Kabanata 3

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

KABANATA 3

DISENYO AT METODO
Tatalakayin sa kabanatang ito ang disenyo ng pananaliksik, kasangkapan sa pangangalap

ng datos, lokal ng pag-aaral, at ang kabuuang bilang ng mga tagatugon. Ito ay mga paraan o

estratehiyang gagamitin ng mga mananaliksik upang mapatunayan ang mga suliranin ng pag-

aaral.

DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang isinasagawang pananaliksik ay gagamit ng deskriptibong metodolohiya. Ang nasabing

pamamaraan ay gumagamit ng mga sarbey kwestyoneyr o mga katanungan sa pagkuha ng

iba't-ibang datos. Layon ng pamamaraang ito na tugunan ang mga katanungang, sino, ano,

kailan, saan, at paano, ng isang paksain. Ang pamamaraang ito ang napili ng mga mananaliksik

sapagka't, ito ay naglalarawan ng mga kasalukuyang kaganapan o kalagayan batay sa

impresyon, reaksyon at mga kasagutan ng mga respondente. Pangunahing aalamin ng mga

mananaliksik ang Implikasyon ng Patuloy na Paglangkap ng Asignaturang Filipino sa Mag-aaral

na nasa Ikalawang Lebel ng Narsing ng Sultan Kudarat State University-ACCESS Campus

Taong Panuruan 2022-2023. Naniniwala ang mga mananaliksik na angkop ang disenyong ito

para sa paksang napili sapagkat mas mapapadali ang pangangalap ng datos mula sa mga

respondente. Ang disenyong paglalarawan o deskriptibo ang nakita ng mga mananaliksik na

magiging mabisa sa pag-aaral na ito upang mas makakalap ng impormasyon na magiging

epektibo sa pananaliksik.
KASANGKAPAN SA PANGANGALAP NG DATOS
Sa pangangalap ng datos, ang kasangkapang gagamitin ng mga mananaliksik ay ang

sarbey kwestiyoneyr na ihahanda kaugnay sa nakalahad na layunin at suliranin ng pag-aaral.

May inihandang open-ended questions sa talatanungan ang mga mananaliksik na binubuo ng

limang (5) tanong na malayang masasagutan ng mga respondente. Sasagot ang mga

respondente sa pamamagitan ng pagsulat sa nakalahad na espasyo sa ibaba ng bawat tanong.

Ang instrumentong ginamit ay siyang daan para makakuha ang mga mananaliksik ng mga

datos na susuporta sa pag-aaral.

LOKAL NG PAG-AARAL
RESPONDENTE NG PAG-AARAL
Ang mga respondente sa sarbey na isasagawa ng mananaliksik ay mga mag-aaral na

nasa Ikalawang Lebel ng Narsing sa Sultan Kudarat State University-ACCESS Campus Taong

Panuruan 2022-2023. Sa kabuuang populasyon na 149 na mag-aaral, ay pipili lamang ng 60

ang mga mananaliksik mula sa tatlong seksyon upang pag-aplayan ng sarbey. Ang gagamitin

na paraan ng pagpili ng kalahok sa pananaliksik na ito ay Simple Random Sampling, kung saan

ang mga respondente sa napiling populasyon ay may balanseng tyansa na mapili bilang

sampol. Ang mga respodente ay makapagagbigay ng makabuluhang mga sagot na tutulong sa

mga mananaliksik na makagawa ng malinaw na konklusyon tungkol sa pag-aaral na ito.

RESPONDENTE

Kalahok Bilang
BSN-2A 20
BSN-2B 20
BSN-2C 20
KABUUAN 60

Ipanapakita sa talahanayan na ito ang pagbabahagi ng respondente ayon sa seksyon ni


kinabibilangan nito.

You might also like