SG - FPL 11 - 12 Q2 1102 - Mga Pormal Na Liham - Pagpapakilala, Aplikasyon, at Pagsubaybay

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 18

Yunit 11: Pagsulat ng Pormal na Liham

Aralin 2: Mga Pormal na Liham:


Pagpapakilala, Aplikasyon, at Pagsubaybay
Nilalaman
Pansinin 1
Panimula 1
Mga Layunin 2

Tuklasin 2

Alamin 4
Liham Pagpapakilala 4
Liham Aplikasyon 6
Liham Pagsubaybay 8

Palawakin 9
Gawain 1 9
Gawain 2 12

Suriin 13

Paglalahat 16

Bibliograpiya 17
Yunit 11.2: Mga Pormal na Liham: Pagpapakilala, Aplikasyon, at Pagsubaybay

Pansinin

Panimula

Lar. 1. Dapat na malinang nang husto sa mga mag-aaral ang kasanayan sa pagsulat ng
pormal na liham para sa ikalalawak ng larangang kanilang maaaring galawan.

Malaking bahagi ng pagkatuto at karanasang paglinang ng mga mag-aaral sa loob ng


paaralan at institusyong pang-akademya ang nakatuon sa pagsulat. Isa itong palatandaan at
pagpapatibay ng kahalagahan ng pagsulat bilang isang kasanayang pangwika sa larangan ng
pakikipagtalastasan at pagpapaunlad ng sariling katauhan. Nakatanaw ang gayong
karanasang paglinang sa layuning humubog ng mga taong may kakayahan at
pagpapahalaga sa pagsasalin ng ideya, impormasyon, at danas sa kapuwa nang hindi
kinakailangang magsalita, sapagkat nasusulat ito at naisasalin nang paulit-ulit kung
kinakailangan. Sa yunit na ito, itinatampok ang iba’t ibang uri ng pormal na liham na wika
nga, “malapit sa bituka” ng mga mag-aaral na magsisipagtapos ng danas ng pagkatuto at
papalaot sa kani-kaniyang napiling larangan sa labas ng akademya.

1
Yunit 11.2: Mga Pormal na Liham: Pagpapakilala, Aplikasyon, at Pagsubaybay

Mga Layunin
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang
● nakikilala ang mga pormal na liham ng pagpapakilala, aplikasyon, at pagsubaybay;
● natutukoy ang mga katangian ng mga pormal na liham ng pagpapakilala, aplikasyon,
at pagsubaybay; at
● nakapagbibigay ng sariling pagsusuri sa mga natunghayang halimbawa ng iba’t ibang
pormal na liham.

Kasanayang Pampagkatuto ng DepEd


nakikilala ang mga katangian ng mahusay na sulating akademiko sa pamamagitan ng mga
binasang halimbawa (CS_FA11/12PB-0m-o-102)

Tuklasin

5 minuto

Mga Kagamitan
● ½ manila paper
● pentel pen

Magpangkat-pangkat ang klase na may tig-aapat na kasapi. Inaatasan ang bawat pangkat na
magtala ng iba’t ibang uri ng pormal na liham na kanila nang nalalaman, at kailangang
mailarawan ang mga ito batay sa inisyal na pagkakaalam at pagkakakilala.

Maghanda sa isang masigla at malayang talakayan.

2
Yunit 11.2: Mga Pormal na Liham: Pagpapakilala, Aplikasyon, at Pagsubaybay

Mga Gabay na Tanong

1. Anong pangkatang estratehiya ang ginawa ng pangkat upang makalap ang mga sagot
nito sa gawain?

2. Paano natukoy ng pangkat ang mga naitalang uri ng pormal na liham at sa mga
kaligirang impormasyong nalalaman nila hinggil sa mga ito?

3. Ano sa inyong palagay ang kaugnayan ng gawain at mga bunga nito sa araling
nakatakdang talakayin ngayon?

3
Yunit 11.2: Mga Pormal na Liham: Pagpapakilala, Aplikasyon, at Pagsubaybay

Alamin

Malaki ang pagturing sa liham bilang isa sa iilang pangunahing pasulat na kasangkapan ng
pakikipagtalastasan. May katangian itong mapagtibay ang ugnayan sa pagitan ng mga
sangkot sa talastasan at ang kaloobang nahahayag ng tao sa pabatid, maipakilala ang diwa
ng isang uri ng komunikasyong naglalayong magkaroon ng maayos na kaganapan, at
magsakatuparan ng isa o higit pang adyendang tinatanawan ng mainam na bunga ng
magkabilang panig.

Sa talakayang ito, ilalagay sa kamay ng mga mag-aaral ang kahingiang makilala ang tatlo sa
mga uri ng pormal na liham na pangunahing magagamit sa labas ng akademya bilang
sandata sa pakikipagsapalarang makapasok sa napiling larangan ng pagpapakahusay at
bokasyon.

Paano nababago ang buhay ng isang mag-aaral


tungo sa napili nitong larangan sa pamamagitan ng
pagsulat ng isang mabisang pormal na liham?

Liham Pagpapakilala
Isa itong uri ng liham na isinusulat upang magpakilala. Ang liham pagpapakilala ay bunsod
ng personal na pangangailangan o kahilingan ng taong nagpapakilala sa pinakapormal na
paraan.

Ginagawa ito upang makilala ng sumulat ang kakausaping opisyal kaugnay ng anumang
transaksiyong kaugnay ng kanilang komunikasyon. Nakabatay ang pormalidad nito sa
kalikasan ng layunin ng lumiliham, gayundin sa relasyon ng sumulat sa sinusulatan. Tampok
dito ang pagpapabatid ng pagkakakilanlan ng nagpapakilala at ang dahilan ng
pagpapakilala.

4
Yunit 11.2: Mga Pormal na Liham: Pagpapakilala, Aplikasyon, at Pagsubaybay

Halimbawa:

13 Mayo, 2020

Ginoong Francisco Suarez


Punong Tagapamahala, Talent Quality Corporation
Mother Ignacia Avenue, Diliman
1801 Lungsod Quezon

Mahal na Ginoong Suarez,

Isang mainit na pagbati!

Ako po si Ana Isabel Manalang, 17 taon gulang. Kabilang po ako sa mga magsisipagtapos ng Senior
High School ng taong ito, mula sa paaralan ng Marcelo H. del Pilar National High School. Kasalukuyan
po akong naghahanap ng tanggapang mapagsasanayan bilang isa sa mga pangangailangan ng
pagtatapos.

Layunin po ng aking pagliham ang makadulog ng tulong na makapasok sa inyong tanggapan bilang
apprentice. Isa po akong responsable, mapagkakatiwalaan, at masigasig sa aking ginagawa. Kabilang
po ako sa mga nangunguna sa aming klase para sa mga pang-akademiko at extra-curricular na
larangan.

Lakip po ng liham na ito ang katibayan ng aking mga marka, kasama ang isang rekomendasyon mula
sa aming strand coordinator. Kung mangyaring alinlangan po kayo sa aking kakayahan, handa po
akong sumailalim sa isa o serye ng mga pagsusulit. Hiling ko po na mabigyang pansin ang akin pong
idinudulog.

Ipinapauna ko po ang aking taos na pasasalamat.

Lubos na sumasainyo,

Ana Isabel Manalang

5
Yunit 11.2: Mga Pormal na Liham: Pagpapakilala, Aplikasyon, at Pagsubaybay

Liham Aplikasyon
Ang liham aplikasyon ang isang uri ng pormal na liham na ipinadadala ng sinomang
nagnanais na makapaglingkod sa isang tanggapan. Ginagamit din ito sa mga legal na
transaksyon at paraan ng pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang sangay ng isang ahensiya o
organisasyon.

Nagiging mabisa ang pagtanggap at maganda ang impresyon sa isang liham aplikasyon
kung maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya at tuwirang pananalitang nakapaloob
sa katawan ng liham. Mahalagang natutukoy nang malinaw at tiyak ang posisyong nais
aplayan at naibabahagi ang kahandaan ng pakikipanayam anumang oras na kinakailangan.

Bukod sa ilang personal na impormasyon, inaasahang nasasaad sa liham na ito ang mga
dahilan kung bakit nag-aaplay sa partikular na posisyon ang isang aplikante. Mainam ang
paraan ng paglalahad na impormatibo, may kababaang-loob, at may paggalang.

Hindi hinihikayat ang paglikha ng liham aplikasyong “generic” o puwedeng umayon sa


pangkalahatan. Inaasahang magiging partikular ang pagtalakay ng sariling kakayahan at
kaligirang impormasyon na may kinalaman sa posisyong inaaplayan. Gayundin, hindi
mainam ang pambobola o kaya ay pagyayabang ng mga tungkol sa sarili. Sapat na ang
talakayin lamang ay ang mga pangunahin at kailangang impormasyong kaugnay sa
posisyong inaaplayan.

Sa huli, tiyaking maipatid sa pinadadalhan ng liham ang tungkol sa mga dokumentong lakip
(kung mayroon man) upang makabuo ng magandang ugnayan. Maaari ding maglahad ng
mga kakayahan at kasanayang maibabahagi para sa kompanya o ng organisasyon.

6
Yunit 11.2: Mga Pormal na Liham: Pagpapakilala, Aplikasyon, at Pagsubaybay

Halimbawa:

13 Mayo, 2020

Ginoong Francisco Suarez


Punong Tagapamahala, Talent Quality Corporation
Mother Ignacia Avenue, Diliman
1801 Lungsod Quezon

Mahal na Ginoong Suarez,

Isang mainit na pagbati!

Nais ko pong mag-aplay bilang Junior Researcher ng inyong tanggapan.

Nagtapos po ako ng Batsilyer sa Komunikasyong Pananaliksik (Bachelor in Communication Research) sa


Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas. Nagtapos po ako bilang Cum Laude at nagkamit ng ibat’ ibang
parangal sa larangan ng pananaliksik at panulat. Ilan sa mga huling gantimpla na aking nakamit ay
ang Unang Gantimpala sa pagsulat ng sanaysay sa Filipino na iginawad ng KATAGA PUP Honor’s Society
at Pinakamahusay na Tesis para sa taunang akademiko ng 2020 na iginawad ng Kolehiyo ng
Komunikasyon-PUP.

Ako po ay pumasok bilang apprentice sa isang independiyenteng organisasyon para sa kabataan,


Children’s Rehabilitation Center, ako po ay naging katuwang na mananaliksik at manunulat. Naging
bahagi po ako ng dokumentasyon ng pagkakakilanlan ng mga batang kinakalinga ng organisasyon sa
ilalim ng mga opisina nito sa iba’t ibang rehiyon sa kalakhan ng bansa. Malaki po ang aking
paniniwalang malaki ang aking maiaambag sa lalo pang pagpapalawak ng inyong tanggapan sa
pamamagitan ng mahusay na piyesang ibinunga ng masikhay na pananaliksik.

Mula rito, aking hinihiling ang pagsasaalang-alang ninyo sa aking kuwalipikasyon upang mabigyan ng
pagkakataong maging bahagi ng inyong marangal na tanggapan. Nakahanda po akong tumugon sa
inyong paanyaya ng panayam at pagsusulit sa oras at araw na inyong itatakda. Maaari po akong
matawagan sa telepono sa mga numerong ito--802-7693 at 09291688888.

Mabuhay po kayo at aking ipinapauna ang aking pasasalamat.

Lubos na sumasainyo,

7
Yunit 11.2: Mga Pormal na Liham: Pagpapakilala, Aplikasyon, at Pagsubaybay

Ana Isabel Manalang

Liham Pagsubaybay
Ito ang liham na ipinadadala upang alamin ang kalagayan ng liham na nauna nang
naipadala, subalit hindi pa nabibigyan ng tugon. Nagsisilbi itong paalaalang
mabigyang-pansin ng pinag-ukulan ang naunang liham.

Kabilang sa mga uri ng liham na nararapat subaybayan ay ang liham kahilingan, liham
paanyaya, at ang liham aplikasyon.

Sa pagsulat nito, laging dapat isaalang-alang ang magalang na pagbabanggit sa petsa at


layunin ng naunang liham.

Halimbawa:

16 Mayo, 2020

Ginoong Francisco Suarez


Punong Tagapamahala, Talent Quality Corporation
Mother Ignacia Avenue, Diliman
1801 Lungsod Quezon

Mahal na Ginoong Suarez,

Isang mapagpalang araw po!

Magalang po akong dumudulog upang alamin ang kasalukuyang kalagayan ng aking aplikasyon bilang
Junior Researcher ng inyong tanggapan. Ipinadala ko po ang nasabing liham noong Mayo 13 ng
kasalukuyang taon.

Kaugnay po nito, buong kababaang-loob po akong humihiling na sana po ay inyong mabigyang-pansin


ang akin pong aplikasyon.

Ipinapauna ko po ang aking taos na pasasalamat.

8
Yunit 11.2: Mga Pormal na Liham: Pagpapakilala, Aplikasyon, at Pagsubaybay

Lubos na sumasainyo,
Ana Isabel Manalang

Mga Tip
Tulad ng iba pang sulating akademiko, may pagsasaaalang-alang at
tagubiling maaaring gamiting gabay upang makasulat ng isang
mabisang pormal na liham.
● Tiyaking tama at husto ang iba’t ibang impormasyong isasaad
sa liham.
● Hangga’t maaari, limitahan lamang sa isang pahina ang
liham.
● Panatilihin ang pagiging magalang sa paglalahad sa buong
daloy ng liham.
● Huwag magpaulit-ulit sa pagbabanggit ng pareho lamang na
detalye ng impormasyon.
● Laging tiyaking husto ang pahina ng liham, lalo na sa
pagkakataong mayroon itong lakip na dokumento.
● Sikaping maging impormatibo ang nilalaman ng liham, at
huwag ilalayo sa layunin ng pagliham ang magiging
paglalahad.

Palawakin

Gawain 1
Basahin ang sumusunod na impormasyong nakapaloob sa isang liham. Iwasto ito ayon sa
dapat na pagkakasunod-sunod o pagkakabalangkas. Ilagay ang sagot sa kahon sa ibaba.
1. Lubos na gumagalang,
2. Mahal na Ginang Tupaz
3. Nabasa ko po sa pahayagang Philippine Daily Inquirer noong Marso 12, 2020 na kayo
ay nangangailangan ng Computer Programmer.
4. Lorenz Lee Olimpo
5. Hiling ko po na mabigyang-pansin ang aking kakayahang nabanggit sa liham na ito at
suriin kung ako po ay kabilang sa mga kuwalipikado. Nakahanda po akong

9
Yunit 11.2: Mga Pormal na Liham: Pagpapakilala, Aplikasyon, at Pagsubaybay

makapanayam sa anomang araw at oras na inyong itakda.

6. Gng. Shirley Tupaz


Punong Tagapamahala, Advanced Solutions, Inc.
Kalye Hidalgo, Quiapo
Sta. Cruz, Lungsod ng Maynila
7. 16 Mayo, 2020
8. Ako po si Lorenz Lee Olimpo, 18 taong gulang at kasalukuyang mag-aaral ng Grade
12, sa ilalim ng Track na TVL-ICT-CP sa Jose Abad Santos Senior High School, Lungsod
ng Maynila.
9. Bagaman ako po ay nag-aaral pa, sapat po ang aking kaalaman upang maging
kapaki-pakinabang sa inyong kompanya at maaasahan sa posiyong aking inaaplayan.
Kinilala na po ang aking kakayahan bilang “Computer Programmer of the Year” sa
mga patimpalak ng paaralan. Nakasali na rin po ako sa mga patimpalak sa labas ng
paaralan at nakakuha ng mga espesyal na pagkilala sa larangan ng JAVA. Isa rin po
ako sa mga mag-aaral na nagunguna sa aming klase.

10
Yunit 11.2: Mga Pormal na Liham: Pagpapakilala, Aplikasyon, at Pagsubaybay

Gabay sa Pagsagot
Suriing mabuti ang bawat uri ng impormasyong nasusulat sa bawat bilang ng mga
detalye. Sa pagsusuri ng katawan ng liham, tiyaking malinaw ang pagtatahi ng mga
ideya upang mapagsunod-sunod ito nang tama.

11
Yunit 11.2: Mga Pormal na Liham: Pagpapakilala, Aplikasyon, at Pagsubaybay

Gawain 2
Batay sa naunang gawain, tukuyin kung anong uri ng pormal na liham ang natunghayan.
Bigyang-katuwiran ang sagot gamit ang mga pahayag at impormasyong isinaad mismo sa
liham. Gayundin, bigyang-puna kung mabisa ba o hindi ang naturang liham at lagyan ng
maikling paliwanag ang inyong sagot.

Gabay sa Pagsagot
Basahing mabuti ang katawan ng liham. Mapapansin sa mga pahayag ang mga
hudyat na salitang magtuturing kung anong uri ng pormal na liham ito. Gamitin
ang mga hudyat na salita o pahayag na ito bilang pagpapatibay ng inyong sagot at
paliwanag.

12
Yunit 11.2: Mga Pormal na Liham: Pagpapakilala, Aplikasyon, at Pagsubaybay

Suriin

A. Sagutin ang sumusunod at ipaliwanag sa sariling


pangungusap.

1. Paano maitatangi ang liham pagpapakilala sa iba pang uri ng pormal na liham?

2. Ano ang malinaw na pagkakaiba sa pagitan ng liham pagpapakilala at liham


aplikasyon?

3. Paano nagiging mabisa ang isang liham aplikasyon sa kabila ng kawalan pang sapat
na karanasan sa propesyon ang sumusulat?

13
Yunit 11.2: Mga Pormal na Liham: Pagpapakilala, Aplikasyon, at Pagsubaybay

4. Ano ang liham pagsubaybay?

5. Ano o ano-ano ang pangunahing dapat tandaan at iaplay sa pagsulat ng liham


pagsubaybay?

B. Sagutin ang sumusunod at ipaliwanag sa sariling


pangungusap.

1. Bakit mahalagang magalang ang pananalita ng sumusulat sa kaniyang pormal na


liham?

14
Yunit 11.2: Mga Pormal na Liham: Pagpapakilala, Aplikasyon, at Pagsubaybay

2. Paano nakaaapekto ang paraan ng paglalahad at pananalita ng sumusulat sa


impresyon ng sinulatan?

3. Gaano kahalagang wasto ang lahat ng impormasyong nasasaad sa anumang uri ng


pormal na liham na isusulat?

4. Paano maaaring hindi maging katanggap-tanggap ang pagpapaabot ng liham


pagsubaybay kaugnay ng naunang liham na ipinadala?

15
Yunit 11.2: Mga Pormal na Liham: Pagpapakilala, Aplikasyon, at Pagsubaybay

5. Paano maaaring magamit ng mga mag-aaral na magsisipagtapos ang mga


natunghayang kaalaman sa pormal na liham?

Paglalahat
___________________________________________________________________________________________

● Tampok ang liham pagpapakilala, liham aplikasyon, at liham pagsubaybay bilang mga
pangunahing uri ng pormal na liham na dapat nakikilala at natututuhang gawin ng mga
mag-aaral sa Senior High School, sapagkat isa ito sa mga pangunahing sulatin na
magagamit sa labas mismo ng akademya at pakikipagtalastasan sa napiling larangan.
● Nagkakaisa ang liham pagpapakilala, liham aplikasyon, at liham pagsubaybay na ang
susi sa mabisang pormal na liham ang paglalahad ng makatotohanan at hustong
impormasyon, may paggalang, tuwiran at may sapat na haba lamang, at kumikilala sa
antas at katayuan ng taong pinag-uukulan.
___________________________________________________________________________________________

16
Yunit 11.2: Mga Pormal na Liham: Pagpapakilala, Aplikasyon, at Pagsubaybay

Bibliograpiya

Ellevera, Sheena Mari Uy. " Pagsulat ng Resume at Liham-Aplikasyon."


https://www.scribd.com/document/414081672/Pagsulat-Ng-Resume-at-Liham,
nakuha noong Mayo 13, 2020.

Fortunato, Teresita et. al. “Mabisang Pakikipagtalastsasan sa Filipino (Filipino I sa


Pamantasan).” Manila: REX Book Store, (1991).

Guamen, Pructuosa et. al. “Tanging Gamit ng Filipino.” Manila: REX Book Store, (1986).

“Lesson 5 Cover Letter/Letter of Introduction Writing."


http://www.laep.org/wp-content/uploads/2015/06/Cover-Letter.-Lesson-Plan.pdf,
nakuha noong Mayo 14, 2020.

Villanueva, Leonida B., at Rogelio G. Mangahas, mga patnugot. Patnubay sa


Korespondensiya Opisyal, Ikaapat na Edisyon. Manila: Komisyon sa Wikang Filipino,
2015.
https://kwf.gov.ph/wp-content/uploads/2015/12/Patnubay-sa-Korepondensiya-Opi
syal_ikaapat-na-edisyon_ikalawang-limbag.pdf, nakuha noong Mayo 3, 2020.

17

You might also like