Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 17

8

Araling
Panlipunan
Unang Markahan –
Modyul 6: Ang Ambag ng
Sinaunang Kabihasnan sa
Daigdig

1
Araling Panlipunan-Grade 8
Self-Learning Module (SLM)
Unang Markahan – Modyul 4: Kondisyong Heograpiko sa Panahon ng mga Unang Tao
sa Daigdig
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Kristhel Venus R. Duron


Editors: Fernando L. Nequinto, Emma D. Lumogdang, Emma C. Simson, Catherine M. Sanguinza and
Arcadio De Jesus III
Tagasuri: Evelyn C. Frusa PhD, Rolex T. Lotilla, and Arvin M. Tejada
Tagaguhit:
Tagalapat: Raiza M. Salvaloza
Pabalat na may Malikhaing Disenyo: Reggie D. Galindez
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Crispin A. Soliven Jr., CESE – Schools Division Superintendent
Roberto J. Montero, CESE – Asst. Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Johnny M. Sumugat – REPS, A.P
Belen L. Fajemolin PhD – CID Chief
Evelyn C. Frusa PhD – EPS, LRMS

Printed in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893

2
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa
ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t
ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin
at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na
naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng
mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng
mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman
ng mag- aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang
magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy
o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang
masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita
kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit.
Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito


upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng
hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang


guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin
at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga


tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala
sila sa paaralan.

3
Alamin

Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga iba’t ibang ambag ng mga sinaunang
kabihasnan. Ang mga Sinaunang kabihasnan sa daigdig, partikular sa Egypt,
Mesopotamia, India at China ay nag-iwan nang kahanga-hangang pamanang
maipagmamalaki sa lahat ng panahon at nakapagbibigay ng malaking
kapakinabangan sa pamumuhay ng mga tao sa kasalukuyan. Naglalaman din ito ng
mga nakatakdang pagkakasunod-sunod ng leksyon para lubusang maunawaan at
maintindihan ng mga mag-aaral.

Ang modyul ay may aralin na;

• Aralin 1 – Ang mga Ambag ng Sinaunang Kabihasnan

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. Natatalakay ang mga kontribusyon ng sinaunang kabihasnan.


2. Natutukoy ang mga kontribusyon ng sinaunang kabihasnan na mapapansin
o makikita sa lokal na pamayanan.
3. Natatalakay ang kahalagahan ng kontribusyon ng mga
sinaunang kabihasnan sa daigdig.

Subukin

Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot mula sa
mga pagpipilian. Titik lamang ng tamang sagot ang isulat sa sagutang papel.
1. Ano ang tanyag na gusali sa Babylonia na ipinagawa ni Nebuchadnezzar para
sa kaniyang asawa at kabilang sa “Seven Wonders of the Ancient World” ?
A. Alexandria C. Pyramid
B. Hanging Gardens D. Ziggurat
2. Ano ang tawag sa sistemang panulat ng mga sinaunang tao sa China?
A. Calligraphy C. Hieroglyphic
B. Cuneiform D. Papyrus
3. Alin sa mga sumusunod na epiko ang tungkol sa pagbawi ni Prinsipe Rama
sa asawang si Sita na kinuha ng mga demonyong taga Persia na hanggang sa
kasalukuyan ay itinatanghal pa din sa mga teatro?
A. Mahabharata C. Ramayana
B. Punchatantra D. Upanishad
4. Ano ang pangalan ng unang unibersidad na itinatag sa buong daigdig?
A. Harvard University C. University of Sto. Tomas
B. University of Nalanda D. University of the Philippines
5. Ang tawag sa proseso ng pag-eembalsamo na naging pamana ng mga
sinaunang Egyptians.
A. Amarna C. Glype
B. Faiyum D. Mummification

4
6. Isa sa mga kilalang pasyalang panturismo sa Egypt.
A. Forbidden City C. Iron Pilar
B. Great Wall D. Taj Mahal
7. Saan nagsimula ang sistemang Civil Service na isa sa mga nagiging basehan
ng mga manggagawa sa gobyerno na ginagamit pa hanggang sa kasalukuyan?
A. China C. India
B. Egypt D. Mesopotamia
8. Ano ang kagamitang nabuo mula sa halamang papyrus?
A. Gun powder C. Papel
B. Lexicon D. Seda
9. Paano pinahalagahan sa kasalukuyang panahon ang mga pamana ng mga
sinaunang tao?
A. Karaniwan lamang ang mga nagawa ng mga sinaunang tao kung kaya’t
kaunti ang kanilang mga ambag.
B. Limitado lamang ang kakayahan ng mga sinaunang tao upang
makagawa ng mga kahanga-hangang bagay sa daigdig.
C. Mas maunlad ang mga kabihasnan noon kung ihahalintulad sa mga
kabihasnan sa kasalukuyang panahon.
D. Patuloy na hinahangaan at tinatangkilik ng tao sa kasalukuyan ang mga
pamanang ito.
10. Ano ang isang patunay na kapaki-pakinabang ang mga pamanang inihandog
ng mga sinaunang kabihasnan sa kasalukuyang panahon?
A. Limitado lamang ang naiwang pamana ng mga Olmec dahil sa pagnakaw
ng mga kayamanan at pagkasira ng mga istruktura nito.
B. Madaling unawain ang cuneiform at hieroglyphics na dapat maging
asignatura sa mga paaralan sa kasalukuyan.
C. Patuloy pa ring ginagamit ang papel, compass, at imprentang naimbento
ng mga sinaunang Tsino.
D. Umanib sa mga relihiyong itinatag noong panahon ang mga sinaunang
kabihasnan sa daigdig.
11. Anong imbensyon ng sinaunang tao ang nagpapatunay ng pagkakaroon ng
pakikipagkalakalan at paglalakbay?
A. banga C. gulong
B. tablet at stylus D. sundial
12. Maraming bagay ang naiambag ng mga sinaunang kabihasnan sa atin, lalo
na sa pamamaraan ng pamumuhay natin ngayon. Bilang Ambassador ng
Kasaysayan, paano mo ito maipagmamalaki?
A. Ibebenta ang sinaunang kagamitan sa black market upang kumita ng
malaki.
B. Magsasaliksik at itataguyod ang konserbasyon ng mga pamanang
kultural ng bansa.
C. Susulatan ang mga ito ng marka upang maipakita na ako ay “Batang
Sikat”.
D. Hahayaan na lamang ang mga ito at huwag pakialaman dahil mahirap
balikan ang nakaraan.
13. Taon-taon ay may mga naririnig tayong nagpapaputok. Saan nagsimula ang
pagtuklas ng gunpowder na siyang ginagamit para sa paggawa ng paputok?
A. China C. India
B. Egypt D. Mesopotamia

5
14. Ang Summer ay ang pinakaunang kabihasnan na sumibol sa Mesopotamia.
Sa anong ambag sila nakilala?
A. papel C. ear phones
B. unan D. kalendaryo
15. Lumago ang produksyon ng pananim at lumakas ang kalakalan ng
produktong agrikultura dahil sa pagkakaroon ng sistemang irigasyon, sa
kasalukuyan ang irigasyon ay mainam dahil ________.
A. nakapag-iimpok ng tubig ang mga tao
B. nakababawas ng bayarin sa NIA
C. matitiyak ang suplay ng tubig sa mga sakahan
D. makapagbibigay ng malinis na tubig sa mga malalayong lugar

Aralin Ang mga Ambag ng


6 Sinaunang Kabihasnan

Ang pag-aaral tungkol sa mga ambag ng sinaunang kabihasnan sa daigdig ay may


mga naidudulot din sa kasalukuyang panahon. Alamin natin kung ano-ano ang mga
ito.

Balikan

Sa nakaraang Aralin, iyong nabatid ang mga kabihasnan sa


sinaunang daigdig. Kung ano ang mga naging gawi nila sa mga
aspektong pampulitika, ekonomiya, kultura, lipunan, paniniwala at relihiyon.
Nagkakaiba-iba man sila nagkakaisa padn sa huli. Ngayon naman ating aalamin
kung ano ang mga naiambag nito sa mga tao sa kasalukuyan.

Mga Tala para sa Guro


Ang modyul na ito ay nagla
laman ng mga araling makatutulong
sa pagkatuto ng mga mag
-aaral.

6
Tuklasin

Ang mga sumusunod ay mga pahayag tungkol sa mga ambag ng


sinaunang kabihasnan. Pag-ugnayin ang Hanay A sa Hanay B.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Hanay A Hanay B
A. Amarna Art
1. Dakilang likhang sining ng India
B. Civil Service
2. Dakilang likhang sining ng Mesopotamia Examination
3. Muling pagkabuhay
C. Gilgamesh D.glype
4. Pag-eembalsamo
5. Paglililok
E. Great Wall
6. Pagpapahalaga sa pagiging makatotohanan ng mga
bagay na inilalarawan
F. mummification
7. Pagpili ng mahusay na kawani ng pamahalaan 8. G. papel
Papyrus H.reincarnatiom
9. Simbolo ng kabihasnang China I. Taj Mahal
10. Unang akdang pampanitikan sa buong daigdig J. veda K. ziggurat

Suriin

Ang Ambag ng Kabihasnang Mesopotamia

Nabuo ang kabihasnang Mesopotamia


sa pamamagitan ng panghihiram at pagtataguyod
mula sa mga taong sumakop at nanirahan sa bansa.
Dahil dito malaki ang naging ambag sa
pagpapayaman ng kabihasnang ito. Maraming
naging ambag ang Mesopotamia sa pamumuhay ng
tao katulad na lamang ng mga sumusunod:
paggamit ng gulong; sistema ng pagsulat na
cuneiform; paggamit ng laryong luwad (bricks) sa
Ziggurat
https://www.ancient-origins.net/ancient-
paggawa ng templo at tahanan ; paggamit ng mga
places-asia/great-ziggurat-ur-001767 kagamitang gawa sa bronse; ang kodigo ni
Hammurabi (Code of Hammurabi) na nagsasaad ng
mga karapatan at pananagutan ng mga mamamayan; paggawa ng mga kanal, dike
at irigasyon, sining ng arkitektura na makikita sa mga templong Ziggurat; at and
epikong “Gilgamesh” na kauna-uanahang akdang pampanitikan sa buong daigdig.
Idagdag pa natin ang Hanging Gardens of Babylon na isa sa Seven Wonders of the
Ancient World na ipinagawa ni Nebuchadnezzar II para sa kanyang asawa.
Luminang din sila sa konsepto ng zodiac signs at horoscope.

7
Ang masagana at mayamang lupa ng Mesopotamia
na ambag ng Tigris at Euphrates ay nakahikayat
ng maraming tao upang doon
pumunta ngunit sila ay hindi nagtatagal sa
pamamalagi dahil na din sa pagmamalabis at
pagpapahirap ng mga namumuno kaya
nahahantong sa digmaan. Nagsipag-alsa naman
ang mga tao sa di-makataong pakikitungo ng mga
namumuno sa gitna ng karangyaang namamayani
Cuneiform sa mga nasa taas na lipunan. Marahil kung
https://www.ancient.eu/cuneiform/
nagkaroon lamang ng pagkakaisa, tatagal pa ang
kabihasnang Mesopotamia noong mga panahong
yaon. Ganoon pa man, hindi naman masasabing naging patay ang kabihasnang ito
bagkus nagsilbing pundasyon sa iba sa pagtatayo ng kanilang sariling kabihasnan
at kultura.

Ang Ambag ng Kabihasnang India

Ang kabihasnan ng India ay maipagmamalaki


sapagkat napayaman nito ang kabihasnan ng
Timog-Silangang Asya sa pamamagitan ng
relihiyon, panitikan, sining, at mga gawi. Malaki
rin ang impluwensiya ng India sa kultura ng ibang
bansa tulad ng China, Tibet at Japan. Ang
Hinduism at Buddhism ay naiambag din ng mga
India. Sa kanila din nagsimula ang konsepto ng
Taj Mahal reincarnation o muling pagkabuhay at ang karma,
https://upload.wikimedia.org/wikipedia/com
mons/1/1d/Taj_Mahal_% 28Edited% 29.jpeg na nagsasabing ang ginagawa ng tao sa
kasalukuyang buhay ay maparurusahan o
magagantimpalaan sa susunod nilang buhay. Pagdating sa panitikan mayaman din
ang kabihasnang India. Ibinahagi nito sa sangkatauhan ang kauna-unahang pabula
na “Punchatantra” at ang obra maestrang drama na Mahabharata na tungkol sa
limang prinsipe ng Pandavi at Ramayana na kwento ni Prinsipe Rama at ang pagbawi
sa kanyang asawa na si Sita na kinuha ng demonyo mula sa Persia. Kahanga-hanga
din ang kanilang arkitektura tulad na lamang ng templong Kailsa sa Ellora,
Hyderabad na nakaukit sa bato. Ang kilalang Taj Mahal sa Agra at ang mga palasyo
ng Mogul sa Delhi ay kapahayagan ng dakilang mga likha ng sining sa bansa.
Nakatulong din ito sa pagpapayaman ng maraming kultura sa buong daigdig. Mula
rin sa India ang mga numerong 1 hanggang zero sa Matematika. Ang mga numero
ay hiram lamang sa mga Arabe na nagkalat sa sistemang ito sa kanilang
pangangalakal, kung kaya tinawag na Arabic Numerals. Si Aryabhata ang
nagkalkula sa 𝜋 na 3.1416 at sa isang taon na may 365 na araw. Ang iskolar na ito
din ang nagsabing bilog ang mundo at umiikot sa kanyang axis. Ang pagtayo ng isang
unibersidad na University of Nalanda ang unang unibersidad sa buong daigdig na
nag-alok ng mga kurso sa relihiyon, pilosopiya at sining.
Ang India ay mayroon ding sewerage system ng Mohenjo-Daro. Bukod pa dito and
Mohenjo-Daro at Harappa ay may nakaayos na mga kalsada na parang

8
nagsasalubong na guhit o grid pattern na kung papansinin ang ginagamit din sa
ibang bansa. Mayroon din silang Ayurveda o Agham ng Buhay na isang mahalagang
kaisipang pang medisina sa sinaunag India na nakatuon sa pagpapanatili at
kaligtasan mula sa kasamaan.

Ang Ambag ng Kabihasnang China

Ang Kabihasnang China ay nagpamalas din


ng iba’t ibang kontribusyon sa ating mga tao.
Isa na rito ang paggamit ng tanso na
kapakipakinabang sa lahat ng mga bagay.
Ang paggamit ng mga elepante at karwaheng
hila ng mga kabayo bilang mga sasakyang
pandigma. Ang pagkakaroon ng sistemang
irigasyon at pagkontrol sa tubig baha.
Pagkaimbento ng kalendaryong lunar na
sampung araw ang pinakamalaki, anim na
tigsasampung araw ang bumubuo sa 360
Great Wall of China
https://www.bookmundi.com/t/visiting-the- araw sa loob ng isang taon na karaniwang
great-wall-of-china ginagamit sa mga relihiyosong layunin. Ang
mga pilosopiyang itinatag nina Confucius,
Lao Tzu, Mencius, at Mo Ti. Ang paggamit ng
calligraphy na isang uri ng pagsusulat sa pamamaraan ng pictograph.

Ang pagpapatupad ng Civil Service Examination aynagsimula din sa kanila na


siyang isa sa mga paraan upang makapili ng mahusay na kawani ng pamahalaan.
Ang tanyag na Great Wall of China na may habang 2, 200 kilometro, taas na 7 metro
at lapad na 6 metro. May tore ito sa bawat 9 metro. Ito din ang nagsilbing simbolo
ng kabihasnang China sa loob ng mahabang panahon. Ang pagka-imbento ng papel
noong 105 C.E na siyang naging dahilan din ng pagkalathala ng lexicon o
diksyunaryo. Naimbento din ang paggawa ng porcelain, water-powered mill, wheel
barrow, movable printing o woodblock printing, gunpowder, ceramics , paggamit
ng chopsticks , abacus at pamaypay. Ang pilosopiyang Confucianism at Taoism ay
sa China din nagsimula. Ang paniniwala sa Feng Shui o geomancy ay nagmula rin
sa kanila. Ang kaisipang ito ay ukol sa tamang pagbalanse ng Yin at Yang upang
makapagdulot ng magandang hinaharap sa sinoman. Ang Yin ay sumisimbolo sa
kababaihan - malambot at kalmado. Samantalang ang Yang ay tumutukoy sa
kalalakihan - matigas at masigla.

9
Ang Ambag ng Kabihasnan ng Egypt
Ang kalendaryo na may 365 araw sa isang
taon na hinati sa 12 buwan ay mula sa mga
sinaunang Egyptian astronomo noong 424
BCE. Ginawa nila ito upang masubaybayan
ang paghaba ng Nile.

Nabuo ang sistemang panulat ng mga


sinaunang Egyptians na tinawag na
Hieroglyphics
hieroglyphics o hiroglipiko noong 3000
https://www.flickr.com/photos/andre5/440819611 3
BCE.
Ito ay binubuo ng mga salitang hiero, isang
salitang Griyego na nangangahulugang sagrado o banal, at glype na ang ibig sabihin
ay paglililok. Unang ginamit ng mga pari sa mga ritwal ang hiroglipiko. Binubuo ito
ng mga ideogramo at ponogramo. Mayroon itong 24 simbolo at ang bawat isa ay may
tig-isang titik ng katinig. Bukod sa 24 simbolo, mayroon pang 80 simbolo na may
tig-dalawang katinig.

Ang mga piramide ang kauna-unahang


monumentong bato na nananatili pa hanggang
sa kasalukuyan. Ang pinakamalaking
piramide ay ang Pyramid of Khufu o Cheops
na nasa Giza. Ang pagkakaimbento ng papel
mula sa dahon ng halamang papyrus ay
nagmula rin sa mga sinaunang Egyptians.

Ang mummification o proseso ng


pageembalsamo ay nagsimula noong 2600
BCE sa ilalim din ng pamumuno ni Khufu.
Pyramid of Khufu o Cheops Natagpuan ang pinakalumang mummy sa
https://www.flickr.com/photos/allan_harris/36513411941/
Medum ni Sir Flinders Petrie na tinatayang
inembalsamo noong panahong iyon. Ang
mastaba ay mga naunang bersyon ng piramide. Una itong itinayo sa panahon ni
Haring Djer noong 2900 BCE. Naimbento rin ang araro sa panahong ito.

Pagtatayo ng malaking imbakan ng tubig na tinawag na faiyum na nagtustos ng


tubig sa panahon ng tagtuyot. Ginagamit pa rin hanggang ngayon ang sistemang ito
ng irigasyon.

Amarna art noong panahon ni Ikhnaton na nagpapahalaga sa pagiging


makatotohanan ng mga bagay na inilalarawan. Ang paggamit ng bronseng sandata
sa pakikidigma at mga ornamento katulad ng estatwa ng pusa na matatagpuan sa
piramide ng mga pharoah ay sa kanila din galing.

10
KAHALAGAHAN NG MGA AMBAG NG SINAUNANG
KABIHASNAN

Mahalaga ang mga ambag ng sinaunang kabihasnan dahil kung wala ang mga ito,
walang mga naging basehan ang mga tao sa kasalukuyan kung paano mas
mapapaganda ang dating mga gamit. Tulad na lang halimbawa ng pagka-imbento
ng gulong na dati ay ginagamit lamang sa mga karwahe ngunit ngayon ay gamit na
sa mga sasakyang pangtransportasyon. Mga paraang panulat at pagtala na naging
unang paraan ng komunikasyon at pagtatala ng mga mahahalagang bagay na
nangyari. Kung bibigyang pansin, lahat ng mga nasa paligid natin ngayon, mga gawi,
pamamaraan at nakasanayan ay resulta din ng mga nagawa ng mga sinaunang tao
na hanggang ngayon ay ating pinahahalagahan at patuloy na ipinapasa para sa
susunod na henerasyon pang darating.

Pagyamanin

Gawain 1: Ambag ng Kasaysayan- Pakinabang sa Kasalukuyan


Matapos mong malaman ang mga naiambag ng mga Sinaunang Kabihasnan sa
daigdig, itala sa unang bahagi ng tsart ang mga ambag na tumatak sa iyong isipan.
Sa pangalawang tsart isulat kung ano ang kapakinabangan nito sa kasalukuyan at
kung paano ito nakakatulong sa mga mamamayan.

Kabihasnan Ambag ng Kabihasnan Pakinabang Ngayon

11
Isaisip

Ngayong napagyaman mo na ang iyong kaisipan sa aralin, subukan mong


punan ang pahayag na nasa ibaba.

Bilang isang mag-aaral, napagtanto ko na mahalaga pala ang mga ambag ng


sinaunang kabihasnan _________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________.

Isagawa
Magtala ng mga kapakipakinabang na kagamitan na makikita o
natatangi sa inyong pamayanan. Paghambingin ang bagay na ito sa mga
ambag ng sinaunang kabihasnan.

Noon Ngayon

12
Tayahin

Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong


sagot mula sa mga pagpipilian. Titik lamang ng tamang sagot ang
isulat sa sagutang papel.

1. Anong imbensyon ng sinaunang tao ang nagpapatunay ng pagkakaroon ng


pakikipagkalakalan at paglalakbay?
A. banga
B. tablet at stylus
C. gulong
D. sundial

2. Maraming bagay ang naiambag ng mga sinaunang kabihasnan sa atin, lalo


na sa pamamaraan ng pamumuhay natin ngayon. Bilang Ambassador ng
Kasaysayan, paano mo ito maipagmamalaki?
A. Ibebenta ang sinaunang kagamitan sa black market upang kumita ng
malaki.
B. Magsasaliksik at itataguyod ang konserbasyon ng mga pamanang
kultural ng bansa.
C. Susulatan ang mga ito ng marka upang maipakita na ako ay “Batang
Sikat”.
D. Hahayaan na lamang ang mga ito at huwag pakialaman dahil mahirap
balikan ang nakaraan.

3. Taon-taon may mga naririnig tayong nagpapaputok. Saan nagsimula ang


pagtuklas ng gunpowder na siyang ginagamit para sa paggawa ng paputok?
A. China
B. Egypt
C. India
D. Mesopotamia

4. Ang Summer ay ang pinakaunang kabihasnan na sumibol sa Mesopotamia.


Sa anong ambag sila nakilala?
A. papel
B. unan
C. ear phones
D. kalendaryo

5. Lumago ang produksyon ng pananim at lumakas ang kalakalan ng


produktong agrikultural dahil sa pagkakaroon ng sistemang irigasyon, sa
kasalukuyan ang irigasyon ay mainam dahil ________.
A. nakapag-iimpok ng tubig ang mga tao
B. nakababawas ng bayarin sa NIA
C. matitiyak ang suplay ng tubig sa mga sakahan
D. makapagbibigay ng malinis na tubig sa mga malalayong lugar

13
6. Ano ang tanyag na gusali sa Babylonia na ipinagawa ni Nebuchadnezzar
para sa kaniyang asawa at kabilang sa “Seven Wonders of the Ancient World”
?
A. Alexandria
B. Hanging Gardens
C. Pyramid
D. Ziggurat

7. Ano ang tawag sa sistemang panulat ng mga sinaunang tao sa China?


A. Calligraphy
B. Cuneiform
C. Hieroglyphic
D. Papyrus

8. Alin sa mga sumusunod na epiko ang tungkol sa pagbawi ni Prinsipe Rama


sa asawang si Sita na kinuha ng mga demonyong taga Persia na hanggang
sa kasalukuyan ay itinatanghal pa din sa mga teatro?
A. Mahabharata
B. Punchatantra
C. Ramayana
D. Upanishad

9. Ano ang pangalan ng unang unibersidad na itinatag sa buong daigdig?


A. Harvard University
B. University of Nalanda
C. University of Sto. Tomas
D. University of the Philippines

10. Ang tawag sa proseso ng pag-eembalsamo na naging pamana ng mga


sinaunang Egyptians.
A. Amarna
B. Faiyum
C. Glype
D. Mummification

11. Isa sa mga kilalang pasyalang panturismo sa Egypt.


A. Forbidden City
B. Great Wall
C. Iron Pilar
D. Taj Mahal

12. Saan nagsimula ang sistemang Civil Service na isa sa mga naging basehan
ng mga manggagawa sa gobyerno na ginagamit pa hanggang sa
kasalukuyan?
A. China
B. Egypt
C. India
D. Mesopotamia

14
13. Ano ang kagamitang nabuo mula sa halamang papyrus?
A. Gun powder
B. Lexicon
C. Papel
D. Seda

14. Paano pinahalagahan sa kasalukuyang panahon ang mga pamana ng mga


sinaunang tao?
A. Karaniwan lamang ang mga nagawa ng mga sinaunang tao kung kaya’t
kaunti ang kanilang mga ambag.
B. Limitado lamang ang kakayahan ng mga sinaunang tao upang
makagawa ng mga kahanga-hangang bagay sa daigdig.
C. Mas maunlad ang mga kabihasnan noon kung ihahalintulad sa mga
kabihasnan sa kasalukuyang panahon.
D. Patuloy na hinahangaan at tinatangkilik ng tao sa kasalukuyan ang
mga pamanang ito.

15. Ano ang isang patunay na kapaki-pakinabang ang mga pamanang inihandog
ng mga sinaunang kabihasnan sa kasalukuyang panahon?
A. Limitado lamang ang naiwang pamana ng mga Olmec dahil sa
pagnakaw ng mga kayamanan at pagkasira ng mga estruktura nito.
B. Madaling unawain ang cuneiform at hieroglyphics na dapat maging
asignatura sa mga paaralan sa kasalukuyan.
C. Patuloy pa ring ginagamit ang papel, compass, at imprentang
naimbento ng mga sinaunang Tsino.
D. Umanib sa mga relihiyong itinatag noong panahon ang mga sinaunang
kabihasnan sa daigdig.

Karagdagang Gawain

Gumuhit ng isang bagay na mahalaga sa iyo. Alamin kung saan ito


nanggaling at kung ano ang dulot nito sa iyo, sa mga taong
nakapaligid sayo, at sa lipunan.

15
Susi sa Pagwawasto

Sanggunian
Aklat
Blando, R., Mercado, M., Cruz, M., & Espiritu, A. (2013). Kasaysayan ng Daigdig
(1st ed.). Pasig City.
Cruz, T., Reyes, R., & Lazaro, M. (1992). Araling Panlipunan IV ( Ang Kasaysayan
ng Daigdig) (1st ed.). Quezon City: Vicente Publishing House.
Villoria, E., & Abrecea, M. (2003). Makabayan Serye Daigdig Tungo sa
Globalisasyon (1st ed.,). Quezon City: Vibal Publishing House Inc.
Larawan
The Great Ziggurat of Ur https://www.ancient-origins.net/ancient-places-
asia/great-ziggurat-ur-001767
Cuneiform https://www.ancient.eu/cuneiform/
Upload.wikimedia.org
https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/1/1d/Taj_Mahal_%28Edited%
29.jpeg
Visiting the China Great Wall: All you need to know | Bookmundi
https://www.bookmundi.com/t/visiting-the-great-wall-of-china
Hieroglyphs https://www.flickr.com/photos/andre5/4408196113
Giza https://www.flickr.com/photos/allan_harris/36513411941/
Website
“LR Portal”. (2014). DepEd LR Portal. https://lrmds.deped.gov.ph/detail/6039

16
PAHATID. -LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na
ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman
ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies
(MELCs) ng Kagawaran ng Edukasyon. Iyo ay pantulong na kagamitan na
gagamitin ng bawat mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII
simula sa taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay
tinutukan sa paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Mahigpit
naming hinihimok ang anumang puna, komento at rekomendasyon.

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

17

You might also like