Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Daily Lesson Plan in MUSIC IV

Date: January 9, 2023


Monday
6:30-7:10 FOUR- TOURMALINE
9:00-9:40 FOUR- OPAL
10:40-10:20 FOUR-AQUAMARINE
11:20-12:10 FOUR-ONYX

I Layunin: Nakikilala ang pinakamataas at pinakamababang antas ng mga note sa musika at nasusula ang lawakng tunog nito
II Paksang-aralin:
Paksa: Tunog na Pinakamataas at Pinakamababa
Lunsarang Awit: “Pentik Manok”, G , 2/4, pentatone, mi
“Solidommay” F, 2/4, so, A
Sunggunian: Musical Wonders 3,p.205
Filipino Song Collection, p.96
Kagamitan: CD/CD player, chart ng mga awit, mga larawang nagpapakita tungkol sa mga awit
Pagpapahalaga: pangangalaga sa Kapaligiran
Konsepto: Ang bawat awit o tugtugin ay nagtataglay ng pinakamataas na tono at pinakamababang tono. Ito ay binibigyang pansin
upang malaman ang lawak ng tono na ginamit sa awitin.

III. Pamamaraan:

A. Pangunahing Gawain
1. Pagsasanay
a. Rhythmic
Pagpangkatin ang mga bata sa tatlo. Ipagawa ang sumusunod ayon na nakasaad na rhythmic pattern.
I- Tatalon patungo sa unahan
II- Tatapik sa upuan o mesa
III- papalakpak
b. Tonal
Pagsanayan ang tono ng mga s-fa-syllable
Gamitin ang mga Kodaly Hand Sign upang Makita ag agwat o pagitan ng mga tunog. ( Maaring pangkatin
ang mga bata.)
(do-re), (do-mi), Do-fa), (do-so), (do-la), (do-do)
2. Balik-aral
1. Iguhit sa hangin ang mga daloy ng melody na maririnig sa awitin. Awitin ng guro ang bahagi ng awit na
ito.
2. Awitin ang “Ang Batang Masipag”
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Iparirinig ng guro ang mga so-fa syllable na may iba’t ibang agwat ng tono. Maari ding gamitin ang mga Kodaly
hand sign upang ipakita ang direksiyon ng himig

Tingnan ang mga so-fa syllable ayon sa senyas-kamay ng Kodaly


Ano ang napansin ninyo sa mga agwat ng note sa mga sofa syllable?
Mayroon bang maikli o malaking agwat
Ano ang range ng boses kung malapit ang pagitan?
Kapag Malaki naman ang pagitan, ano ang rage nito?
Nakaya mo bang awitin ang pinakamataas na tono?
Paano mo ito inawit?
2. Paglalahad
- Tingnan ang mapang pilipinas. Ipaturo sa mga bata ang kinalalagyan g Mindanao. (Bagobo- Davao del Sur,
Davao del Norte)
- Pagtuturo ng awit sa pamamagitan ng rote method
- Pag-uusap tungkol sa mga titik ng awit
- Awiting ang “Pentik Manok”
- Sa pamamagitan ng score ng mg await ipatukoy sa mga bata ang mga nota na may pinakamataas at
pinakamababang tono.
3. Pagtatalakay
- Awiting mula ng “Pentik manok” at “Salidommay”
- Sabihin na sa awit na to ang pagitan o range ay 5, G-D. ito ay may maikling range
- Sa awiting “Salidommay”. Ang pagitan ay mahigpit sa walo. Ito ay may malawak na range.
- Ipatukoy sa mga bata sa mga chart ng awit ang sukat, kung saan makikita ang pinakamataas at
pinakamababang range ng awit.
- Ano ang kailangan upang maihatid ang range sa pinkamataas at pinakamababang antas? (Maawit ito sa
wastong tono.)
4. Paglalahat
Makikilala ang pinakamataas at pinakamababang tonos a awit sa pamamagitan ng range ng pagitan ng tono nito.
5. Paglalapat
1. Pangkatin sa tatlo ang mga bata. Ipasuri angrange ng mga note sa mga bahagi ng mga melodic phrase.
Tukuying ang range ng mga note sa mga melodic phrase
6. Repleksiyon
Ano ang kahalagahan ng range ng tonos a pagpapahayag ng damdamin ng isang awitin?
C. Pangwakas na Gawain
Muling ipaawit sa klase ang lunsarang awit na bibigyang damdamin ang pinakamtaas at pinakamababang tono
IV.Pagtataya
1. suriin ang mga note at tukuyin ang range ng pinakamataas at pinakamababang note. Sulat din kung malawak
o maikli ang range ng pagitan ng bawat note.
2. Pakinggan ang mga bahagi ng awiting “My Heart Will Go On”, somewhere Over the Rainbow:. At Pilipinas
Kong Mahal. Tukuyin ang range ng tunog kung malak o maikli.

IV. Takdang-aralin

Gumawa ng atlong sukat. Gumuhit ng tig-tatlong note sa bawat sukat at tukuyin ang range ng pinakamataas at
pinakamababang note.

Maari din itong iparinig sa klase gamit ang lyre o piano.

You might also like