Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

SDO BATANGAS CITY

DISTRICT I

IKALAWANG MARKAHAN SA FILIPINO 5


Ikalawang Linggo- Unang Araw
_______________
_______________

I. Layunin
Nasasagot ang mga tanong sa binasa/napakinggang talaarawan, journal at anekdota
(Anekdota)

II. Paksa
Pagsagot sa mga Tanong sa Napakinggang Talaarawan, Journal at Anekdota
(Anekdota)
MELC : F5PB-Id-3.4 F5PB-Ie-3.3 F5PB-IIf-3.3
Sanggunian : PIVOT MELC p.34, MELC Code p.162, SDO Pasig City Modyul 2 p.1-16
Kagamitan : powerpoint presentation, Modyul, larawan, video links
Pagpapahalaga: Pagmamahal sa sariling wika

III. Pamamaraan
A.Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Awitin ang awit sa video link sa ibaba: “Tara na Pilipinas”
https://www.youtube.com/watch?v=JZgXHjtcqaM
2. Pagganyak
Ano ang ating wikang Pambansa? Tukuyin kung sino ang
nasa larawan,

3. Pagganyak na Tanong
Ating kilalanin si Manuel L. Quezon.
Ano ang kanyang naging naging bahagi sa ating bansa?

B. Pagpapaunlad na Gawain
1. Paglalahad
Basahin at unawain ang anekdota ni Quezon.
SDO BATANGAS CITY
DISTRICT I

Mga tanong:
1. Sino ang nabanggit na pangulo sa anekdota?
2. Ano-ano ang mga katangian ni Pangulong Quezon bilang isang ama?
3. Bakit tinaguriang Ama ng Wikang Pambansa si Manuel L. Quezon?
4. Paano nakatulong sa kanyang mga anak ang pagpapakita niya ng magagandang
katangiang ito?
5. Sang-ayon ka ba sa pagdidisiplina ni Pangulong Quezon sa kanyang mga anak? Bakit?

2. Pagtalakay
Panoorin ang aralin na nakapaloob sa video link.
https://www.youtube.com/watch?v=-qG2AcLZOKM

3. Pagsasanay
Panoorin at unawain ang video ng isang anekdota at sagutin ang mga tanong na
nakapaloob sa video.
https://www.youtube.com/watch?v=BSrSMZwrd6s : “Ang Modyul ni Emry”

4. Paglalahat
Ano ang anekdota? Paano natin masasagot ang mga tanong sa isang anekdota?

5. Paglalapat
Panoorin at unawain ang video ng isang anekdota at sagutin ang mga tanong na
nakapaloob sa video.
https://www.youtube.com/watch?v=BSrSMZwrd6s :
“Ang Lalaking Tumama sa Lotto”

IV. Pagtataya
Panuto: Basahin at sagutin ang mga tanong tungkol sa anekdota.

1. Sino ang bayaning nabanggit sa kwento?


2. Saan siya ipinanganak?
3. Anong katangian mayroon si Balagtas kaya siya nakatapos ng pag-aaral?
4. Ano ang nangyari kay Balagtas kaya siya nabilanggo?
5. Kung ikaw si Balagtas, tutularan mo rin ba ang kanyang ginawa? Bakit?
SDO BATANGAS CITY
DISTRICT I

IKALAWANG MARKAHAN SA FILIPINO 5


Ikalawang Linggo- Ikalawang Araw
_______________
_______________

I. Layunin
Naibabahagi ang isang pangyayaring nasaksihan.
II. Paksa
Pagbabahagi ng Isang Pangyayaring Nasaksihan o Naobserbahan
MELC : F5PS-Id-3.1
Sanggunian : PIVOT MELC p.34, MELC Code p.163, SDO Pasig City Modyul 4 p.1-14
Kagamitan : powerpoint presentation, Modyul, larawan, video links
Pagpapahalaga: Maging responsable at maalaga sa gamit

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral

2. Paghahawan ng Balakid

3. Pagganyak
Tingnan ang larawan ng dalawang klase
ng mag-aaral. Paghambingin ang
dalawang larawan at pag-usapan ito.

4. Pangganyak na Tanong
Anong klaseng mag-aaral si Dino?

B. Panlinang na Gawain
1. Pamantayan sa pakikinig/panonood:
1. Maupo nang maayos.
2. Tiyaking tahimik ang paligid upang hindi magambala sa panonood o pakikinig.
SDO BATANGAS CITY
DISTRICT I

3. Isulat sa kuwaderno ang mga mahahalagang detalye/impormasyon ng napanood.


4. Unawain ang nais iparating ng pinapanood o pinakikinggan.
5. Humandang sagutin ang mga tanong pagkatapos ng napanood o napakinggan.

2. Paglalahad
https://www.youtube.com/watch?v=BIRLXGAXmuU
Basahin at unawain ang kuwento ni Dino.
SI DINONG BULAGSAK
Tuwing hapon, pagkauwi ng bahay, laging inihahagis ni Dino ang kanyang bag sa kahit saang
parte ng kanilang bahay. Pagkatapos noon ay manonood na siya ng telebisyon. Pagkatapos
kumain ng hapunan doon pa lamang siya gagawa ng takdang-aralin. Hinanap niya ang kanyang
bag ngunit hindi niya ito makita. Lingid sa kanyang kaalaman nagtago ang kanyang mga
kagamitan. Nagtago si Bag sa likod ng pinto. Nagtago si Lapis sa ilalim ng upuan. Nagtago si
Pambura sa ilalim ng mesa. Nagtago si papel sa ilalim ng kama. Nagtago si Pantasa sa tabi ng
bintana. “Ah! Nasaan kaya ang aking mga gamit?” sambit ni Dino. “Sige Dino hanapin mo kami,”
sabi ni Lapis. “Hindi mo kami pinahahalagahan,” sabi ni Pambura. “Oo nga, lagi mo kaming
inihahagis,” dugtong ni Bag. “Huwag tayong magpakita sa kanya,” sabi ni papel. “Hayaan natin
siyang mapagod at magpahalaga,” banggit ni Pantasa. Hanap nang hanap si Dino sa kanyang bag
ngunit di pa rin niya ito makita. Nag-iiyak si Dino. Iyak siya nang iyak hanggang sa mapagod sa
kaiiyak at kahahanap. Naisip niyang dapat pahalagahan ang mga gamit para hindi ito mawala.
Nakita ang kanyang pagsisisi ng kanyang kagamitan. Nakatulog si Dino nang dumating ang
kanyang nanay. “Dino, anak nakatulog ka,” sabi ng nanay. “Inay, nasaan po ba ang bag ko?”
tanong niya sa nanay. “Oh ayan ang bag sa tabi mo,” sagot ni nanay. Biglang niyakap ni Dino
ang kanyang bag. Tiningnan ni Dino ang lapis, papel, pambura at pantasa. Lahat ay nasa loob ng
kanyang bag. Tuwang-tuwa si Dino. “Buhat ngayon ay pahahalagahan ko na kayo,” ang pangako
ni Dino sa kanyang kagamitan. Nakangiting nakasilip sina Lapis, Papel, Pamnura at Pantasa sa
loob ng bag.Pinagpatuloy na ni Dino ang pagsagot sa kanyang vtakdang-aralin nang may ngiti sa
labi.

3. Pagtalakay
Sagutin ang mga tanong sa ibaba.
1. Ano ginagawa ni Dino pag-uwi ng bahay galing sa paaralan?
2. Anong nangyari nang minsang magsasagot na siya ng takdang-aralin?
3. Saan napunta ang bawat isang gamit na nasa loob ng bag?
4. Ano ang natutunan ni Dino sa pangyayari?
5. May naobserbahan ka na bang kagaya ng ugali ni Dino?
Ibahagi ang iyong nasaksihan/naobsebahan kung paano s’ya naging kagaya ni Dino.
A. Kamag-aaral:
B. Isang Miyembro ng Pamilya:
C. Kaibigan

Tandaan:
Sa Pagbabahagi ng mga pangyayaring nasaksihan o naobserhaban, laging tandaang ito
ay dapat batay sa iyong karanasan at di- galing sa opinyon ng iba. Huwag daragdagan ang
nasaksihang pangyayari bagkus pawang katotohanan lamang ang dapat ibahagi. Ang
masusing obserbasyon ay makatutulong upang maunawaang mabuti ang pangyayaring
nasaksihan.
SDO BATANGAS CITY
DISTRICT I

5. Pagsasanay

6. Pagpapahalaga
Panuto: Isulat ang salitang TAMA sa patlang kung may aral na natutuhan sa kuwento at
MALI kung hindi.
1. Huwag maging burara sa gamit.
2. Ugaliing pahalagahan ang mga bagay na mayroon ka.
3. Huwag mong ikalat ang iyong gamit pag-uwi galing sa paaralan.
4. Huwag mo nang gawin ang mga takdang-aralin, mangopya ka nalang sa iyong kamag-
aaral.
5. Kung di natin pahahalagahan ang mga bagay na mayroon tayo, mawawala ito sa atin.

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Ano ang dapat tandaan sa pagbabahagi ng pangyayaring nasaksihan?

2. Paglalapat
Panuto: Ano-ano ang mga dapat gawin upang makaiwas sa Covid 19? Itala ang ilan sa mga
nasaksihan mong ginagawa sa loob ng inyong tahanan upang makaiwas sa banta ng
Covid19.

IV. Pagtataya
SDO BATANGAS CITY
DISTRICT I

IKALAWANG MARKAHAN SA FILIPINO 5


Ikalawang Linggo-Ikatlong Araw
_______________
_______________

I. Layunin
Nailalarawan ang tagpuan at tauhan ng napanood na pelikula /maikling kuwento at
nabasang teksto.
Natutukoy ang elemento ng pelikula o maikling kuwento o palabas.

II. Paksa
Nailalarawan ang Tagpuan at Tauhan ng Napanood na Pelikula at nabasang teksto
MELC: F5PD-Id-g-11 F5PB-IIa-4
Sanggunian: PIVOT MELC p.34, MELC Code p.163, SDO Pasig City Modyul 5 p.1-14
Kagamitan: powerpoint presentation, Modyul, mga larawan, video
Pagpapahalaga: Masusing Panonood

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balik-Aral

2. Pagganyak
Ipakita ang larawan ng mga pelikula at pahulaan sa mga bata ang pamagat nito.
SDO BATANGAS CITY
DISTRICT I

3. Pagganyak na tanong
Mahilig ba kayong manood ng pelikula? Ano ano kaya ang mga elemento ng isang
pelikula? O ng isang maikling kuwento?

B. Pagpapaunlad na Gawain
1. Paglalahad

Basahin at unawain ang kuwento.


PEPENG PUNO
“Huhuhu,” iyak ni Pepeng Puno. Isang punong mangga na bagong tanim pa lamang.
Malungkot na naman si Pepeng Puno. Nakita na naman niyang dinidiligan ni Pedro sina Pat at
Pinong. Mas magaganda at malulusog na ang mga ito. Mayroon silang mayayabong at maberdeng
dahon, mahahaba at matitibay na sanga at hitik sa bunga. Nakita siyang umiiyak ni Lolo Popong at
nagtanong. “Bakit ka umiiyak Pepe?” “Wala po kaseng nag-aalaga sa akin,” sagot ni Pepe. Nagsalita
si Perly Araw, “Huwag ka ng malungkot Pepe. Nandito ako upang palusugin ang iyong mga dahon,”
dagdag nito. “Ako rin!” saba’t naman ni Puring Ulap. “Makatutulong ang dala kong ulan sa mabilis
mong paglago,” “Pero bakit ang tagal kong lumaki?” tanong na naman niya. “Hindi pare-pareho ang
mga puno,Pepe,” paliwanag naman ni Petrang Lupa. “May mabilis talagang lumaki, mamulaklak at
mamunga,” dagdag nito. “Maghintay ka lamang at maging masaya sa bawat araw,Pepe,”
paghihikayat ng mga ito. Unti-unting gumaan ang loob ni Pepe sa sinasabi nina Perly, Puring at
Petra. “Sige po,” nakangiting sambit ni Pepe. Isang umaga nilapitan siya ni Pinang at siya ay
diniligan, inalisan ng damo at nilagyan ng pataba. Tuwang-tuwa si pepeng Puno. “Yehey! May mag-
aalaga na rin sa akin,” masayang wika ni Pepe. Araw, buwan at taon ang lumipas na inalagaan siya
ni Pinang. “Wow! Napakaganda namang puno nito,” wika ni Puroy Paruparo. “Ang gaganda ng
kanyang mga bulaklak,” sambit ni Puroy Paruparo. Mukhang masarap ang kanyang mga bunga,”
dugtong nito. Si Pepeng Puno na dati ay maliit at puro dahon lamang ay isa nang napakagandang
puno.Pede nang silungan at paglaruan ng mga bata.
2. Pagtalakay
1. Anong klaseng puno si Pepe?
2. Bakit siya malungkot?
3. Paano napagaan ng loob nina Perly, Puring at Petra si Pepeng Puno?
4. Sino ang nag-alaga kay Pepe hanggang sa kanyang paglaki?
5. Bakit natuwa si Puroy Paruparo kay Pepe?
SDO BATANGAS CITY
DISTRICT I

3. Pagsasanay
PANUTO: Ilarawan ang mga tauhan sa kuwento gayundin ang tagpuan nito.
1. Pangunahing Tauhan: Pepeng Puno _____________________
2. Sumusuportang Tauhan:_________________
A. Perly ___________________________________________________________
B. Puring__________________________________________________________
C. Petra____________________________________________________________
D. Puroy___________________________________________________________
E. Pinong__________________________________________________________
3. Saan ang posibleng tagpuan ng kwento:
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Ano ano ang mga elemento ng maikling kuwento o palabas o panoorin?
2. Paglalapat
Panuto: Panoorin ang kuwento ni Nena at sagutin ang mga kaugnay na tanong.
Sundin ang pamantayan sa panonood.
ANG SAPATOS NI NENA (Buod )
Mahirap lamang ang pamilya ni Nena, kahit pambili ng sapatos ay wala s’ya. Pinangarap ni
Nena na magkaroon ng sapatos na magagamit sa eskwela. Halos araw-araw ay nagtitinda siya ng
isda kaya’t di maiiwasang siya ay malansa. Kadalasan di na niya makuhang maligo dahil di n’ya
gustong mahuli sa klase. Madalas s’yang tuksuhin ng kanyang kamag-aaral at mga kapitbahay ng
“Nena,malansang isda,” ngunit sa halip na magalit, ito ang isinasagot n’ya “Di baleng malansa,
masaya naman ako dahil natutulungan ko sina nanay at tatay. Di baleng malansa, nakakain naman
ako ng agahan kaya nakapasok ako ngayon sa paaralan. Di baleng malansa, nakabili naman ako ng
krayola kaya naiguhit ko ang pinapagawa ni teacher kanina. Di baleng malansa, nasagot ko naman
ang pagsusulit at mataas ang marka dahil nag-aral ako kagabi. Di baleng malansa, bibilhan naman
ako ni tatay ng sapatos kapag naging first honor ako sa klase. Di baleng malansa, nakuha ko
naming maging first honor sa klase kaya ibibili na ako ni tatay ng sapatos bukas.” Nang minsang
biruin s’ya ng tatay at sabihing “Nena, malansang isda,” pagbibiro ni tatay. “Pati ba naman ikaw
nalalansahan din sa akin tatay,” malungkot na wika ni Nena. “Di baleng malansa anak, kahit
mahirap lang tayo nasungkit mo ang first honor. Para sa amin, ikaw ang pinakamabangong bata sa
buong mundo.” Masayang wika ni nanay. Binigay nila ang pangakong sapatos kay Nena at
nagyayang magsimba.
1. Bakit malansa si Nena?
2. Bakit para sa magulang niya ay siya ang pinakamabangong bata sa buong mundo?
3. Ano ang naging gantimpala ni Nena sa kanyang mga magulang?
4. Sino-sino ang tauhan sa kuwento? Pangunahing Tauhan:
Sumusuportang Tauhan:
5. Saan nangyari ang kuwento:
SDO BATANGAS CITY
DISTRICT I

IV. Pagtataya

IKALAWANG MARKAHAN SA FILIPINO 5


Ikalawang Linggo-Ikaapat na Araw
_______________
_______________

I. Layunin
Nailalarawan ang tagpuan at tauhan ng napanood na pelikula
Natutukoy ang elemento ng pelikula o maikling kuwento o palabas.

II. Paksa
Nailalarawan ang Tagpuan at Tauhan ng Napanood na Pelikula at nabasang teksto
MELC: F5PD-Id-g-11 F5PB-IIa-4
Sanggunian: PIVOT MELC p.34, MELC Code p.163, SDO Pasig City Modyul 5 p.1-14
Kagamitan: powerpoint presentation, Modyul, mga larawan, video links
Pagpapahalaga: Pagmamahal sa kapwa

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balik-Aral
SDO BATANGAS CITY
DISTRICT I

2. Pagganyak
Nais ba ninyong manood ng isang maikling pelikula? Sinong kasama nyo na
nanonood nito?
3. Pangganyak na Tanong
Mayron ba kayong mga mga kapatid?
Ating panoorin ang isang maikling pelikula sa video
link:

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Panoorin at unawain ang nilalaman ng video tungkol sa magkapatid:
https://www.youtube.com/watch?v=ZLsyvzvxmZY

2. Pagtalakay/Pagsasanay
Talakayin ang aralin na nakapaloob sa video link sa ibaba.
Gawin ang mga gawain na nakapaloob dito bilang pagsasanay.
https://www.youtube.com/watch?v=AoQDR3nGYcM
https://www.youtube.com/watch?v=ycA3yVaC9nQ
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Paano natin mailalarawan nang maayos ang mga tauhan at tagpuan sa isang napanood
na pelikula?
SDO BATANGAS CITY
DISTRICT I

2. Pagpapahalaga

IV. Pagtataya
Panoorin at unawain ang video ng isang maikling pelikula. Punan ang talahanayan sa ibaba.
https://www.youtube.com/watch?v=MeKUW8w9frg
“Papel”: A Gabay Guro Short Film

IKALAWANG MARKAHAN SA FILIPINO 5


Ikalawang Linggo-Ikalimang Araw
_______________
_______________
SDO BATANGAS CITY
DISTRICT I

I. Layunin
Nailalarawan ang tagpuan at tauhan ng nabasang teksto

II. Paksa
Nailalarawan ang Tagpuan at Tauhan ng nabasang teksto
MELC: F5PD-Id-g-11 F5PB-IIa-4
Sanggunian: PIVOT MELC p.34, MELC Code p.163, SDO Pasig City Modyul 5 p.1-14
Kagamitan: powerpoint presentation, Modyul, mga larawan, video links
Pagpapahalaga: Pag-unawa sa binasa

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balik-Aral
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap sa hanay A, iugnay ito sa mga elemento
ng kuwentong nasa hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

2. Paghawan ng Balakid

3. Pamantayan sa Pagbasa ng Tahimik


SDO BATANGAS CITY
DISTRICT I

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Basahin at unawain ang epiko sa ibaba.
SI LAM-ANG
Maliit pa lamang si Lam-ang ay kinakitaan na s’ya ng ibang lakas, kataka-takang
katalinuhan at katangian. Sinasabing siya ay nasa tiyan pa lamang ng kanyang ina, narinig na
ang kanyang pag-iyak. Pagkapanganak sa kanya sa Nalbuan, La Union ay pinili ang kanyang
magiging ninang at ninong sa binyag.
Isang araw, itinanong ni Lam-ang sa kanyang inang si Namongen ang kinaroroonan ng
kanyang ama at ito’y itinuro naman sa kanya. Hinanap niya ang kanyang amang si Don Juan sa
lupalop ng mga Igorot. Natuklasan niyang ang mga Igorot ay kasalukuyang ipinagdiriwang ang
kamatayan ng kanyang ama. Lalong nagalit si Lam-ang nang siya ay pagtawanan ng mga Igorot
nang kanyang tanunguin ang dahilan ng pagkamatay ng kanyang ama. Sa tulong ng kanyang
anting-anting, pinagpupuksa niya ang mga Igorot. Sinasabing ang dugo daw na bumaha ay
tulad ng ilog Amuran. Tuwang-tuwa si Lam-ang sa kanyang tagumpay at sa ginawang
paghihiganti.
Sa kabilang nayon ay may magandang dalaga na balita sa kagandahan na nagngangalang
Ines Kannoyan. Dumalaw si Lam-ang sa dalaga na kasama ang alaganag manok at aso.
Nasalubong nila si Sumarong at siya ay kinutya. Nagalit si Lam-ang at sila’y naghamok. Nasawi
si Sumarong at ang kanyang bangkay ay tumilapon sa ikaanim na burol.
Lubhang nahirapan si Lam-ang sa pagpasok sa bakuran nina Ines Kannoyan. Inutusan
niya ang kanyang mga alaga. Ipinagaspas ng manok ang kanyang pakpak at isang bahay ang
nabuwal. Nang kumahol naman ang aso ay natayong muli ang bahay. Nasaksihan iyon ng ina ni
Ines Kannoyan kaya si Lam-ang ay pinatawag at tinanong kung ano ang pakay. Ginamit niya
ang kanyang alagang manok sa pagpapahayag ng pag-ibig.
Nakasal ang dalawa pagkatapos na matumbasan ni Lam-ang kayamanan nina Ines
Kannoyan sa tulong ng kanyang alagang manok at aso. Naging maringal ata masaya ang
kasalan.
Kinaugalian na sa Kailokohan(mga lupaing sakop ng Ilocos) na pagkatapos ng kasal ay
kailangang sumisid ang lalaki sa ilog upang manghuli ng isda. Sa kasamaang palad ay nasawi si
Lam-ang at kinain ng pating. Magluluksa na sana si Ines Kannoyan nang biglang gumawa ng
himala ang mga alaga ni Lam-ang. Sa bisa ng engkanto ay nabuhay si Lam-ang pagkatapos na
pagdugtung-dugtungin ang kanyang mga buto. Nabuhay ng maligaya, maluwalhati, at
matiwasay ang mag-asawa.

2. Pagtalakay
Mga tanong:
1. Ano-anong pagkakakilanlan ang maiuugnay sa pagkatao ng pangunahing tauhan?
2. Saan-saan ang naging tagpuan ng kuwento? Ilarawan ang bawat tagpuan
3. Sino-sino ang mga sumusuportang tauhan sa kuwento? Ilarawan ang bawat isa
4. Anong ugali ni Lam-ang ang dapat at di mo dapat taglayin? Ipaliwanag.
5. Sa iyong palagay, naging masaya nga ba talaga ang naging buhay ni Lam-ang?
Ipaliwanag.
SDO BATANGAS CITY
DISTRICT I

3. Pagsasanay

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
SDO BATANGAS CITY
DISTRICT I

2. Paglalapat

1. Tauhan (Ilarawan)
2. Tagpuan (Ilarawan)

3. Pagpapahalaga

IV. Pagtataya
SDO BATANGAS CITY
DISTRICT I

You might also like