Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT

MTB 3

Tukuyin ang panghalip na pananong na angkop sa sagot na nasa loob ng panaklong upang mabuo sa
pangungusap . Pilin ang titik ng tamang sagot.
A. Ano B. Saan C. Sino D. Kailan
1. ________ ang pangunahing tauhan sa kuwento? (Elsa)
2. ________ ang nangyari sa pusa? (muntik ng masagasaan)
3. ________ ang ginawa ng pusa kay Elsa? (sinundan)
4. ________ nakita ni Elsa si Mingming? (nang siya ay naglalakad pauwi galing sa paaralan)
5. ________ inalagaan ni Elsa si Mingming? (sa bahay)

Isulat ang angkop na panghalip pananong para sa pangungusap. (Saan, Sino, Ano, Kalian)
6. _____________ ang nagisda?
7. _____________ang kaniyang kasama sa pangingisda?
8. _____________ nila nilagay ang kanilang nahuli?
9. _____________ang ginawa sa mga nahuling isda?
10. _____________ nila planong bumalik sa sapa?

Tukuying kung ang sumusunod ay wastong ekspresyon sa pagbibigay ng reaksiyon. Lagyan ng tsek
(✓) kung Oo at ekis (X) naman kung Hindi.
_____11. Tama at mabuti ang iyong iniisip. Maging magalang sa lahat.
_____12. Sundin mo na lamang ako. Ito ang tama.
_____13. Kung hindi ako nagkakamali, dapat basahing mabuti ang mga aralin bago
sagutin ang mga tanong sa gawain.
_____14. Ayaw ko. Hindi ko gusto ang sinasabi mo.
_____15. Kung ako ang tatanungin, mahalaga pa rin ang pag-aaral.

Piliin ang angkop na reaksiyon. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.
_____16. Kinausap ng guro si Beth dahil hindi ito nakapagpása ng kaniyang proyekto. Ibinigay niya ito tatlong
araw pagkatapos na magbigay ang guro ng takdang araw ng pagpapása.
A. Tama ang ginawa ng guro upang magbigay-aral kay Beth.
B. Dapat hinayaan na lamang ng guro si Beth dahil nakapagpása pa rin naman.
C. Hindi ako sang-anon dahil napahiya si Beth sa klase.
D. Dapat hindi na lang nagpasa si Beth

_____17. Oras ng rises, pinasingit sa pila ni Miko ang kaniyang matalik na kaibigang si Sid na hulíng
dumating.
A. Maganda ang ipinakitang pagkakaibigan ng dalawa.
B. Sa aking palagay, dapat pumila si Sid nang maayos.
C. Sang-ayon ako sa ipinakita nina Miko at Sid.
D. Sumasang-ayon ako dahil ganun din ang gagawin ko kung kaibigan ko si Sid.

_____18. Si Neth ay mahusay umawit. Lumalahok siya sa iba’t ibang paligsahang pampaaralan at
pambarangay.
A. Nagpapakita si Neth ng kayabangan.
B. Nakatutuwa na ipinakikita niya ang kaniyang talento.
C. Hindi siya lumalahok sa barangay dahil wala itong grado.
D. Hindi ako sumasang-ayon dahil bata pa siya masyado.

_____19. Ipinagbabawal sa klase ni Bb. Narciso ang paglalaro ng cellphone sa oras ng klase.
A. Di ako sang-ayon dahil ito’y mahalagang gamit.
B. Sa opinyon ko, nakatutulong ang cellphone sa pag-aaral.
C. Sa aking palagay, magiging sagabal ito sa pakikinig.
D. Sumasang-ayon ako dahil baka mawala ang cellphone.

_____20. Gustong-gusto na ni Karl na maglaro sa labas. Ipinagbabawal pa ito sa kasalukuyan kaya nanatili na
lang siya sa loob ng bahay.
A. Sumasang-ayon ako dahil iyon ang makabubuti.
B. Dapat ay lumabas na siya kahit saglit lamang.
C. Sa opinyon ko ay maaari nang lumabas.
D. Pwedeng lumabas kahit bawal.

_____21. Ang pagsusuot ng face mask ay mahalaga upang maiwasan ang pagkalat ng
virus.
A. Sang-ayon ako para sa kaligtasan ng lahat.
B. Hindi ako sang-ayon dahil nakasasagabal ito sa paghinga.
C. Dapat kung sino lang may gusto.
D. Hindi dapat pilitin dahil mahal ang facemask.
_____22. Umiwas sa mga táong may lagnat, ubo at sipon.
A. Sa aking palagay ay hindi dapat dahil makakasakit ito ng damdamin
B. Sang-ayon ako dahil maaaring makahawa sila.
C. Di ako sang-ayon dahil nakakaawa ang kalagayan nila.
D. Dapat silang lapitan para damayan
_____23. Palaging maghugas ng kamay gamit ang sabon at umaagos na tubig.
A. Sang-ayon ako dahil utos ito ni Nanay
B. Dapat maghugas ng kamay kapag kakain lamang
C. Sang-ayon ako upang matanggal ang virus na kumapit sa aking kamay.
D. Di ako sang-ayon sa umaagos na tubig dahil maaksaya.

Basahin ang mga pangungusap na nasa ibaba. Ilagay ang tsek (/) kung ang pangungusap ay
gumagamit ng tayutay na metapora o pagwawangis at ekis (X) naman kung hindi.
24. Singtingkad ng perlas ang kaniyang kaputian.
25. Si Jose ang Fernando Poe Jr. ng aming bayan.
26. Ang boses ni Momay ay tulad ng huni ng ibon.
27. Maamong pusa ang aming kasambahay sa bait.
28. Gutom na leon siya kung kumain pagkatapos maglaro.

Tukuyin ang kahulugan ng ginamit na tayutay na personipikasyon o pagsasatao sa sumusunod na


pangungusap.
29. Pagkatapos ng ilang buwan kong pag-aalaga ng mga pananim kong rosas, sa wakas nakita ko ring ngumiti
ang mga bulaklak nito.
A. Umiiyak ang mga bulaklak. C. Namukadkad na ang mga bulaklak.
B. Natuwa ang mga bulaklak. D. Humalakhak ang bulaklak
30. Matapos ang malakas na kulog ay gumuhit ng apoy sa kalangitan.
A. Mainit ang langit. C. May apoy na iginuhit sa langit.
B. Nagkaroon ng pagkidlat. D. Nasusunog ang langit.
31. Mag-iisang linggo na akong hindi nakapaglaba kaya naman kumakaway na sa akin ang mga labahin.
A. Nagkaroon ng kamay ang mga damit.
B. Kinakailangan ng labhan ang mga damit.
C. Nasira na ang mga damit dahil hindi nalabhan.
D. Gumagalaw ang mga damit.
32. Sa bilis ng takbo ng oras, hindi ko namalayang hapon na pala at kailangan ko nang umuwi.
A. Lumilipas ang oras. C. Nakikipaghabulan ang oras.
B. Nahulog ang orasan. D. Mabilis ang takbo ng orasan
33. Simula ng magkasakit si Jane ay nasa loob lang siya ng bahay nila kaya naman hinahanap na siya ng
araw.
A. Nagtatago sa dilim. C. Hindi lumalabas ng bahay.
B. Makikita lang kung gabi. D. Nagtatago siya sa araw.

Piliin mula sa kahon ang angkop na tayutay upang mabuo ang mga pangungusap.

A. bumaha ng dugo B. namuti na ang buhok C. tawirin ang dagat


D. abot langit E. nilunok ang hiya F. lumuha ng dugo

34. Sa tuwing nakikita ko ang aking mga anak ay _____________ ang aking saya.
35. Nang magkasakit si inay ay _______________ at lumapit ako sa aking mga kamag-anak upang humingi
ng tulong.
36. __________________ si Abby nang masagasaan ang alagang aso.
37. Kaya kong _________________ makita ka lang.
38. __________________ ko sa kakahintay sa iyo.

39-40. Ibigay ang iyong reaksiyon o opinyon tungkol sa isyung pinag-uusapan sa ibaba. Piliin ang
pahayag na sumasang-ayon ka. Sumulat ng 2-3 pangungusap tungkol dito.

______________________________________________

______________________________________________

______________________________________________

______________________________________________

______________________________________________

______________________________________________

You might also like