Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

KALUPI NG PUSO

Talaan ng aking mga dinaramdam,


Kasangguning lihim ng nais tandaan,
bawat dahon niya ay kinalalagyan
ng isang gunitang pagkamahal-mahal

Kaluping maliit sa tapat ng puso


ang bawat talata’y puno ng pagsuyo,
ang takip ay bughaw, dito nakatago
ang lihim ng aking ligaya’t siphayo.

Nang buwan ng Mayo kami nagkilala


at tila Mayo rin nang magkalayo na;
sa kaluping ito nababasa-basa
ang lahat ng aking mga alaala.

Nakatala rito ang buwan at araw


ng aking ligaya at kapighatian…
isang dapithapo’y nagugunam-gunam
sa mga mata ko ang luha’y umapaw…

Anupa’t kung ako’y tila nalulungkot


binabasa-basa ang nagdaang lugod;
ang alaala ko’y dito nagagamot,
sa munting kaluping puno ng himutok.

Matandang kalupi ng aking sinapit


dala mo nang lahat ang tuwa ko’t hapis;
kung binubuksan ka’y parang lumalapit
ang lahat ng aking nabigong pag-ibig.

Sa dilaw mong dahong ngayon ay kupas na


ang lumang pagsuyo’y naaalaala,
O, kaluping bughaw, kung kita’y mabasa
masayang malungkot na hinahagkan ka…

May ilang bulaklak at dahong natuyo


na sa iyo’y lihim na nangakatago,
tuwi kong mamasdan, luha’y tumutulo
tuwi kong hahagkan, puso’y nagdurugo.
1. Ano ang nililinisan ng ina?

2. Ano ang hinahati ng ina?

3. Kanino ibibigay ang piyano?

4. Ano ang ibibigay kay Itang?

5. Bakit naisipang hatiin ng ina ang munting yamang

maiiwan?

6. Ano ang naramdaman ng anak nang paghati-hatiin ng

ina ang mga kagamitan?

7. Ginusto ba ng bata ang pamanang piano para sa kanya?

Ipaliwanag.

8. Ano kaya ang iyong mararamdaman kung

mamamaalam na ang inyong ina o ama?

9. Ano ba ang dapat mong gawin habang buhay pa ang

iyong mga magulang?

10. Ano ba ang mensaheng nais ipahatid ng akda?


TALAMBUHAY NI JOSE CORAZON DE JESUS ALYAS
HUSENG BATUTE

Si JOSE CORAZON DE JESUS ay ipinanganak sa Sta Cruz noong


taong 1896. Ang kaniyang ama ay si Dr. Vicente de Jesus at ang
kanyang ina ay si Susana Pangilinan. Ang kanyang dalawang kapatid
ay sinaVicente,Jr., na siyang panganay, at si Rosa, ang bunso. Mahilig
rin siya sa pag-awit, pagtugtog ng piyano, at ng iba't ibang larong
pampalakas.

Bata pa lamang si Pepito ay namulat na siya sa mga tulang tagalog,


awit at korido, sa "Florante at Laura", "SanRaymundo", at iba pang
aklat na tagalog na lubhang babasahin noong araw.Masasabing dito
nagsimula ang pagtangkilik at pagkabihasa ni Pepito sa tulangtagalog.
Ang unang tulang ginawa niya ay Pangungulila noong siya ay 17 taong
gulang pa lamang.

Siya’y nag aral ng kolehiyo sa Escuela deDerecho at kumuha ng


kursong Abogasya. Nang magtapos siya ng batas noong 1919 ay hindi
siya kumuha ng iksamen upang maging tunay na abogado. Sa halip ay
ipinagpatuloy ang kanyang matagal ng hilig, ang pagtula. Noong
Oktubre ng 1918 ay itinanan ni Jose Corazon ang binibining si
Asuncion Lakdan. Sa kanilang pagsasama ay nagkaroon sila ngtatlong
anak. Ang mga ito ay sina Teresa, Jose at Rogelio. Si Jose Corazon ay
hindi lamang makata at manunulat kundi isa rin namang
mamamahayag.
Naging manunulat siya sa mga pahayagang "Demokrasya",
"Pagkakaisa", "Taliba","Mabuhay", at "Sampagita". Pero higit siyang
kilala sa larangan ng "Balagtasan" at pagbigkas. Siya ay tinaguriang
Hari ng Balagtasan. Nakapagsulat siya ng mahigit na apat na libong
tula sa kaniyang kolum na Buhay Maynila.

Si Jose Corazon de Jesus, o Huseng Batute, ay binawian ngbuhay ng


ganap na ika-12:02 ng tanghali, noong Mayo 26, 1932 sa edad na 36
ldahil sa isang sakit na ulcer.

You might also like