Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 63

10

Filipino
Ikaapat na Markahan – Modyul
1 Kaligirang Pangkasaysayan ng
El Filibusterismo

KAHON NG KATUGUNAN

. Ang modyul na ito ay sama-samang binuo at sinuri ng mga edukador larangan ng


edukasyon na mag esa mga publikong paaralan. Hinihikayat namin ang mga guro at iba pang
nasa -mail ng kanilang puna at mungkahi sa
Kagawaran ng Edukasyon sa bukidnon@deped.gov.ph.

Pinahahalagahan namin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Aralin Kahulugan ng Salita Batay sa
1 Kaligirang Pangkasaysayan

Alamin

Ang aralin 1 ay naglalaman ng ilang salitang ginamit sa kaligirang


pangkasaysayan ng nobelang El Filibusterismo. Ano-ano kaya ang mga salitang ito
na kailangan mong pag-aralan? Ang sagot ay malalaman mo sa mga sumusunod
na pahina. May mga gawain din na inilaan na makatulong sa iyo upang lubos
mong maunawaan ang mga ito.
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:
 Naiuugnay ang kahulugan ng salita batay sa kaligirang pangkasaysayan
nito. (F10PT-IVb-c-83)

Bago tayo dumako sa ating tatalakayin tungkol sa


talasalitaan, nararapat na sagutin muna ang mga
sumusunod na katanungan upang masubok ang iyong
kaalaman sa paksang tatalakayin.
Handa ka na ba?

Mga Tala para sa Guro

Ilalahad dito ng guro ang kahulugan ng mga salitang


ginamit sa Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo.

i
ii
Subukin

Panuto: Para sa bilang 1-7, tukuyin sa pagpipilian ang KASALUNGAT ng


sinalangguhitang salita sa loob ng bawat pangungusap. Para sa bilang 8-15, tukuyin
naman ang KASINGKAHULUGAN ng salita sa loob ng bawat pangungusap. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

1. Nasaksihan nila ang malagim at kalunos-lunos na pagbitay sa tatlong paring


martir.
A. kaawa-awa B. kahanga-hanga
C. kahapis-hapis D. kapalad-palad

2. Malinaw pa sa kanyang alaala ang matinding takot na hatid ng mensahe ng


salitang Filibusterismo dahil mahigpit na ipinagbabawal sa kanilang tahanan
ang pagsambit sa salitang ito.
A. pagbanggit B. pagbigkas
C. pagtahimik D. pagtikom

3. Tulad ng inaasahan, nagpuyos ang damdamin ng mga makapangyarihang


Espanyol matapos matunghayan ang nilalaman nito.
A. nagliyab B. nagngitngit
C. nagsaya D. nagtimpi

4. Palihim na tumalilis ng Pilipinas si Dr. Jose Rizal matapos siyang payuhan ng


gobernador-heneral.
A. kumaripas nang mabilis B. lumayas nang matulin
C. mabagal na umalis D. mabilis na umalis

5. Nagtalusira si Paulita sa katipang si Isagani at nagpakasal kay Juanito.


A. hindi tumupad sa pangako B. nakipagkalas sa pag-iibigan
C. tumupad sa pangako D. walang isang salita

6. Ilagan ang mga bombang nakatutok sa ulo mo.


A. dinaig B. harapin
C. iwasan D. nagtagumpay

7. Baka mapagkamalan ka’t humandusay d’yan sa tabi.


A. makahiga B. manirang-puri
C. manlait D. makatayo

8. Nagpahinuhod siya sa payo ng gobernador-heneral.


A. di nakinig B. pumayag
C. tumutol D. umiwas

1
9. Nasaksihan nila ang malagim at kalunos-lunos na pagbitay sa tatlong paring
martir.
A. kahabag-habag B. kahapis-hapis
C. kahindik-hindik D. kumaripas

10. Ginamit niya ang pinakamabisang sandata sa pagkakamit ang minimithing


pagbabago at kalayaan ng mga Pilipino.
A. adhikain B. pananaw
C. pangako D. pangitain

11. Totoong binagtas ni Dr. Jose Rizal ang napakatinik na daan tungo sa kanyang
adhikain subalit siya’y nagtagumpay.
A. napakadali B. napakaganda
C. napakahirap D. napaka-init

12. Nakarating sa pinagpalang mga kamay ang ikalawang obra maestrang El


Filibusterismo ni Jose Rizal.
A. mabuti B. mapalad
C. maramot D. masama

13. Hangga’t marami ang lugmok sa kahirapan.


A. baon B. nakita
C. napangaginipian D. narrating

14. Iligtas ang hininga ng kay raming mga tao.


A. buhay B. kanta
C. likha D. trabaho

15. Tulad ng dukha, na ilagay mo sa tuktok.


A. bukas-palad B. kabutihang-palad
C. kapus-palad D. kuyom na palad

Balikan

Bago mo umpisahan ang pagbabasa at pagsusuri sa nobelang ito ay mainam


na magbalik-tanaw muna tayo sa mahahalagang pangyayari at aral na iyong nakuha

2
sa Noli Me Tangere. Makatutulong kung isusulat mo ang dalawang pangunahing
tauhang naging daan upang mapalabas ang mga gintong aral na taglay ng nobela

3
Pangunahing Pangunahing
Tauhan NOLI ME Tauhan
TANGERE

Mga Gintong Aral na Aking Natutuhan sa Aklat na Ito

Tuklasin

Alam kong handa ka nang tuklasin ang mga karunungan na iyong


matututuhan sa araling ito. Ang gawaing inilaan ay makatutulong sa iyo upang
maiugnay mo ang kahulugan ng salita batay sa kaligirang pangkasaysayan nito.
Gawain 1. Tuklas-Awit
Basahin/Awitin ang liriko ng awiting “Tatsulok” ni Bamboo habang
pinapakinggan ang kanta. Pagkatapos ay gawin ang mga sumusunod na gawain sa
susunod na pahina.

“Tatsulok”
By: Bamboo

Totoy bilisan mo, bilisan mo ang takbo


1
Ilagan ang mga bombang nakatutok sa ulo mo
Totoy tumalon ka, dumapa kung kailangan
At baka tamaan pa ng mga balang ligaw

Totoy makinig ka, wag kang magpagabi


Baka mapagkamalan ka’t 2.humandusay d’yan sa tabi
Totoy alam mo ba kung ano ang puno’t dulo
Ng di matapos-tapos na kaguluhang ito [Refrain]
Hindi pula’t dilaw tunay na magkalaban
Ang kulay at tatak ay di s’yang dahilan
Hangga’t marami ang 3.lugmok sa kahirapan
At ang hustisya ay para lang sa mayaman
[Choros]
Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok
Di matatapos itong gulo
Iligtas ang 4.hininga ng kay raming mga tao At
ang dating munting bukid, ngayo’y sementeryo
Totoy kumilos ka, baliktarin ang tatsulok
Tulad ng 5.dukha, na ilagay mo sa tuktok

4
[Repeat Refrain and Choros]

[Repeat Refrain and Choros]

Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok


Di matatapos itong gulo
Di matatapos itong gulo

Gawain A. Tala-Kahulugan
Piliin ang kasingkahulugan ng mga salitang sinalungguhitan sa kanta mula sa
pagpipilian na nasa loob ng kahon. Gawin sa iyong kuwaderno.

1. A. baon E. mahirap
2. B. buhay F. mayaman
3. C. iwasan G. nakahiga
4. D. laban H. salat 5.

Gawain B. Tala-Isyu
Itala ang mga isyung panlipunan na nabanggit mula sa awit.

Suriin

Kung susuriin natin ang awiting “Tatsulok” ni Bamboo, makikita natin na


tumatalakay ito sa mga isyu ng lipunan ng ating bansa. Pangunahin na rito ang
dipantay na istrukturang panlipunan ng bansa na tinatawag sa awit na tatsulok. Ang
hugis na tatsulok ay larawan ng pagkakahati-hati at hindi pagkakapantay-pantay ng
mga uri sa lipunan. Makikita rito ang pagkakaroon ng agwat ng mga mahirap at
mayayaman sa lipunan. Ipinapakita ng awit na ito ang kahirapang dulot ng maling
pamamahala ng mga nasa itaas ng tatsulok. Dahil dito ay nagsilabasan ang iba pang
problema sa lipunan tulad ng diskriminasyon, kahirapan, karahasan, kawalan ng
hustisya at iba.
Maiuugnay natin ang awiting ito sa nobelang El Filibusterismo ni Dr. Jose P.
Rizal na sumasalamin sa mga pangyayari sa ating lipunan noon na nangyayari pa rin

5
sa kasalukuyan. Kaya’t halika, gawin mo ang mga gawaing inilaan para sa iyo nang
madali mong maunawaan ang Kaligirang Pangkasaysayan ng nobelang El
Filibusterismo.

Handa ka na bang pagyamanin pa


ang iyong kaalaman?
Kung gayon ipakita ang iyong galing
sa susunod na gawain.

6
Pagyamanin

Gawain A: Karunungan sa Talasalitaan


May ilang salitang ginamit sa kaligirang pangkasaysayan ng nobela na
mababasa mo rin sa ibaba. Kilalanin ang kasingkahulugan ng mga salitang
nakasalungguhit sa mga parirala sa pamamagitan ng pagpili ng sagot sa loob ng
kahon. Pagkatapos, gamitin sa mahusay na pangungusap ang mga salita kaugnay
ng isyung kinakaharap ng bansa sa kasalukuyan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
iyong kuwaderno.

A. hinahabol ng batas F. nakuha


B. kinausap upang mapapayag G. natuwa; nasiyahan
C. kopya H. sagabal;hadlang
D. mawala, maalis, matanggal I. sumala
E. naging delikado J. umalis

1.
nanganib sa mga prayle
Pangunguap: _________________________________________________
2.
hinimok na umalis
Pangungusap: ________________________________________________
3.
lumisan ng Pilipinas

Pangungusap:
________________________________________________ 4. naaliw sa
ganda ng Paris
Pangungusap:
________________________________________________ 5. balakid sa
pagsusulat
Pangungusap: ________________________________________________
6. pamilya’y pinag-uusig
Pangungusap: ________________________________________________ 7.
lumiban sa pagkain
Pangungusap: ________________________________________________
8. nasamsam na mga kopya
Pangungusap:
________________________________________________ 9. sipi ng mga
noble
Pangungusap: ________________________________________________

10. maiwaksi sa isip

7
Pangungusap: ________________________________________________

Madali lang diba? Gusto mo bang


pagyamanin pa ang iyong kaalaman?
Tara, buksan mo pa ang kasunod na
pahina. Paghusayan mo ha.

Gawain B. Ipaliwanag Mo!


Ipaliwanag ang mga sumusunod na katanungan. Gawin sa iyong kuwaderno.

1. Bakit kinakailangan malaman at maunawaan ang kahulugan ng mga


salitang ginamit sa isang akda?

2. Paano nakatutulong ang kaalaman sa wastong kahulugan sa salita sa


pang-araw-araw na pamumuhay?

Isaisip

Punan ang patlang sa mga sumusunod na pangungusap sa ibaba para mabuo


ang diwa. Piliin ang sagot sa loob ng kahon. Gawin sa iyong kuwaderno.
A. G abundok B. L umisan C. N agligtas D. Pihong E. Pinasakitan

1. matatapos ni Rizal ang nobela dahil dumating ang saklolo.


2. Ang marawisang si Valentin Ventura ang sa kanyang kagipitan.
3. Pinag-usig at ang pamilya ni Rizal dahil sa maling paratang.
4. Hinimok ni Gobernador Heneral Emilio Terrero si Rizal na
muna.

5. Hindi inisip ni Dr. Jose Rizal ang na balakid sa kanyang nilalayon.


Napakagaling! Nagawa mo ng mga
mahusay ang mga gawain. Ipakita pa
iyong galing sa susunod na gawain.

8
Isagawa

Sumulat ng isang sanaysay tungkol pag-ibig sa bayan gamit ang mga


sumusunod na salita sa ibaba at salungguhitan ang mga ito. Isagawa ito sa isang
buong papel.

Hinimok Naaliw Nanganib Maiwaksi Balakid


Pamantayan sa Paggawa (Sa Sanaysay, Ako’y Mahusay)
Mga 5 4 3 2
Pamantayan
Kompleto ang May dalawang Isang istruktura Walang istruktura
istrukturang bahaging lamang ang ang sanaysay.
Istruktura
ginamit sa ginamit sa ginamit sa
sanaysay. sanaysay. sanaysay.
Wasto ang Mayroong ilan Mayroong iilan Marami ang di
gramatikang/ na di wasto sa na di wasto sa wasto sa
Gramatika/
balarilang gramitikang/ gramitikang/ gramitikang/
Balarila
ginamit sa balarilang balarilang balarilang ginamit
sanaysay. ginamit sa ginamit sa sa sanaysay.
sanaysay. sanaysay.

9
Kaangkupan Angkop na Angkop ang Hindi gaanong Hindi angkop ang
sa Paksa angkop ang mga kaisipan angkop kaisipan mga kaisipan sa
mga kaisipan sa sa paksa. sa paksa. paksa.
paksa.

Tayahin

Panuto: Para sa bilang 1-7, tukuyin sa pagpipilian ang KASALUNGAT ng


sinalangguhitang salita sa loob ng bawat pangungusap. Para sa bilang 8-15, tukuyin
naman ang KASINGKAHULUGAN ng salita sa loob ng bawat pangungusap. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

10
1. Tulad ng inaasahan, nagpuyos ang damdamin ng mga makapangyarihang
Espanyol matapos matunghayan ang nilalaman nito.
A. nagliyab B. nagngitngit
C. nagsaya D. nagtimpi

2. Nagtalusira si Paulita sa katipang si Isagani at nagpakasal kay Juanito.


A. hindi tumupad sa pangako B. nakipagkalas sa pag-iibigan
C. tumupad sa pangako D. walang isang salita

3. Malinaw pa sa kanyang alaala ang matinding takot na hatid ng mensahe ng


salitang Filibusterismo dahil mahigpit na ipinagbabawal sa kanilang tahanan
ang pagsambit sa salitang ito.
A. pagbanggit B. pagbigkas
C. pagtikom D. pagtahimik

4. Baka mapagkamalan ka’t humandusay d’yan sa tabi.


A. makahiga B. manirang-puri
C. manlait D. makatayo

5. Nasaksihan nila ang malagim at kalunos-lunos na pagbitay sa tatlong paring


martir.
A. kaawa-awa B. kahanga-hanga
C. kahapis-hapis D. kapalad-palad

6. Palihim na tumalilis ng Pilipinas si Dr. Jose Rizal matapos siyang payuhan ng


gobernador-heneral.
A. kumaripas nang mabilis B. lumayas nang matulin
C. mabagal na umalis D. mabilis na umalis

7. Ilagan ang mga bombang nakatutok sa ulo mo.


A. dinaig B. harapin
C. iwasan D. nagtagumpay

8. Hangga’t marami ang lugmok sa kahirapan.


A. baon B. nakita
C. napangaginipian D. narrating

9. Ginamit niya ang pinakamabisang sandata sa pagkakamit ang minimithing


pagbabago at kalayaan ng mga Pilipino.
A. adhikain B. pananaw
C. pangako D. pangitain

10. Tulad ng dukha, na ilagay mo sa tuktok.


A. bukas-palad B. kabutihang-palad

11
C. kapus-palad D. kuyom na palad

11. Iligtas ang hininga ng kay raming mga tao.


A. buhay B. kanta
C. likha D. trabaho

12. Nakarating sa pinagpalang mga kamay ang ikalawang obra maestrang El


Filibusterismo ni Jose Rizal.
A. mabuti B. mapalad
C. maramot D. masama

13. Totoong binagtas ni Dr. Jose Rizal ang napakatinik na daan tungo sa kanyang
adhikain subalit siya’y nagtagumpay.
A. napakadali B. napakaganda
C. napakahirap D. napaka-init

14. Nasaksihan nila ang malagim at kalunos-lunos na pagbitay sa tatlong paring


martir.
A. kahabag-habag B. kahapis-hapis
C. kahindik-hindik D. kumaripas

15. Nagpahinuhod siya sa payo ng gobernador-heneral.


A. di nakinig umiwas B. pumayag
C. tumutol D. umiwas

Napakahusay ng iyong ipinakitang galing.

Binabati kita!

Ngayon, p aghusayan mo pang lal o ang susunod


na gawain.

Galingan mo!

12
Karagdagang Gawain

Gawain: Pakaisipin Bago Buuin


Buuin ang salita sa loob ng puzzle sa pamamagitan ng pagtukoy ng
kasingkahulugan nito. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

1. NAGING DELIKADO
n n a i

2. HINIKAYAT

i i m

3. SAGABAL

a a i
4. s I KOPYA

5. NAWALA
n w a s

Hanga ako at natapos mo nang buong husay ang


araling ito.

Binabati kita!
Ngayon ay may kaalaman ka na sa mga
talasalitaan na magagamit mo sa susunod
na aralin. Pagbutihan mo at ipagpatuloy pa
ang iyong kaalaman. Halika, buksan mo ang
kasunod na pahina.

Aralin Layunin at Pag-iral ng mga


2 Kondisyon sa Panahong
13
Isinulat ang Akda

Alamin

Ang aralin 2 ay naglalaman ng mga kondisyon ng lipunan at layunin ng mayakda sa


panahong isinulat ang akda. Dito mo rin makikita ang mga patunay na umiral na mga
kondisyong makikita sa nobela.
Sa pagtatapos ng araling ito ikaw ay inaasahang:
 Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng: 
pagtukoy sa mga kondisyon sa panahong isinulat ang akda
 pagpapatunay ng pag-iral ng mga kondisyong ito sa kabuuan o ilang
bahagi ng akda
 pagtukoy sa layunin ng may-akda sa pagsulat ng akda
(F10PB-IVa-b-86)

Subukin

Panuto: Tukuyin ang mga kondisyon sa panahong isinulat ang El Filibusterismo


batay sa kaligirang pangkasaysayan nito, mga patunay sa pag-iral ng kondisyong ito
sa kabuoan ng akda at layunin ng may-akda sa pagsulat ng akda. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.
1. Ano ang nangyari sa pamilya ni Rizal habang isinusulat niya ang kanyang
nobela?
A. humanga B. masaya
C. nalungkot D. nanganib

2. Sa anong nobela mas maraming pahina ang tinanggal, nilagyan ng ekis,


binura, o hindi isinama ni Rizal sa akda?
A. El Filibusterismo B. Isang Libo’t Isang Gabi
C. Noli Me Tangere D. Walang Sugat

3. Saan siya mas nahirapan sa pagsulat sa dalawang nobela? A. El


Filibusterismo B. Hindi siya nahirapan.
C. Noli Me Tangere D. Parehong nahirapan

Ngayon ay may ideya ka na kung ano ang


nilalaman at mga maaari mong gawin sa
14 kasunod na pahina
araling ito. Buksan ang
para masubok natin ang iyong kaalaman sa
araling ito.
4. Ano ang ginawa ni Rizal sa mga bahagi ng nobela dahil sa tindi at bigat na
kanyang nadarama?
A. Ibinenta sa kakilala B. Inihagis sa apoy
C. Ipinatago sa kaibigan D. Itinapon sa basurahan

5. Ano ang ginawa ni Rizal upang matugunan ang kanyang pangangailagan


habang isinusulatMga angTala
nobela
parasasa Brussels,
Guro Belgium? A. Namasukan
bilang katulong.
Ilalahad dito ng guro ang umiiral na kondisyon ng lipunan at
B. Nanggamot ng mga maysakit .
C. mga layunin sa pagkakasulat ng nobela.
Nagbenta ng kanyang mga obra.
D. Naghugas ng pinggan sa mga karenderya.

6. Ang namumuno sa bansa nang sinimulan ni Rizal ang pagsusulat ng


ikalawang nobelang El Filibusterismo.
A. Gobernador Ferdinand Blumentritt
B. Gobernador- Heneral Emilio Terrero C. Gobernador Maria Odulio de
Guzman
D. Gobernador- Heneral Jose Alejandrino

7. Ano ang nagbigay-inspirasyon kay Rizal upang tapusin na ang kanyang


nobela? A. Ang kasiyahan ng kanyang ina.
B. Ang ganda at kabaitan ni Leonor Rivera.
C. Ang ganda at kasiyahang hatid ng Paris.
D. Ang kabaitan ng mga tao doon sa Brussels, Belgium.

8. Ang mga sumusunod ay ginagawa ni Rizal upang makatipid lamang at


matustusan ang pagsusulat MALIBAN sa?
A. Nagsangla ng alahas.
B. Halos lumiban sa pagkain.
C. Nanggamot ng mga maysakit.
D. Naghugas ng pinggan sa karenderya.

9. Anong pangyayari sa kaligirang pangkasaysayan ng nobela ang pangyayari


sa ibaba na umiral sa bahagi ng El Filibusterismo?

Nagpakasal kay Juanito ang katipan ni Isaganing si Paulita Gomez. A.


Nagpakasal si Maria Clara sa ibang lalaki.
B. Nagpakasal si Leonor Rivera sa ibang lalaki.
C. Nagpakasal si Josephin Bracken sa ibang lalaki.
D. Nagpakasal si Segunda Katigbak sa ibang lalaki.

10. Anong pangyayari sa kaligirang pangkasaysayan ng nobela ang pangyayari


sa ibaba na umiral sa bahagi ng El Filibusterismo?

15
Nakita ni Simoun ang nagdusang ama at si Elias sa kanyang pangitain.
A. Nagkaroon ng iba’t ibang pangitain si Jose Rizal.
B. Nagkaroon ng iba’t ibang pangitain si Jose Alejandrino.
C. Nagkaroon ng iba’t ibang pangitain ang kapatid ni Rizal.
D. Nagkaroon ng masamang pangitain ang ina ni Jose Rizal.

11. Ang mga sumusunod ay kabilang sa layunin sa pagsulat ni Rizal ng El


Filibusterismo MALIBAN sa?
A. Ilantad ang kabuktutan ng mga mananakop.
B. Imulat ang kaisipan at gisingin ang damdamin ng mga Pilipino.
C. Masalamin ng mga kabataan ang nakaraan ng ating mga ninuno.
D. Makamit ang minimithing pagbabago at kalayaan ng mga Pilipino.

12. Bakit pinagtibay ni Rizal ang kanyang loob upang ipagpatuloy at tapusin ang
nobela kahit kulang sa panustos mula sa pamilya? A. Dahil sa pag-ibig ng
taong-bayan kay Rizal.
B. Dahil sa inpirasyon mula sa kanyang pinakaiibig.
C. Dahil sa adhikaing imulat ang kaisipan ng mga Pilipino.
D. Dahil sa paghanga ng mga kababayan sa katapangan niya.

13. Anong pangyayari sa kaligirang pangkasaysayan ng nobela ang pangyayari


sa ibaba na umiral sa bahagi ng El Filibusterismo?

Pagkaroon ng suliranin ni Kabesang Tales sa pangangamkam ng mga prayle


kahit walang katibayan.
A. Pinag-uusig ng Espanyol ang kaibigan dahil sa usapin sa lupa.
B. Pinag-uusig ng Espanyol ang kapitbahay dahil sa usapin sa lupa.
C. Pinag-uusig ng Espanyol ang kaaway ni Rizal dahil sa usapin sa lupa.
D. Pinag-uusig ng Espanyol ang pamilya ni Rizal dahil sa usapin sa lupa.

14. Ang mga sumusunod ay mga dahilan kung bakit hindi agad natapos ni Rizal
ang pagpalimbag ng aklat MALIBAN sa?
A. Naubos ang salaping kanyang natipid.
B. Nilimot ang pangakong tulong sa paglimbag ng nobela.
C. Hindi dumating ang hinihintay na salapi mula sa kanyang pamilya .
D. Tinanggal ni Rizal ang ibang bahagi ng nobela dahil sa sama ng loob.

15. Ano ang naisabay gawin ni Rizal habang isinusulat niya ang El
Filibusterismo? A. Pagsulat ng mga tula at iba pang mga akda.
B. Pagtuturo sa mga bata na nakikita niya sa mga lansangan.
C. Pagbisita sa mga kaibigan at pamamasyal sa magagandang lugar.

16
D. Pagguhit ng iba’t ibang guhit tungkol sa kabuktutan ng mga Espanyol.

Nasagutan mo ba nang mahusay ang mga tanong


sa itaas?

Huwag kang mag - alala, ito’y pagsubok pa lamang


sa iyong kaalaman.

Balikan

Bago mo pag-aralan ang tungkol sa mga layunin at mga kondisyon sa pagsulat


ng El Filibusterismo ay kailangan mong magbalik-tanaw sa naunang aralin. Sagutin
ang mga tanong sa ibaba nang maiugnay mo ang susunod na aralin.
1. Tungkol saan ang tinalakay natin sa aralin 1?

2. Magbigay ng dalawang salitang naibigan mo at gamitin ito sa pangungusap.

Tuklasin

Gawain: Tuklas Kaalaman


Tukuyin ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng
pagtukoy sa mga kondisyon sa panahong isinulat ang akda. Lagyan ng tsek (√) ang
loob ng kahon kung ang pangyayari ay tumutukoy sa mga kondisyon sa panahong
isinulat ang El Filibusterismo at ekis (x) naman kung hindi.

1. Si Gobernador-Heneral Emilio Terrero ang namumuno sa bansa nang


sinimulan ni Rizal ang pagsulat ng ikalawang nobelang El Filibusterismo.

17
2. Higit na naging madali para kay Rizal ang pagsulat ng El Filibusterismo kaysa
Noli Me Tangere.
3. Nalagay sa panganib ang pamilya at iba pang mahal sa buhay ni Rizal habang
isinulat niya ang nobelang ito.
4. Ang ganda at kasiyahang hatid ng Paris ay nagbigay-inspirasyon sa kanyang
tapusin na ang kanyang nobela sa lugar na ito.
5. Mas maraming pahina ang tinanggal, nilagyan ng ekis, binura, o hindi isinama
ni Rizal sa Noli Me Tangere kaysa sa mga pahinang hindi niya isinama sa El
Filibusterimo.

Suriin

Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo


Ang El Filibusterismo ay ang ikalawang obra maestra ng ating pambansang
bayaning si Dr. Jose Rizal. Ito ay karugtong ng Noli Me Tangere na una niyang
isinulat. Ipinaliwanag ni Rizal sa kanyang kaibigang si Dr. Ferdinand Blumentritt ang
kahulugan nito noong una hanggang masaksihan nila ang malagim at kalunos-lunos
na pagbitay sa tatlong paring martir. Malinaw pa sa kanyang alaala ang matinding
takot na hatid ng mensahe ng salitang Filibusterismo dahil mahigpit na ipinagbawal
sa kanilang tahanan ang pagsambit sa salitang ito. Labing-isang taong gulang pa
lamang si Rizal noon nang marinig niya ang salitang Filibustero. Sa murang edad ay
naging saksi siya sa mapapait, masasakit, at madidilim na bahagi ng buhay ng ating
mga ninuno kaya tumimo sa kanyang puso ang pagnanais na mailantad ang
kabuktutan ng mga mananakop. Ginamit niya ang pinakamabisang sandata sa
pagkakamit nang minimithing pagbabago at kalayaan ng mga Pilipino-ang kanyang
panulat.
Gaya nang nabanggit, ang unang obra maestra ni Rizal ay ang Noli Me Tangere na
matagumpay na lumabas noong Marso 1887. Maraming makabayan ang nagalak at
humanga sa katapangan ni Rizal sa pagsulat sa mga kabuktutan at pagmamalabis
ng mga Espanyol subalit tulad ng inaasahan nagpuyos ang damdamin ng mga
makapangyarihang Espanyol ay matapos matunghayan ang nilalaman nito. Bitbit
ang kaba sa puso ay nagpasiya siyang bumalik sa Pilipinas kahit batid niyang ito ay
mapanganib. Noong Agosto 1887, muli niyang nasilayan ang kanyang pamilya.
Isinagawa niya ang kanyang mga layunin sa kanyang pagbabalik. Ginamot niya ang
mata ng kanyang ina; nakipag-usap kay Leonor Rivera, at inalam ang pagtanggap
ng mga Pilipino sa kanyang isinulat na nobela.
Nang ipagbawal ng pamahalaan sa Pilipinas ang pag-aangkat, pagpapalimbag, at
pagpapakalat ng nobela ay nakaramdam nang higit na panganib si Rizal. Hinimok si
Rizal ni Gobernador-Heneral Emillo Terrerong lisanin ang bansa upang maiiwas siya
at ang kanyang pamilya sa lalo pang kapahamakan at sa pagmamalupit ng mga

18
makapangyarihang prayle sa kanyang pamilya. Nagpahinuhod siya sa payo ng
gobernador-heneral at palihim na tumaliis ng Pilipinas noong Pebrero 1888.
Nagtungo siya sa ibat’t ibang bansa sa Asya, sa Amerika, at sa Europa. Napakarami
niyang natutuhan sa mga paglalakbay na iyon.
Sinimulang isulat ni Rizal ang El Filibusterismo sa London noong 1890. Ayon kay
Maria Odulio de Guzman, binalangkas ni Rizal ang pagkatha sa El Fili noong mga
huling buwan ng 1884 at mga unang buwan ng 1885 nang isinusulat pa niya ang
Noli. Habang isinusulat ni Rizal ang El Fili, naisasabay rin niya ang pagbisita sa mga
kaibigan at pamamasyal sa magagandang lugar sa Europa. Lubhang nasiyahan at
naaliw si Rizal sa ganda ng Paris kaya’t napag-isipan niyang lumipat muna sa
Brussels, Belgium upang matutukang mabuti at mapag-isipan nang lubusan ang
pagsulat ng nobela. Kasama ang kaibigang si Jose Alejandrino ay nanirahan sila
roon. Nanggamot din siya upang matugunan ang mga pangngailangan niya roon.
Patong-patong na suliranin ang kanyang naranasan habang isinulat niya ang El Fili.
Kung kinulang siya sa pananalapi nang isinulat niya ang Noli ay higit siyang kinapos
nang isinusulat na niya ang El Fili kaya sadya siyang naghigpit ng sinturon. Halos
lumiban siya sa pagkain makatipid lamang. Nakapagsanla rin siya ng kanyang mga
alahas upang matustusan ang pagsusulat. Matindi ang pagnanais niyang tapusin na
agad ang nobela dahil maging sa kanyang pagtulog ay napapanaginipan niyang may
namamatay sa kanyang mga mahal sa buhay. Iniwasan niyang kapusin ng panahon
sa pagsusulat. Batid niyang walang ibang makatatapos ng kanyang obra kung hindi
siya lamang.
Hindi lamang kawalan ng pondo ang kanyang naging suliranin upang matapos ang
nobela. Naging balakid din ang suliranin niya sa puso, sa pamilya, at sa mga
kaibigan. Nakarating sa kanyang kaalaman na ang kanyang pinakaiibig na si Leonor
Rivera ay ipinakasal ng magulang nito sa ibang lalaki. Mababakas ang pighati niya
sa pangyayaring ito sa El Fili sa bahaging nagtalusira si Paulita sa katipang si
Isagani at nagpakasal kay Juanito. Nabatid din niyang ang kanyang magulang at
mga kapatid ay pinasasakitan at pinag-uusig ng pamahalaang Espanyol dahil sa
usapin sa lupa at sa maling paratang. Labis siyang nag-alala sa mga mahal niya sa
buhay sa Calamba, Laguna. Maiuugnay ito kay Kabesang Tales sa El Fili na may
ipinaglabang usapin hinggil sa pangangamkam ng lupa ng mga prayle kahit wala
silang katibayan ng pagaari bagkus ay nakuha pang manghingi ng buwis sa may-
aring si Kabesang Tales. Sa pagpapatuloy ng pagsusulat ni Rizal ng nobela ay
nagkaroon siya ng iba’t ibang pangitain. Ganito rin ang pangyayari sa buhay ni
Simoun nang nag-urong-sulong siyang isagawa ang katuparan ng kanyang plano.
Nakita niya ang nagdusang ama at si Elias sa kanyang pangitain. Lumayo rin kay
Rizal ang mga kasama niya sa La Solidaridad. Ikinalungkot din niya ang kawalan ng
pagkakaisa ng mga Pilipinong Ilustrado sa Espanya na sila sanang pag-asa ng
nakalugmok na mamamayan ng
Pilipinas. Dahil sa samo’t saring suliraning naranasan, naisip ni Rizal na sunugin na
lamang ang kanyang mga isinulat. Sinasabing may bahagi sa nobela ang hindi niya
napigilang inihagis sa apoy sa bigat at tindi ng kanyang mga alalahanin.
Dahil sa adhikain ni Rizal na imulat ang kaisipan at gisingin ang damdamin ng mga
Pilipino laban sa pang-aapi at pang-aabuso ng pamahalaang Espanyol ay pinagtibay
niya ang kanyang kalooban upang ipagpatuloy at tapusin ang nobela kahit kulang sa
panustos mula sa pamilya. Nang matapos ito noong Marso 29, 1891, at makahanap
ng murang palimbagan, ang palimbagang F. Meyer van Loo sa Ghent, Belgium ay
ipinadala niya ang manuskrito sa kaibigang si Jose Alejandrino. Sa kasamaang-

19
palad, hindi natapos ang paglilimbag ng aklat. Mahigit na isandaang pahina pa
lamang ito nang maipahinto na dahil naubos na ang kanyang pambayad mula sa
salaping kanyang natipid at nang hindi dumating ang hinihintay na salapi mula sa
kanyang pamilya sa Pilipinas. Nilimot din ng ilang mayayamang kaibigang Pilipino
ang kanilang pangakong tulong sa paglilimbag ng nobela.
Sa oras ng pangngailangang ito ay himalang dumating ang saklolo ng mayamang
kaibigang si Valentin Ventura. Siya ang gumastos upang matuloy ang nahintong
paglilimbag ng nobela noong Setyembre 1891. Dahil mabuting kaibigan si Rizal ay
inialay niya ang isang panulat at ang orihinal na manuskrito ng El Fili kasama ang
isang nilimbag at nilagdaang sipi bilang pasasalamat at pagtanaw ng malaking utang
na loob sa kaibigang si Valentin Ventura. Ipinadala ni Rizal sa Hong Kong ang
karamihan ng mga aklat at ang ibang bahagi ng mga ito ay sa Pilipinas napunta
pagkatapos niyang mabigyan ng kopya ang mga kaibigang sina Juan Luna, Marcelo
H. del Pilar, Graciano Lopez Jaena, at Dr. Ferdinand Blumentritt. Sa kasamaang
palad, nasamsam sa Hong Kong ang mga aklat na ipinadala ni Rizal gayundin ang
mga kopyang ipinadala niya sa Pilipinas. Ipinasira ng Pamahalaang Espanyol ang
mga sipi ng nobela subalit may ilang nakalusot at nagbigay ng malaking inspirasyon
sa mga naghihimagsik. Patuloy nitong naantig at nagpaalab sa diwa at damdamin ng
mga Pilipino. Kung ang Noli ang gumising at nagpaalab sa diwa at damdamin ng
mga Pilipino ukol sa mga karapatan, nakatulong naman nang malaki ang El Fili kay
Andres Bonifacio at sa Katipunan upang maiwaksi ang mga balakid na
nakasasagabal sa paghihimagsik noong 1896.

Ang El Fili ay inialay ni Rizal bilang pagpupugay sa tatlong paring martir na binitay
sa Bagumbayan noong Pebrero 1872 na sina Padre Mariano Gomez, Padre Jose
Burgos, at Padre Jacinto Zamora dahil lamang sa maling hinala ng mga Espanyol.
Bilang paggalang at pag-alala sa kanilang sakit at hinagpis, inihandog niya ang
nobela. Wika niya:
“Sa di pagsang-ayon ng Relihiyon na alisin kayo ng karangalan sa pagkapari ay
inilagay sa alinlangan ang kasalanang ibinibintang sa inyo; sa pagbabalot ng
pagkakamaling nagawa sa isang masamang sandali, at ang buong Pilipinas, sa
paggalang sa inyong alaala at pagtawag na kayo’y mga pinagpala, ay hindi lubos na
kinikilala ang inyong pagkakasala.
Samantala ngang hindi maliwanag na naipakikilalang ang inyong pagkakasangkot
sa pagkakagulo sa Kabite, maging bayani man kayo o hindi, nagkaroon man o hindi
ng hilig sa kalayaan, ay may karapatan akong ihandog sa inyo, bilang ginahis ng
kasamaang ibig kong bakahin, ang aking akda. At habang hinihintay namin na
kilalanin ng Espanya balang araw ang inyong kabutihan at hindi makipanagot sa
pagkakapatay sa inyo, ay maging putong na dahong tuyo man lamang ang inyong
liblib na libingan ang mga dahon ng aklat, at lahat nang walang katunayang
maliwanag na umupasala sa inyong alaala ay mabahiran nawa ang kanilang kamay
ng inyong dugo.”
Ayon sa pag-aaral hindi napatunayan ang pagkakasangkot ng tatlong paring martir
sa pag-aalsa sa Cavite. Hindi rin pinayagang muli ng mga Espanyol na mabuksan
ang kanilang kaso upang hindi na lumabas pa ang katotohanan. Inihambing naman
ni Ginoong Ambeth Ocampo ang Noli sa El Fili. Ayon sa kanya, mas maraming hindi
isinama si Rizal sa El Fili. May halos apatnapu’t pitong (47) pahina ang tinanggal,
nilagyan ng ekis, binura, at binago. Samantalang sa Noli Me Tangere ay ang
kabanata lamang tungkol kina Elias at Salome ang hindi niya naisama sa pag-

20
imprenta subalit buo ito at maaring isalin at pag-aralan din. Ayon din sa kanya,
noong 1925, binili ng pamahalaan ang orihinal na kopya ng nobela mula kay Valentin
Ventura.
Totoong binagtas ni Dr. Jose Rizal ang napakatinik na daan tungo sa kanyang
adhikain subalit siya’y nagtagumpay. Nakarating sa pinagpalang mga kamay ang
ikalawang obra maestrang El Filibusterismo na nagsilbi at patuloy na nagsisilbing
inspirasyon ng lahat ng Pilipino sa bansa at maging sa mga Pilipinong nasa iba’t
ibang bahagi ng mundo. Nawa’y isapuso nating lahat ang mga mensaheng taglay
nito.

Sanggunian: Marasigan, Emily V. Pinagyamang Pluma 10. Quezon City,


Philippines:
Phoenix Publishing House, Inc., 2015.(433-437)

Ngayon ay alam mo na ang kaligirang


pangkasaysayan ng El Filibusterismo, handa ka
nang pagyamanin ang iyong kaalaman.

Paghusayan ang iyong galing sa mga gawain.

Pagyamanin

Gawain A. Modipikadong Tama o Mali


Panuto: Isulat ang Tama kung ang pangyayari ay tumutukoy sa mga
kondisyon sa panahong isinulat ang El Filibusterismo. Isulat naman ang Mali kung
hindi wasto at isulat sa linya ang magpapawasto sa pangyayari kung mali ito. Piliin
ang sagot sa loob ng kahon. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

21
A. Marami D. Nasa mabuting kalagayan
B. Mahirap E. Gobernador -Heneral Jose Alejandrin
C. L eon or R ivera

_______1. Si Gobernador-Heneral Emilio Terrero ang namumuno sa bansa nang


sinimulan ni Rizal ang pagsulat ng ikalawang nobelang El
Filibusterismo. ______________________
_______ 2. Higit na naging madali para kay Rizal ang pagsulat ng El Filibusterismo.
______________________
_______ 3. Nalagay sa panganib ang pamilya at iba pang mahal sa buhay ni Rizal
habang isinusulat niya ang nobelang ito.
_______________________
_______ 4. Ang ganda at kasiyahang hatid ng Paris ay nagbigay-inspirasyon sa
kanyang tapusin na ang kanyang nobela sa lugar na ito.
_______________________
_______ 5. Iilang pahina ang tinanggal, nilagyan ng ekis, binura, o hindi isinama ni
Rizal sa El Fili kaysa sa mga pahinang hindi niya isinama sa
Noli.
______________________ _

Nagustuhan mo ba ang gawain sa itaas? Madalai


lang diba. Buksan mo pa ang kasunod na pahina
nang yumaman pa ang iyong kaalaman.

Paghusayan mo!

Gawain B: Paruparo ng Pagkatuto.


Tiyakin ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng
pagpapatunay ng pag-iral ng kondisyong ito sa kabuuan o ilang bahagi ng akda.
Masasabi nga bang umiral ang mga pangayayari sa kaligirang pangkasaysayan ng
akda sa mismong kabuuan o bahagi ng nobela? Patunayan ito sa pamamagitan ng
pagpuno ng detalye na magpapakitang sinasalamin ng kaligirang pangkasaysayan
ang ilang bahagi ng nobela gamit ang paruparong makikita sa ibaba. Gawin ito sa
iyong kuwaderno.

22
Pangyayari sa Kaligirang Pangyayari sa Nobela
Pangkasaysayan ng Nobela

___________________________
___________________________
1. Nagkaroon ng suliranin sa
___________________________
mga p rayle si Kabesang Tales
___________________________
nang kinamkam nila ang
___________________________ E
L lupang kanyang lupang
___________________________
___________________________ F
pinagyaman.
I
___________________________ L
I
B
U
S
T
E
R
_________________________ I 2 . Nagpakasal kay Juanito
_________________________ S
M ang katipan ni Isaganing si
_________________________ O
Paulita Gomez.
_________________________
_________________________
_________________________

Magaling at nasagutan mo nang mahusay


ang mga naunang gawain.

Buksan mo pa ang kasunod na pahina upang


lalo mong maintidihan ang araling ito.

Galingan mo!

Isaisip

23
Tiyakin ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng
pagpapatunay sa pagtukoy sa layunin ng may-akda sa pagsulat ng akda.Dumaan sa
napakaraming pagsubok at paghihirap si Rizal para lang matapos at mailimbag ang
nobela subalit hindi siya sumuko dahil sa matitinding layunin niya sa pagsulat na ito.
Base sa mga nabasa mo sa kaligirang pangkasaysayan, ilahad ang mga layunin o
adhikain niyang ito.

Filibusterismo

Mga Layunin o Adhikain ni Rizal sa Pagsulat ng El


Gawain B:
Ipaliwanag ang mga sumusunod na katanungan. Gawin ito sa iyong
kuwaderno.

1. Makatarungan ba ang mga kondisyon ng lipunan sa pagsulat ng nobela?

Ipali

wanag.

2. Makatwiran ba ang naging layunin ni Dr. Jose Rizal sa pagsulat ng nobela?

Bakit

24
Isagawa

Gumawa ng isang slogan na nagpapakita ng mga layunin ni Dr. Jose Rizal sa


pagsulat ng nobela. Gawin ito sa isang band paper.
Pamantayan sa Paggawa (Slogan ng Karunungan)
Mga
5 4 3 2
Pamantayan
Lubos na Naging Hindi gaanong Walang
nagmamalas ng malikhain ang naging ipinamalas na
Pagkamalikhain pagkamalikhain paghahanda malikhain sa pagkamalikhain
sa paghahanda. paghahanda. sa paghahanda.
Angkop na Angkop ang Hindi gaanong Hindi angkop
angkop ang mga salita at angkop ang ang mga salita at
Kaangkupan sa
mga salita at larawan ng mga salita at larawan sa
Paksa
larawan sa paksa. larawan sa paksa.
paksa. paksa.
Wasto ang Mayroong Mayroong iilan Marami ang di
gramatikang/ ilan na di na di wasto sa wasto sa
Gramatika/
balarilang wasto sa gramitikang/ gramitikang/
Balarila
ginamit sa gramitikang/ balarilang balarilang
sanaysay. balarilang ginamit sa ginamit sa
ginamit sa sanaysay. sanaysay.
sanaysay.

25
Tayahin

Panuto: Tukuyin ang mga kondisyon sa panahong isinulat ang El Filibusterismo


batay sa kaligirang pangkasaysayan nito, patunay sa pag-iral ng kondisyong ito sa
kabuoan ng akda at layunin ng may-akda sa pagsulat ng akda. Isulat ang sagot sa
sagutang papel
1. Sa anong nobela mas maraming pahina ang tinanggal, nilagyan ng ekis,
binura, o hindi isinama ni Rizal sa akda?
A. El Filibusterismo B. Isang Libo’t Isang Gabi
C. Noli Me Tangere D. Walang Sugat

2. Ano ang nangyari sa pamilya ni Rizal habang isinusulat niya ang kanyang
nobela?
A. humanga B. masaya
C. nalungkot D. nanganib

3. Ano ang ginawa ni Rizal sa mga bahagi ng nobela dahil sa tindi at bigat na
kanyang nadarama?
A. Ibinenta sa kakilala B. Inihagis sa apoy
C. Ipinatago sa kaibigan D. Itinapon sa basurahan

4. Saan siya mas nahirapan sa pagsulat sa dalawang nobela? A. El


Filibusterismo B. Hindi siya nahirapan.
C. Noli Me Tangere D. Parehong nahirapan

5. Ang mga sumusunod ay ginagawa ni Rizal upang makatipid lamang at


matustusan ang pagsusulat MALIBAN sa? A. Nagsangla ng alahas.
B. Halos lumiban sa pagkain.
C. Nanggamot ng mga maysakit.
D. Naghugas ng pinggan sa karenderya

6. Ano ang ginawa ni Rizal upang matugunan ang kanyang pangangailagan


habang isinusulat ang nobela sa Brussels, Belgium? A. Namasukan bilang
katulong.
B. Nanggamot ng mga maysakit .
C. Nagbenta ng kanyang mga obra.
D. Naghugas ng pinggan sa mga karenderya.

7. Ang namumuno sa bansa nang sinimulan ni Rizal ang pagsusulat ng


ikalawang nobelang El Filibusterismo.
A. Gobernador Ferdinand Blumentritt
B. Gobernador- Heneral Emilio Terrero
C. Gobernador Maria Odulio de Guzman
D. Gobernador- Heneral Jose Alejandrino

26
8. Ano ang nagbigay-inspirasyon kay Rizal upang tapusin na ang kanyang
nobela?
A. Ang kasiyahan ng kanyang ina.
B. Ang ganda at kabaitan ni Leonor Rivera.
C. Ang ganda at kasiyahang hatid ng Paris.
D. Ang kabaitan ng mga tao doon sa Brussels, Belgium

9. Anong pangyayari sa kaligirang pangkasaysayan ng nobela ang pangyayari


sa ibaba na umiral sa bahagi ng El Filibusterismo?

Nagpakasal kay Juanito ang katipan ni Isaganing si Paulita Gomez. A.


Nagpakasal si Maria Clara sa ibang lalaki.
B. Nagpakasal si Leonor Rivera sa ibang lalaki.
C. Nagpakasal si Josephin Bracken sa ibang lalaki.
D. Nagpakasal si Segunda Katigbak sa ibang lalaki.

10. Ano ang naisabay gawin ni Rizal habang isinusulat niya ang El Filibusterismo?
A. Pagsulat ng mga tula at iba pang mga akda.
B. Pagtuturo sa mga bata na nakikita niya sa mga lansangan.
C. Pagbisita sa mga kaibigan at pamamasyal sa magagandang lugar.
D. Pagguhit ng iba’t ibang guhit tungkol sa kabuktutan ng mga Espanyol

11. Ang mga sumusunod ay mga dahilan kung bakit hindi agad natapos ang
pagpapalimbag ng aklat MALIBAN sa?
A. Naubos ang salaping kanyang natipid.
B. Nilimot ang pangakong tulong sa paglimbag ng nobela.
C. Hindi dumating ang hinihintay na salapi mula sa kanyang pamilya .
D. Tinanggal ni Rizal ang ibang bahagi ng nobela dahil sa sama ng loob.

12. Anong pangyayari sa kaligirang pangkasaysayan ng nobela ang pangyayari


sa ibaba na umiral sa bahagi ng El Filibusterismo?

Pagkaroon ng suliranin ni Kabesang Tales sa pangangamkam ng mga prayle


kahit walang katibayan.
A. Pinag-uusig ng Espanyol ang kaibigan dahil sa usapin sa lupa.
B. Pinag-uusig ng Espanyol ang kapitbahay dahil sa usapin sa lupa.
C. Pinag-uusig ng Espanyol ang kaaway ni Rizal dahil sa usapin sa lupa.
D. Pinag-uusig ng Espanyol ang pamilya ni Rizal dahil sa usapin sa lupa.

27
13. Anong pangyayari sa kaligirang pangkasaysayan ng nobela ang pangyayari
sa ibaba na umiral sa bahagi ng El Filibusterismo?

Nakita ni Simoun ang nagdusang ama at si Elias sa kanyang pangitain.


A. Nagkaroon ng iba’t ibang pangitain si Jose Rizal.
B. Nagkaroon ng iba’t ibang pangitain si Jose Alejandrino.
C. Nagkaroon ng iba’t ibang pangitain ang kapatid ni Rizal.
D. Nagkaroon ng masamang pangitain ang ina ni Jose Rizal.

14. Bakit pinagtibay ni Rizal ang kanyang loob upang ipagpatuloy at tapusin ang
nobela kahit kulang sa panustos mula sa pamilya?
A. Dahil sa pag-ibig ng taong-bayan kay Rizal.
B. Dahil sa inpirasyon mula sa kanyang pinakaiibig.
C. Dahil sa adhikaing imulat ang kaisipan ng mga Pilipino.
D. Dahil sa paghanga ng mga kababayan sa katapangan niya.

15. Ang mga sumusunod ay kabilang sa layunin sa pagsulat ni Rizal ng El


Filibusterismo MALIBAN sa?
A. Ilantad ang kabuktutan ng mga mananakop.
B. Imulat ang kaisipan at gisingin ang damdamin ng mga Pilipino.
C. Masalamin ng mga kabataan ang nakaraan ng ating mga ninuno.
D. Makamit ang minimithing pagbabago at kalayaan ng mga Pilipino.

Kahang -hanga ang iyon g ipinakitang galing!


Ipagpatuloy mo pa ang iyong kagalingan na ipinamamalas.
Binabati kita!

Ngayon ay dagdagan pa natin ang iyong kaalaman. Sagutin


ang karagdagang gawain na susunod na pahina.
Paghusayan mo!

28
Karagdagang Gawain

Gawain: Itala, Pag-unawa


Buuin ang T-chart sa iyong kuwaderno at isulat ang pagkakapareho at
pagkakaiba sa kalagayan ng lipunan noong isinulat ang nobela at sa kasalukuyang
panahon.

Noong isinulat ang Kasalukuyang panahon


nobela (Pagkakaiba )
(Pagkakaiba ) Pagkakatulad

29
Dahil matagumpay mong natapos ang ikalawang
aralin, tanggapin mo ang aking maligayang pagbati
para sa iyo!
Ngayon buksan mo ang kasunod na pahina nang
mapalawak pa ang iyong kaalaman sa modyul na
ito.
Gabayan ka nawa ng Panginoon.

Magkakaugnay na mga
Aralin
Pangyayari sa Pagkakasulat ng
3
El Filibusterismo

Alamin

Ang aralin 3 ay naglalaman ng mga magkakaugnay na pangyayari sa


pagkakasulat ng nobela. Ipinapakita rito ang mga pangyayari sa pagkakasulat ng El
Filibusterismo kagaya ng mga balakid o suliraning kinaharap ni Dr. Jose P. Rizal at
pagpatatagumpay nito.
Sa pagtatapos ng araling ito ikaw ay inaasahang:
 Naisasalaysay ang magkakaugnay na mga pangyayari sa pagkakasulat ng El
Filibusterismo. (F10PS-IVa-b-85)

30
Ngayon ay may kaunting ideya ka na tungkol sa
kung ano ang nilalaman at mga gawain sa araling
ito.
Ihanda ang iyong sarili para matapos mo ang mga
gawain nang ma buti.

Mga Tala para sa Guro

Ilalahad ng guro rito ang magkakaugnay na mga


pangyayari sa pagkakasulat ng nobela .

Subukin
Panuto: Tukuyin ang mga kondisyon sa panahong isinulat ang El Filibusterismo
batay sa kaligirang pangkasaysayan nito, patunay sa pag-iral ng kondisyong ito sa
kabuoan ng akda at layunin ng may-akda sa pagsulat ng akda. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

1. Alin sa pagpipilian ang hindi ipinagbabawal ng pamahalaan sa mga nobela?


A. pag-aangkat B. pagpapakalat
C. pagpapalimbag D. pagtatago

2. Ano ang naramdaman ni Rizal bago pa man siya magsimulang isulat ang El
Filibusterismo?
A. lungkot B. panganib
C. saya D. takot

3. Ano ang ginawa niya sa kanyang mga alahas?


A. ibinenta B. ipinamigay
C. isinangla D. itinapon

31
4. Ano ang ginawa ni Rizal upang malayo siya sa panganib at ang kanyang
pamilya?
A. kinaibigan ang mga Espanyol B. lumisan sa Pilipinas
C. sumuko sa pamahalaan D. umanib sa pamahalaan

5. Ano ang ginawa ni Rizal upang makatipid?


A. lumiban sa pagkain B. nakipagpalitan ng kanyang obra
C. namasukan D. nanghingi ng pagkain

6. Kanino niya ibinigay ang orihinal na manuskrito at nilagdaang sipi ng aklat ng


nobelang El Filibusterismo?
A. Dr. Ferdinand Blumentritt B. Gobernador- Heneral Emilio Terrero
C. Jose Alejandrino D. Valentin Ventura

7. Ang taong nakatulong kay Rizal para matuloy ang paglilimbag.


A. Ambeth Ocampo B. Dr. Ferdinand Blumentritt
C. Jose Alejandrino D. Valentin Ventura

8. Bakit nagkaroon ng problema si Rizal sa kanyang pamilya? A. Dahil namatay


ang kanyang ina.
B. Dahil lumayas ang kanyang ama.
C. Dahil hinahabol ng batas ang pamilya.
D. Dahil nagkasakit ang kanyang kapatid.

9. Bakit nagkaroon ng problema si Rizal sa kanyang puso? A. Dahil hindi


makahinga.
B. Dahil nahihirapang huminga.
C. Dahil nagkaroon ng sakit sa puso.
D. Dahil nagpakasal ang kanyang iniibig sa iba.

10. Bakit iilan lang ang nakalusot na kopya ng nobela ni Rizal sa Pilipinas?
A. Itinago ito ng pamahalaang Espanyol.
B. Sinunog ito ng pamahalaang Espanyol.
C. Ipinasira ito ng pamahalaang Espanyol.
D. Hinarang ito ng pamahalaang Espanyol.

11. Paano nakatulong ang kanyang adhikain sa bigat ng kanyang damdamin? A.


Ipinagtibay nito ang kanyang kalooban.
B. Nakapagpahinga siya sa tindi ng damdamin.
C. Gumaan ang kanyang loob sa bigat na pinapasan.
D. Naging masaya siyang tapusin ang kanyang layunin.

12. Bakit nahinto ang pagpapalimbag ni Rizal sa kanyang nobela? A. Dahil nalaman
ito ng mga Kastila.
B. Dahil ipinasira ng mga Espanyol ay palimbagan.
C. Dahil kinapos ng pondo si Rizal sa pagpapalimbag.

32
D. Dahil hindi na tinaggap ng palimbagan ang nobela ni Rizal.

13. Bakit ikinalungkot ni Rizal ang kawalan ng pagkakaisa ng mga Pilipinong


Ilustrado sa Espanya?
A. Dahil unti-unting naging mahina ang mga Pilipino.
B. Dahil nagkawatak-watak tuloy ang mga Pilipinong Illustrado.
C. Dahil hindi naging matibay ang mga Pilipino laban sa mga Espanyol.
D. Dahil sila sana ang pag-asa ng nakalugmok na mamamayang Pilipino.

14. Paano nakatulong kina Andres Bonifacio at sa kanyang kilusan ang akdang ito ni
Rizal?
A. Nakakuha sila ng ideya kung paano maghimagsik.
B. Gumaan ang kanilang loob laban sa mga Espanyol.
C. Nakita nila ang kabuktutan ng pamahalaang Espanyol.
D. Naiwaksi nito ang mga balakid na nakasagabal sa paghihimagsik.

15. Bakit nagkaroon ng problema si Rizal sa kanyang mga kaibigan? A. Dahil


trinaidor siya ng kanyang mga kaibigan.
B. Dahil nag-aaway-away ang kanyang mga kaibigan.
C. Dahil ipinasara ng kanyang kaibigan ang La Solidaridad.
D. Dahil lumayo ang kanyang kasamahan sa La Solidaridad.

Nasagot mo ba ng mahusay ang mga katangungan


sa itaas?

Huwag kang mag - alala, sapagkat ito’y pagsubok pa


lamang sa iyog kaalaman.

Halika, buksan ang kasunod na pahina nang


lumawak ang kaalaman mo.

Balikan
Bago mo simulang tuklasin at suriin ang mga magkakaugnay na pangyayari
sa pagkasulat ng El Filibusterismo ay mas mabuti na magbalik-tanaw tayo sa
nakaraang aralin. Sagutin ang tanong sa ibaba nang matulungan kang maalala ang
mga
pangyayari.

33
ang pagpatay sa tatlong paring martir?

Tuklasin

B
akit isa sa mga naging daan ng pagsulat ni Dr. Jose Rizal ng nobela ay
Gawain: Kwentutunan
Basahin ang maikling kwento sa ibaba na nagpapakita ng mga pangyayari na
may pagkakatulad sa pagkakasulat ng El Filibusterismo. Pagkatapos ay buuin ang
grapikong pantulong matapos mong mabasa ang kuwento at isulat ang sagot sa loob
nito. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Laban ni Pedring
ni Mary Grace D. Madar

Si Pedring ay isang manunulat sa panitikan. Siya ay may isinusulat na


kwento tungkol sa mga maling pamamalakad ng pamahalaan, ngunit sa
kasamaang palad ay maraming mga namumuno ang hindi nagustuhan ang
kanyang isinulat kaya nagalit sila sa kanya at sinamsam nila ang aklat kung saan
dito nakasulat ang k uwento.
Nanganib ang buhay niya at ng kanyang pamilya, ngunit maraming tao ang
nagbigay ng suporta sa kanya. Ito ang dahilan kung bakit hindi pinanghinaan ng
loob si Pedring.

Ang tanging nais lamang niya ay magkaroon ng magandang sistema ang


pamahalaan. Di inalintana ni Pedring ang daan na kanyang tinatahak, gaano man
ito kahirap.

Sa kabila ng mga pangyayari, hindi tumigil sa Pedring sa pagsulat ng mga


kuwento upang ipabatid sa mga mamamayan ang baluktot na sistema at
pamamalakad ng mga nasa kapangyarihan.

34
Sa huli, nagtagumpay siya at napabagsak niya ang mga gahaman sa
kapangyarihan at simula noon nagbago na ang sistema ng kanilang pamahalaan.
Naging malaking tulong si Pedring sa pag-unlad at pagbabago sa kanilang bayan.

Kaya nararapat lamang nating ipaglaban ang ating karapatan lalo na kapag alam
natin na tama ang ating ginagawa dahil kung tayo ay magbubulag-bulagan lamang
ay walang magandang maidudulot sa ating at sa bayan.

Anong pangyayari sa kwentong binasa ang may pagkakatulad sa mga pangyayari sa


pagkakasulat ng nobela?

Pangyayari sa Kuwentong Pangyayari sa Kaligirang


binasa Pangkasaysayan ng
El Filibusterismo

35
Suriin
Ang kuwento sa naunang pahina ay may malaking kaugnayan sa Kaligirang
Pangkasaysayan sa araling ito. Hindi makaila na sa pagsusulat ng nobelang El
Felibusterismo ay kailangang pagdaanan ni Rizal ang napakadilim at napakatinik na
daan bago niya marating ang rurok ng tagumpay.
Bago pa man sinimulan ni Rizal ang pagsulat ng nobela ay ramdam na niya
ang panganib sapagkat ipinagbawal ng pamahalaan sa Pilipinas ang pag-aangkat,
pagpapalimbag, at pagpapakalat ng nobela. Subalit, dahil sa kanyang mithiin o
layunin, nilisan ni Rizal ang bansa upang maiwas siya at ang kanyang pamilya sa
kapahamakan at masimulang isulat ang nobelang El Filibusterismo. Sa pagsulat ng
nobela ay naranasan niya ang sari’t saring balakid. Kinulang siya ng pondo kaya’t
halos lumiban sa pagkain upang makatipid. Nagsangla siya ng kanyang mga alahas
upang matustusan ang pagsulat. Bukod dito, hadlang din sa kanya ang problema sa
puso, sa pamilya at sa mga kaibigan. Nabalitaan niya na ipinakasal ng magulang
ang kanyang iniirog sa iba. Inuusig ang kanyang pamilya ng pamahalaan dahil sa
usapin sa lupa at maling paratang. Nagkaroon siya ng iba’t ibang pangitain. Lumayo
ang kanyang kasamahan sa La Solidaridad at nawalan ng pagkakaisa ang mga
Pilipinong Ilustrado. Dahil sa bigat na pinapasan at tindi ng alalahanin, naisipan
niyang sunugin na lamang ang kanyang mga isinulat. Ngunit dahil sa layunin niyang
imulat ang kaisipan at gisingin ang damdamin ng mga Pilipino laban sa pang-aapi at
pangaabuso ng pamahalaang Espanyol ay pinagtibay niya ang kanyang kalooban
upang ipagpatuloy at tapusin ang nobela. Nagkaroon man ulit ng problema dahil
hindi natapos ang paglilimbag ng aklat dahil kapos sa pambayad naging hulog ng
langit naman sa kanya ang kaibigang sa Valentin Ventura. Dumating ang tulong ng
kaibigan kaya’t natuloy ang nahintong paglilimbag. Natapos ang aklat at ipinadala ito
sa Hongkong at sa Pilipinas. Sa kasawiang palad ay nakuha ito sa Hongkong at
ipinasira ng pamahalaan ang mga sipi ng nobela. Ganoon paman, may ilang
nakalusot na nagbigay ng malaking tulong sa mga naghihimagsik lalong lalo na kay
Andres Bonifacio at sa Katipunan upang maiwaksi ang mga balakid sa
paghihimagsik.
Mahirap man ang pinagdaanan ni Rizal subalit nagtagumpay naman siya sa
kanyang minimithi. Totoo nga ang kasabihang, “ Kailangan mong magsumikap
upang maabot ang pangarap.”

Paunlarin pa natin ngayon ang iyong


kaalaman.

Handa ka na ba? Buksan ang kasunod


na pahina.

36
Pagyamanin
Gawain A: Tama o Mali
Tukuyin ang mga sumusunod na salaysay batay sa magkakaugnay na
pangyayari sa El Filibusterismo. Isulat ang T kung Tama at M naman kung Mali.
_____1. Bago pa man simulan ang pagsulat ng El Filibusterismo ay ramdam na ni
Rizal ang kasiyahan sapagkat pinaunlakan ng pamahalaan ang paglimbag
ng nobela.
_____2. Nilisan ni Rizal ang bansa upang maiwas sa kapahamakan.
_____3. Dumating ang tulong mula sa kaibigan kaya natuloy ang pagpalimbag ng
nobela.
_____4. Ipinadala sa Pilipinas ang mga kopya ng aklat ngunit hindi ito nakalusot.
_____5. Ang nobela ni Rizal ay nagbigay tulong sa mga naghihimagsik.

Gawain B: Paglalayag sa Pagsusulat


Isalaysay ang magkakaugnay na mga pangyayari sa pagkakasulat ng El
Filibusterismo.
Magsalaysay o maglahad ng magkakaugnay na pangyayari sa pagkakasulat ng El
Filibusterismo base sa sumusunod na sitwasyon o pangyayari gamit ang larawan sa
ibaba. Gawin sa iyong kuwaderno.

Mga Balakid na Naranasan ni Rizal sa Pagsusulat

ng El Filibusterismo

37
Isaisip
Ipaliwanag ang magkakaugnay na pangyayari sa Kaligirang Pangkasaysayan
ng ElFilibusterismo. Isulat sa loob ng kahon ang sagot. Gawin ito sa iyong
kuwaderno.
1. Ano ang kaugnayan ng nobela sa pagpatay kay Dr. Jose Rizal?

2 . Ano ang kaugnayan ng tatlong paring martir sa pagkasulat ng nobela?

3. Ano-anong mga pangyayari ang may kaugnayan sa pagkakasulat ni Dr. Jose


Rizal ng nobela?

38
Isagawa

Gumawa ng isang poster na nagpapakita ng mga magkakaugnay na


pangyayari sa pagkakasulat ng nobela. Gawin ito sa bond paper.
Pamantayan sa Paggawa (Larawan ng Karunungan)
Mga 5 4 3 2
Pamantayan
Lubos na Naging Hindi gaanong Walang
Malikhaing nagmamalas ng malikhain ang naging ipinamalas na
Paggawa pagkamalikhain paghahanda. malikhain sa pagkamalikhain
sa paghahanda. paghahanda. sa paghahanda.

Angkop na Angkop ang Hindi gaanong Hindi angkop


angkop ang mga salita at angkop ang ang mga salita
Kaangkupan
mga salita at larawan ng mga salita at at larawan sa
sa Paksa
larawan sa paksa. larawan sa paksa.
paksa. paksa.

Wasto ang Mayroong ilan Mayroong Marami ang di


gramatikang/ na di wasto sa iilan na di wasto sa
Gramatika/
balarilang gramitikang/ wasto sa gramitikang/
Balarila
ginamit. balarilang gramitikang/ balarilang
ginamit. balarilang ginamit.
ginamit.

39
Tayahin

Panuto: Tukuyin ang mga kondisyon sa panahong isinulat ang El


Filibusterismo batay sa kaligirang pangkasaysayan nito, patunay sa pag-iral ng
kondisyong ito sa kabuoan ng akda at layunin ng may-akda sa pagsulat ng akda.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang ginawa ni Rizal upang makatipid?


A. lumiban sa pagkain B. nakipagpalitan ng kanyang obra
C. namasukan D. nanghingi ng pagkain
2. Ano ang ginawa niya sa kanyang mga alahas?
A. ibinenta B. ipinamigay
C. isinangla D. itinapon

3. Ano ang naramdaman ni Rizal bago pa man siya magsimulang isulat ang El
Filibusterismo?
A. lungkot B. panganib
C. saya D. takot

4. Alin sa pagpipilian ang hindi ipinagbabawal ng pamahalaan sa mga nobela?


A. pag-aangkat B. pagpapakalat
C. pagpapalimbag D. pagtatago

5. Ano ang ginawa ni Rizal upang malayo siya sa panganib at ang kanyang
pamilya?
A. kinaibigan ang mga Espanyol B. lumisan sa Pilipinas
C. sumuko sa pamahalaan D. umanib sa pamahalaan

6. Kanino niya ibinigay ang orihinal na manuskrito at nilagdaang sipi ng aklat ng


nobelang El Filibusterismo?
A. Dr. Ferdinand Blumentritt B. Gobernador-Heneral Emilio Terrero
C. Jose Alejandrino D. Valentin Ventura

7. Ang taong nakatulong kay Rizal para matuloy ang paglilimbag.


A. Ambeth Ocampo B. Dr. Ferdinand Blumentritt
C. Jose Alejandrino D. Valentin Ventura

8. Bakit iilan lang ang nakalusot na kopya ng nobela ni Rizal sa Pilipinas? A.


Itinago ito ng pamahalaang Espanyol.
B. Sinunog ito ng pamahalaang Espanyol.
C. Ipinasira ito ng pamahalaang Espanyol.
D. Hinarang ito ng pamahalaang Espanyol.

40
9. Bakit nagkaroon ng problema si Rizal sa kanyang puso? A. Dahil hindi
makahinga.
B. Dahil nahihirapang huminga.
C. Dahil nagkaroon ng sakit sa puso.
D. Dahil nagpakasal ang kanyang iniibig sa iba.

10. Bakit nahinto ang pagpapalimbag ni Rizal sa kanyang nobela?


A. Dahil nalaman ito ng mga Kastila.
B. Dahil ipinasira ng mga Espanyol ang palimbagan.
C. Dahil kinapos ng pondo si Rizal sa pagpapalimbag.
D. Dahil hindi na tinaggap ng palimbagan ang nobela ni Rizal.

11. Bakit nagkaroon ng problema si Rizal sa kanyang pamilya? A. Dahil namatay


ang kanyang ina.
B. Dahil lumayas ang kanyang ama.
C. Dahil hinahabol ng batas ang pamilya.
D. Dahil nagkasakit ang kanyang kapatid.
12. Paano nakatulong kina Andres Bonifacio at sa kanyang kilusan ang akdang ito ni
Rizal?
A. Nakakuha sila ng ideya kung paano maghimagsik.
B. Gumaan ang kanilang loob laban sa mga Espanyol.
C. Nakita nila ang kabuktutan ng pamahalaang Espanyol.
D. Naiwaksi nito ang mga balakid na nakasagabal sa paghihimagsik.

13. Bakit nagkaroon ng problema si Rizal sa kanyang mga kaibigan? A. Dahil


trinaidor siya ng kanyang mga kaibigan.
B. Dahil nag-aaway-away ang kanyang mga kaibigan.
C. Dahil ipinasira ng kanyang kaibigan ang La Solidaridad.
D. Dahil lumayo ang kanyang kasamahan sa La Solidaridad.

14. Paano nakatulong ang kanyang adhikain sa bigat ng kanyang damdamin? A.


Ipinagtibay nito ang kanyang kalooban.
B. Nakapagpahinga siya sa tindi ng damdamin.
C. Gumaan ang kanyang loob sa bigat na pinapasan.
D. Naging masaya siyang tapusin ang kanyang layunin.

15. Bakit ikinalungkot ni Rizal ang kawalan ng pagkakaisa ng mga Pilipinong


illustrado sa Espanya?
A. Dahil unti-unting naging mahina ang mga Pilipino.
B. Dahil nagkawatak-watak ang mga Pilipinong Illustrado.
C. Dahil hindi naging matibay ang mga Pilipino laban sa mga Espanyol.
D. Dahil sila sana ang pag-asa ng nakalugmok na mamamayang Pilipino.

41
Napakagaling ng iyong ipinakita sa araling
ito.
Binabati kita!
Ngayon, p aghusayan mo pang lalo ang
susunod na gawain.

Karagdagang Gawain

Gawain: Tala Hanayan


Isulat sa loob ng kahon ang mga pangyayari sa bawat hanay. Gawin sa iyong
kuwaderno.

42
Pagbubuod ng Kaligirang
Aralin
Pangkasaysayan Gamit
4
ang Timeline

Alamin

Ang aralin 1.4 ay naglalaman ng timeline ng kaligirang pangkasaysayan ng


nobelang El Filibusterismo. Mababasa mo sa timeline na ito ang mga mahahalagang
petsa at pangyayari sa pagbuo ni Dr. Jose P. Rizal ng nobelang ito.
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:
 Naisusulat ang buod ng kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo
batay sa ginawang timeline. (F10PU-IVa-b-85)

May ideya ka na ngayon sa maaaring


nilalaman at gawain sa aralin 4. Alam kong
magagawa mo nang mahusay ang mga gawain sa
araling ito sapagkat, ako’y may tiwala sa galing na
taglay mo.
Buksan mo ang kasunod na pahina nang
masimulan natin ang araling ito.
Pangyayari Upang
Pagsulat ng Iyong Pag -aaral
Matagumpayan
El Filibusterismo

43
Mga Tala para sa Guro
Mahusay at nalagpasan mo ang lahat ng gawain sa
araling ito. Kapuri
Ilalahad -puri
dito ng ang
guro iyong
ang ginawa!
kaligirang pangkasaysayan ng El
Filibusterismo
Ngayon ay lakasan batayloob
mo pa ang iyong sa timeline.
para
mapagtagumpayan mo ang kasunod na aralin. Laban
lang!

Subukin

Panuto: Para sa bilang 1-5, tukuyin ang pagkasunod-sunod ng pangyayari sa


pagsulat ni Rizal ng nobelang El Filibusterismo. Isulat ang sagot sa sagutang papel

1. Sinimulan ang pagsulat ng El Filibusterismo sa London, England.


A. ikalawa B. ikalima
C. ikatlo D. una

2. Binalangkas ni Rizal ang El Filibusterismo.


A. ikaapat B. ikalima
C. ikatlo D. una

3. Ipinadala at sinamsam ang El Filibusterismo sa Honkong.


A. ikaapat B. ikalawa
C. ikalima D. ikatlo

4. Natapos ang sulat-kamay na nobelang El Filibusterismo.


A. ikaapat B. ikalawa
C. ikatlo D. una

5. Naipalimbag ang sulat-kamay ng El Filibusterismo.


A. ikaapat B. ikalawa
C. ikalima D. ikatlo

44
Panuto: Tukuyin ang panahon at pangyayari sa pagsulat ni Rizal ng nobelang El
Filibusterismo.

6. Kailan binalangkas ni Rizal ang El Filibusterismo?


A. 1875 B. 1885
C. 1895 D. 1985

7. Kailan naman natapos ang sulat-kamay ng nobelang El Filibusterismo?


A. Marso 1891 B. Abril 1891
C. Setyembre 1891 D. Marso 1892

8. Anong taon sinimulan ni Rizal ang pagsulat ng El Filibusterismo?


A. 1885 B. 1890
C. 1895 D. 1980

9. Anong taon ipinadala at nasamsam ang El Filibusterismo sa Hongkong?


A. 1885 B. 1890
C. 1891 D. 1980

10. Anong taon ipinuslit at naipasara ng pamahalaan ang mga nakumpiskang


nobela?
A. 1885 B. 1891
C. 1896 D. 1980

11. Anong pangyayari ang nangyari noong Setyembre 1891?


A. Ipinadala at nasamsam ang El Filibusterismo sa Hongkong.
B. Sinimulan ang pagsulat ng El Filibusterismo sa London, England.
C. Naipalimbag ang sulat-kamay ng El Filibusterismo sa Ghent, Belgium.
D. Ipinuslit at naipasara ng pamahalaan ang mga nakumpiskang nobela.

12. Anong pangyayari ang nangyari noong 1890?


A. Ipinadala at nasamsam ang El Filibusterismo sa Hongkong.
B. Sinimulan ang pagsulat ng El Filibusterismo sa London, England.
C. Natapos ang sulat-kamay na nobelang El Filibusterismo sa Brussels.
D. Naipalimbag ang sulat-kamay ng El Filibusterismo sa Ghent, Belgium.

13. Anong pangyayari ang nangyari noong Marso 1891?


A. Ipinadala at nasamsam ang El Filibusterismo sa Hongkong.
B. Sinimulan ang pagsulat ng El Filibusterismo sa London, England.
C. Natapos ang sulat-kamay na nobelang El Filibusterismo sa Brussels.
D. Naipalimbag ang sulat-kamay ng El Filibusterismo sa Ghent, Belgium.

45
14. Anong pangyayari ang nangyari noong taong 1885? A. Binalangkas ang El
Filibusterismo.
B. Ipinadala at nasamsam ang El Filibusterismo sa Hongkong.
C. Natapos ang sulat-kamay na nobelang El Filibusterismo sa Brussels.
D. Naipalimbag ang sulat-kamay ng El Filibusterismo sa Ghent, Belgium.

15. Anong pangyayari ang nangyari noong taong 1891? A. Binalangkas ang El
Filibusterismo.
B. Ipinadala at nasamsam ang El Filibusterismo sa Hongkong.
C. Natapos ang sulat-kamay na nobelang El Filibusterismo sa Brussels.
D. Naipalimbag ang sulat-kamay ng El Filibusterismo sa Ghent, Belgium.

Balikan

Bago natin tatalakayin ang araling ito ay magbalik-aral muna tayo sa


nakaraan nating aralin. Makatutulong sa iyong pagbabalik-tanaw ang pagsasaayos
ng ginulong mga titik na tumutukoy sa nakaraang aralin. Gawin ito sa iyong
kuwaderno.
U Y N M A A A G K G -

1. M ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ Y


I P N G A Y Y A A R

2. P ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ I


P G A K A L S U A T

3. P ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ T


Tuklasin

Gawain: Kuwentutunan
Basahin ang maikling kwento sa ibaba na nagpapakita ng
pagkakasunodsunod ng mga pangyayari at bumuo ng timeline gamit ang kuwento.

Ang Paglalakbay ni Bai


ni Mary Grace D. Madar

46
Si Bai ay mahilig maglakbay. Noong Desyembre 25, 2016, ang kanyang buong
pamilya ay nagtungo sa Japan upang doon magdiwang ng kapaskuhan. Doon ay
natunghayan ng loon pamilya ang nakakabighaning ganda ng pamusong cherry
blossom at Mt. Fuji. Natikman din nila ang masasarap na pagkain ng mga
Hapon. Naging masaya ang buong pamilya. Sa taon 2017 naman ipinagdiwang ni
Bai ang kanyang kaarawan sa malaparaisong ganda ng bansang Iceland kung saan
niregaluhan siya ng kanyang ina ng mamahaling relo. Doon ay namangha sila sa
naggagandahang tanawin na animo'y ibang dimensyon ng daigdig. Doon din nila

naranasan ang mamangka sa naggagandang lawa ng Iceland.

Noong naging binata na siya ay naglakbay siyang mag-isa sa South Korea na


tinaguriang "The Land of Morning Calm" upang makita ang kanyang mga iniidulong
K-POP artist. Ito ay naganap noong ikalabing isa ng Marso taong 2019.

Punong-puno ng kagalakan si Bai dahil unang karanasan niya iyon na maglakbay


mag-isa lang. Sa una ay nahihirapn siya dahil hindi siya sanay na maglakbay mag-
isa dahil nasanay siyang kasama palagi ang buong pamilya ngunit di ito inalintana

ni Bai sa halip ang nilibang ang sarili sa bagong kultura na kanyang matututunan
at karanasan na kanyang mararanasan. Napag-isipan niyang mag-aral ng kolehiyo
sa Amerika noong Enero 2020 sa kursong engineering at doon na rin siya
nakapagtapos ng pag-aaral.

Hindi nagtapos ang kanyang paglalakbay sa pagtatapos niya sa kolehiyo. Mas


marami pang mga bansa ang nilakbay ni Bai. Ang paglalakbay ng tao ay
nagpapalawak sa kanyang kaalaman lalong-lalo na sa kultura ng iba't ibang bansa.
Ito rin ay nagbibigay ng masasayang alaala at karanasan.

Kaya tayo ng maglakbay at alamin ang natatanging ganda ng ating mundo.

47
Naibigan mo ba ang k uwentong ginawa
ko para sa iyo?

Kung gayon pag -isipan ang gawaing ito.

Gawain: Tren ni Bai sa Paglalakbay


Panuto: Gumawa ng timeline tungkol sa paglalakbay ni Bai. Isulat ang sagot
sa loob ng bawat kahon sa ibaba. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Petsa Petsa Petsa Petsa Petsa

Timeline
ni Bai

Suriin

Ang kuwento sa naunag pahina ay may pagkaka-ugnay sa araling ito na kung saan
ay tumatalakay sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa pagbuo ni Rizal ng
kanyang nobelang El FIlibusterismo. Suriin kung paano nabuo ni Rizal ang nobelang
ito.
Sinimulang isulat ni Rizal ang El FIlibusterismo sa London noong 1890. Ayon kay
Maria Adulio de Guzman, binalangkas ni Rizal ang pagkatha nito noong mga huling
buwan ng 1884 at mga unang buwan ng 1885 nang isinusulat pa niya ang Noli.
Nang matapos ito noong Marso 29, 1891 sa Brussels, Belgium at makahanap ng
murang palimbagan, ang palimbagang F. Meyer van Loo sa Ghent, Belgium ay
ipinadala niya ang manuskrito sa kaibigang si Jose Alejandrino. Hindi natapos ang
paglilimbag dahil kinapos siya sa pera. Dumating ang tulong mula sa kaibigang si
Valentin Ventura. Natuloy at natapos ang paglilimbag noong Setyembre 1891. Sa
parehong taon ay ipinadala niya ang karamihan ng mga aklat sa Hongkong ngunit
nasamsam ito. Ipinasara naman ng Pamahalaang Espanyol ang mga sipi ng nobela
sa Pilipinas ngunit may ilang nakalusot na nagbigay inspirasyon sa mga Pilipinong
naghihimagsik.

48
Pagyamanin

Gawain A: Isunod-sunod
Sa pagkakataong ito ay punan mo ng tamang petsa ang inihandang timeline
sa ibaba. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

A. 1881 C. 1887 E. 1891 G. Marso 1891


B. 1885 D. 1890 F. !895 H. Setyembre 1891

1. ___________ 3 . ___________ 5. ____________


-nan g binalangkas -Brussels, Belgium, Hongkong, ipinadala at
ni Rizal ang El natapos a ng sulat - nasamsam ang El
Fi libusterismo kamay na Fi libusterismo.
nobelang El Pilipinas, ipinuslit at
Fi libusterismo naipasara ng
pamahalaan ang mga
nakumpiskang nobela

2 . ____________ 4. _____________

-London, England, -Ghent, Belgium,


sinimulan ang naipalimbag ang
pagsulat ng El sulat -kamay ng El
Filibusterismo Filibusterismo

Nagawa mo ba nang maayos ang gawain sa itaas? Kung


ganoon, limang bagsak para sa iyo!

Ngayon ay handang -handa ka ng gawin ang isa pang


gawain na tutulong lubos kang mahasa sa nilalaman ng
aralng ito.

49
Gawain B. Hagdan-Hagdan ng Karunungan
Pagkatapos mong mapag-aralan ang kaligirang pangkasaysayan ng nobela
ay gawan mo ito ng buod batay sa timeline. Gamitin ang story ladder sa pagbuo nito.
Gawin sa iyong kuwaderno.

50
Isaisip

Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa ibaba. Gawin sa iyong kuwaderno.

1. Kung ikaw si Dr. Jose P. Rizal, ipagpapatuloy mo pa ba ang pagsulat ng


nobela sa kabila ng mga panganib na kinakaharap? Ipaliwanag ang sagot.

2. Ano-anong mga balakid ang kinaharap ni Dr. Jose Rizal sa pagsulat ng


nobela? Patunayan ito.

3. Nakatulong ba kay Dr. Jose Rizal ang kanyang paglalakbay upang


mapagtagumpayan ang nobela?

51
Isagawa

Bumuo ng isang travelog ayon sa nabuong timeline.

Pamantayan sa Paggawa (Karunungan! Itravelog Ko ‘Yan)


Mga 5 4 3 2
Pamantayan
Pagkakasun Wasto ang Mayroong ilan Mayroong iilan Marami ang di
od- pagkakasunods na di wastong na di wastong wastong
sunod unod ng mga pagkakasunods pagkakasunods pagkakasunods
pangyayari pangyayari. unod ng mga unod ng mga unod ng mga
pangyayari. pangyayari. pangyayari.

Gramatika/ Wasto ang Mayroong ilan Mayroong iilan Marami ang di


Balarilang gramatikang/ na di wasto sa na di wasto sa wasto sa
balarilang gramitikang/ gramitikang/ gramitikang/
ginamit sa balarilang balarilang balarilang
katha. ginamit sa ginamit sa ginamit sa
katha. katha. katha.
Angkop na Angkop ang Hindi gaanong Hindi angkop
Kaangkupan angkop ang mga mga pangyayari angkop ang mga ang mga
sa pangyayari sa sa paksa. pangyayari sa pangyayari sa
Paksa paksa. paksa. paksa.

Tayahin

Panuto: Tukuyin ang pagkasunod-sunod ng pangyayari sa pagsulat ni Rizal


ng nobelang El Filibusterismo. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ipinadala at sinamsam ang El Filibusterismo sa Honkong.


A. ikaapat B. ikalawa
C. ikalima D. ikatlo

2. Binalangkas ni Rizal ang El Filibusterismo.


A. ikaapat B. ikalima
C. ikatlo D. una

3. Naipalimbag ang sulat-kamay ng El Filibusterismo.


A. ikaapat B. ikalawa

52
C. ikalima D. ikatlo

4. Natapos ang sulat-kamay na nobelang El Filibusterismo.


A. ikaapat B. ikalawa
C. ikatlo D. una

5. Sinimulan ang pagsulat ng El Filibusterismo sa London, England.


A. ikalawa B. ikalima
C. ikatlo D. una

Panuto: Tukuyin ang panahon at pangyayari sa pagsulat ni Rizal ng nobelang


El Filibusterismo.

6. Anong taon ipinadala at nasamsam ang El Filibusterismo sa Hongkong?


A. 1885 B. 1890
C. 1891 D. 1980

7. Kailan naman natapos ang sulat-kamay ng nobelang El Filibusterismo?


A. Marso 1891 B. Abril 1891
C. Setyembre 1891 D. Marso 1892

8. Anong taon ipinuslit at naipasara ng pamahalaan ang mga nakumpiskang


nobela?
A. 1885 B. 1891
C. 1896 D. 1980

9. Anong taon sinimulan ni Rizal ang pagsulat ng El Filibusterismo?


A. 1885 B. 1890
C. 1895 D. 1980

10. Kailan binalangkas ni Rizal ang El Filibusterismo?


A. 1875 B. 1885
C. 1895 D. 1985

11. Anong pangyayari ang nangyari noong Setyembre 1891?


A. Ipinadala at nasamsam ang El Filibusterismo sa Hongkong.
B. Sinimulan ang pagsulat ng El Filibusterismo sa London, England.
C. Ipinuslit at naipasara ng pamahalaan ang mga nakumpiskang nobela. D.
Naipalimbag ang sulat-kamay ng El Filibusterismo sa Ghent, Belgium

12. Anong pangyayari ang nangyari noong 1890?


A. Ipinadala at nasamsam ang El Filibusterismo sa Hongkong.
B. Sinimulan ang pagsulat ng El Filibusterismo sa London, England.
C. Natapos ang sulat-kamay na nobelang El Filibusterismo sa Brussels.
D. Naipalimbag ang sulat-kamay ng El Filibusterismo sa Ghent, Belgium.

53
13. Anong pangyayari ang nangyari noong taong 1891? A. Binalangkas ang El
Filibusterismo.
B. Ipinadala at nasamsam ang El Filibusterismo sa Hongkong.
C. Natapos ang sulat-kamay na nobelang El Filibusterismo sa Brussels.
D. Naipalimbag ang sulat-kamay ng El Filibusterismo sa Ghent, Belgium.

14. Anong pangyayari ang nangyari noong taong 1885? A. Binalangkas ang El
Filibusterismo.
B. Ipinadala at nasamsam ang El Filibusterismo sa Hongkong.
C. Natapos ang sulat-kamay na nobelang El Filibusterismo sa Brussels.
D. Naipalimbag ang sulat-kamay ng El Filibusterismo sa Ghent, Belgium.

15. Anong pangyayari ang nangyari noong Marso 1891?


A. Ipinadala at nasamsam ang El Filibusterismo sa Hongkong.
B. Sinimulan ang pagsulat ng El Filibusterismo sa London, England.
C. Natapos ang sulat-kamay na nobelang El Filibusterismo sa Brussels.
D. Naipalimbag ang sulat-kamay ng El Filibusterismo sa Ghent, Belgium.

Napakahusay! Natapos mo nang mahinusay ang


gawaing ito. Madali lang diba?

Buksan mo pa ang kasunod na pahina upang


matapos mo na ang araling ito. Siguradong
makakatulong ito sa plano mo sa buhay.

Karagdagang Gawain

Kagaya ni Rizal sa pagsusulat niya ng kanyang nobelang El Filibusterismo,


siya’y dumaan sa maraming pagsubok bago makamit ang adhikain. Ilang taon din
ang dumaan bago niya natapos ang kanyang nobela. Ngayon ay ikaw naman ang
gumawa ng timeline ng iyong buhay. Dalawampong taon (20 years) mula ngayon,
magiging ano kana sa iyong buhay?

54
2035 2020

2030 2025

Sa wakas natapos mo nang matagumpay ang araling


ito. Bilib ako sa husay mo. Kahanga - hanga ka!

Ngayong natapos mo na ang araling ito, sigurado


akong punong -puno ka na ng karunungan na
magagamit mo sa susunod na aralin.

Aralin Lingguhang Pangwakas na


5 Gawain

Alamin

55
Ang aralin 5 ay naglalaman ng ilang salitang ginamit sa kaligirang
pangkasaysayan ng nobelang El Filibusterismo. Kabilang din dito ang mga
kondisyon ng lipunan sa panahong isinulat ang akda. Dito mo rin makikita ang mga
patunay sa umiral na mga kondisyon na makikita sa nobela. Ang mga
magkakaugnay na pangyayari sa pagkakasulat ng nobela. Nagpapakita rin ito ng
mga pangyayari sa pagkakasulat ng El Filibusterismo kagaya ng mga balakid o
suliraning kinaharap ni Dr. Jose P. Rizal at pagpatatagumpay nito.

Tayahin

Sumulat ng isang sanaysay na nagpapatunay ng pag-iral ng mga kondisyon


ng lipunan sa panahong isinulat ang akda at mga magkakaugnay na mga pangyayari
sa pagkakasulat ng nobela. Gamitin ang sumusunod na salita sa ibaba at
salungguhitan ito.Gawin ito sa sagutang papel.
 himagsik
 panganib
 pang-aalipin
 kinamkam
 malantad

Sa pagkakataong ito ay handang -handa ka na


para sa pangwakas na gawain.

Ipakita ang iyong galing sa araling ito.

Pamantayan sa Paggawa (Sa Sanaysay, Ako’y Mahusay)


Mga 25 20 15 10
Pamantayan
Kompleto ang May dalawang Isang istraktura Walang
istrakturang istrakturang lamang ang istraktura ang
Istraktura
ginamit sa ginamit sa ginamit sa sanaysay.
sanaysay. sanaysay. sanaysay.

56
Wasto ang Mayroong ilan Mayroong iilan Marami ang di
gramatikang/ na di wasto sa na di wasto sa wasto sa
balarilang gramitikang/ gramitikang/ gramitikang/
Gramatika/ ginamit sa balarilang bararilang balarilang
Balarila at sanaysay. ginamit sa ginamit sa ginamit sa
Kaangkupan Angkop na sanaysay. sanaysay. sanaysay. Hindi
sa Paksa angkop ang Angkop ang Hindi gaanong angkop ang
mga kaisipan mga kaisipan angkop ang mga kaisipan
sa paksa. sa paksa. kaisipan sa sa paksa.
paksa.

Mabuhay! Ikaw ay nagtagumpay. Napakahusay ng iyong angking


galing sa pagsagot at paggawa ng iba't ibang gawain sa modyul
na ito.
Nawa ay nakatulong ang modyul na ito upang mas lalo pang
m apaunlad ang iyong kaalaman tun go sa iyong ikatatagumpay sa
buhay.
Isang masayang pagbati sa iyo at ipagpatuloy mo pa ang
kagalingan sa susunod na mga modyul.
Nawa ay pat nubayan ka ng Poong Lumikha.

57
58
59

You might also like