Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education

22. Anong uri ng abstrak ang karaniwang ginagamit sa mga papel sa Agham Panlipunan?
A. Deskriptibong Abstrak
B. Impormatibong Abstrak
C. Naratibong Abstrak
D. Sikolohiyal na Abstrak
23. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa katangian ng mahusay na abstrak?
A. Binubuo ng 50-100 salita
B. Kompleto ang mga bahagi
C. Walang impormasyong hindi nabanggit sa papel
D. Nauunawaan ng pangkalahatan at ng target na mambabasa
24. Nais ni Shiela na makagawa ng mahusay sa abstrak. Ano ang mga bagay na dapat niyang isaalang-alang?
A. Binubuo ng 200-250 salita
B. Gumagamit ng mga simpleng pangungusap na nakatayo sa sarili nito bilang isang yunit ng impormasyon
C. Kompleto ang mga bahagi
D. Lahat ng nabanggit
25. Alin sa mga sumusunod ang unang hakbang sa pagsulat ng abstrak?
A. I-proofread ang pinal na kopya
C. Isulat ang unang draft ng papel
D. Irebisa ang unang draft ng papel
26. Bakit itinuturing na “Mukha ng Akademikong Papel” ang abstrak?
A. Dahil ito ang makikita sa pinaka-unang pahina ng aklat
B. Dahil ito ang pinakamahalagang uri ng akademikong papel
C. Dahil kung walang abstrak wala ring akademikong papel
D. Dahil ang abstrak ang karaniwang tinitingnan ng mga mambabasa
27. Pagsunod-sunurin ang mga hakbang sa paggawa ng abstrak
1. I-proofread ang pinal na kopya.
2. Isulat ang unang draft ng papel.
3. Irebisa ang unang draft upang maiwasto ang anumang kahinaan sa organisasyon at ugnayan ng mga
salita o pangungusap.
4. Basahing muli ang buong papel.
A. Pahayag 1, 2, 3, 4
B. Pahayag 2, 4, 3, 1
C. Pahayag 4, 2, 3, 1
D. Pahayag 4, 3, 2, 1
28. Ito ay impormatibong talata na naglalayong ipakilala ang isang tao at ang kanyang mga nagawa bilang isang
propesyonal
A. Abstrak C. Talumpati
B. Bionote D. Memorandum
29. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa katangian ng mahusay ng bionote?
A. Gumagamit ng Pangatlong Panauhang pananaw.
B. Kinikilala ang Mambabasa
C. Mahaba ang nilalaman
D. Nakatuon lamang sa mga angkop na kasanayan o katangian
30. Si Ana ang inatasang magpakilala ng panauhing pandangal sa isang pormal na pagtitipon. Ano ang uri ng
akademikong sulatan ang kanyang gagawin upang maipakilala ng maayos ang kanilang panauhin?
A. Talumpati C. Sanaysay
B. Biodata D. Bionote
31. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang gumagamit ng pangatlong panauhang pananaw?
A. “Si Roshelle G. Abella ay nagtapos ng MA- Filipino sa Unibersidad ng Foundation. Siya ay kasalukuyang
nagtuturo ng Piling Larangan sa Negros Oriental High School.”
B. “ Tayong mga kabataan ang pag-asa ng bayan. Tayong mga bagong henerasyon ang magpapatunay na
mayroong pagbabago at pag-unlad.
C. Ako si Ana Dela Cruz, nagtapos ng kolehiya sa Unibersidad ng Pilipinas. Handa akong ibahagi ang aking
kakayahan upang mapataas ang kalidad ng Edukasyon sa pamamagitan ng mahusay na pagtuturo.
D. Lahat ng nabanggit
32. Bakit tayo nagsusulat ng bionote?
A. Upang makabuo ng mga layunin at plano
B. Upang ipaalam sa iba hindi lamang ang ating karakter kundi maging ang ating kredibilidad sa larangang
kinabibilangan.
C. Upang maisakatuparan ang gagawing pagpupulong
D. Wala sa nabanggit
33. Alin sa mga sumusunod ang dapat iwasan sa pagsulat ng isang bionote?
A. Mamili lamang ng mga kasanayan o katangian na angkop sa layunin ng iyong bionote.
B. Nakatuon lamang sa mga angkop na kasanayan o katangian ang nilalaman ng bionote
C. Pagsama ng napakaraming katangian at karanasan na hindi angkop sa layunin ng iyong bionote.
D. Binabanggit ang degree kung kinakailangan
34. Pagsunod-sunurin ang sumususunod na mga pangungusap ayon sa tamang pagsulat ng isang bionote.
1. Sa kasalukuyan, siya ay nagtuturo ng Senior High School sa Mataas na Paaralan ng Negros Oriental.
2. Roshelle G. Abella,
3. Natapos din niya ang MAEd sa Filipino mula sa Foundation University taong 2020.
4. Siya ay nagtapos sa kursong BSED sa Unibersidad ng Foundation, Lungsod ng Dumaguete taong 2015.
A. Pangungusap 2, 3, 4 at 1
B. Pangungusap 2, 4, 3 at 1
C. Pangungusap 2, 1, 3 at 4
D. Pangungusap 1, 2, 3 at 4
35. Sa bahaging ito ng pagsulat ng talumpati kailangang lumikha ng tensyon, magkuwento o magbigay ng halimbawa
at mga tayutay ang tagapagsalita upang hindi sila bitawan ng tagapakinig.
A. Paghahanda C. Kasukdulan
B. Pag-unlad D. Pagbaba
36. Ito ay talumpating pinaghahandaan sa pamamagitan ng pagsulat ng speech plan upang maging epektibo ang
pagbigkas
A. Impromptu C. Kasukdulan
B. Paghahanda D. Extemporaneous
37. Si Minda ay nagbahagi sa mga kabataan ng kanyang kaalaman tungkol sa Mental Health. Anong uri ng talumpati
ayon sa layunin ang ginamit?
A. Mang-aliw C. Impormatibo
B. Nanghihikayat D. Paghahanda
38. Likas na kay Mang Tanny ang kahusayan sa pagpapatawa, kung kayat lagi siyang naiimbitawan sa mga pagtitipon
at kasiyahan. Sa ganitong sitwasyon anong uri ng talumpati ayon sa layunin ang matutukoy?
A. Mang-aliw C. Impormatibo
B. Kasukdulan D. Okasyonal
39. “Walang magandang maidudulot sa ating katawan ang paninigarilyo”, ito ang mga salitang binitawan ni Noel
habang nagbabahagi siya ng kanyang karanasan sa harap ng maraming tao. Anong uri ng talumpati ayon sa layunin
ang makikita?
A. Pag-unlad C. Impormatibo
B. Nanghihikayat D. Paghahanda
40. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga uri ng talumpati ayon sa layunin?
A. Paghahanda C. Impormatibo
B. Nanghihikayat D. Okasyonal
41. Bakit kaillangang isaalang-alang ang uri ng wika at mga angkop na salita sa pagsulat ng talumpati?
A. Upang magmukhang matalino sa harap ng maraming tao
B. Upang maipakita ang kahusayan sa pagtatalumpati
C. Upang magiging kaaya-aya at mauunawaan ng tagapakinig
D. Lahat ng nabanggit
42. Paano wawakasan ang isang talumpati?
A. Sa pamamagitan ng paglalayon
B. Sa pamamagitan ng pagtatanong
C. Paggamit ng naaangkop na siniping pahayag
D. Lahat ng nabanggit
43. Pagsunod-sunurin ang mga gabay sa pagsulat ng talumpati
1. Pagtitipon ng mga materyales
2. Paglinang ng kaisipan
3. Pagpili ng paksa
4. Pagbabalangkas ng mga ideya
A. 1, 2, 3 at 4
B. 2, 4, 3 at 1
C. 3, 1, 4 at 2
D. 3, 1, 2 at 4
44. Piliin sa mga sumusunod ang tamang proseso sa pagsulat ng talumpati
A. Paghahanda, pagbaba, kasukdulan at pag-unlad
B. Paghahanda, pag-unlad, kasukdulan at pagbaba
C. Paghahanda, Kasukdulan, pagbaba at pag-unlad
D. Paghahanda, kasukdulan, pag-unlad at pagbaba
45. Sino ang kadalasang gunagawa ng katitikan ng pulong?
A. Typist C. Reporter sa korte
B. Kalihim D. Lahat ng nabanggit
46. Ano ang kahalagahan ng katitikan ng pulong?
A. Naipapaalam sa mga sangkot ang mga nangyari sa pulong.
B. Nagsisilbing gabay upang matandaan ang lahat ng detalye ng pinag-uusapan o nangyari sa pulong.
C. Maaaring maging mahalagang dokumentong pangkasaysayan sa paglipas ng panahon.
D. Lahat ng nabanggit
47. Nais ni Lucy na maging isang kalihim sa loob ng korte balang araw, ano-ano ang mga kakayahan na dapat niyang
taglayin sa trabahong nais pasukin?
A. Linaw ng mata at lakas ng katawan
B. Talas ng pandinig, bilis ng pagsulat at linaw ng pag-iisip
C. Kagandahan ng sulat at kahusayan sa p-akikisama
D. Wala sa nabanggit
48. Alin sa mga sumusunod ang unang dapat ihanda sa pagtatala ng katitikan?
A. Lumikha ng isang template upang mapadali ang pagsulat.
B. Itala ang mga aksiyon habang nangyayari ang mga ito
C. Repasuhin ang isinulat.
D. Magtabi ng kopya sakaling may humilin na repasuhin ito sa hinaharap.
49. Paano wawakasan ang pagtatala ng katitikan ng pulong?
A. Repasuhin ang isinulat
B. Ihanda ang sarili bilang tagatala
C. Itala ang mga dumalo at di-dumalo
D. Mangalap ng impormasyon
50. Pagsunud-sunurin ang mga gabay sa pagsulat ng katitikan?
1. Ihanda ang sarili bilang tagatala.
2. Repasuhin ang isinulat.
3. Magpokus sa pang-unawa sa pinag-uusapan at sa pagtala ng mga desisyon o rekomendasyon.
A. 1, 2 at 3
B. 3, 1 at 2
C. 1, 3 at 2
D. 2, 3 at 1

You might also like