Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Gawain 2:

Gawain 3:

Nasa ika-pitong baitang ako sa hayskul noong makakilala ako ng isang striktang
guro. Guro namin siya sa asignaturang Ingles at inatasan niya kaming sumulat ng
journal para sa aming diary. Noong oras ng klase niya, pumila na ako, kasama ng aking
mga kaklase para ipabasa at markahan niya ng grado ang aming ginawang diary.
Ipinabasa ko na ang aking gawa, natuwa siya pagbabasa ng ilang pahina ngunit bigla
niya akong pinagalitan. Mali kasi ang pagkakabaybay ko ng salitang ‘tomorrow’. Noon
ay madali talaga akong malito sa pagsusulat ng mga salita kaya naiiba ko ang mga
letrang dapat ay doble. Napigilan ko naman ang luha ko noong sabihin niyang, “hayskul
ka na pero simpleng salita lang hindi mo pa alam ang tamang spelling!”. Mula noong
araw na ‘yon, sinikap kong magbasa ng mga diksyonaryo at libro upang maging
pamilyar ako sa iba’t ibang mga salita, at sa pagtagal ay mas lumawak ang aking
bokabularyo at hindi na mulinh nagkamali pa sa pagbaybay ng salitang ‘tomorrow’.
Noong ako ay nasa labing tatlong taong gulang ay wala akong sariling telepono,
hindi kagaya ng mga kaklase ko. Hindi naman kasi kami mapera para mabilhan ako
kaagad ng kahit ano kapag gusto ko. Kalaunan, nagkaroon ako ng sariling telepono
ngunit dahil ito ay mura at mababa ang kalidad, madali itong nasira. Agad akong
nagsabi sa aking nanay upang mabilhan ako ng bago. Wala pa akong ipon noon kaya
pinapili niya ako, bibilhan ako agad ng bagong telepono pero kagaya ng dati ay mura
lang at mababa ang kalidad pero kung kaya kong mag-intay para makapag-ipon pa ay
bibilhan na raw nila ako ng may kamahalang telepono, mataas ang kalidad para
siguradong matibay at magtatagal. Mas pinili kong mag-intay para sa mas magandang
telepono kaya naman nagtiis ako ng ilang buwan, at pagkatapos ng ilang buwang pag-
iintay, binilhan na ako ng bagong telepono na mas maganda ang kalidad kaysa nauna.
Matagal man akong nag-intay, ayos lang dahil mas matagal ko naman itong
mapapakinabangan.

You might also like