Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

AP 6

Learning Area
Learning Delivery Modality Modular Distance Modality(Learning-
Led Modality)
School Grade Level SIX
LESSON Teacher Learning Area AP
EXEMPLAR Teaching Date Quarter Third
Teaching Time No. of Days 1 DAY

I. LAYUNIN
Sa araling ito, ang mga mag- aaral ay inaasahang:

Mapapahalagahan ang iba’t ibang reaksiyon ng mga Pilipino sa mga epekto sa


pagsasarili ng bansa na ipinapahayag ng ilang di-pantay na kasunduan tulad ng
Philippine Rehabilitation Act, Parity Rights at Kasunduang Base Militar.

A. Pamantayang Naipamamalas ang mas malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa


Pangnilalaman pagpupunyagi ng mga Pilipino tungo sa pagtugon sa mga suliranin,
isyu at hamon ng kasarinlan.

B. Pamantayan sa Nakapagpakita ng pagmamalaki sa kontribusyon ng mga nagpunyaging


Pagganap mga Pilipino sa pagkamit ng ganap na kalayaan at hamon ng kasarinlan.

C. Pinakamahalagang Nasusuri ang iba’t ibang reaksiyon ng mga Pilipino sa mga epekto sa
Kasanayan sa pagsasarili ng bansa na ipinapahayag ng ilang di-pantay na kasunduan tulad
Pagkatuto ng Philippine Rehabilitation Act, Parity Rights at Kasunduang Base Militar.
(MELC) (Kung
mayroon, isulat
ang
pinakamahalagan
g kasanayan sa
pagkatuto o
MELC)
D. Pagpapaganang
Kasanayan
(Kung mayroon,
isulat ang
pagpapaganang
kasanayan.)
II. NILALAMAN

Ang Parity Rights at ang Ugnayang


Kalakalan sa Estados Unidos
III. KAGAMITAN Modyul
PANTURO
A. Mga Sanggunian
a.Mga Pahina sa MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCIES(MELC) MATRIX
Gabay ng Guro Page
MODULE
Pages 1-7
b.Mga Pahina sa
Kagamitang Pangmag-
aaral
c. Mga Pahina sa
Teksbuk
d. Karagdagang
Kagamitan mula
sa Portal ng https://lrmds.deped.gov.ph/
Learning
Resource
B. Listahan ng mga
Kagamitang Panturo
para sa mga Gawain Learner’s Packet
sa Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN TDAR
THINK,DISCUSS,ACT,REFLECT
A. Introduction THINK
(Panimula) SUBUKIN
Integration: ARTS

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Lagyan ng R ang patlang


kung ang pahayag ay tumutukoy sa reaksiyon ng mga Pilipino at E kung
epekto ng pagkakaroon ng Philippine Rehabilitation Act, Parity Rights at
Kasunduang Base Militar. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.
_____ 1. Ang batas ay nagdulot ng milyun-milyong dolyar na US para sa
rehabilitasyon ng bansa.
_____ 2 .Pagbabayad sa mga pinsala sa bansa.
_____ 3. Maraming mga Pilipino ang tumutol.
_____ 4. Dumagsa ng mas maraming bilang ng mga produktong Amerikano
sa  pamilihan ng
               Pilipinas.

_____ 5. Nagalit ang maraming Pilipino.


BALIKAN
Integration: AP
B. Development
(Pagpapaunlad)
Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay tumutukoy sa epekto ng Colonial
Mentality ng ikalawang digmaang pandaigdig at isulat naman ang MALI
kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.

_____1. Naiiba ang pakikitungo ng mga anak sa mga magulang.


_____2. Pagbati gamit ang “Hi”.
_____3. Hindi nagbago ang mga pagkaing Pilipino.
_____4. Hindi nasanay ang mga Pilipino noon sa paggamit ng mga bagay na
yari sa
              United States.
_____5.Sumulat ng wikang Ingles ang maraming Pilipino.

DISCUSS
Hinimok ni Manuel A. Roxas ang Kongreso na tanggapin ang
dalawang batas na ginawa ng kongreso ng Amerika-Tyding Act (Philippine
Rehabilitation Law) at Bell Trade Act (Philippine Trade Law).
Mga suliraning kinahaharap ni Pangulong Roxas
1. Pagsasaayos muli ng ekonomiya ng bansa.
2. Panunumbalik ng kaayusan at kapayapaan ng bansa.
3. Pagsasaayos ng kultura ng bansa.
4. Kakulangan sa pagkain, kagamitan at gamot.
5. Krisis pinansyal.

Ano ang Philippine Rehabilitation Act?


Ang Philippine Rehabilitation Act of 1946 ay kilala rin bilang “War
Damage Act”. Ito ay batas na naglalayong magbigay ng tulong pinansyal sa
mga tao o negosyo na naapektuhan ng digmaan ngunit may kasamang
kondisyon. Ang mga kondisyong nakapaloob dito ay:
1. Pagtatag ng Philippine War Damage Commission.
2. Pag-ootorisa sa pamahalaan ng Amerika na ibigay ang surplus
military equipment at property sa pamahalaan ng Pilipinas.
3. Pagbibigay ng karapatan sa mga Amerikano na gamitin ang likas na
yaman ng bansa, kapalit ng tulong pinansyal.

Epekto ng Philippine Rehabilitation Act of 1946


Ang batas ay magdudulot ng milyun-milyong dolyar na US para sa
rehabilitasyon at pagtatayo ng bansa, gayunpaman, bilang kapalit ng tulong
pang-ekonomiya ng Estados Unidos, inilatag ng Estados Unidos ang isang
kondisyon. Ito ay ang tinawag na Parity Rights o pantay na karapatan ng
Pilipinas At Estados Unidos na gamitin at pakinabangan ang mga
mapagkukunan ng bansa, at itatayo ang mga mahahalagang pampublikong
kagamitan sa Pilipinas.

“Reaksyon ng mga Pilipino sa mga Epekto ng Philippine Rehabilitation


Act”
1. Napilitan ang mga Pilipino na sumang-ayon sa kasunduan na
ipinapatupad ng Amerikano.
2. Ang mga Pilipino ay walang pagpipilian ngunit upang baguhin ang
konstitusyon upang bigyan ang mga karapatan ng Parity Rights sa
mga mamamayang amerikano biang kapalit ng pang-ekonomiyang
tulong sa U.S.
3. Nagalit ang mga tao sa ginawa ng pamahalaan sa pakikipag-
ugnayan ng mga Amerikano sa ating bansa.
4. Marami ang tumuligsa sa naipasang batas.

Pag-aralan natin ngayon ang reaksyon ng mga Pilipino sa epekto ng


Parity Rights.

Parity Rights – ay ang patakarang nagbigay ng karapatan sa pantay


na pakinabang sa likas na yaman ng mga Amerikano at Pilipino sa
Pilipinas.

Mabuting Epekto ng Parity Rights


1. Madaling napaunlad nito ang pangangalakal at industriyang
itinayo ng mga Amerikano sa Pilipinas.
2. Dumagsa ang mas maraming bilang ng mga produktong
Amerikano sa pamilihan ng Pilipinas.
3. Nagkaroon ng mabuting ugnayan sa dalawang bansa.

Masamang Epekto ng Parity Rights


1. Nauubos ang ating likas na yaman.
2. Pagsasamantala ng Amerikano sa ating likas na yaman.

Mga Naging Reaksyon ng mga Pilipino sa mga Epekto ng Parity Rights


● Maraming mga Pilipino ang tumutol.
● Ang mga pulitikong Pilipino ay suportado ng mga Amerikano.
● Hindi natuwa ang mga Pilipino dahil sa pagkasira ng kalikasan.
● Natuwa din ang ibang mga Pilipino.

 Pakikipag-ugnayan ng Militar sa United States

Ang pangunahing suliraning hinarap ni Roxas sa kanyang


panunungkulan dahil sa malaking pinsala dulot ng digmaan ay sa
pagsasaka at industriya. Naging malapit ang ating bansa sa United
States noong mga panahong iyon sa paniniwala ni Pangulong Roxas
na ang katatagan ng bansang Pilipinas ay nakasalalay sa
pakikipagkaibigan sa Estados Unidos.
Ipinagpatuloy ang kasunduan ng Pilipinas at Estados Unidos
tungkol sa Base Militar na pirmahan noong Mayo 14,1947 kung saan
binigyan ang Estados Unidos ng karapatang upahan ang mga base
militar sa loob ng 99 na taon. Bukod sa Kasunduang Tulong Militar
(Military Assistance Agreement) na unang nilagdaan noong Marso 21,
1947 ay nilagdaan pa ang isa pang kasunduan noong Agosto 30,1951.
Ito ang kasunduan sa Pagtatanggol sa isa’t isa ( US-RP Mutual
Defense Treaty).
Mga Reaksiyon ng mga Pilipino sa Kasunduang Base Militar
1. Umani ng matinding batikos ang administrasyong Roxas.
2. Nagalit ang mga Pilipino.
3. Mas ginusto nilang gamitin at tangkilikin ang mga gawang stateside
4. Nakalimutan ng maraming Pilipino ang pagtangkilik sa mga gawaing
local

TUKLASIN
ACT
Integration: ARTS
Panuto: Basahin nang mabuti ang mga tanong at isulat sa inyong
kuwaderno ang iyong sagot.
1. Anong bansa ang sinandalan ng bansang Pilipinas sa Pamumuno ni
Pangulong Roxas?
C. Engagement 2. Bakit pinirmahan ng Pangulo ang mga Kasunduan?
(Pagpapalihan) 3. Sa inyong palagay, ano kaya ang maging reaksiyon ng mga Pilipino sa
pagsasandal sa bansang Amerika?

D. Assimilation REFLECT
(Paglalapat)
Panuto: A. Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa iyong kwaderno.

1. Anong mga batas ang hinimok ni Pangulong Roxas na ginawa ng


Kongreso ng Amerika?
A. Rehabilitation Finance Corporation
B. Republic Act No. 34 o Agrarian Reform
C. Report of the Philippine-United States Agricultural Mission 1947
D. Tydings Act( Philippine Rehabilitation Law) at Bell Act( Philippine Trade
Law)

2. Anong batas/kasunduan ang nagsasaad tungkol sa paglinang ng likas


na yaman?
A. Batas Militar C. Base Militar
B. Parity Rights D. Philippine Rehabilitation Act

3. Paano nakaapekto sa ating bansa ang Philippine Rehabilitation Act sa


larangan ng impraestruktura?
A. Maraming gusali ang hindi naisaayos.
B. Nagkaroon ng trabaho ang maraming Pilipino.
C. Gumanda ang hanapbuhay ng mga mamamayan.
D. Naisaayos ang mga nasirang tulay, kalsada at gusali.
4. Ano ang nakasaad sa kasunduan ng Pilipinas at United States tungkol
sa Base Militar na pinirmahan noong Mayo 14, 1947?
A. nakasaad na bibigyan ang United States ng karapatan upahan ang
mga base military sa loob ng 99 na taon.
B. nakasaad na bibigyan ng tulong ang mga military( Military Assistance
Agreement)
C. pagtatanggol sa isa’t isa ( US-RP Mutual Defense Treaty)
D. bawat Pilipino ay bibigyang parusa kung sino ang lalabag sa batas
military.

5. Paano ipinakita ng mga Pilipino ang kanilang reaksyon sa kasunduang


base militar ng Pilipino at Amerikano?
A. Sila ay nagwelga habang nambabato sa embahada ng US.
B. Silay ay nagsayawan at nagkantahan dahil sila ay nasiyahan sa
kasunduan.
C.  Sila ay nagkaroon ng malaking handaan.
D. Sila ay umalis sa ating bansa at doon naninirahan sa ibang bansa.

Pagtataya
Panuto:

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang titik ng


tamang sagot sa iyong kwaderno.
1. Sino ang pangulo na naghimok sa kongreso na tanggapin ang dalawang
batas ng Amerika?
A. Elpidio Quirino C. Rodrigo R. Duterte
B. Manuel A. Roxas D. Emilio Aguinaldo

2. Ano ang batas na naglalayong magbigay ng tulong pinansyal sa mga tao


ngunit
                may kasamang kondisyon?
A. Bell Trade Act
B. National Defense Act
C. Republic Act ng 1987
D. Philippine Rehabilitation Act of 1946
2. Ano kaya ang kahalagahan ng likas na yaman ng Pilipinas sa mga
dayuhang Amerikano?
A.   Mapaunlad ang mga ito.
B.   Mapakinabangan ang mga likas na yaman ng bansa.
C. Ninais ng mga Amerikano na makipagkalakalan dahil dito.
D. Gusto nilang maangkin ang mga likas na yaman ng Pilipinas.
3. Anong batas/kasunduan ang nagsasaad tungkol sa paglinang ng likas na
yaman?
A. Batas Militar C. Base Militar
B. Parity Rights D. Philippine Rehabilitation Act
4. Anong pangyayari ang isang dahilan ng pagsandal ng bansang
Pilipinas sa  Amerika?
A. ang mga mamamayang Pilipino ay magkaroon ng trabaho.
B. magkaroon ng maraming pera ang ating bansa.
C. mabigyang lunas ang mga suliraning kinakaharap ng bansang Pilipinas
      dahilan ng pagkawasak sa digmaan.
D. makuha ang bansang Amerika.

B.
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Isulat angTAMA kung ito
ay nagpapahiwatig ng reaksiyon ng mga Pilipino sa mga Epekto ng
Philippine Rehabilitation Act, Parity Rights, Kasunduang Base Militar at
isulat ang MALI kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.
_____1. Nagkaisa ang lahat ng Pilipino na sundin ang kasunduan.
_____2. Maraming mga Pilipino ang taos pusong sumuporta sa kasunduan.
_____3. Mas malaki ang kinita ng mga Amerikano kaysa sa mga Pilipino.
_____4. Umunlad ang pangangalakal at industriya.
_____5. Umani ng matinding batikos ang administrasyong Roxas.

V. PAGNINILAY
Nauunawaan ko na__________________________________.
Nabatid ko na ______________________________________.

Inihanda ni:
Ipinasa kay:

You might also like