Pe 5 Q2 Week 1 Las 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pangalan:___________________________________________________________

Baitang at Seksyon:_________________________________ Asignatura: PE 5


Guro:______________________________________
Aralin : Quarter 2 Week 1 LAS 1
Pamagat ng Gawain : Philippines Physical Activity Pyramid Guide Para sa Batang
Pilipino
Layunin : Natatasa ang regular na pakikilahok sa mga pisikal na mga
gawain batay sa Philippines Physical Activity Pyramid
Guide.
Sanggunian : MAPEH 5 SLM, MELCs (PE5PF-IIb-h-18)
Manunulat : Ronelyn I. Alam & Sheila B. Alindajao
Ang Philippines Physical Activity Pyramid Guide para sa batang Pilipino ay
makatutulong upang mapanatiling malakas at malusog ang iyong pangangatawan. Nararapat na
isinasagawa ito ng madalas o palagian upang mas maunawaan ang kahalagahan nito.
Apat (4) na Antas ng Physical
Activity Pyramid Guide
Ang mga gawaing nasa tuktok ng
pyramid ay mga gawaing nararapat
lamang gawin ng 1 beses sa isang linggo.
Ito ay dahil ang mga gawaing ito ay hindi
nangangailangan ng matinding paggalaw.
Ang mga ito ay kinabibilangan ng
panonood ng tv, paglalaro ng computer,
pag-upo at paghiga nang matagal. Sa
ikatlong antas naman ay makikita ang
mga gawaing nararapat gawin ng 2-3 beses na rekomendadong gawin. Ito ay ang mga
gawain tulad ng pag-eehersisyo, pagpupush up, pag-akyat ng puno pagsasayaw at iba pa.
Sa pangalawang antas naman ay makikita ang mga gawaing makapagpapabilis ng tibok
ng puso gaya ng pagbibisikleta, pagbabasketbol, pagtakbo at iba pa. At ang nasa
pinakamababang antas ay ang mga gawaing nirerekomenda sa pang-araw-araw
sapagkat ito ay makatutulong sa iyong katawan. Kung ikaw ay hindi gaanong aktibo sa
mga gawaing nasa Physical Activity Pyramid Guide, dapat ay magsimula sa mga gawain
na nasa ilalim ng pyramid at unti-unting damihan ang mga gawaing rekumendado dito.
Panuto: Lagyan ng tsek (/)ang mga gawain sa ibaba na nakakatulong upang maging
aktibo, alerto at malusog ang isang tao at ekis (X) naman kung HINDI.
_____1. pagbibisikleta
_____2. panonood ng telebisyon
_____3. paglalaro ng video games
_____4. pakikilahok sa mga gawaing pang-isports
_____5. paggamit ng elevator sa halip na hagdanan
_____6. Pagtulog buong araw
_____7. Paglalaro ng cellphone
_____8. Paglalakad
_____ 9. Paglalaro ng patintero
_____ 10. Pagsibak ng kahoy

You might also like