Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

TSAPTER 1: ANG LUGAR

Ang Tboli, na binabaybay din bilang T’boli, Tböli, Tiboli, Tibole, Tagabili, Tagabeli,
at Tagabulu, ay isang pangkat-etniko sa Timog Cotabato na nasa Katimugang Mindanao.
Mayroong mga taong T'boli na naninirahan sa paligid ng Lawa ng Buluan sa Lunas ng
Cotabato o sa Agusan del Norte. Mayroon ding naninirahan sa mga libis ng kabundukan na nasa
dalawang gilid ng Lambak ng Alah at sa pook na pandalampasigan
ng Maitum, Maasim at Kiamba. Noong unang kapanahunan, namamalagi ang mga T'boli sa
pang-itaas na bahagi ng Lambak ng Alah. Pagkaraan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, dahil
sa pagkakaroon ng mga maliliit na mga pamayanan ng ibang mga tao roon, naitulak na lumipat
ang mga T'boli papunta sa mga libis ng kabundukan.

Ang lugar kung saan matatagpuan ang karamihan sa mga tribong T’boli ay makikita
sa Lawa Sebu sa maburol na parte ng Timog Cotabato. Sila ay kabilang sa mga katutubong
tao ng rehiyon ng SOCCSKSARGEN (Hilagang Cotabato, Saranggani, Sultan Kudarat,
Timog Cotabato). May iilang T’boli rin na makikita sa Agusan Del Norte.

Ang Bayan ng T'boli ay isang unang


klaseng bayan sa lalawigan ng Timog Cotabato, Pilipinas. Ayon sa 2015 senso, ito ay may
populasyon na 91,453 sa may 21,289 na kabahayan. Tinatawag din silang Tagabili. Ang mga
damit nila'y yari sa mga hibla ng abaka. Ang mga kababaihan nama'y nakasanayan nang suotin
ang kanilang tradisyunal na damit na K'tagal taha soung at ang kanilang palda na luwek

Pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaidig ay


ang mga T’boli ay nanirahan sa mataas na parte ng Lambak ng Alah at sa baybayin ng
Maitum, Maasin at Kiamba. Mag mula ng dumating ang iba’t-ibang bagong nanirahan galing
sa ibang parte ng Pilipinas ay unti-unti silang pinapaalis at hanggang sa ngayon ay ganoon
parin ang kanilang sitwasyon.

This study source was downloaded by 100000823872071 from CourseHero.com on 12-26-2022 11:22:32 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/71459554/PANANALIKSIKdocx/
TSAPTER 2: KULTURA

Ang salitang T’boli ay hango sa salitang ‘Tau-bili’ ; “tau” na tumutukoy sa tao at “bili”
na ang ibig sabihin ay “bunga ng ligaw na baging”. Ayon sa mga T’boli, ang kanilang ninuno
ang mga tanging nakaligtas mula sa malaking baha. Dalawang pares ng mag-asawa ang
binigyan ng babala ng kanilang diyosa na si Dwata kung kaya nakasakay sila sa isang
malaking kawayan at hindi nalunod sa baha. Sa unang pares ng mag-asawa nagmula ang mga
T’boli at ibang katutubo o Lumad at ang mga pangkat na nagbagongloob sa Islam tulad ng
mga Maguindanao.
Ang mga T’boli ay may kinikilalang lider na tinatawag nilang “Datu”. Ang “Datu” ang
pinaka may alam ng halos lahat ng kanilang kaugalian at tradisyon ng mga unang T’boli at ito
rin ang siyang nag-aayos ng kung ano man na hindi pagkakaintindihan sa iba’t-ibang tribo.
Ang Datu ay hindi pwedeng mangibabaw sa ibang grupo o tribo. Ang mga T’boli ay hindi
sumusunod sa mga sulat ng batas pero sila ay sumusunod sa mga tradisyon at mga sinasabi sa
kanilang folktales kagaya ng kanilang epikong “Tudbulol” na ipinapakita ang kahalagahan ng
pag-aasawa, pangangaso, at ang kanilang paniniwala at kulturang ritwal na bahagi ng
kanilang pagkatao. Kung sino man ang magkakasala o makagawa ng krimen ay
pinaparusahan sa pamamagitan ng “Tamok” ito ay ang pag multa ng lupain, kabayo at iba pa
o hindi kaya ay kanilang pagsisilbihan ang partidong kanilang inagrabyado at ang tagal ay
dumedepende sa bigat ng krimeng ginawa. Kung sino man ang nakagawa ng
pinakamatinding pagkakasala ay itatakwil o hahatulan ng parusang kamatayan.
Ang kanilang pangunahing paghahanap-buhay ay ang pangingisda at pangangaso.
Minsan naman ginagamit nila ang kaingin sa pagtatanim ng palay, kamoteng kahoy, at ube.
Ang kanilang kasuotan ay bukod-tangi, ang kababaihan ay may suot-suot na hikaw, singsing,
kuwintas at marami pang palamuti sa katawan. Kahit pagkahaba-haba ng kanilang mga
buhok ay may tali ito at nagmumukha pa ring maayos. Ang mga kalalakihan ay nagsusuot na
ng mga damit na nabibili sa pamilihang bayan. Ang patadyong at bahag ay kanilang
tradisyonal na kasuotan, ibinabandera nila ito sa mga espesyal na okasyon. Ang pagdiriwang
ng mga T’boli ay sinasaliwan ng musika na bahagi na ng kanilang kultura. Kabilang ang
tambol, agong, kulintang, kudyapi na yari sa kawayan at bansi o flute. Nakikipag-indakan sila
sa himig at kumpas. Ang kanilang sayaw ay hinango sa mga ibon, sa mga puno at sa iba’t
ibang uri ng hayop. Tampok din sa kanilang kultura ang hinabing pangarap ng mga T’boli sa
pagdisenyo ng T’nalak. Isa itong abaka na hinimay upang gawing malong at banig. Naging
bantog ang mga T’boli dahil dito. Ang T’nalak ay kakaibang uri ng sining sapagkat
nagpapakita ito ng makulay na mithiin ng mga T’boli, mas lalong nagpapatingkad ang
ugnayang nabubuo ng bawat hibla at nagiging kahali-halina sa sinumang nakahagip nito.

This study source was downloaded by 100000823872071 from CourseHero.com on 12-26-2022 11:22:32 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/71459554/PANANALIKSIKdocx/
TSAPTER 3: WIKA
Ang wikang Tboli, kilala rin bilang Tagabili o T’boli ay isang wikang Austonesyo na
sinasalita sa timog ng isla ng Pilipinas ng Mindanao kabilang na lang sa probinsya ng Timog
Cotabato ngunit meron din mananalita sa probinsya ng Sultan Kudarat at Sarangani, Batay sa
Philippine Census 2000, halos 10,000 Pilipino na nagsasalita ng T’boli o Tagabili bilang ang
katutubong wika nila. Nagsasalita sila ng Malayo-Polynesian language, T’boli, B’laan,
Tiruray at Ilonggo.
Ang mga T’boli ay ay di sumusunod sa mga sulat na batas (constitution/highest in the land),
pero sila ay sumusunod sa mga tradisyon at mga sinasabi sa folk tales nila. Ang mga gumawa
ng krimen o nagkasala ay pinaparusahan sa pamamagitan ng TAMOK opiyansa/multa ng
lupain, kabayo at iba pa. Pwede rin imbis na tamok ay magsi-silbi sila sa agrabyado na
partido ng kanilang nagawan ng krimen at ang tagal ay dumedepende sa kung gaano ka-lala
ang krimen na ginawa.

https://midsummercityjovan358.wordpress.com/2012/09/26/tboli-at-blaan-sa-south-cotabato-
pananaw-ng-isang-mag-aaral-sa-pagwasak-ng-racial-discrimination-sa-pagtamo-ng-
education-for-all-3/https://www.google.com/search?
q=ano+ano+ang+mga+kultural+na+termino+na+tanging+gamit+ng+grupong+t
%27boli&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=Wh3Y_3_GH7bjkM%252CKck38Gdu1JmszM
%252C_&vet=1&usg=AI4_-kRSzeYjhwZI6U-
7ebmpAPhcia2cZQ&sa=X&ved=2ahUKEwif5_f-
qM3sAhWtIaYKHRKADc8Q9QF6BAgKEAY#imgrc=PFqDr9kTY-UEAM
https://khevinstinct.wordpress.com/tag/tboli-folktales/#:~:text=T%E2%80%99boli
%20folktales%2C%20like%20folksongs%2C%20depict%20the%20way%20of,part%20of
%20their%20customs%20and%20traditions%20as%20people.

https://www.slideshare.net/gomigomi/t-boli
https://tl.wikipedia.org/wiki/T%27boli
https://www.google.com/search?
q=ano+ano+ang+mga+kultural+na+termino+na+tanging+gamit+ng+grupong+t
%27boli&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=Wh3Y_3_GH7bjkM%252CKck38Gdu1JmszM
%252C_&vet=1&usg=AI4_-kRSzeYjhwZI6U-
7ebmpAPhcia2cZQ&sa=X&ved=2ahUKEwif5_f-
qM3sAhWtIaYKHRKADc8Q9QF6BAgKEAY#imgrc=PFqDr9kTY-UEAM

https://www.slideshare.net/gomigomi/t-boli

This study source was downloaded by 100000823872071 from CourseHero.com on 12-26-2022 11:22:32 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/71459554/PANANALIKSIKdocx/
TSAPTER 4: PAG-AANALISA NG MGA DATOS

Mataas ang paggalang ng mga sinaunang Pilipino sa mga kaluluwa ng kanilang mga
ninunong pamunaw na. Naniniwala rin silang sagrado ang mga kabunduan ,mga ilog at
halamang gamot ,malalaking punong kahoy , kwebang sambahan,mabababangis na hayop
.Higit ang pagkilala nila sa mga espiritung kanilang mga ninuno,kung kaya’t inaalayan nila
ang mga ito ng pagkain at papuring awitin o pananalangin.Naniniwalarin sila sa kabilang
buhay.Patunay nito ay ang inanyuang dalawang tao na namamangka sa takip ng tapayang
Manunggul na pinangangahulugang paglalakbay patungo sa kabilang buhay.
Ang pag-unlad ng 2 hectare na bukid ng pamayanan ng 45 pamilya T'boli sa Datal Basak,
Sarangani ay nagsimula sa isang pagsasanay tungkol sa Sustainable Agrikultura noong
Hunyo 2013. Ang mga pamilyang Tboli mula sa mga magulang hanggang sa kanilang mga
anak ay nasangkot sa pagsasanay at pagpapatupad ng komunal sakahan Nagsisilbi itong
aktibidad ng kanilang bonding patungo sa pagkamit ng seguridad ng pagkain habang tinitiyak
din na ang mga kasanayan, karanasan at kaalaman ay maipapasa sa susunod na henerasyon
ng T'bolis.
Nakakatulong ba ang pagbabagong ito o nakakasisira? Ito ay nakatulong dahil nadagdagan
ang kanilang kaalaman sa agrikultura at upang mapalago nila ang mga ito.Ano ano ang mga
dapat baguhin? Sa tingin ko ay wala na silang dapat na baguhin pa dahil ito ay nakakatulong
sa kanila at ito rin naman ay nakakabuti sa kanilang grupo.Ano ang kinahihinatnan ng
pagpasok ng teknolohiya,midya at modernisasyon sa wika nila? Ito ay nanatili at walang
nagbago sa wika nila. Sapagkat nag-iba ang kanilang pamumuhay dahil sa teknolohiya at
modernisasyon nito.
https://www.slideshare.net/hdionela/sinaunang-paniniwala-at-kaugalian
https://www.slideshare.net/gomigomi/t-boli
https://www.globalgiving.org/projects/food-security-for-tboli-families-sarangani-
phils/reports/
https://midsummercityjovan358.wordpress.com/2012/09/26/tboli-at-blaan-sa-south-cotabato-
pananaw-ng-isang-mag-aaral-sa-pagwasak-ng-racial-discrimination-sa-pagtamo-ng-
education-for-all-3/

This study source was downloaded by 100000823872071 from CourseHero.com on 12-26-2022 11:22:32 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/71459554/PANANALIKSIKdocx/
This study source was downloaded by 100000823872071 from CourseHero.com on 12-26-2022 11:22:32 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/71459554/PANANALIKSIKdocx/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like