PROLOGUE

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

PROLOGUE

" Hindi ko man alam kung saan ang iyong pinagmulan, gusto kong ikaw
parin ang aking maging reyna."

Katulad ng dati, tanging boses niya lamang ang parati kong naririnig sa
aking panaginip, hindi ko parin makita o maaninagan man lang ang
mukha niya. Gusto kong makita ang mukha niya ngunit nasisilaw lamang
ako.

Parati na lang bang ganito ? Bakit ko ba siya parating napapanaginipan, at


parati niyang sinasabi na gusto niya akong maging reyna niya. Hindi niya
ba alam na isa lamang akong dukha at malayo sa sinasabi niyang reyna.

"Rosa!" Teka lang gusto ko pa siyang makita, please wag muna, wag niyo
muna akong gisingin...

"ROSA!!" napabangon ako bigla dahil sa sobrang lamig. Hindi aircon


ang kwarto ko o ano man, napabangon ako sa sobrang lamig dahil sa
sinabuyan lang naman akon ng auntie ko ng malamig na tubig.

“Aba! Leche ka Rosa kanina pa ako tawag ng tawag sayo!” sigaw ni


auntie na akala mo sobrang layo ko, eh nasa harap niya lang naman ako.

“Sorry auntie hindi na po mauulit” sagot ko habang nakayuko at


nanginginig dahil sa lamig.

Hindi aircon ang kwarto ko, hindi namin afford dahil hindi naman kami
mayaman o mas tamang sabihin na hindi naman mayaman sina auntie.
Kung ilalarawan ang buhay namin maihahalintulad ito sa isang iskwater
area, dikit-dikit ang mga bahay, magulo at subrang maingay

“Hoy Rosa baka nakakalimutan mong hindi kita kinopkop para mag
pakasarap at mag buhay reyna dito. Kinginang bata ka, nakakalimutan mo
na yata ang tungkulin mo dito!” sabay sampal at sabunot ni auntie sa
akin.

“Ano ba ‘yang pinagkaka-abalahan mo at muntik ka ng tanghaliin ng


gising ha!?” patuloy na sermon ni auntie, parang matatanggal na yung
anit ko sa sabunot niya. Kung alam niyo lang napaka exaggerated ng
auntie ko mag aalas kwatro pa lng ng umaga pero para sakanya ay
tatanghaliin na ako ng gising. Wala namang nag bago mula noong
namatay ang nanay dahil sa cancer at naiwan ako ky auntie, siya na lang
kasi ‘yung natitira kong pamilya ngunit hindi naman pamilya ang trato
niya sa akin kung di isang salot, muchacha at malas sa buhay niya.

“Sorry po talaga auntie hindi na po mauulit.” sabi ko, buti nalang


binitawan niya na yung buhok ko. Gustong-gusto ko na talagang umiyak
dahil kahit papaano ay nahihirapan narin naman ako sa ganitong klase ng
buhay at trato sa akin ni auntie.

“T*ngina mo Rosa paulit-ulit mo na lang sinasabi yan naririndi na ako sa


mga palusot mo” tinabig niya ako at may kinuha sa tabi ng unan ko, teka
lang hindi pwede-

“Auntie akin na po ya-” pilit kong abot sa hawak niyang librong hiniram
ko kahapon at kakabasa ko pa lamang kagabi.

“Kaya pala- “ tinignan niya ako ng masama “-ito pala ang pinagkaka-
abalahan mo. Ano ito Rosa!?” siguro kung nakakamatay lang ang tingin
sigurado akong na sa six feet below the ground na ako ngayon.

“Libro po auntie-”

You might also like