PANUTO: Sagutin ang mga katanungan sa ibaba. Titik lamang ang isulat. Isulat sa sagutang papel. ______1. Itinuring ang kabihasnang Sumer bilang pinakamatanda at pinakaunang kabihasnan sa daigdig dahil A. nakapagtatag ito ng mga pamayanan at imperyo B. sa nagkaroon ito ng matatag na sistemang politikal C. sila ang nangibabaw na pamayanang nabuo sa lupain ng Fertile Crescent D. kinilala ang Sumer na unang sibilisadong lipunan ng tao na nangibabaw bunga ng marami nitong kontribusyon sa daigdig. ______2. Anong kabihasnan ang nakapag-ambag ng sistema ng pagsulat na tinawag na cuneiform? A. Sumer C. Shang B. Indus D. Lungshan ______3. Ano ang tawag sa templong dambana na itinatag ng mga Sumerian na kinilala nila bilang dambana ng kanilang diyos o diyosa? A. Great Wall of China C. Ziggurat B. Taj Mahal D. Hanging Garden ______4. Ano ang cuneiform, pictograph, at calligraphy? A. Sistema ng Pagsulat C. Sistemang Panlipunan B. Sistemang Pampolitika D. Sistemang Relihiyon ______5. Ano ang kabihasnang umusbong malapit sa lambak sa pagitan ng Ilog Huang Ho at Yangtze? A. Kabihasnang Shang C. Kabihasnang Sumer B. Kabihasnang Indus D. Kabihasnang Pinoy ______6. Ang ziggurat ay templo sa anong kabihasnan? A. Kabihasnang Shang C. Kabihasnang Sumer B. Kabihasnang Indus D. Kabihasnang Pinoy ______7. Nawala ang mauunlad na kabihasnan ng Sinaunang Asya? A. dahil sa mananakop. C. kawalan ng pagkakaisa ng mga mamamayan B. kawalan ng mabuting pinuno D. lahat ng nabanggit ______8. Sa anong kabihasnan naimbento ang potter’s wheel at paggamit ng kalendaryong lunar? A. Kabihasnang Shang C. Kabihasnang Sumer B. Kabihasnang Indus D. Kabihasnang Aryan ______9. Sa anong kabihasnan nahahati sa dalawang bahagi ang lungsod−citadel at mababang bayan? A. Kabihasnang Shang C. Kabihasnang Sumer B. Kabihasnang Indus D. Kabihasnang Aryan ______10. Anong kabihasnan namumuno ang isang emperador na pinaniniwalaang pinili ng langit? A. Kabihasnang Shang C. Kabihasnang Sumer B. Kabihasnang Indus D. Kabihasnang Aryan ______11. Anong mga pamamaraan o paghahanda ang ginawa ng mga kabihasnang umusbong sa Asya upang hindi sila magapi ng hamon ng kalikasan sa kanilang lugar tulad ng mga baha at kalamidad? A. Nagtayo sila ng mga dike na haharang sa mga tubig na maaaring sumira sa kanilang lupain kapag panahon ng pag-ulan. B. Nagtanim sila ng malalaking puno sa tabi ng ilog. C. Nagtatago sila at bumabalik sa mga kweba kapag panahon na may ulan. D. Nagtayo sila ng mga dike at nagtanim ng mga malalaking puno at inayos ang mga daluyan ng tubig upang hindi pumasok sa kanilang pamayanan ______12. Binubuo ito ng 500 na mga simbolo sa pagsulat. A. Cuneiform C. Calligraphy B. Alibata D. Dholavira ______13. Nabuo ang isang kabihasnan sa pagkakaroon ng ______________. A. sentralisadong pamahalaan, relihiyon, uring panlipunan, sining,arkitektura at sistema ng pagsulat B. pamahalaan, relihiyon, sining, arkitektura at sistema ng pagsulat C. maayos ang pamumuhay at nabago ng kapaligiran D. paglaki ng populasyon at napangkat ang tao ayon sa kakayahan ______14. Anong anyong tubig ang isa sa mga salik na nakakaapekto sa pagkakabuo ng kabihasnan? A. Ilog C. Lawa B. Dagat D. Talon ______15. Butong panghula at paraan ng pakikipag usap sa kanilang diyos. A. Clay Tablet C. Stylus B. Oracle Bone D. Scribe ______16. Ang sistemang panlipunan at politika sa Kabihasnang Shang. A. Citadel C. Piyudalismo B. Teokrasya D. Mesopotamia ______17. Ito ang tinatawag na cradle of civilization. A. Citadel C. Piyudalismo B. Teokrasya D. Mesopotamia ______18. Ano ang hanapbuhay ng mga mamayan ng kabihasnang Sumer? A. Pagsasaka C. Pangangaso B. Pangingisda D. Paglalako ______19. Anong pangkat ang bumuo sa Kabihasnang Indus? A. Sumerian C. Chinese B. Dravidian D. Indian ______20. Ano ang tawag sa tagatala ng mga pangyayari sa kabihasnang Sumer? A. Clay Tablet C. Stylus B. Oracle Bone D. Scribe