Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Araling Panlipunan 3

QUARTER 3 ARALIN 1: Ang Opisyal na Himno

Mga Layunin: Sa araling ito, ang mag-aaral ay:

 nakikilala ang opisyal na himno ng sariling lalawigan at rehiyon


 naipaliliwanag ang kahulugan ng nilalaman ng opisyal na himno ng sariling lalawigan
at rehiyon
 naibibigay ang kahalagahan ng opisyal na himno ng sariling lalawigan at rehiyon

Pag-Aralan!

Ano ang Himno?

Ang himno ay musika o awit na karaniwang ginagamit sa mga


seremonya. Ito ay galing sa isang salitang Griyego na ang ibig sabihin ay “awit
ng papuri.” Karaniwan itong ginagamit sa mga seremonyang panrelihiyon noon.
Kalaunan ay nagbago na ang kahulugan at gamit nito.

Ang opisyal na himno ng isang lalawigan o rehiyon ay isang awit na


nagpapakilala tungkol sa lugar at mga tao rito. Karaniwan itong inaawit sa mga
pagdiriwang o anumang seremonyang isinasagawa sa lalawigan o rehiyon tulad
ng pista, patimpalak, pagtataas ng watawat, at iba pang pagdiriwang na
dinadaluhan ng mga mamamayan ng lalawigan o rehiyon.
Mga Karaniwang Nilalaman ng Isang Himno ng Lalawigan o Rehiyon
 mahahalagang pangyayari o kasaysayan 
 kultura at tradisyon ng mga mamamayan
 mga likas na yaman at iba pang katangiang pisikal ng lalawigan o rehiyon
 pasasalamat sa mga biyaya tulad ng mga likas na yaman
 katangian at kaugalian ng mga mamamayan
 mga produkto, kabuhayan, at industriya 
 mithiin o pangarap ng mga mamamayan para sa kanilang lalawigan o
rehiyon

Tukuyin kung tama o mali sumusunod na mga pangungusap. Isulat sa gilid ng bawat numero


ang iyong mga sagot.

1. Ang himno ay musika o awit na karaniwang ginagamit sa pagdiriwang ng kaarawan.


2. Ang himno ng isang lalawigan o rehiyon ay naglalaman ng mithiin o pangarap ng
mga mamamayan.
3. Nagbibigay ng impormasyon ang himno tungkol sa isang lalawigan.
4. Ang himno ay naglalaman din ng pasasalamat para sa likas na yamang natatanggap ng
lalawigan.
5. Ang himno ng lalawigan ay maririnig lamang na inaawit sa paaralan.

Kahalagahan ng Himno ng Sariling Lalawigan at Rehiyon

 Pagpapahalaga, pagkilala, at pag-aalala ito sa kasaysayan ng sariling


lalawigan at rehiyon.
 Nagpapahayag ito ng pagpapahalaga sa Diyos na nagbibigay ng mga
biyaya sa lalawigan at rehiyon.

 Paraan ito ng pagpapasalamat sa mga yamang mayroon ang lalawigan at


rehiyon.
 Paraan ito ng pagmamalaki sa mga katangian at pisikal na anyo ng
sariling lalawigan at rehiyon.

 Ginigising nito ang makabayang damdamin ng mga mamamayan ng


lalawigan at rehiyon.
 Inilalarawan nito ang pagnanais at mithiin ng mga mamamayan tungo sa
kaunlaran ng lalawigan at rehiyon.

Magbigay ng dalawang sitwasyon kung saan at kailan ginagamit ang opisyal na


himno ng inyong lalawigan. Isulat sa kuwaderno ang iyong mga sagot.

 Ang opisyal na himno ng isang lalawigan o rehiyon ay mahalaga dahil nagpapahayag


ito ng pasasalamat at mithiin ng mga mamamayan tungo sa kaunlaran.

 Ang himno ay awit na karaniwang ginagamit sa mga seremonya at pampublikong


pagdiriwang o pagtitipon ng lalawigan at rehiyon.

 Ang bawat lalawigan at rehiyon sa Pilipinas ay may opisyal na himno.

 Ang pagkilala sa opisyal na himno ng sariling rehiyon at lalawigan ay pagpapakita ng


pagpapahalaga, pagmamalaki, at paggalang sa sariling rehiyon at lalawigan.

PAGSASANAY
A. Magsaliksik at humanap ng kopya ng opisyal na himno ng
iyongkinabibilangang lalawigan. Isulat ang pamagat at ang liriko ng himno sa
espasyo sa ibaba.

B. Pakinggan at suriin ang opisyal na himno ng inyong lalawigan. Ipaliwanag


ang kahulugan ng bawat saknong nito. Gamitin ang lirikong isinulat sa
Pagsasanay 1.
C. Sa pamamagitan ng isang slogan, ibigay ang kahalagahan ng pagkilala at
pag-alam sa himno ng inyong lalawigan at rehiyon. Isulat ang nabuong slogan
sa signboard sa ibaba.
Napakahusay mo sa paggawa ng worksheet na ito!

Prepared By:
Mrs. Charmene B. Hamsiraji

You might also like