a. Hindi dapat mainggit sa kapwa sapagkat nasa sa iyo lamang kung paano
mo gagamitin ang isang pagkakataon para hindi ka mag-isa habambuhay.
b. Kailangang maglaan ng oras at panahon para makapaghanap ng
makakasama habambuhay.
c. Nararapat lamang na siya ay mainggit sapagkat wala na siyang oras para
sa kanyang sarili.
d. Dapat magkaroon siya ng pagpapahalaga sa buhay-pag-ibig upang
makahahanap siya ng mamahalin sa habambuhay.

______ 5. Ito ay sining ng paghihikayat sa mambabasa o makikinig na maniwala sa


opinyon ng isang tao
a. Pagpapaliwanag b. Pagmamatuwid c. Pagpapahayag d. Paglalahad

_______6. Kilalanin ang pangungusap na HINDI nagpapahayag ng angkop na


pagmamatuwid o paghatol.
a. Hindi sila magtatagumpay dahil takot silang makipagsapalaran sa buhay.
b. Kailangang magkaroon ng disiplina sa sarili upang magkamit ng tagumpay.
c. Magkaisa tayo tungo sa isang tagumpay.
d. Kung umuwi itong pasigaw-sigaw at padabog-dabog, tiyak na walang
pagkain at ang mga bata ay magsisiksikan sa takot na masaktan ng
kanilang ama.

______ 7. Ibigay ang isinasaad ng pangungusap na “Sa isang iglap, ang kanina pang
inip na inip na mga bata ay dumaga sa yaman.”
a. Pagmamatuwid b. Pagpapaliwanag c. Pagpapahayag d. Paglalarawan

_____ 8. Piliin ang pahayag na mas matimbang na nakatutulong sa pagbuo ng


paghatol o pagmamatuwid
a. Mabibigyan ka ng pagkakataong makabuo ng iyong pagpapasiya sa
kabisaan ng akdang binasa.
b. Pagbibigay ng kaalaman hinggil sa ideyang nais ipabatid ng may akda.
c. Mas madaling maintindihan ang bagay na dapat isaalang-alang.
d. Higit mo nang mabigyang-linaw ang mahahalagang detalyeng
ipinahihiwatig ng akdang binasa.

______ 9. Ibigay ang isinasaad ng pangungusap na “Ang ginawa ng ama sa kaniyang


mga anak ay hindi nararapat, kinakailangan niyang baguhin ang kanyang buhay para
sa mga natitira niya pang mga anak”.
a. Pagmamatuwid b. Pagpapaliwanag c. Pagpapahayag d. Paglalahad

_____ 10. Piliin ang pangungusap na nagpapahayag ng paghatol o pagmamatuwid.


a. Madilim na ang langit at ang maitim na ulap ay nagbabantang mapunit
anumang saglit, pero patuloy sa pagdarasal at pag-iyak ang ama.

2
b. Marami mang pagsubok sa buhay o dumanas nang matinding kahirapan,
sakit at pagkabigo, kailangang gagawin ng magulang ang kanilang
makakaya para sa kapakanan ng kanilang mga anak.
c. Umuwing lumuluha ang kanilang ama.
d. Magkahalong laging takot at pananabik kapag hinihintay ng mga bata ang
kanilang ama.

_____ 11. Ito ang dapat isaalang-alang sa pagbubuo ng sariling paghatol o


pagmamatuwid
a. Dapat magkaroon muna ng karanasan bago makabuo ng paghatol o
pagmamatuwid.
b. Kinakailangang tumpak ang lahat ng iyong paghatol o pagmamatuwid.
c. Tiyakin lamang na walang kinikilingan sa gagawing paghatol at gawin itong
tiyak na hindi pabago-bago.
d. Walang karapatan ang mambabasa para maghatol o magmamatuwid.

_____12. Ibigay ang isinasaad ng pangungusap na “Bilang isang magulang, tungkulin


niyang gampanan ang kanyang reponsiblidad sa kanyang mga anak”.
a. Pagmamatuwid b. Pagpapaliwanag c. Pagpapahayag d. Paglalahad

_____13. Naghahatid ito ng ideya upang makabuo ng paghatol o pagmamatuwid.


a. ‘Di nagtagal, lumabas ito, nakapagpalit na ng damit, at dumiretso sa mesa.
b. Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kaniyang mga luha at saka tumayo.
c. Dumating ito sa libingan sa tabing gulod. Kahuhukay lamang ng puntod na
kaniyang hinintuan.
d. Kapag umuwi ang ama nang mas gabi kaysa dati at mas lasing kaysa dati,
may pakakataong ilalayo ng mga bata si Mui-Mui.

_____ 14. Posibleng ito ang mabubuong sariling paghatol o pagmamatuwid sa mga
ideyang nakapaloob sa akda batay sa mga pamantayan na taglay ng mambabasa.
a. Makabubuo ng paghatol o pagmamatuwid sa pamamagitan ng pagkalap ng
mga impormasyon.
b. Ibabatay ito sa sariling pamantayan ng mambabasa na ang ibig sabihin,
siya lamang ang tanging nakaaalam kung bakit ganoon ang kaniyang hatol.
Tama man o mali, karapatan ng isang mambabasa na ipahayag ito.
c. Ito ay ang pagkuha ng mga hindi tiyak na impormasyon.
d. Kinakailangang marami kang inihahandang kasinungalingan para
mapaniwala mo ang mga makikinig o mambabasa.
_____ 15. Ano ang paghatol o pagmamatuwid na sa palagay mo ay taglay ng maikling
kuwentong Ang Ama?
a. Mabuhay nang marangal, gawin ang nararapat at alamin kung ano ang
tama sa mali dahil ang pagsisisi ay laging nasa huli.
b. Ang pagmamahal ng magulang sa anak ay hindi matutumbasan ng kahit
anong yaman.
c. Ang pagmamalupit sa anak ay tanda lamang ng sobrang pagmamahal ng
magulang.
d. Tama lang na pabayaan ang pamilya kapag ikaw ay nagsawa na sa
kahirapan ng buhay

3
Aralin Pagbubuo ng Sariling Paghatol o

1 Pagmamatuwid sa mga Ideyang


Nakapaloob sa Akda

Balikan

Gawain 1: Aral ng kwento


Balikan ang pinakinggang kwento na Nang Minsang Naligaw si
Adrian. Punong-puno ng aral ang kuwentong ito. Ngayon, suriin at isa-isahin ang
aral na makikita sa kwento. Ipaloob ang sagot sa fish bone organizer.

Nang Minsang Naligaw si Adrian

Aral

Gawain 2: Kilalanin sila


Bilang mambabasa, paano mo huhusgahan ang mga tauhan sa binasang
kwento? Itala ang mga panghuhusga o ideya na iyong pinaniniwalaan o
pinangangatuwiranan. Pagkatapos, bigyan ito ng sariling pagmamatuwid.
Mga Tauhan Mga Ideya Pagmamatuwid
Adrian

Ama

4
Tuklasin

Isa sa mga karapatan mo ang malayang


pagpapahayag ngunit kaakibat ng karapatang ito ang
pagiging responsable sa anumang iyong sasabihin.
Dahil dito, kailangang matuto ka ng tama at
walang kinikilingan sa pagpapahayag ng iyong iniisip
at damdamin.
Lilinangin sa susunod na gawain ang
pagtamasa mo sa karapatang ito sa pamamagitan ng
pagbigay ng pagmamatuwid sa anumang ideyang
nakapaloob sa akda. Ibabatay mo ito sa sarili mong
pamantayan bilang mambabasa, na ibig sabihin, ikaw
lamang ang tanging nakaaalam kung bakit ganoon
ang iyong hatol. Tama man o mali, karapatan mong
ipahayag ito.
Tiyakin lamang na wala kang kinikilingan sa
gagawing paghahatol, gawin itong tiyak at hindi
pabago-bago.

Gawain 3: Ipaliwanag mo
Panuto: Masdang mabuti ang larawan sa ibaba. May kaugnayan ito sa aralin
natin. Ipaliwanag sa loob ng dalawang pangungusap ang kaugnayang ito. Isulat ang
sagot sa nakalaang patlang.

__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
_________

5
Gawain 4: Ipahayag mo
Panuto: Sumasagisag ang larawan sa Gawain 3 ng dapat nating gawin upang
maging mas makabuluhan ang gawaing pagbabasa at pagbibigay ng hatol o
pagmamatuwid. Ngayon, basahin ang ilang sipi na nasa ibaba na mula sa maikling
kuwento. Nagtataglay ito ng mga ideya. Suriin ang mga ideyang ito at isulat sa angkop
na kahon sa ibaba. Gamiting gabay ang tanong sa ibaba sa pagbibigay ng ideya.
Ano ang masasabi mo sa kaisipang mula sa isang maikling kuwento?

Kaisipan Ideya
Magkahalo lagi ang takot
at pananabik kapag
hinihintay ng bata ang
kanilang ama. Ang takot
ay sa alaala ng isang
lasing na suntok sa bibig
na nagpapatulo ng dugo
at nagpapamaga ng ilang
araw sa labi.

Naninipat ang mga


matang titingnan nila kung
may brown na supot na
nakabitin sa tali sa mga
daliri nito.

Sa ibang mga gabi, hindi


paghikbi ang maririnig ng
mga bata mula sa
kanilang ina, kundi isang
uri ng nagmamakaawa at
ninenerbiyos na pagtawa
at malakas na bulalas na
pag-ungol mula sa
kanilang ama at sila'y
magtatanong kung ano
ang ginagawa nito.

6
Suriin

Ano nga ba ang maikling kwento? Paano natin mabibigyan


ng paghatol o pagmamatuwid ang isang maikling kuwento?
Ang maikling kuwento ay isang uri ng panitikang masining
na naglalahad ng mga pangyayari. Ang banghay nito ay hindi
gaanong tumatalakay sa masasalimuot na pangyayari sapagkat
inaasahang mababasa ito sa isang upuan lamang. Ang maikling
kuwento ay hindi kahabaan tulad ng nobela, higit na kakaunti ang
mga tauhan, mas mabilis ang paglalahad at higit na matipid sa
paggamit ng pananalita.
Gayunpaman, may mga kuwentong hindi laging
winawakasan. Minsan ay hinayaan ng may-akda na mabitin ang
wakas ng kuwento at nasa mambabasa ang paghatol o
pagmamatuwid kung ano sa palagay niya ang maaaring
kahihinatnan ng kuwento.
Ang paghatol o pagmamatuwid ay sining ng paghihikayat sa
mambabasa o makikinig na maniwala sa opinyon ng isang tao. May
dalawang paraan ng paglalahad ng pagmamatuwid, ang pabuod at
pasaklaw. Ang
pabuod ay nagsisimula sa pagbanggit ng mga detalye patungo sa
isang konklusyon. Samantalang ang paraang pasaklaw ay
nagsisimula sa alituntunin o simulain at patungo sa mga tiyak na
detalye o katibayan.
Kung magkaminsan, sa iyong pagbabasa ay may
matatagpuan kang mga kaisipang nagpapagulo sa iyong isipan. Ito
ang mga kaisipang maaaring may kaugnayan sa pangunahing
paksa ng akdang binabasa. Dahil dito, nagkakaroon ng mga ideya
upang makabuo ng sariling paghahatol o pagmamatuwid hinggil sa
pagiging mabisa ng mga ideyang inilalahad sa binasang akda.
Makikilala kaagad ang mga kaisipang ito sapagkat ito ay
nagsasaad ng mga ideyang nais ipabatid ng akdang binasa.

Basahin ang buod ng maikling kuwentong Ang Ama upang mabigyan ng


sariling paghatol at pagmamatuwid ang mga ideyang taglay nito.

7
Ang Ama
Maikling Kuwentong Makabanghay mula sa Singapore na isinalin sa Filipino ni
Mauro R. Avena
Nagsimula ang kuwento na may magkahalong nararamdamang takot at pananabik
kapag hinihintay ng mga bata ang kanilang ama. Ang takot sa tuwing uuwing lasing at sila ay
bugbugin. Pananabik dahil paminsan-minsan ay may iniuuwi itong isang malaking supot ng
mainit na pansit na iginisa sa itlog at gulay. Ngunit ang isang supot na pansit ay para lamang
sa kanya, marami lang ito at hindi niya kayang maubos, kaya’t ang natitira ay
pinagkakaguluhan ng mga bata. Hinahati ito ng ina at bibigyan ng kanya-kanyang parte ang
lahat kahit ito’y sansubo lamang.
Anim lahat ang mga bata. Ang dalawang pinakamatanda ay isang lalaki na dose anyos
at isang babae na onse; matatapang ang mga ito kahit na payat. May dalawang lalaking
kambal na nuwebe anyos, isang maliit na babae na otso anyos at isang dos anyos na maliit
pa at bunso sa mga magkakapatid.
Laging natatakot ang mga bata sa kanilang ama na sinasaktan sila, at ang laging
nasasaktan nito ay si Mui-Mui. Nang umuwi ang ama na nasisante sa trabaho sa lagarian, si
Mui-Mui na iyak nang iyak ay biglang sinuntok sa mukha na tumalsik sa kabila ng kuwarto.
Nahimasmasan naman ito ngunit pagkaraan ng dalawang araw, si Mui-Mui ay binawian na ng
buhay dahil sa pangyayari.
Labis na kalungkutan ang nadama ng ama sa pagkawala nito. May binigay na abuloy
ang kaniyang amo at napagtanto sa kanyang sarili na dapat na siyang maging mabuting ama.
Nagtungo siya ng bayan at namili ng pagkain. Nakita ito ng kanyang ibang anak, at sinundan
nila ang ama, patungo ito sa libingan ng kanyang anak na si Mui -Mui. Inihandog niya ito sa
anak, ngunit umulan. Pinagsaluhan ng mga bata ang natirang pagkain mula sa mga nasira ng
ulan na binili ng kanilang ama.

Gawain 5:. Hatulan Mo!


Panuto: Gamitin ang tsart sa ibaba upang itala ang mga nasabing kaisipan
mula sa binasang maikling kuwento. Maaaring gamitin ang kaisipan na nasa Gawain
4. Pagkatapos, magbigay ng sariling paghatol at pagmamatuwid kaugnay nito.
Gamiting gabay sa pagtatala ng kaisipan at pagbibigay ng sariling paghatol at
pagmamatuwid ang kraytiryang makikita sa ibaba.
Ganap na Bahagyang Hindi
Kraytirya Naisagawa Naisagawa Naisagawa
(3) (2) (1)
1. Organisasyon sa pagkuha ng mga kaisipan.
2. Naging malinaw ang batayan sa pagbigay ng
paghatol o pagmamatuwid.
3. Magkaugnay ang pagbibigay hatol o
pagmamatuwid.
4. Kawastohan sa paghatol o pagmamatuwid na
ginamit.
5. Masining na estilo sa pagsusulat.

Mga kaisipan Paghatol Pagmamatuwid

Pagyamanin
8
Gawain 6: Paunlarin mo

Panuto: Lagyan ng bilog ( ) ang patlang bago ang bilang ng mga pangungusap na
nagpapahayag ng paghatol o pagmamatuwid.

________1. Ang buhay ay isang tanghalan at tayo ang mga artista rito. Bawat isa sa atin ay
may papel na dapat gampanan.
________ 2. Kailangang gampanan ng magulang ang kanilang tungkulin na alagaan at mahalin
ang kanilang mga anak.
________ 3. Madilim na ang langit at ang maitim na ulap ay nagbabantang mapunit anumang
saglit, pero patuloy sa pagdarasal at pag-iyak ang ama.
________ 4. Dapat ang mga magulang ay handang magsakripisyo at gagawin lahat para lang
sa kanilang mga anak kahit pa buhay ang nakasalalay. Hindi magdadalawang isip ang mga
magulang na isakripisyo kahit pa buhay nila ang kapalit alang-alang sa kanilang mga anak.
________5. Marami mang pagsubok sa buhay o dumanas ng matinding kahirapan, sakit at
pagkabigo sa buhay, gagawin ng magulang ang kanilang makakaya para sa kapakanan ng
kanilang mga anak.

Gawain 7: Pagyamanin pa ang natutunan

Panuto: Bumuo ng isang sanaysay na may paghatol o pagmamatuiwd. Pumili ng


magiging paksa sa mga sumusunod na pahayag. Isulat ang sanaysay sa kwaderno.
a. Ang buhay ay parang gulong.
b. Tao ang gumagawa ng kanyang kapalaran.

Gamitin bilang gabay ang kraytirya upang makabuo ng mahusay na sanaysay na may
angkop na paghatol at pagmamatuwid..
Ganap na Bahagyang Hindi
Kraytirya Naisagawa Naisagawa Naisagawa
(3) (2) (1)
1. Organisasyon sa pagkuha ng mga ideya.
2. Naging malinaw ang batayan sa
pagbigay ng paghatol o pagmamatuwid.
3. Magkaugnay ang pagbibigay hatol o
pagmamatuwid.
4. Kawastohan sa paghatol o
pagmamatuwid na ginamit.
5. Masining na estilo sa pagsusulat
Kabuoan

Isaisip

9
Ngayong marunong ka nang kumilala at
magpahayag ng pangungusap na naglalahad
ng paghatol o pagmamatuwid, dapat tandaan
mo ang impormasyong ito.
Ang paghatol o pagmamatuwid ang isa
sa mga kasanayang dapat mong malinang lalo
na sa pagbabasa.
Kapag iyong natukoy ang mga kaisipang
ito, mabibigyan ka ng pagkakataong makabuo
ng iyong sariling pagpapasiya sa kabisaan ng
akdang binabasa.
Higit mo na ring mabibigyang-linaw ang
mahahalagang detalyeng ipinahihiwatig ng
akdang binasa.

Gawain 8: Aking natuklasan


Panuto: Sa loob ng dalawang pangungusap, sagutin ang tanong. Paano ba makabubuo
ng sariling paghatol o pagmamatuwid sa mga ideyang nakapaloob sa akda batay sa mga
pamantayan na taglay ng mambabasa? Isulat ang sagot sa inyong kwaderno.

Makabubuo ako ng sariling


paghatol o pagmamatwid kung
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_______________

Isagawa

Gawain 9: Sariling paghatol at pagmamatuwid


Panuto: Basahin ang isang bahagi ng maikling kuwento na nasa loob ng kahon. Suriin
ang mga bahagi at bigyan ng paghatol o pagmamatuwid batay sa ideyang nakapaloob sa
binasang akda. Ipaloob ang paghatol o pagmamatuwid sa loob ng tatlo hanggang limang
pangungusap lamang. Isulat ang sagot sa kwaderno. (5 punto ang bawat bilang)

10
Dumating ito sa libingan sa tabing gulod. Kahuhukay lamang ng puntod
na kaniyang hinintuan. Lumuhod at dinukot ang mga laman ng supot na
dahan-dahang inilapag sa puntod, habang pahikbing nagsalita,
"Pinakamamahal kong anak walang maiaalay sa lyo ang iyong ama kundi ang
mga ito. Sana'y tanggapin mo." Nagpatuloy itong nakipag-usap sa anak
habang nagmamasid sa pinagkukublihang mga halaman ang mga bata.
Madilim na ang langit at ang maitim na ulap ay nagbabantang mapunit
anumang saglit, pero patuloy sa pagdarasal at pag-iyak ang ama.

A. Paghahatol/Pagmamatwid:

Madalas na masapok ang mukha ng kanilang ina; madalas iyong marinig


ng mga bata na humihikbi sa mga gabing tulad nito, at kinabukasan ang mga
pisngi at mata niyon ay mamamaga, kaya mahihiya itong lumabas upang
maglaba sa malalaking bahay na katabi nila. Sa ibang mga gabi, hindi paghikbi
ang maririnig ng mga bata mula sa kanilang ina, kundi isang uri ng
nagmamakaawa at ninenerbiyos na pagtawa at malakas na bulalas na pag-
ungol mula sa kanilang ama at sila'y magtatanong kung ano ang ginagawa nito.
B. Paghatol/pagmamatuwid:

Buod
Sa kabuuan, malaki ang naitutulong ng pagbibigay ng sariling paghatol o
pagmamatuwid sapagkat naisaalang-alang kung ano ang nararapat gawin sa mga bagay na
alam mong hindi tama. Ang pagkuha ng mga pangunahing ideya mula sa binasang akda ay
makatutulong din upang makabuo ng paghatol o pagmamatuwid.
Nakapagpapahayag ka rin ng sarili mong pamantayan kung bakit ganoon na lamang
ang iyong magiging hatol o pagmamatuwid. Tama man o mali, ang bawat indibidwal ay may
karapatang humatol o magbigay ng matuwid sa anumang ideyang nakapaloob sa akda. Dapat
isaalang-alang lamang na tiyak, walang kinikilingan at hindi pabago-bago ang gagawing
paghatol o pagmamatuwid.

Tayahin
Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat aytem. Isulat lamang
ang titik o letra ng mapipili mong sagot sa iyong sagutang papel.
Para sa bilang 1-2
Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kaniyang mga luha at saka
tumayo. Mayroon siyang naisip. Mula ngayon, magiging mabuti na siyang
ama. Dinukot niya sa bulsa ang perang ibinigay ng kaniyang amo para sa
asawa at kiming iniabot naman ito agad, tulad ng nararapat.

11
______1. Mahihinuhang ang ama ay magiging ______________.
a. matatag b. matapang c. mabuti d. masayahin

______2. Ipinahihiwatig ng teksto na ang ama ay ______________.


b. maawain b. matulungin c. mapagmahal d. maalalahanin

______3. Alin ang HINDI angkop na naglalarawan sa isang mabuting ama?


a. Ginagampanan ang responsibilidad sa kanyang asawa at anak.
b. Sinasaktan ang kanyang asawa at mga anak.
c. Naghahanapbuhay para may makain sa pang-araw-araw ang pamilya.
d. Tumutulong sa gawaing-bahay kapag may oras.

______4. Bigyan ng sariling paghatol o pagmamatuwid ang ideya sa loob ng kahon na nagmula
sa binasang akda.
“Inggit na inggit siya sa mga kasabayang docktor na nasa kanila na ang
lahat ng luho at oras na makahanap ng babaing makakasama habambuhay.”
a. Hindi dapat mainggit sa kapwa sapagkat nasa sa iyo lamang kung paano
mo gagamitin ang isang pagkakataon para hindi ka mag-isa habambuhay.
b. Kailangang maglaan ng oras at panahon para makapaghanap ng
makakasama habambuhay.
c. Nararapat lamang na siya ay mainggit sapagkat wala na siyang oras para
sa kanyang sarili.
d. Dapat magkaroon siya ng pagpapahalaga sa buhay-pag-ibig upang
makahahanap siya ng mamahalin sa habambuhay.

______ 5. Ito ay sining ng paghihikayat sa mambabasa o makikinig na maniwala sa opinyon ng


isang tao
a. Pagpapaliwanag b. Pagmamatuwid c. Pagpapahayag d. Paglalahad

_______6. Kilalanin ang pangungusap na HINDI nagpapahayag ng angkop na pagmamatuwid


o paghatol.
a. Hindi sila magtatagumpay dahil takot silang makipagsapalaran sa buhay.
b. Kailangang magkaroon ng disiplina sa sarili upang magkamit ng tagumpay.
c. Magkaisa tayo tungo sa isang tagumpay.
d. Kung umuwi itong pasigaw-sigaw at padabog-dabog, tiyak na walang pagkain at ang
mga bata ay magsisiksikan sa takot na masaktan ng kanilang ama.

______ 7. Ibigay ang isinasaad ng pangungusap na “Sa isang iglap, ang kanina pang inip na
inip na mga bata ay dumaga sa yaman.”
a. Pagmamatuwid b. Pagpapaliwanag c. Pagpapahayag d. Paglalarawan

_____ 8. Piliin ang pahayag na mas matimbang na nakatutulong sa pagbuo ng paghatol o


pagmamatuwid
a. Mabibigyan ka ng pagkakataong makabuo ng iyong pagpapasiya sa

12
kabisaan ng akdang binasa.
b. Pagbibigay ng kaalaman hinggil sa ideyang nais ipabatid ng may akda.
c. Mas madaling maintindihan ang bagay na dapat isaalang-alang.
d. Higit mo nang mabigyang - linaw ang mahahalagang detalyeng
ipinahihiwatig ng akdang binasa.

______ 9. Ibigay ang isinasaad ng pangungusap na “Ang ginawa ng ama sa kaniyang mga
anak ay hindi nararapat, kinakailangan niyang baguhin ang kanyang buhay para sa mga natitira
niya pang mga anak”.
a. Pagmamatuwid b. Pagpapaliwanag c. Pagpapahayag d. Paglalahad

_____ 10. Piliin ang pangungusap na nagpapahayag ng paghatol o pagmamatuwid.


a. Madilim na ang langit at ang maitim na ulap ay nagbabantang mapunit anumang
saglit, pero patuloy sa pagdarasal at pag-iyak ang ama.
b. Marami mang pagsubok sa buhay o dumanas nang matinding kahirapan, sakit at
pagkabigo, kailangang gagawin ng magulang ang kanilang makakaya para sa
kapakanan ng kanilang mga anak.
c. Umuwing lumuluha ang kanilang ama.
d. Magkahalong laging takot at pananabik kapag hinihintay ng mga bata ang kanilang
ama.

_____ 11. Ito ang dapat isaalang-alang sa pagbubuo ng sariling paghatol o pagmamatuwid
a. Dapat magkaroon muna ng karanasan bago makabuo ng paghatol o pagmamatuwid.
b. Kinakailangang tumpak ang lahat ng iyong paghatol o pagmamatuwid.
c. Tiyakin lamang na walang kinikilingan sa gagawing paghatol at gawin itong tiyak na
hindi pabago-bago.
d. Walang karapatan ang mambabasa para maghatol o magmamatuwid.

_____12. Ibigay ang isinasaad ng pangungusap na “Bilang isang magulang, tungkulin niyang
gampanan ang kanyang reponsiblidad sa kanyang mga anak”.
a. Pagmamatuwid b. Pagpapaliwanag c. Pagpapahayag d. Paglalahad
_____13. Naghahatid ito ng ideya upang makabuo ng paghatol o pagmamatuwid.
a. ‘Di nagtagal, lumabas ito, nakapagpalit na ng damit, at dumiretso sa mesa.
b. Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kaniyang mga luha at saka tumayo.
c. Dumating ito sa libingan sa tabing gulod. Kahuhukay lamang ng puntod na kaniyang
hinintuan.
d. Kapag umuwi ang ama nang mas gabi kaysa dati at mas lasing kaysa dati, may
pakakataong ilalayo ng mga bata si Mui-Mui.

_____ 14. Posibleng ito ang mabubuong sariling paghatol o pagmamatuwid sa mga ideyang
nakapaloob sa akda batay sa mga pamantayan na taglay ng mambabasa.
a. Makabubuo ng paghatol o pagmamatuwid sa pamamagitan ng pagkalap ng mga
impormasyon.
b. Ibabatay ito sa sariling pamantayan ng mambabasa na ang ibig sabihin, siya lamang
ang tanging nakaaalam kung bakit ganoon ang kaniyang hatol. Tama man o mali,
karapatan ng isang mambabasa na ipahayag ito.
c. Ito ay ang pagkuha ng mga hindi tiyak na impormasyon.

13
d. Kinakailangang marami kang inihahandang kasinungalingan para mapaniwala mo
ang mga makikinig o mambabasa.

_____ 15. Ano ang paghatol o pagmamatuwid na sa palagay mo ay taglay ng maikling


kuwentong Ang Ama?
a. Mabuhay nang marangal, gawin ang nararapat at alamin kung ano ang tama sa mali
dahil ang pagsisisi ay laging nasa huli.
b. Ang pagmamahal ng magulang sa anak ay hindi matutumbasan ng kahit anong
yaman.
c. Ang pagmamalupit sa anak ay tanda lamang ng sobrang pagmamahal ng magulang.
d. Tama lang na pabayaan ang pamilya kapag ikaw ay nagsawa na sa kahirapan ng
buhay.

Karagdagan gawin
Panuto: Batay sa nabasa mong maikling kuwentong Ang Ama bumuo ka ng sarili mong
paghatol o pagmamatuwid hinggil sa ugaling ipinakita ng ama sa kanayang anak. Ilahad ang
sagot sa loob ng tatlong hanggang apat na pangungusap. Gamiting gabay ang pamantayan sa
ibaba.

Magkaroon ng sariling pagtataya gamit ang kasunod na kraytirya.

3 2 1
Ganap na Bahagyang Hindi
Naisagawa Naisagawa Naisagawa
1. Organisasyon sa pagbuo
ng mga ideyang
nakapaloob sa akda.

2. Naging malinaw ang


batayan sa pagbigay ng
paghatol o
pagmamatuwid.

3. Magkaugnay ang
pagbibigay hatol o
pagmamatuwid na
nakapaloob sa akda.

4. Kawastohan sa pagbuo
ng paghatol o
pagmamatuwid na
nakapaloob sa akda.

5. Masining na estilo sa
pagsusulat.
Kabuoan

14
15

You might also like