Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pangarap

Ang pangarap ay hindi nakukuha agad-agad. Ito ay nagsisimula sa isang


pagpaplano tungkol sa mga bagay na gusto nating mangyari sa ating buhay. Ang
plano na minsa’y nanggagaling sa pagkakaroon ng inspirasyon mula sa ibang tao
upang pagtibayin ang inyong paniniwala na balang araw ay matutupad lahat ng
inyong panaginip.
Hindi madaling abutin ang mga pangarap. Marami kang pagdadaanan at marami
kang pagsubok na haharapin. Diyan masusukat ang iyong katatagan at pagtitibayin
ang inyong pananampalataya. Madali lang mangarap. Isip at imahinasyon ang
ginagamit para makita natin kung anong mga posibleng mangyari bukas, sa isang
linggo, sa isang buwan o sa isang taon. Lahat ng kagustuhan natin ay lumalabas at
yun ang nagiging dahilan upang maka buo ng isang pangarap.
Walang sumusuko sa mga taong nangangarap. Kahit gaano kahirap abutin basta
gusto mong maisakatuparan ang lahat, gagawin mo ang sinisigaw ng iyong puso’t
isipan. Kung pursigido kang abutin lahat lahat, pwes kumilos ka. Walang
mangyayari sa taong tamad. Ang buhay ay maikli lang at ang layunin nating lahat
ay maisakatuparan ang lahat ng ating plano sa ating buhay. Kung papaano mo
aabutin, diskarte mo na lang.
Ang pangarap ay kaakibat ng hiling. Ito ay sinasama natin sa ating panalangin.
Kung positibo kang mag-isip, alam mo at panatag ka sa sarili mong matutupad
lahat ng pangarap mo sa tamang panahon. Kumilos ka lang at wag susuko. Wag
kalimutan magbalik tanaw sa mga taong naging susi para makahakbang ka sa
hagdan ng iyong pangarap. Ang mga oportunidad na dumarating sa inyo ay wag
talikuran. Kunin niyo ito! Malay niyo ito ang maging susi para mas mapalapit ka sa
pag-abot mo ng pangarap. Manatiling positibo. Unahan mo ng magagandang
pangitain ang mga bagay na gusto mo pa lang mangyari.
Alam nating mahirap ang pagdadaanan natin bago natin maabot ang ating mga
pangarap. Pero hindi dahilan yun para pangunahan tayo ng takot, pagsuko, at
kawalan ng tiwala sa sarili. Sarili mo lang ang kalaban mo kaibigan. Kung
magpapatalo ka sa negatibong takbo ng isip mo, sigurado akong walang
mangyayari sa pangarap mo.
Pag nangarap ka ngayon, hindi yan matutupad kinabukasan. Ang pangarap ay
natutupad paunti-unti depende sa sitwasyong inyong tinatahak. Depende sa
diskarteng ginagawa mo at depende rin ito sa iyong pagsisikap. Sa dami ng ating
pangarap, hindi yan inaabot ng sabay-sabay. Isa-isa lang, mahina ang kalaban.
Halimbawa na lang ako. Marami talaga akong pangarap. Sa dami ng pangarap ko,
isa pa lang ang natutupad. Pero hindi biro ang pinagdaanan ko para lang abutin
yun. Nadadagdagan ang pangarap ko habang may natutupad at napapatunayan ako.
Libre lang naman mangarap hindi ba?
Wag kayong magpadala sa mga negatibong sinasabi ng mga tao sa paligid niyo.
Sabihin man nilang imposible ang mga pangarap niyo, nasa sa inyo yan kung
magpapa apekto kayo at susuko o magbibingi-bingihan na lang at magpapatuloy.
Kung ako ang nasa sitwasyon ninyo, tatakpan ko na lang ang tenga ko at
magpapatuloy. Walang kwentang makinig sa mga negatibong sinasabi ng iba.
Gawin mo na lang insipirasyon ang mga sinasabi nila at gawing bala para
magtagumpay sa huli. Makita niyo na lang, nganga sila pag nasa tuktok ka na.
Kung naabot niyo na ang pangarap niyo, wag masyadong mayabang. Pag yan
gumuho, ikaw ang pagtatawanan. Matuto lumingon sa nakaraan o sa pinang
galingan. Kung hindi dahil sa mga nakaraan, wala ka sa iyong kinalalagyan.
O ano kangitian, nakaka relate ka? Kung oo, mabuti naman. Mag-isip ka. Abutin
mo ang dapat abutin. Gawin mo ang mga dapat gawin. Pero tandaan, kapag
gumuguho ang pangarap, hindi solusyon ang pagsuko. Kung gusto mo, unti-unti
mong itayo ulit. Matagal pero nakasisiguro kang matutupad ang lahat ayon sa
iyong kagustuhan.
Magkaroon ng mabuting puso, lahat ay darating sayo sa tamang panahon.

You might also like