Declamation

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

8 Zest for Progress


Z Peal of artnership

Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 4
Sandigan ng Lahi…Ikarangal Natin (Kasingkahulugan at Kasalungat)

Name of Learner: ___________________________


Grade & Section: ___________________________
Name of School: ___________________________
Filipino – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 4: Kasingkahulugan at Kasalungat
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Maristel E. Espiloa
Editor/ Tagasuri: Ronna B. Laranjo/ Michel P. Enero
Tagalapat: Lloyd Ivonn Mark Ordinaria
Tagapamahala:
Virgilio P. Batan Jr., CESO VI - Schools Division Superintendent
Lourma I. Poculan - Assistant Schools Superintendent
Amelinda D. Montero - Chief Education Supervisor, CID
Nur N. Hussien - Chief Education Supervisor, SGOD
Reila Angela C. Josol - Education Supervisor – Filipino
Ronilla S. Yarag - Education Program Supervisor, LRMS
Leo Martinno O. Alejo - Program Development Officer II, LRMS

Inilimbag sa Pilipinas ng
Department of Education – Region IX – Dipolog City Schools Division
Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City
Zamboanga del Norte, 7100
Telefax: (065)212-6986 and (065) 212-5818
E-mail Address: dipolog.city@deped.gov.ph
Alamin

Binabati ko kayo mga mahal kong mag-aaral. Napagtagumpayan na


ninyo ang mga gawain sa nakaraang modyul. Natitiyak kong marami na
kayong naimbak na kaalaman na magagamit mo sa modyul na ito.

Sa modyul na ito, ikaw ay malayang makapagbigay sa kahulugan ng


salita at ang kasalungat nitong kahulugan.

Iba’t ibang gawain ang aking ihanda para sayo upang mas lalong
yumaman ang iyong kaalaman tungkol dito.

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

• Naibibigay ang kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan ng


mahihirap na salitang ginamit sa akda (F8PT-IIe-F-25)

Aralin Kasingkahulugan at Kasalungat na


3 Kahulugan

Sa ating araw-araw na pakikisalamuha, gumamit tayo ng iba’t


ibang salita upang maiparating natin ang mga mensahe sa ating
kausap.Hindi lingid sa ating kaalaman na ang mga Pilipino ay mayaman sa
bokabularyo kaya dapat nating tandaan na may mga salitang kapag
iniuugnay sa isa pang salita ay madaling maiintindihan.Kapag
magkapareho ang kahulugan nito.May mga salitang kabaligtaran naman
ang hatid nito.

Balikan

Gawain A: Sagutin Mo?

Panuto: Isulat sa loob ng bilog ang mga salitang maaaring


maipakahulugan.

1
Walang Sugat

Tuklasin

Gawain B: Sulat ko, Bigkasin Mo!

Panuto: Basahin at unawain ang isang saknong ng tula sa ibaba at


isulat sa talahanayan ang mga salitang may pares o magkapareho ang
kahulugan na nasa taludtod.

2
Masaya sa Nayon

Masaya sa nayon, maligayang tunay,


Dito ay tahimik, payapa ang buhay,
Sagana sa isda, marami ang gulay,
Sa lasang masarap, sadyang malinamnam.

Halimbawa: Maganda-marikit
Mabait-mabuti

Mahirap na Salita Kahulugan

1.
2.
3.
4.
5.

Suriin

Sa parting ito ng modyul, ay iyong lilinangin ang mga


kaisipan/kaalamang tutulong sa iyo upang higit na maintindihan ang
paksang-aralin. Dito tinitiyak na ikaw ay maihahanda upang tiyak ang mga
pang-unawa sa mga salita na nagtataglay ng iba’t ibang kahulugan. Sa
bahaging ito ay magkakaroon ka ng mahahalagang interpretasyon sa
pagbibigay-kahulugan ng salita batay sa iyong pang-unawa.Inaasahang
magagabayan ka ng mga inihandang babasahin at gawain upang
malalaman mo na ang salita ay magkasingkahulugan o magkasalungat.

Magkasingkahulugan

➢ Ang magkasingkahulugan ay dalawang salita na pareo o magkatulad


ang kahulugan o ibig sabihin.
➢ Mahalagang malaman ang kahulugan ng isang salita upang madaling
maibigay ang kasingkahulugan nito.

3
➢ Kadalasan ang mga salitang magkasingkahulugan ay mga pang-uri o
mga salitang naglalarawan sa isang tao,bagay, uri, anyo, kulay, laki,
amoy at lasa.

Mga Halimbawa:
Maliit-pandak Dekorasyon-palamuti
Aksidente-sakuna Away-laban
Maingay-magulo Mayaman-mahirap

Magkasalungat
➢ Ang kabaligtaran o kasalungat ng isang salita.Kadalasan ang mga
salitang magkasalungat ay pang-uri o mga salitang naglalarawan ng
isang tao, bagay,hayop, at pook o lugar. Maari ding katangian tulad ng
uri, anyo, kulay, laki, amoy at lasa.
➢ Ang kasalungat na salita ay nangangahulugang naiba o kabaligtaran
ang kahulugan ng salita. Ito ay isang paraan ng pagpapaunlad ng
talasalitaan.

Mga Halimbawa :

Maganda-pangit
Maliit-malaki
Masaya-malungkot
Malawak-makipot
Tahimik-magulo

Pagyamanin
Gawain C: Unawain Mo!

Panuto: Ibigay ang kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan ng mga


salitang may salungguhit.

Salita Kasingkahulugan Kasalungat

1. mayaman sa buong
nayon

2. malinis na ilog

3. malawak na lupain

4
4. mabilis tumakbo

5. magandang babae

6. dumulog sa simbahan

7. sigurado sa desisyon

8. panatag ang kalooban

9. malambing na bata

10.likas ang pagakatao

Isaisip

Gawain D:
Panuto: Punan ng angkop na salita upang mabuo ang diwa ng
pangungusap.Pagkatapos itala ang salita sa talahanayan at ibigay ang
kasingkahulugan at kasalungat nito.

malakas kaakit-akit matalino maganda mabilis

1. Masyadong ___________ang hanging habagat.

2. Siya ay_________na dalaga.

3. Maraming magawa ang________tao.

4. Ang suot niyang damit ay __________tingnan.

5. Hindi maunawaan ang kanyang pagsasalita dahil ______ ito.

5
Salita Kasingkahulugan Kasalungat

1.

2.

3.

4.

5.

Isagawa

Gawain E.1. Sagutin Mo!

Panuto: Isulat sa bilog ang kasingkahulagan ng salita.

1. makitil

2.
malinis

3.

Maliwanag

4.
Mayaman

6
5.
Karunungan

Gawain E. 2: Ibigay ang kahulugan!

Panuto: Ibigay ang kasalungat na kahulugan ng mga salita. Isulat sa inyong


kuwaderno.

1. Malaki-

2. Malapit-

3. Bago-

4. Malawak-

5. Mainit-

Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang


tamang letrang tumutukoy sa tumpak na kasagutan. Isulat sa sagutang papel
ang mga sagot.

1. Aling pares ng salita ang magkasalungat?


A. mahirap-mayaman C. mapurol - matalas
B. mahirap-kurap D. madali - matalas

2. Ano ang kasingkahulugan ng salitang tanyag?


A. hinahangaan C. magaling
B. kinatatakutan D. popular

3. Alin pares ng salita ang magkasingkahulugan?


A. kalumbayan-kalungkutan C. liwanag - dilim
B. saya-lungkot D. ahas - hayop

4. Ano ang kasalungat na kahulugan ng salitang nakasulat ng pahilig sa


pangungusap na mga unang tao ang mga Aeta?
A. huli C. sinauna
B. luma D. ninuno

7
5. Ano ang kasingkahulugan ng salitang watak-watak sa pangungusap na
watak-watak ang mga Pilipino.
A. sabay-sabay C. hiwa-hiwalay
B. sama-sama D. bigkis-bigkis
6. Sa pangungusap na pandak ang mga bebe ni Nene. Ano ang kasalungat na
kahulugan ng salitang pandak?
A. maliit C. matangkad
B. mataba D. mabilog

7. Malapit sa dagat at ilog ang tirahan.Ano ang kasalungat sa salitang


malapit?
A. malayo C. matangkad
B. mataas D. mabilog

8. Ano ang kasalungat na kahulugan ng salitang nagpaulit-ulit?


A. nagpipirmi C. nagpapalapit
B. nagpapalayo D. nagpabalik-balik

9. Magiting si Jose Rizal. Siya ay________.Ano ang tamang kasingkahulugan


sa salitang magiting?
A. mabilis C. mayaman
B. matapang D. matipid
10. Ano ang Kasingkahulugan ng salitang makislap?
A. madilim C. mabagal
B. makinang D. matulin

11. Ano ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa pangungusap


na” si Kabesang Tales ay may dala-dalang rebolber?

A. baril C.itak
B. kutsilyo D. palakol

12. Ano ang kasingkahulugan ng salitang salungguhit na ginamit sa


pangungusap na si Karlo ay maligaya sa kanyang nakuhang parangal?
A. masaya C. malungkot
B. malumbay D. masigasig

13. Ano ang kasalungat na kahulugan ng salitang malumbay ang buhay?


A. masaya C. mabuhay
B. malungkot D. mamatay

14. Ano ang kasalungat na kahulugan sa salitang payapa na lungsod?


A. tahimik C. masalimuot
B. maingay D. masaya

15. Ano ang kasalungat ng salitang may salungguhit sa pangungusap na


masyadong malakas ang pagkasampal sa mukha kaya ang lakas ng iyak?
A. mabilis C. mayaman
B. matipuno D. mahina

8
Karagdagang Gawain

Gawain 1:

Panuto: Magbigay ng sampung salita. Ibigay ang kasingkahulugan at


kasalungat na kahulugan.Isulat sa inyong kwaderno.

Gawain 1.1

Panuto: Sumalat ng isang saknong ng tula na may apat na taludtod. Gamitan


ng mga salitang magkasingkahulugan at kasalungat na kahulugan tula.

Pamantayan ng Pagmamarka

15 10 5
Angkop at May iilang Walang
wasto ang mga salitang kaugnayan at
Pagkakabuo salitang ginamit na hindi wasto
ginamit sa hindi angkop ang mga
pagbubuo. at wasto. salitang
ginamit.
Mabisang Hindi gaanong Hindi
Nilalaman naipahayag naipahayag ng naipahayag
ang mensahe mabisa ang nang mabisa
ng tula. mensahe ng ang nilalaman
tula. ng tula.

9
Susi sa Pagwawasto

10. B
9. B
8. D
7. A
6. A
5. C
4. A
3. A
2. D
1. A
Pagtataya

Sanggunian
AKLAT:

Ikalawang edisyon Pinagyamang Pluma 8


Bulwagan 8 (Kamalayan sa Gramatika at Panitikan)
Panitikang Pilipino 8

INTERNET:

www.Fhk.usm.ac.id
https://brainly.ph
https:www.slideshare.net
https:lesson worksheet.com

10

You might also like