Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

EDITORYAL NA

NAGPAPARANGAL O
NAGBIBIGAY PURI
“Husay ng Pinay”
Ipinakita ni Pia Alonzo
Wurtzbach sa mundo na
kakaiba ang mga Pilipino.
Mahusay, maganda, kaakit-akit
at matalino. Pinatunayan ni Pia
kayang makipagsabayan ang
mga Pilipino sa anumang
larangan. Nakita ito ng mundo
sa katalinuhang ipinamalas ni
Pia nang siya ang tanghaling
Miss Universe 2015. Tinapos ni
Pia ang matinding pagkauhaw
ng Pilipinas sa korona ng Miss
Universe sa loob ng 42 taon. Si
Pia ang ikatlong Miss Universe.
Una ay si Gloria Diaz noong
1969 at si Margie Moran noong
1973.
Bagama’t nagkaroon ng
kontrobersiya sa pagsasabi ng
nanalong Miss Universe --
unang nasabi na Miss
Colombia -- hindi iyon naging
hadlang para lalong magbunyi
ang mga Pilipino nang ihayag
na si Pia ang Miss Universe
2015. Hindi makapaniwala si
Pia sa pangyayari hanggang
ilipat sa kanya ang korona.
Humingi naman ng paumanhin
ang host na si Steve Harvey.
Nakilala na naman ang mga
Pilipino sa mundo sa
pamamagitan ni Pia.
Naidagdag ang kanyang
pangalan sa mga Pilipinong
nagbigay na ng karangalan sa
bansa. Hindi lamang sa
larangan ng beauty
competition nangingi-babaw
ang mga Pilipino kundi pati sa
sports. Nakilala ang bansa
dahil kay boxing champion
Manny Pacquiao na nagpakita
nang husay sa bawat laban.
Nakilala rin ang Pilipinas dahil
sa husay ni Lea Salonga na
tinanghal sa husay sa pag-
awit. Nakilala si Lea sa “Miss
Saigon”. Sino rin ang hindi
makakakilala sa husay ni Allan
Pineda o mas lalong kilala
bilang Apl.de.ap.
Pinaningning ni Pia ang
Pilipinas sa ipinakita niyang
husay sa katatapos na Miss
Universe at naniniwala kami na
ang kanyang ipinakita ay
marami pang magagandang
Pinay ang tutulad sa kanya.
Nagbigay ng inspirasyon si Pia
sa maraming kababayan lalo
na ang mga nagha-hangad
maging beauty queen. Tiyak na
marami pang susunod sa
yapak ni Pia.

You might also like