Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

1. PALAKANG HIGA, LAGING NAKAHIGA, KAHIHIGA PA LAMANG, HIHIGA NA NAMAN.

2. PITUMPUT-PITONG PUTING TUPA.

3. ANG RELO NI LEROY NA ROLEX AY NAGKA LURAY LURAY.

4. SINUSI NI SUSAN ANG SISIDLAN NG SISIW.

5. TINUKA NG PITONG PUTING PATO ANG PITUMPU’T PITONG PUTING PATO.

6. NAKAKAPAGPABAGABAG, KAPAG KINAKABAG KA.

7. PASKO, PAKSIW. PASKO, PAKSIW. PASKO, PAKSIW.

8. SIOPAO, SIOMAI, SUMAN. (REPEAT 3X)

9. TANSO SA TASA, TASA SA TANSO.

10. KAKABAKABA KA BA?

11. MINEKANIKO NI MONIKO ANG MAKINA NI MONIKA.

12. KABILUGAN NG BUWAN, BUWAN NG KABILUGAN.

13. BUMILI AKO NG BITUKA NG BUTIKI SA BUTIKA.

14. BUWAYA, BAYAWAK (REPEAT 3X)

15. PITUMPUT PITONG PUTTING PATING

16. MAKATI SA MAKATI, MAY PARI SA APARRI, MAHIHILO SA ILOILO,


AT MAY BAGYO SA BAGUIO.

17. TUMALON SI TONTON SA MALALIM NA BALON SA ILALIM NG TALON.

18. ISINAYAW NANG ISINAYAW NG MANANAYAW ANG SAYAW


NA ISINASAYAW NG MGA MANANAYAW.

19. PINAPUTI NI TEPITERIO ANG PITONG PUTIN PUTONG PATONG PATONG.

20. ANG KWARTA KO SA KWARTO KWATRO.


TAGALOG QUESTIONS – TAGALOG ANSWERS:

1. Tagalog adjective na nagsisimula sa unang letra ng iyong pangalan.

2. Paboritong kulay.

3. Magbigay ng tatlong klase ng isda.

4. Ano sa tagalog ang rainbow?

5. Kung ang light ay ilaw, ano naman ang lightning?

6. Anong hayop si King Kong?

7. Magbigay ng pagkain na dumidikit sa ngipin?

8. Sinong higanteng G ang tinalo ni David?

9. Anong tawag mo sa kapatid ng nanay mo?

10. Ano sa tagalog ang “pet lover”?

FILIPINO RIDDLES

1. Isang prinsesa nakaupo sa tasa. Sagot: Kasoy.


2. Isda ko sa maribeles nasa loo bang kaliskis. Sagot Sili.
3. Nagtago si Pedro nakalabas ang ulo. Sagot: Pako.
4. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari. Sagot: Zipper.
5. Bumili ako ng alipin, mataas pa sa akin. Sagot: Sumbrero.
6. Kung kailan mo pinatay, saka pa huba ang buhay. Sagot: Kandila.
7. Ako’s aklat ng panahon, binabago taun-taon. Sagot: Kalendaryo.
8. Itapon mo kahit saan, babalik sa pinanggalingan. Sagot: Yoyo.
9. Maliit pa si kumpare, nakakaakyat na sa tore. Sagot: Langgam.
10. Heto na si Kaka, bubuka-bukaka. Sagot: Gunting.
11. Kaaway ni Bantay, may siyam na buhay. Sagot: Pusa.
12. Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari. Sagot: Paruparo.
13. Mataas kung nakaupo, mababa kung nakatayo. Sagot: Aso.
14. Nakakaluto’y walang init, umuusok kahit na malamig. Sagot: Yelo.
15. Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan. Sagot: Anino.
16. Buto’t balat lumilipad. Sagot: Saranggola.
17. Isang balong malalim puno ng patalim. Sagot: Bibig.
18. Maliit na tela sa kalawakan, inaawitan ng mga mamamayan. Sagot: Watawat.
19. Hindi hayop, hindi tao, pumupulupot sa tiyan mo. Sagot: Sinturon.
20. May paa’s walang baywang, may likod walang tiyan. Sagot: Silya.

You might also like