Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

EDITORYAL NA

NAMUMUNA

“Masamang halimbawa”
Maraming ipinagbawal mula
nang ipatupad ang enhanced
community quarantine (ECQ)
noong Marso 16. Kabilang dito
ang pagtitipun-tipon ng mga tao.
Bawal ang magkumpul-kumpol.
Huwag magdikit-dikit. Kailangan
ay may physical distancing.
Mahigpit na ipinasusunod ang
pagsusuot ng face mask.
Kasama rin sa pinagbabawal ang
pagdaraos ng mga party o
anumang kasayahan na
maaaring magsama-sama ang
mga tao. Pati nga ang mga
religious gatherings at activities
ay bawal din. Mahigpit ding
ipinagbabawal ang pagtitinda ng
mga nakakalasing na inumin.
Ang mga ito ay mahigpit na
ipinagbabawal para huwag
magkahawahan. Ang physical
distancing ay mabisang paraan
para mapigilan ang pagkalat ng
virus na naisasalin sa
pamamagitan ng droplets kapag
umubo o humatsing ang taong
infec-ted. Kung walang mask,
malalanghap ang virus at walang
tigil sa pagkalat. Sa kasalukuyan,
umabot na sa mahigit 11,000 ang
infected ng COVID-19 sa bansa.
Halos araw-araw ay may
naitatalang kaso.
Kaya naman maski si President
Duterte ay seryoso sa
pagpapaalaala sa lahat na
sumunod sa ipinag-uutos para
mapigilan ang virus. Ang
Philippine National Police (PNP)
ang inatasang magpatupad ng
mga batas. Mula nang ipatupad
ang ECQ, naging mahigpit ang
mga pulis. Ang mga nagtitipon
sa kalye ay hinuhuli, ang mga
walang face mask, nag-iinuman
at nagsusugal ay inaaresto.
Dapat sumunod sa batas ang
lahat.
Noong nakaraang linggo,
nagdaos ng kaa-rawan si
National Capital Region Police
Office (NCRPO) chief General
Debold Sinas. Marami siyang
naging bisita. Nagkaroon ng
kainan at inuman. Nagkuhanan
ng picture at nakita na hindi
naipatupad ang social distancing
sa pagtitipon. Maraming walang
suot na face mask. At nalabag
ang liquor ban.
Masamang halimbawa ang
nakita. Hindi na nakapagtataka
kung kumalat pa ang virus
sapagkat ang mga nagpapatupad
ng batas ay hindi pala
sumusunod.

You might also like